3. kahulugan
Ang Tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao.
Ito ay binubuo ng mga saknong at ang
mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man
ay nararapat magtaglay ng magandang
diwa at sining ng kariktan.
4. Sinasabing may magandang diwa ang
isang tula kung may makukuhang
magandang halimbawa dito. May
sining ng kariktan naman kung ang
pananalitang ginamit ay piling-pili at
naaayon sa mabuting panlasa.
6. Mga Sangkap ng Tula
1. Sukat. Ang sukat ay bilang ng
pantig sa bawat taludtod sa isang
saknong. Ang bawat taludtod ay
maaaring magkaroon ng walo,
labindalawa, labing-anim, o
labingwalong pantig.
7. Mga Sangkap ng Tula
2. Tugma. Ang tugma ay
pagkakatulad ng tunog ng
mga huling pantig sa bawat
taludtod. May tatlong uri ng
tugma:
8. a. Karaniwang tugma (ordinary rhyme). Kung ang
bigkas na malumay at mabilis o malumi at maragsa ay
magkasama sa huling pantig ng mga taludtod sa isang
saknong, ito ay karaniwang tugma.
b. Ganap na tugma (exact rhyme). Sa ganap na tugma,
ang huling pantig ng bawat taludtod ay nagtatapos sa
isang tunog.
c. Tugmaang di-ganap. ang mga taludtod ay
nagtatapos sa katinig bagamat may iisang uri ng patinig
sa loob ng pantig ang huli namang titik ay magkakaiba.
9. Karaniwang Tugmang Patinig
SA LOOB AT LABAS NG BAYAN KONG SAWÌ,
KALULUHA’Y SIYANG NANGYAYARING HARÌ,
KAGALINGA’T BAIT AY NILULUGAMÎ,
ININIS SA HUKAY NG DUSA’T PIGHATÎ.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)
-Ang mga salitang pantugmang ‘sawì’, “harì”, “nilulugamî”, at
“pighatî” ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na i at pare-
parehong may impit ang tunog sa dulo.
10. Karaniwang Tugmang Patinig
ANG SALITA NATI'Y HUAD DIN SA IBÁ,
NA MAY ALFABETO AT SARILING LÉTRA,
NA KAYA NAWALA'Y DINATNAN NG SIGWÁ
ANG LUNDAY SA LAWA NOONG DAKONG ÚNA.
(Jose Rizal (?), "Sa Aking Mga Kabata," 1869)
-Ang mga salitang pantugmang “ibá”, “letra”, "sigwá“, at
"úna" ay pare-parehong nagtatapos sa patinig na a at
pare-pareho ring walang impit ang tunog sa dulo.
11. Tugmaang Ganap Katinig
Pakinggan mo aking bunso itong mga sasabihin
Na sa aking katandaa’y parang huling habilin
Sa puso mo ay ingatan, at sa diwa’y kandilihin
Balang-araw ay tutubo’t parang utang na singilin.
-Ang mga taludtod ay nagtatapos sa katinig o impit na
tunog at sa gayon ay mayroong ganap na
pagkakatugmaan ang huling pantig ng mga taludtod ng
tula.
12. Tugmaang di-ganap
Halimbawa:
May isang lupain sa dakong Silangan
Na nag-aalaga ay sikat ng araw
Kaya napatanyag ay sa kagandahan
At napabalita sa magandang asal.
13. Mga Sangkap ng Tula
3. Kariktan. Ang kariktan ay kagandahan ng
isipan at diwang inilalarawan sa tula. Kasama na
rin dito ang kagandahan ng mga pananalitang
pinili ng makata upang iangkop sa isipan o
diwang ipinahahayag ng mga taludtod.
14. Mga Sangkap ng Tula
4. Talinghaga. Ang talinghaga ay mga pahayag
na may mga nakatagong kahulugan o di-
tuwirang tinutukoy. Maaaring ang sinasabing
“naggagandahang bulaklak sa hardin ang aking
daigdig” ay ang magagandang dalaga sa
kaniyang ginagalawang lipunan.
