2. MGA AWITING BAYAN O
KANTAHING BAYAN
➢Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan
ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga
paksa nito’y nagbibigay hayag sa damdamin,
kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito
ay naglalaman ng pangaral at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa
pagpapaalala sa mga kabataan.
3. Uri ng kantahing bayan
1. Talindaw - Ang talindaw ay awit sa
pamamangka o pagsagwan.
2. Kundiman - ito ay awit sa pag-ibig.
3. Kumintang - ito ay awit sa pakikidigma.
4. Uyayi o Hele - ito ay awit na pampatulog
ng sanggol.
4. ➢Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod;
ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng
paglalakad sa lansangan at marami pang iba.
Mga halimbawa ng kantahing bayan
➢Ako'y Kampupot
➢Alembong
➢Anak dalita
➢Ang Dalagang Pilipina
➢Ang tapis mo inday
➢Bakya Mo Neneng
➢Bayan ko
➢Buhat
➢Carinosa
5. ➢Dahil sa iyo
➢Dalagang Pilipina
➢Dungawin mo hirang
➢Gaano ko Ikaw Kamahal
➢Hahabol-habol
➢Halina sa kabukiran
➢Ikaw ang mahal ko
➢Katakataka
➢Kundiman ng lahi
➢Lambingan
➢Leron, Leron, Sinta
➢Maalaala mo kaya
➢Madaling araw
➢Mutya ng pasig
6. ➢Halina sa kabukiran
➢Nasaan ka irog
➢O maliwanag na buwan
➢Pahiwatig
➢Pakiusap
➢Pamaypay ng maynila
➢Halina sa kabukiran
➢Ikaw ang mahal ko
➢Katakataka
➢Kundiman ng lahi
➢Lambingan
➢Leron, Leron, Sinta
7. ALAMAT
➢Ito ay isang kuwento kung saan nagmumula ang
isang bagay.
➢ang alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga
bagay bagay sa daigdig karaniwang nagsasalaysay
ang mga ito(edmon tuazon)
➢Ang alamat o legend o folklore sa wikang Ingles ay isang
kuwentong maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng
katutohanang tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay,
lugar, pangyayari o katawagan. Karaniwan nang nakapaloob
sa isang alamat ang kagitingan o kabayanihan ng ating mga
ninuno.
8. MGA HALIMBAWA NG ALAMAT
1. Ang isa sa mga halimabawa ng alamat ay " ang
alamat ng pinya"
2. Alamat ng Kasoy
3. Alamat ng Kawit, Cavite
4. Alamat ng butiki
5. Alamat ng Makahiya
Ang Alamat ng Pasas
legend of mariang makiling,legend of mayon
volcano
9. Alamat ng Sampagita
Noon, lahat ng halaman ay may pinagmamalaking kayamanan
tulad ng masarap ng bunga o bulaklak na marikit, mabango at
may kakaibang ganda. Maliban sa isa. Ang Sampagita ay
parating naging tampulang ng katatawanan sa hardin. Parati
siyang inaapi ng mga kasamang halaman. Madalas na
pagmamayabang ng Santan, "Ano ang iyong silbi? Salat ka na
sa ganda, wala pang bulaklak na ipagmamalaki. Hindi tulad ko
na biniyayaan ng makukulay na bulaklak. Ako'y nakakawili."
Kutya naman ng Milegwa "Oo nga, pangit ka na, wala pang
bangong kahali-halina. Amuyin mo ko, ang sarap ng samyo,
ang tamis, ang bango. Mahalaga ako sa mga tao sapagkat
ako ang parating inaalay sa kanilang mga Santo." "Ako rin,"
gatong pa ni Rosas. "Di ba't sadyang ako'y napakaganda?
Ang mga bulaklak ko, pula, puti man o dilaw, sikat na
panregalo sa mga dalaga.
10. E ikaw para saan ka? Hindi ka dapat sa amin sumasama."
Tawanan ang mga magagandang halaman. Araw-araw,
ganito ang kanilang usapan. Isang araw, hindi na
makapagtimpi ang kawawang Sampagita. Nagtangis,
nakiusap, nagmakaawa sa mabait na Bathala. "Panginoon,
bakit naman ganoon? Ano nga ba ang silbi ko? Ako'y abang
halaman lamang."
Narinig ng Bathala ang tangis ng naaping Sampagita. Awang-
awang nagwika, "Iha, tumigil ka na sa pag-iyak, bibiyayaan
kita ng bulaklak na kaiingitan nila." Dumakot siya ng mga
bituin sa langit at saka ito dinurog. Bawat isa nito ay kanyang
hinalikan bago isinaboy sa humihikbing Sampagita.
