6. Heograpiya – ito ay
tumutukoy sa pisikal na
katangian ng isang lugar gaya
ng klima, lokasyon, hugis,
topograpiya, anyong
tubig, anyong lupa, at mineral.
7. Kultura naman ang tawag
sa kaparaanan ng tao sa buhay
at kuro o opinyon ng buong
lipunan na batay sa kanilang
mga karanasan at kinagawian
8. Kabuhayan - ay ang kalipunan
ng mga gawain ng tao,
pamayanan, at institusyon na
may kaugnayan sa paglilikha,
pamamahagi, palitan, at
pagkonsumo ng mga produkto.
9. Karaniwan nang iniaasa ng mga
Pilipino ang kanilang mga pang-araw-
araw na pangangailangan sa kanilang
kapaligiran.
Halimbawa, pagmimina at pagtotroso
ang hanapbuhay kapag sa kagubatan
nakatira. Karaniwan sa mga nakatira dito
ay may mataas na pagpapahalaga sa
kalikasan sapagkat dito sila kumukuha ng
ikabubuhay.
10.
11. Sa kagubatan kumukuha ng
malalaking kahoy para gawing mga
produkto. Sa kagubatan din nakakukuha
ng maraming bungangkahoy. Sa kasalu-
kuyan, mahigpit nang ipinagbabawal ng
ating pamahalaan ang pagpuputol ng
mga puno.
12. Pagsasaka naman ang pangunahing
hanapbuhay ng mga Pilipino na
nakatira malapit sa kapatagan. Sa
lokasyong ito makikita ang kaibahan
ng mga uri ng kabahayan.
13. Karaniwang yari sa bato ang mga bahay
rito. Sa lugar na ito makikita ang pagkakalapit
ng plasa, simbahan, at pamilihan. Makabago na
ang uri ng pamumuhay rito sapagkat karaniwang
itinatayo sa kapatagan ang mga naglalakihang
mall. Ang karaniwang hanapbuhay rito ay ang
pagtratrabaho sa mga pabrika at iba pang
opisina. Kadalasan ding mataas ang populasyon
dito.
14. Mahalagang salik ang lokasyon
sa uri ng hanapbuhay sa isang lugar o
rehiyon. Ngunit kung susuriin, ang
kultura man ay mahalaga ring
isaalang-alang sa pagtukoy sa
ikinabubuhay ng mamamayan ng
isang lugar. Partikular itong makikita
sa ilang pangkat etniko na sama-
samang namumuhay sa iisang
komunidad at may iisa o parehong
paraan ng pamumuhay.
15. Halimbawa ay mga pangkat sa
kabundukan na nakagisnan na ang
pangangaso upang may pagkain,
pagtitinda ng mga bungangkahoy sa
kapatagan upang may maipambili
ng iba pang pagkain, o di kaya’y
paggawa ng katutubong mga
palamuti na ipagbibili sa bayan.
16. Gayundin naman sa mga pangkat na nasa
baybay-dagat o mismong sa katubigan
naninirahan gaya ng mga Samal. Likas sa
kanilang kultura ang paninirahan dito
kaya’t namamayani rin ang pangingisda
bilang pangunahing hanapbuhay ng pangkat
na ito.
17. Magpangkat sa tatlo. Sagutin:
1. Ano-anong salita ang may
kaugnayan sa
heograpiya? (Pangkat I)
kultura? (Pangkat II)
kabuhayan? (Pangkat III)
2. Isulat ang mga sagot sa mga bilog o
cluster map.
18.
19. Sagutin:
a. Sa paanong paraan
nagkakaugnay ang heograpiya sa
kultura? ang heograpiya sa
kabuhayan?
b. Naging salik ba ang uri ng
kabuhayan sa uri ng pamumuhay ng
mga Pilipino? Bakit?
20. GAWIN MO
Gawain A
Magpangkat sa lima.
Bawat pangkat ay
magtatalakayan tungkol sa inyong
mga barangay. Talakayin ang
heograpiya at kultura nito. Siyasatin
kung may kaugnayan ang kultura sa
barangay na ito sa kanilang gawain o
kabuhayan. Iulat sa klase ang
pagkakaugnay na ito.
21. Gawain B
1. Magpangkat sa lima. Balikan ang aralin
12. Pumili ng isang pangkat etniko.
Iugnay ang paglalarawan sa kanila sa
kanilang heograpiya o rehiyon at uri ng
hanapbuhay.
2. Sagutin: Paano nagkakaugnay ang
paglalarawan sa pangkat etniko na
inyong napili sa kanilang heograpiya,
kultura, at uri ng hanapbuhay?
3. Iulat sa klase.
22. TANDAAN MO
Ang lokasyon ay naglalarawan kung
anong uri ng pagkakakilanlan mayroon sa
isang pamayanan.
Inilalarawan din ng lokasyonang uri ng
pamumuhay ng isang lugar.
Mahalagang salik ang kultura sa paraan ng
hanapbuhay at lokasyon ng mga pangkat ng
mamamayan.
May kaugnayan ang lokasyon, kultura at uri
ng kabuhayan sa pagkakakilanlan ng
Pilipino.
23. NATUTUHAN KO
1. Balikan ang dating pangkat.
2. Gumawa ng islogan tungkol sa
pagkakaugnay-ugnay ng lokasyon,
hanapbuhay, at kultura bilang
mahahalagang salik sa pagkakakilanlang
Pilipino.
3. Ipaskil sa loob ng silid-aralan.
24. Takdang Aralin
1. Ano ang kahulugan ng pambansang awit
at watawat bilang mga sagisag ng bansa?
2. Sa paanong paraan higit na maipakikita
ang pagmamahal at paggalang sa ating
watawat at sa pambansang awit?