ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
mga awiting-bayan.ppt
1.
2. soliranin = awit ng mga mangingisda
talindaw = awit ng mga bangkero
diona = awit sa mga ikinakasal
oyayi = awit pampatulog sa mga bata
3. kumintang = awit sa digmaan
dalit = awit sa simbahan
sambotani = awit sa tagumpay sa
pakikidigma
kundiman = awit ng pag-ibig
Ito ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao, mga
kaisipan at damdamin ng bayan . Ito’y
kasasalaminan ng kalinangan ng lahi.
4. Tatlong dahilan ng kahalagahan ng
pag-aaral ng mga Kantahing-bayan
1. Ang mga kantahing-bayan ay
nagpapakilala ng diwang makata.
2. Ang mga kantahing-bayan natin ay
nagpapahayag ng tunay na kalinangan ng
lahing Pilipino.
3. Ang mga kantahing-bayan ay mga bunga
ng bulaklak ng matulaing damdaming
galing sa puso at kaluluwang bayan.
6. Karunungang-bayan
Ang mga unang tula ng mga Pilipino ay
mga karunungang-bayan na binubuo ng mga
sumusunod:
Salawikain (proverbs, maxims, epigrams=
Ito ay mga butil ng karunungang hango sa
karanasan ng matatanda, nagbibigay ng
mabubuting payo tungkol sa kagandahang-
asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga
kaugalian at karaniwang patalinhaga.
7. Mga Halimbawa :
1. Sa paghahangad ng kagitna
isang salop ang nawala. 2. Kung hindi ukol
ay hindi bubukol.
3. Utos na sa pusa,
utos pa sa daga.
4. Ang maniwala sa sabi-sabi
ay walang bait sa sarili.
5. May tainga ang lupa,
may pakpak ang balita.
8. Palaisipan = Ito ay nakapupukaw at
nakahahasa ng isipan ng tao, katulad
ng bugtong, ito ay nangangailangan ng
talas ng isip.
Bugtong = bugtong ay isang uri ng
panitikan na kawili-wili. Ito ay paraan
ng pagpapalawak ng talasalitaan at
pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na
pasalin-salin sa bibig ng mga tao.
9. Ang bugtong ay ginagawa sa
mga pagtitipon tulad ng lamayan
ng patay, paggigiik ng palay,
tulungan tulad ng pagbubuhat ng
bahay o BAYANIHAN at
paghahasik ng punla. Ito ay may
tugma at talinhaga at
kapupulutan ng mahahalagang
butil ng karunungan.
10. Kasabihan= ang mga kasabihan ay maiigsing pahayag ng mga
pangkalahatang katotohanan, mga batayang tuntunin, o mga alitununin
ng kaasalan . Ito ay maaaring patula o tuluyan, may himig pagbibiro o
panunukso sa unang panahon. Ito ay maitutumbas natin sa “Mother
Goose Rhymes”.
Mga Halimbawa :
1. Putak, putak, 2. Tiririt ng maya,
Batang duwag! Tiririt ng ibon,
Matapang ka’t Ibig mag-asawa’y
Nasa pugad! Walang ipalamon.
3. Bata, bata 4. Tiririrt ng ibon,
Pantay-lupa Tiririt ng maya,
Asawa ng Palaka! Kaya lingon nang lingon
Hanap ay asawa.
11. Bulong = ito ay isang matandang
katawagan sa orasyon noong sinaunang
tao sa kapuluan ng Pilipinas, anyong
padasal.