Ang bawat bituin ay naging munting puting bulaklak na
sadyang napakatamis ng samyo. Ang kanyang mga bulaklak
ay naging paborito ng mga tao, pangkuwintas sa mga dalaga
at bisita at pang-alay sa mga Santa. Nahigitan ng Sampagita
ang lahat ng nangungutyang halaman. Siya pa ang tinanghal
na pambansang bulaklak ng bayang sinisinta.
11. Anekdota
➢ito ay isang mahabang salaysaying nahahati sa
mga kabanata.Hango sa tunay na buhay ng tao
ang mga pangyayari at sumasakop sa mahabang
panahon.Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
12. Anekdota
(Bukas ay sasapit sa liwayway na nakasilip)
Lumipas ang maraming taon ng iyong pag-hihirapNakaraan
na ang madilim na kahapon ng iyong hinaharapNgunit tila
hinihila ka sa nakalipas mong bangu-ngot.Unti-unti kang
sinisira, sinasakop ng iyong sariling patnugotNaglaan ng
buhay ang bayaning sa iyo’y nagtanggol ng tapatNagpukaw
sa kamalayan upang ika’y mapalaya’t
mapaglingkuranHinirang mo ang bayanihan sa puso’t diwa
ninumanMaging sa kasalukuyan kini-kimkim ang
magandang kinagisnan Malaya ka na sa gapus na iniwan
ng panahonsubalit bakas pa rin ang inukit na hirap ng iyong
kahaponKalian pa masusupil ang karimlan sa iyong
ngalanKung ang diwa mo’y di-masimsim ni mahagkan ng
sariling mamamayan.
13. Araw na sumisikat, bituin mong sumisinag
Kalian makakamtan ang bughaw na liwanag
Sa muling pag-danak ng dugo, ito ba ang kasagutan
O’ pagdapit ng dilaw na kalangitan upang iyong maging
himlayan
Umiiyak na langit, nagluluksa ang paligid
Ngunit hindi ang kawal na lubos sa pagmamalabis
Sila na nagtatanggol, sa batas ay suwail
Gobyernong namumuno lantaran ang pagtataksil
Marupok ang kipit ng hukbong sandatahan
Na-isadlak na bayan, walang hapis ang karahasan
Damdami’y nagliliyab sa galit at pangu-ngulila
Pulit-ulit ang mga balitang
14. Nalimot na yaman ng kultura’t kaugalian
Tanging sa aklat lamang nailimbag upang masilayan
Asan ang masaganang lupang inalagaan
Ngayon ay kinu-kupkop, sina-samsam ng lahing dayuhan
Bansang magiliw ang perlas ng silangan
Lupang hinirang sinasambit ng labing nagdaramdam
Kawangis ay isang ibon Malaya sa pag-lipad
Subalit bagwis ay iginapus lingid at huwad na kasaysayan
iwagayway ang damdamin sa silakbot ng lipunan
Itaas mo ang bandila simbolo ay katiwasayan
Palad sa dibdib sabay sa saliw ng pag-ibig
Bigkasin ang panata tumayo ng matuwid
Naghasik na muli ang araw ng kagitingan
15. Nanalaytay sa puso ika’y hindi pababayaan
Gunitain ang nakaraan, hwag talikdan ang kasalukuyan
Bukas ay sasapit sa liwayway na nakasilip
Jaype Amparo
➢Ito ay isa sa mga halimbawa ng anekdota na kung saan ay
sinasabi na laging mayroong pag-asa sa bawat paghihirap
at pasakit na hinaharap.
16. Pabula
➢Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung
saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan.
➢Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na
tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap
sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may
dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin
ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga
ginagawa ng mga tao.
➢Ang anekdota ay isang maikling kuwento ng isang
nakakawiling insidente sa buhay ng isang tao.
➢Ang pangunahing layon ng isang anekdota ay ang
makapaghatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan
ng aral. Ito'y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
17. Ito ay isang kuwentong bayan na kung saan ang mga
tauhan ay mga hayop na nagsasalita at kumikilos na parang
tao,tulad ng kuwento ng pagong at matsing.
Ito ay bahagi ng ating matandang panitkan na mula pa sa
panahon ng ating mga ninuno at ito'y nagpalipat- lipat sa
bibig ng mga salinlahi na nag-iiwan ng gintong aral o
kakintalan sa isipan ng mga mambabasa sa bawat wakas
nito.
