2. Iguhit ang sa patlang kung ang
pahayag ay tama at naman
kung ito ay mali.
3. _____ 1. Ang lokasyon at klima ng isang
lugar ay malaki ang kinalaman sa
pamumuhay ng mga tao.
_____ 2. Sa lalawigan ng Laguna ay
nangunguna ang produksiyon ng palay at
niyog.
_____ 3. Nakakaapekto sa uri ng
produkto sa isang lugar ang uri ng
kapaligiran nito.
4. _____ 4. Kung taglamig ang mga tao ay
nagsusuot ng makakapal na damit upang
hindi sila ginawin.
_____ 5. Sa mga lugar na higit na maulan
kaysa maaraw, abaka, niyog, at palay
ang angkop sa kanilang klima.
5. Nakakita ka na ba ng parada ng mga
lechon?
Saan kaya ito ipinagdiriwang?
8. Sa mga lalawigan sa rehiyon ng
CALABARZON, ang lalawigan
ng Batangas ang may natatangi at
kakaibang kultura. Tagalog ang
wika ng mga Batangueño, ngunit
ang paraan ng pagsasalita nila ay
may mariing punto.
9. Kilala sila pagdaragdag ng salitang
“eh” at “ga” sa pakikipagusap.
Halimbawa ang salitang “Ano ba
yun?” ay magiging “Ano ga un?” at
“Ay oo nga!” ay magiging “Ay, ala oo
eh!” naman.
10. May pamamaraan ang mga
Batangueño na tinatawag na
“Matanda sa Dugo”. Ito ay ang
paggalang sa lahat ng nakakatanda
sa edad kahit may pagkakataon na
magtiyo na mas bata ang tiyuhin.
11. Tradisyon sa kanila ang dapat ang
nakababata ang tumawag ng tiyo
o kuya.
Tulad ng ibang lalawigan sa
rehiyon, meron ding maipagmamalaki
ang mga Batangas pagdating sa
produkto at pagdiriwang. Ito ay ang;
12. Kapeng Barako
Ang kapeng barako ay uri ng kape
na tumutubo lamang sa Batangas at
ilang lugar sa Cavite. Tinawag itong
Barako dahil sa tapang ng lasa nito na
gustong gusto ng karamihang
Batangueño.
13. Ayon sa kanila, mas masarap ihain
ito kung papakuluan sa tubig, lalagyan
lamang ng kaunting asukal at
papanatilihin ang itim na kulay nito.
Para rin sa kanila ito ay nagbibigay ng
tapang at lakas ng loob.
14. Ang kapeng barako ay unang
pinakilala ng mga Kastila noong
panahon ng kanilang pananakop sa
Lipa, Batangas at nagkalaon ay naging
pagmamay-ari ng mga Pilipino. Ang
Batangas ngayon ang isa sa mga
pangunahing lugar buong daigdig na
pinaggagalingan ng kape.
15. Lechon Festival
Ang Lechon Festival o pagdiriwang
ng litson sa Balayan, Batangas ay isa
sa mga pinagmamalaking kultura ng
Batangas. Ito ay ginaganap tuwing ika-
24 ng Hunyo bilang pag-alala sa
kanilang
patron na si San Juan Baustista.
17. Kultura na rin ng mga taga-rito na
habang pumarada ang mga litson ay
nagsasabuyan ng tubig at alak ang mga
tao dahil para sa kanila ito ay pagkilala
nila sa kanilang patron.
18. Anong kultura ang natatangi sa
Batangas?
Anong pagdiriwang ang tanyag sa
Batangas?
Paano mo pahahalagahan ang
sariling kultura natin?
19. Tukuyin kung TAMA o MALI ang
sumusunod na pangungusap tungkol
sa kultura ng lalawigan ng Batangas.
20. 1. Tagalog ang wika ng mga
Batangueño, ngunit ang paraan ng
pagsasalita nila ay may mariing punto.
TAMA
21. 2. Niyog ang natatanging produkto sa
lalawigan ng Batangas.
TAMA
22. 3. Ang paggalang sa lahat ng
nakakatanda sa edad kahit may
pagkakataon na magtiyo na mas bata
ang tiyuhin ay tinatawag na “Matanda
sa Dugo”.
TAMA
23. 4. Ang Lechon Festival o pagdiriwang
ng litson sa Balayan, Batangas ay isa
sa mga pinagmamalaking kultura ng
Batangas.
TAMA
24. 5. Kultura na rin ng mga taga-rito na
habang pumarada ang mga litson ay
nagsasabuyan ng tubig at alak ang
mga tao.
TAMA
25. Buuin ang tsart na naglalarawan ng
kultura sa sariling lalawigan.
29. 1. Lalawigan kung saan ang paraan ng
pagsasalita nila ay may mariing punto.
2. Anong ang ipinaparada ng mga tao
tuwing ika-24 ng Hunyo sa Balayan,
Batangas ay isa sa mga
pinagmamalaking kultura ng Batangas.
30. 3. Ano ang tawag sa pamamaraan
paggalang sa lahat ng nakakatanda sa
edad kahit may pagkakataon na magtiyo
na mas bata ang tiyuhin.
4. Ito ay produktong tumutubo lamang sa
Batangas at ilang lugar sa Cavite.
5. Kilala sila pagdaragdag ng salitang
“_____ at “_____” sa pakikipagusap.
31. Gumawa ng isang maikling talata na
naglalarawan sa kultura ng ating
lalawigan.