15. Uri ng Tula
Ang Tula ay may apat na uri at bawat isa sa mga uring
ito ay may kaniya-kaniyang bahagi. Ang mga uri ng tula
ay ang sumusunod:
Tulang Liriko o Tulang Damdamin
Tulang Pasalaysay o Narrative Poetry
Tulang Patnigan at
Tulang Pantanghalan o Padula
16. Tulang Liriko
(lyric poetry) – Ito ay nagtataglay ng
mga karanasan, kaisipan, guniguni,
pangarap at iba’t ibang damdaming
maaaring madama ng may-akda o ng
ibang tao. Ito ay maikli at payak.
17. Tulang Liriko
Liriko ang tinatawag ng
mga Griyego sa tulang
inaawit sa saliw ng lira.
Ang tulang liriko ay may himig
awit pa rin hanggang ngayon…
18. Bukod sa mayamang damdamin, ang
iginaganda ng tulang liriko ay ang
indayog ng mga taludtod at ang
pagsising-isang tunog ng mga huling
pantig bukod pa ang paggamit ng maririkit
na paglalarawan.
19. Uri ng Tulang Liriko
Awit – Ang karaniwang pinapaksa nito
ay may kinalaman sa pag-ibig,
kabiguan, kalungkutan, pag-asa,
pangamba, poot at kaligayahan.
20. Uri ng Tulang Liriko
Soneto – Nagtataglay ito ng mga
aral ng buhay, may labing apat na
taludtod; ang nilalaman ay tungkol
sa damdamin at kaisipan at may
malinaw na kabatiran sa likas na
pagkatao.
21. SONETO
Para sa Makatang Makabayan
Ni RON DE VERA
kung wika ang sandata at tugmaan ang digma
gawan ng sarswela ang aping magsasaka
ikuwento ang buhay ng nasa selda
at ipagbalagtasan ang tunay na paglaya
kung lapis ang sandata at nasa papel ang digma
sumulat ng tula para sa mga nawawala
gawan ng dalit ang pinatay na walang aba
at bumuo ng nobela tungkol sa pakikibaka
kaya’t pulutin ang sandata at mamuno sa digmaan
pagka’t tula mo’y di lang pang silid-aklatan
ang sinulat mo’y mumulat ng kaisipan
makata ng bayan, may lugar ka sa kilusan
ang obra mo ngayo’y di na lang pang libangan
makata ng bayan, ngayon ay lumalaban!
22. Uri ng Tulang Liriko
Oda – Ito ay pumupuri sa sa mga
pambihirang nagawa ng isang tao o grupo
ng mga tao, masigla ang nilalaman at
walang katiyakan ang bilang ng mga
pantig sa bawat taludtod.
23. Oda Para Kay Inay
muli, inaasam-asam ko
ang pagkakataon
gaya no'ng minsan
isang maaliwalas na hapon
sa may dalampasigan
dahan-dahang huminahon
ang iyong kalooban
tulad ng mga alon
at ako na nasa iyong tabi
ay tila anak ng dagat
na nakasisid ng perlas
nang ika'y mangusap.
24. Uri ng Tulang Liriko
Elehiya/Elegy – Ito ay
tulang may kinalaman sa
guniguni tungkol sa
kamatayan.
25. Uri ng Tulang Liriko
Dalit – Ito ay tulang
nagpaparangal sa Dakilang
Lumikha at may kahalong
pilosopiya sa buhay.
26. Tulang Pasalaysay
Isang tula na may balangkas. Ang tula ay
maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento
na may kaugnayan sa maaaring maging simple
o komplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang
hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng
mga epiko, ballad, idylls at lays.
27. Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko – Isang mahabang kuwento/tula,
kalimitan tungkol sa isang seryosong
paksa na naglalaman ng mga detalye ng
kabayanihan, gawa, at mga kaganapan na
makabuluhan sa isang kultura o bansa.
28. Uri ng Tulang Pasalaysay
b. Awit at Korido – Isang uri ng panitikang
Filipino kung saan ito ay may walong sukat. Ang
tulang korido ay kadalasang mga alamat o
kuwento na galing sa mga bansa sa Europa
tulad ng Pransya, Espana, Italya, at Gresya. Ang
dalawa sa tanyag na korido ay ang Ibong
Adarna at Florante at Laura.
