2. Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pampublikong paaralan upang gabayan ang gurong tagapagdaloy na matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito
3. Ano ang target ko?
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang nagagawa mong:
Mailarawan ang pagkakakilanlang kultural ng
kinabibilangang rehiyon.
Ano ako magaling?
Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Tuwing Enero, ang pagdiriwang na ito ay ginagawa sa
Pandacan.
A. Bambino B. Buling-Buling C. Sunduan
_____ 2. Ang Bailes de los Archos ay isang pagdiriwang sa Makati.
Isa itong ritwal ng papuri at pasasalamat kina Nuestra
Senora dela Rosa at apostoles ____________.
A. Pablo at Pedro B. Pedro at Juan C. Tomas at Mateo
_____ 3. Ang taunang “International Bamboo Festival” ay
ipinagdiriwang sa Lungsod ng _______.
A. Taguig B. . Quezon City C. Las Piñas
_____ 4. Ang “Sta. Anang Banak Taguig River Festival” ay
ginagawa bilang pasasalamat sa patron ng lungsod na
si Sta. Ana. Ang banak ay isang uri ng _______.
A. bulaklak B. gulay C. isda
_____ 5. Ang iba’t ibang uri ng pamaypay na may iba’t ibang
hugis at kulay ay siyang sumisimbolo sa makulay na
kasaysayan at mayamang tradisyon ng mga taga _____.
A. Caloocan B. Cavite C. Taguig
Aralin
3
Ang Kultura ng Aking Rehiyon
4. Ano ang balik-tanaw ko?
Panuto: Isulat ang T kung wasto ang pahayag at M kung di wasto.
_____ 1. Naaayon sa klima at lokasyon ang uri ng pamumuhay ng
mga tao sa isang lugar.
_____ 2. Makapal ang kasuotan ng mga tao sa Maynila dahil
malamig ang klima dito.
_____ 3. Iisa ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa lahat ng
lugar.
_____ 4. Nakakaimpluwensiya ang hanapbuhay, tirahan, kasuotan
at gawain sa pamumuhay ng mga tao.
_____ 5. Mababa at yari sa bato ang mga bahay sa mabagyong
lugar.
Ano ang gagawin ko?
Ano ang nakikita sa mga larawan?
Ano ang ipinakikita ng mga ito na bahagi ng isang lugar?
Ano ang kahulugan?
Ang rehiyon ng NCR ang sentro ng pamahalaan, edukasyon, at
kultura.
Lungsod ng Maynila
Matatagpuan dito ang “Universtiy of Sto. Tomas”, ang
pinakamatandang unibersidad sa bansa. Ang pagdiriwang na
ginagawa sa Pandacan ay ang “Buling-Buling”. Ipinagdiriwang ito
5. tuwing Enero, alas dos ng hapon. Ang mga barangay ay naghahandog
ng sayaw, Ito ay bilang pagpupugay kay Patrong Sto. Nino.
Lungsod Quezon
Sa lungsod Quezon matatagpuan ang Unibersidad ng Pilipinas
at Batasang Pambansa. Nagdiriwang ang mga mamamayan dito ng La
Loma Parada ng Lechon tuwing ikatlong linggo ng Mayo. Nagsimula ito
noong 2000. Kilala ang La Loma bilang “Lechon Capital ng Pilipinas”.
Lungsod ng Las Pinas
Tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ang “Bamboo Organ Festival”.
Ginagawa ito bilang pagkilala sa mayamang kultura nito. Ang Bamboo
Organ ay makikita sa simbahan ng St Joseph. Ang Bamboo Organ ay
ideneklarang Pambansang Yamang Kultural ng Pilipinas noong 2002.
Lungsod ng Makati
Tinaguriang “Financial Center” at dito matatagpuan ang Ayala
Museum. Isang tradisyon ang panatang sayaw o Bailes de los Archos. Ito
ay isang pagdiriwang na ginagawa sa Barangay Poblacion. Isa itong
ritwal na papuri at pasasalamat kina apostoles Pedro at Pablo. Gayundin
kay Nuestra Senora dela Rosa. Ginaganap ito tuwing ika-dalawampu’t
siyam at ikatatlumpu ng Hunyo.
Lungsod ng Navotas
Matatagpuan dito ang pinakamalaking fish port sa bansa. Kilala
bilang kapital ng pangingisda sa Kalakhang Maynila. Ginagawa dito
ang “Pangisdaan Festival” upang palaganapin ang tradisyon ng
lungsod. Maraming gawaing isinasagawa sa isang linggong
pagdiriwang nito.