Kuwento na ginagampanan ng mga hayop na may asal ng
tao at may gintong aral sa bawat wakas ng estorya
Kahulugan ng pabula
18. ➢Ang Pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga
tauhan ay mga hayop na kumikilos at nag-aasal na parang
tao. Ito ay nagbibigay ng moral na aral sa mga batang
mambabasa. Patuk na patok sa mga bata ang ganitong uri
ng kwento sapagkat napupukaw ang kanilang atensyon sa
mga karakter na bumubuo sa istorya.
➢Noong unang panahon ginamit na tauhan ang mga hayop
upang makaiwas sa pagkakaroon ng alitan ng mga tao nang
dahil sa maling akala na ang kanilang lahi o lipi ang
tinatalakay o pinupuna sa kwento.
➢Ito ay kadalasang naglalaman ng mga aral tungkol sa
kabutihang asal ng isang tao na madalas na ding gamitin sa
panahon ngayon upang turuan hindi lang ang mga bata
kundi pati ang mga matatanda.
19.
20. Si Pagong at Si Matsing (Isang Pabula)
Sina Pagong at Matsing ay matalik na magkaibigan. Mabait at
matulungin si Pagong, subalit si Matsing ay tuso at palabiro.
Isang araw sila ay binigyan ni Aling Muning ng isang supot ng
pansit. “Halika Matsing, kainin natin ang pansit” nag-aayang
sabi ni Pagong
“Naku baka panis na yan”sabi ni Matsing
“Ang nabuti pa, hayaan mo muna akong kumain n’yan para
masiguro natin na walang lason ang pagkain” dagdag pa nito.
“Hindi naman amoy panis Matsing at saka hindi naman
magbibigay ng panis na pagkain si Aling Muning” sabi ni
Pagong
“Kahit na, ako muna ang kakain” pagmamatigas ni Matsing
21. Walang nagawa ang kawawang Pagong kundi pagbigyan
ang makulit na kaibigan. Naubos ni Matsing ang pansit at
walang natira para kay Pagong.
“Pasensya ka na kaibigan, napasarap ang kain ko ng pansit
kaya wala ng natira. Sa susunod ka na lang kumain”
paliwanag ng tusong matsing.
Dahil sa likas na mabait at pasensyoso si Pagong, hindi na
siya nakipagtalo sa kaibigan.
Sa kanilang paglilibot sa kagubatan, nakakita si Pagong ng
isang puno ng saging.
“Matsing! Matsing! tignan mo ang puno ng saging na ito.
Maganda ang pagkakatubo. Gusto ko itong itanim sa aking
bakuran para pag nagkabunga ay makakain natin ito”
masayang sabi ni Pagong
“Gusto ko rin ng saging na ‘yan Pagong, ibigay mo na lang
sa akin”sabi ni Matsing
22. Pasensya ka na, gusto ko rin kasi nito.Kung gusto mo
hatiin na lang natin.”
“Hahatiin? O sige pero sa akin ang itaas na bahagi. Ung
parte na may mga dahon ha?” nakangising sabi ni Matsing
“Ha? sa akin ang ibabang bahagi?tanong ni Pagong
“Oo, wala akong panahon para magpatubo pa ng dahon ng
saging kaya sa akin na lang ang itaas na parte”sabi ni
Matsing
Umuwing malungkot si Pagong dala ang kalahating bahagi
ng saging na may ugat. Samantalang si Matsing ay
masayang umuwi dala ang madahon na bahagi ng puno.
Inalagaan ni Pagong ang kanyang halaman. Araw-araw
dinidiligan niya ito at nilalagyan ng pataba ang lupa.
Ganoon din ang ginawa ni Matsing. Subalit makalipas ang
isang linggo, nalanta ang tanim na saging ni Matsing.
23. Si Pagong naman ay natuwa nang makita ang umuusbong
na dahon sa puno ng saging. Lalo nitong inalaagaan ang
tanim hanggang sa mamunga ito nang hitik na hitik.
Nainggit si Matsing nang makita ang bunga ng saging sa
halaman ni Pagong.
“Aba, nagkabunga ang tanim mo. Paano nangyari iyon? Ang
aking tanim ay nalanta at natuyo”sabi ni Matsing
“Inalagaan ko kasi ito ng mabuti. Sabi ni Mang Islaw
Kalabaw, malaki ang pag-asang tutubo ang bahagi ng
halaman na pinutol kung ito ay may ugat” paliwanag ni
Pagong
“hmp kaya pala nalanta ang aking tanim”nanggigil na sambit
ni Matsing
“Mukhang hinog na ang mga bunga nito. Halika, kunin natin”
anyaya nito
24. Gusto ko sana kaya lang masyadong mataas ang mga bunga. Hindi ko
kayang akyatin.”sabi ni Pagong “Kung gusto mo, ako na lang ang aakyat,
ibibigay ko sa iyo ang lahat ng mga bunga. Basta’t bigyan mo lang ako ng
konti para sa aking meryenda” sabi ni Matsing Pumayag si Pagong sa
alok ni Matsing. Subalit nang makarating na si Matsing sa taas ng puno.