29. Uri ng Tulang Pasalaysay
c. Karaniwang Tulang Pasalaysay –
Ang mga paksa nito ay tungkol sa
mga pangyayari sa araw-araw na
buhay.
31. Francisco “Balagtas” Baltazar, ama
ng balagtasan
a. Balagtasan – Tagisan ito ng
talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pangangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan.
Tulang Patnigan
32. Karaniwang itinatanghal sa teatro. Ito ay
patulang ibinibigkas na kung minsan ay
sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang
awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula na maaaring makatulad ng, o
dili kaya’y sa nagaganap sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
Tulang Pantanghalan
33.
34. Ang Maikling Kuwento ay:
isang akdang pampanitikan na nagsalaysay
nang tuluy-tuloy ukol sa isang pangyayari na
maaaring hango sa tunay na buhay o katha
lamang;
madalas na may isa o ilang tauhan lang,
sumasaklaw sa maikling panahon, may isang
kasukdulan, at nag-iiwan ng impresyon sa isip
ng mambabasa.
35. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwentong Makabanghay – ito’y
nakatuon sa pagkakabuo ng mga
pangyayari. Mahalagang matukoy ang
pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at ang estilo na ginamit ng
may-akda.
36. Halimbawa ng pagtukoy sa
estilong ginamit.
Inilarawan sa unang bahagi ng kuwento ang
sitwasyon ng mga anak at ng ina sa piling ng
asawa/ama. Inilarawan din ang ugali ng ama.
(ginamit ang estilong ito upang mabigyan ng
ideya ang mambabasa sa klase ng pamilyang
itinatampok sa kuwento.)
37. Halimbawa ng pagtukoy sa
estilong ginamit.
Gumamit ng Ikatlong Panauhan ang
may-akda sa pagsasalaysay ng kuwento.
Sa kabuuan ng kuwento, inaalala ng
may-akda ang lahat ng pangyayari sa
buhay ng pamilyang itinatampok.
38. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwentong Nagsasalaysay – Ang uring
ito ay walang katangiang
nangingibabaw, timbang na timbang
ang mga bahagi, hindi nagmamalabis
bagama’t masaklaw, maluwang ang
pagsasalaysay bagama’t hindi
apurahan.
39. Halimbawa
Ang galit ng Alon sa tinig ni Maria
Noong unang panahon,sa isang isla sa gitnang pasipiko ay may
isang uri ng hampas ng alon ang nagbibigay ng takot at pangamba
sa mga tao doon, tinawag nila itong si Haring Alon dahil sa
naglalakihang hampas ng alon nito. Si Maria ay isang anak ng isang
mangingisda na namatay sa gitna ng pasipiko dahil sa hampas ng
mga alon, simula noon ay lagi na siyang pumupunta sa
dalampasigan ng mag-isa at kumakanta at sa tuwing siya ay
kumakanta ay tila tumatahimik ang paligid at nawawala ang mga
hampas ng alon, napansin ito ng matandang nakikinig sa kanya.
Sinabi ng matanda, na may kapang yarihan ang ginintuang tinig ni
Maria. Nagalit ang Haring Alon sa kaniyang pagkahinto sa
paghampas sa lupain ng isla dahil sa tinig ni Maria.
40. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Tauhan – Inilalarawan ang
mga pangyayaring pangkaugalian ng mga
tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa; kapag ang tauhan ang
nangibabaw sa katha.
41. Halimbawa
Nagsimula ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro,
habang kinukwento mula sa pananaw ng isa sa
kaniyang mga estudyante.
Tinatawag siyang ‘Mabuti’ ng kaniyang mga
estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang
mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod
roo’y binudburan rin ng salitang ‘mabuti’ ang mga
sinasabi niya.
42. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katutubong Kulay –
Binibigyang-diin ang kapaligiran at
mga pananamit ng mga tauhan, ang
uri ngpamumuhay, at hanapbuhay ng
mga tao sa nasabing pook.
43. Halimbawa
Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at
maitatangi ang kanilang pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para
silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari.
Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina Pastor at Ore. Pagpapakitang bilis
sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng
dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor, sumusunod
lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila.
Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang
kalabaw ni Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni
Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.
44. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Madulang Pangyayari –
Binibigyang diin ang kapana-panabik at
mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa
tauhan.
45. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Pakikipagsapalaran – Nasa
balangkas ng pangyayari ang
interes ng kuwento sa halip na sa mga
tauhan sa kwento. Ang kawilihan ay
nababatay sa pagsusubaybay sa mga
pangyayari sa buhay ng tauhan.
46. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Kababalaghan – Pinag-uusapan
ang mga salaysaying hindi kapani-paniwala,
kataka-taka at
salungat sa wastong bait at kaisipan.
Karaniwang likha ng mayamang guni-
guni ng may-akda ang ganitong uri ng
kwento.
47. Halimbawa
Minsan noong siya’y labing-pitong taong gulang ay nagawi siya
sa isang parte ng gubat. Dito ay napagtanto niya na ang mga
halaman ay nakagagalaw at ang Tubig Lawa ay pinamamahayan
ng mga kakaibang nilalang. Ang naglalakihang pitak ng bato ay
nakapagsasalita habang ang hangin ay may dala-dalang espiritu.
Sa madilim na parteng ito ng gubat, sumasayaw ang mga puno
kasabay ng mga alitaptap at paniking nakikipag-unahan sa bilis
ng pagbabagong anyo ng sinag-araw.
48. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katatakutan – Naglalaman ng
mga pangyayaring
kasindak-sindak. Damdamin, sa halip
na ang kilos, ang binibigyang-diin sa
uring ito. Pinupukaw ang damdamin
ng mambabasa at ang mahalaga ay
ang bisa at kaisahan.
49. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Katatawanan – Nagbibigay-aliw
at nagpapasaya
naman sa mambabasa. May kabagalan
at ilang paglihis sa balangkas ang galaw
ng mga pangyayari sa uring ito.
50. Halimbawa
Tama nga ang mga taong nakapalibot sa kaniya sapagkat
mayroon itong ginawang kalokohan. Sa may daanan ay nag-iwan
siya ng balat ng saging kayat nadulas ang mga dumaraan. Kaya’t
ang mga dala nilang mga gulay, prutas at mga gamit ay
nangagkatapon. Hinabol si Loren ng mga kawal ng hari upang
siya ay isumbong sa kanyang Ama ngunit masyado itong maliksi
at magaling na magtago. Nagtagal ang habulan sa pagitan ni
Loren at nang mga kawal ng hari hanggang sa sila ay makarating
sa kagubatan. Hindi alam ng mga kawal ng hari na si Loren ay
marami palang mga patibong na nagawa sa loob ng kagubatan
dahil siya ay laging nanduon.
51. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Pag-ibig – Ang
diwa ng kwento ay tungkol sa
pag-ibig ng pangunahing tauhan
at ng kanyang katambal na
tauhan.
52. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwentong Pangkapaligiran – Kung ang
paligid o isang namumukod sa
damdamin ang namamayani;
kwentong karaniwang ang paksa ay
mahalaga sa lipunan. Ito rin ay
kadalasang patungkol sa kwentong
tumatalakay sa kalikasan.
53. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwentong Pampagkakataon –
Ito’y kuwentong isinulat para sa
isang tiyak na pangyayari gaya ng
pasko, bagong taon at iba pa.
54. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Talino – Ang kwentong ito ay punumpuno
ng suliraning hahamon sa katalinuhan ng babasa na
lutasin. Ang may-akda ay lumilikha ng
masuliraning kalagayan sa simula
upang mag-alinlangan ang
mambabasa hanggang sa sumapit ang
oras ng paglalahad. Ang umaakit sa
mambabasa ay ang pagkakabuo ng
balangkas. Ang ganitong uri ng kuwento
ay walang tiyak na katapusan.
55. Uri ng Maikling Kuwento
Kuwento ng Sikolohiko/Pangkaisipan – Ipinadarama
sa mga mambabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap
ng isang pangyayari at kalagayan. Ito
ang uri ng maikling kwentong bihirang
isulat sapagkat may kahirapan ang
paglalarawan ng kaisipan. Sa kwentong
ito, sinisikap na pasukin ang kasuluk-
sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad
ito sa mambabasa.