Lungsod ng Paranaque
Ang kanilang tradisyong nakaangkla sa pananampalatayang
Katoliko ay patuloy nilang pinagyayabong. Tinawag itong “Sunduan”.
Ipinakikita ang pagigiging romantiko ng mga Paraquenos sa kanilang
mga iniibig. Maging ang pagiging maginoo nila.
Lungsod ng Pasay
Ang lungsod kung saan makikita ang Senado at Cultural Center
of the Philippines. Ipinagdiriwang dito ang “Serenata Festival”tuwing ika-
14 ng Pebrero. Ito ay isang serye ng pagtatanghal ng rodalla at brass
band.
Lungsod ng Pasig
Ang “Bambino Festival” ay bersyon ng Lungsod ng Sto. Nino
Festival. Ito ay pagdiriwang na tinatampok ang mga imahe ng batang
Hesus.
Lungsod ng Malabon
Kilala sa industriya ng patis, bagoong at pangingisda.
Ginaganap dito ang “Luglugan Pancit Malabon Festival” ay isang
pagdiriwang sa pagluluto. Ang pagdiriwang ay ginaganap tuwing
Disyembre10. Ito ay bilang pagpupugay sa Our Lady of Immaculate
Conception.Tampok dito ang pagtatanghal ng higanteng bilao ng
6. Pancit Malabon. Makapagpapakain ito ng humigit kumulang walong
libong katao.
Lungsod ng Valenzuela
Ang putong Polo ay isang tanyag na pagkain mula sa lungsod.
Nagaganap ang parada ng puto upang ipagmalaki ang mga bagay
na gawa sa lungsod.
Lungsod ng Taguig
Ang “Sta. Anang Banak Taguig River Festival” ay ginagawa sa
lungsod. Ito ay bilang pasasalamat sa patron ng lungsod na si Sta. Ana.
Ayon sa alamat, bumagsak ang kabuhayan ng mga Taguig noon. Sa
gitna ng paghihirap at kawalan ng pag-asa, si Sta, Ana at ang ang
batang babae na si Maria ay lumitaw. Dinala sila sa ilog na biglang
napuno ng isdang banak.
Lungsod ng San Juan
Ang “Wattah Wattah Festival” ay kilala rin bilang Basaan
Festival. Pinagdiriwang nila ang pagsilang ni San Juan. Ang basahan ay
ginagawa habang inaalala ang buhay at misyon ni San Juan.
Lungsod ng Muntinlupa
“Dinagsa Festival” ay isang pagdiriwang bilang pasasalamat sa
patron ng lungsod ang Sto. Nino de Muntinlupa. Ito ay nagtatampok ng
sayaw sa kalye na nilalahukan ng iba’t ibang sektor suot ang makukulay
na damit.
Lungsod ng Marikina
Ang “Sapatos Festival” ay isang regular na pagdiriwang sa
lungsod. Ito ay naglalayong mapalakas ang industrya ng sapatos
Lungsod ng Caloocan
Ang “Pamaypay Festival” ay isang pistang ginaganap tuwing
Pebrero.Isa itong masayang pagdiriwang na nagpapaalala sa panahon
ng Espanyol.
Lungsod ng Mandaluyong
Ang “Lavandero Festival” ay isang linggong pagdiriwang ng
Mandaluyong. Nakatuon sa tradisyon ng paglalaba sa dating malinis at
malinaw na Ilog Pasig.
Bayan ng Pateros
Nagdirwang ng “Balut sa Puti Festival”. Nais ipagpatuloy ng
mga residente ang tradisyon ng paggawa ng balut. Tampok sa
pagdiriwang ang paligsahan sa pagluluto. Gayundin ang pagkain na
may kinalaman sa iba’t ibang mainit na sarsa at maraming balut.
Sagutin:
1. Anu-ano ang tradisyon at kaugalian ng mga lungsod o bayan ang
natutuhan mo?
2. May kabutihan bang naidudulot ang mga tradisyon at gawaing ito
sa lungsod o bayan?
3. Mahalaga ba sa kanila ang mga gawaing ito? Bakit?
7. Ano pa ang gagawin ko?
Panuto: Itambal ang mga kaugalian/tradisyon sa Hanay A sa
lungsod/bayan kung saan ito ipinadiriwang sa Hanay B.