Kinain niya lahat ng bunga ng puno. Wala itong itinira para kay
Pagong.“Akin na lahat ito Pagong. Gutom na gutom na ako. Kulang pa ito
para sa akin. Hahaha!” tuwang-tuwang sabi ni Matsing.Nanatili sa itaas
ng puno si Matsing at nakatulog sa sobrang kabusugan.Galit na galit si
Pagong sa ginawa ni Matsing. Habang natutulog ito, naglagay siya ng
mga tinik sa ilalim ng puno. Nang magising si Matsing ay nakita niya ang
mga tinik kaya’t humingi ito ng tulong kay Pagong. “Pagong, tulungan mo
ako! Alisin mo ang mga tinik na ito. Malapit ng dumilim at mukhang uulan
ng malakas”pagmamakaawa ni Matsing“Ayoko! Napakasalbahe mo. Lagi
mo na lang akong iniisahan! Aalis muna ako. mukhang malakas ang ulan.
Sa bahay ni Aling Muning muna ako habang umuulan.” sabi ni Pagong
sabay alis papunta sa bahay ni Aling MuningMakalipas ang ilang sandali,
nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Walang nagawa si Matsing
kundi bumaba sa puno ng saging.
25. “Arrrraayyy! Aaaarayy! natutusok ako sa mga tinik Arrrrrrrrruuyyyyyy!!!!”
daing ng tusong matsing.“Humanda ka bukas Pagong. Gaganti ako sa
ginawa mo sa akin”bulong nito sa sarili.Kinabukasan, kahit mahapdi pa
rin ang mga sugat ni Matsing, ay hinanap niya si Pagong. Nakita niya
itong naglalakad sa may kakahuyan. “Hoy Pagong humanda ka
ngayon!” galit na sabi ni Matsing sabay huli sa pagong.“Anong gagawin
mo sa akin?” takot na tanong ni Pagong.“Tatadtarin kita ng pinong
pino”sabi ni Matsing.Nag-isip ng paraan si Pagong para maisahan ang
tusong matsing.“Oo sige tadtarin mo ako ng pinong-pino at pagjputol
putullin nang sa gayon ako ay dadami at susugurin ka namin ng mga
parte ng katawan kong pinutol mo hahaha”sabi ni Pagong.Nag-isip ng
malalin si Matsing.“Haha, susunugin na lang kita hanggang sa maging
abo ka” sabi ni Matsing
“Hindi ka ba nag-iisip Matsing? Hindi kami tinatablan ng apoy! Nakikita
mo ba ang makapal at matibay kong bahay? Kahit ang
pinakamatinding apoy ay walang panama dito” pagyayabang ni
Pagong.Nag-isip na naman ng malalim si Matsing. Hanggang sa
maisipan niyang pumunta sa dalampasigan.“Tignan natin kung saan
ang tapang mo. Itatapon kita dito sa dalampasigan hanggang sa
malunod ka! Hahaha!” sabi ni Matsing
26. Lihim na natuwa si Pagong. Nagpanggap itong takot sa
dalampasigan.“Naku huwag mo akong itatapon sa dalampasigan.
Takot ako sa tubig at hindi ako marunong lumangoy. Parang awa mo
na…” pagmamakaawa ni Pagong.Tuwang-tuwa si Matsing sa
pagaakalang magagantihan na niya si Pagong. Todo lakas niya itong
itinapon sa dalampasigan. Nagulat ito nang makitang marunong
lumangoy si Pagong. Ang bilis-bilis ng pagkilos ni Pagong sa tubig.
Kung mabagal ito sa lupa, ay parang ang gaan ng katawan nito sa
tubig.“Hahaha. Naisahan din kita Matsing. Hindi mo ba alam na
gustong-gusto ko ang lumagoy sa dalampasigan at magbabad sa
tubig? Salamat kaibigan!!! natutuwang sabi ni Pagong.Malungkot na
umuwi si Matsing. Naisip niya na napakasakit pala na maisahan ng
isang kaibigan. Naramdaman niya kung paano masaktan kapag
naloloko ng isang kaibigan. Mula noon nagbago na si Matsing. Hindi
na sila muling nagkita ni Pagong.
Sabi nga:
Tuso man ang matsing, naiisahan din
- W A K A S -