A B
_____ 1. Dinagsa Festival A. Malabon
_____ 2. Balut sa Puti Festival B. Muntinlupa
_____ 3. Pangisdaan Festival C. Navotas
_____ 4. La Loma Parada ng Lechon D. Paranaque
_____ 5. Sunduan E. Pateros
F. Quezon
B. Panuto: Isulat ang Fact kung wasto ang pahayag at Bluff kung
di wasto.
______ !. Ang UST ang pinakamatandang unibersidad sa bansa
ay matatapuan sa lungsod Quezon.
______2. Ang putong Polo ay tanyag na pagkain sa lungsod ng
Taguig.
______3. Kilala sa industriya ng patis, bagoong at pangingisda
ang Malabon.
______4. Ang “Serenata Festival” ay isang serye ng
pagtatanghal ng rodalla at brass band na isinasagawa
sa Makati.
______5. Kilala sa industriya ng patis, bagoong, at pangingisda
at “Luglugan Pancit Malabon Festival” ang Malabon.
C. Panuto: Isulat ang kaugalian/tradisyon na ipinagdiriwang sa
mga nabanggit na lungsod.
Lungsod Kaugalian/Tradisyon
1. Mandaluyong
2. Marikina
3. Navotas
4. Pasig
5. Pasay
8. Ano ang natamo ko?
Ang bawat lungsod o bayan sa rehiyon ay may iba’t ibang
paniniwala, kaugalian at tradisyon na nakabatay sa kanilang
sariling kultura.
Ano ang kaya kong gawin?
Ang pagdiriwang ay isa lamang pagpapakita ng kultura ng
isang lugar. Pumili ng isang pagdiriwang at ilarawan sa
pamamagitan ng pagguhit.
Kumusta na ang target ko?
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
_______ 1. Isang pagdiriwang ng Mandaluyong na nakatuon sa
sinaunang tradisyon ng paglalaba sa dating malinis at
malinaw na Ilog Pasig.
A. Lavandero Festival
B. Pangisdaan Festival
C. Wattah Wattah Festival
________2. Ang “Balut sa Puti Festival” ay isinasagawa dahil nais ng
mga residente na ipagpatuloy ang tradisyon ng
paggawa ng balut. Saan ito ipinagdiriwang?
A. Makati B. Pasig C. Taguig
________3. Saang lungsod ginagawa ang “Pangisdaan Festival”?
A. Malabon B. Navotas C. Valenzuela
________4. Ito ang produkto ng Valenzuela na ipinaparada upang
ipagmalaki ito na gawa sa lungsod/
A. Balut B. Hopia C. Puto
________5. Ang “Wattah Wattah Festival” ay kilala rin bilang
_________.
A. Basaan Festival B. Lavandero Festival C. Sunduan
9. Ano pa ang kaya kong gawin?
A. Panuto: Pag - isipan ang pinakatanyag na pagdiriwang ng
inyong lalawigan. Paano nag umpisa ito? Sumulat ng limang
pangungusap tungkol sa pagdiriwang upang mailarawan ito.
B. Para sa karagdagang kaalaman, panoorin ang video sa ibaba
gamit ang link.
https://www.youtube.com/watch?v=30Ht22jbKC4
SANGGUNIAN
• Goyal, Mary Ann DG., Gerilla, Emilyn F., Cruz, Cristina DC.,Aralin
Panlipunan 3, Kagamitan ng Mag-aaral pp. 377-392
• Google.com
• https://www.scribd.com
• https://www.youtube.com/watch?v=30Ht22jbKC4
10. EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE
Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM – OIC-SDS
Vice-Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON – SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA – CID Chief
Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS
ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. DANILO S. GUTIERREZ
Writer: CHERYL C. IBARRETA
Content Evaluator:: MA. CORAZON P. JIMENEZ
Language Evaluator: ERWIN DOMINGO
Reviewers: FERDINAND PAGGAO
: MA. CORAZON P. JIMENEZ
Lay-out Artist : CRISELLE G. FERRERAS
MA. CRISTINA M. JAVIER
Illustrators: MELANIE O. ALORRO
MICHELLE B. MANAGUELOD
Content Validator: CAROL C. JINAHON
REYNILDA D. BUNYI
Format and Language Validators: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES
School Head In-charge: JOSEFINA R. GRANADA (Primary)
DR. MA. CHERYL S. FERNANDEZ (Intermediate)
EPS In-charge: MR. FERDINAND PAGGAO, EPS AP
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
For inquiries, please write or call:
Schools Division of Taguig City and Pateros
Gen. Santos Ave., Central Bicutan, Taguig City
Telefax (02) 8533-1458; (02) 8514-7970
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph; division_sds@yahoo.com