2. Pagkatapos ng Modyul na ito , ikaw ay inaasahang ;
Nakikilala ang wikang ginagamit sa iba’t ibang
larangan
Nakabubuo ng isang masining na teksto na
nagpapakita ng kalagayang pangwika sa kulturang
Pilipino
Naikapaglilinang ng mga salita sa iba’t ibang larangan.
Naipapakita ang pagkamagalang sa pakikitungo sa
kapwa sa kahit anong sitwasyon
2
3. SUBUKIN
1. Palikuran – banyo o kubeta
A. Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
2. Hiligaynon –“Langga ta gid ka”
A. Dayalek C.Pidgin
B. Etnolek D.Ekolek
3. “Di umano’y -” – Jessica Soho
A. Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
4. 4. Mi nombre – Ang pangalan ko
A.Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
5. “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
A.Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
6. Buenas noches. ( magandang gabi )
A.Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
5. 7. Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
A. Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
8. “Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
A. Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
9. Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
A. Idyolek C.Pidgin
B. Etnolek D.Ekolek
6. 10. huwag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
A. Register C.Sosyolek
B. Idyolek D. Creole
11. Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
A. Register C.Sosyolek
B. Pidgin D. Creole
12. Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init
naman dito!)
A. Register C.Sosyolek
B. Idyolek D. Creole
7. 13. Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.
A. Register C.Sosyolek
B. Idyolek D. Creole
14. Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. ( Suki, bumili ka na ng
paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
A. Idyolek C.Pidgin
B. Etnolek D.Ekolek
15. Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na
pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-
ulan.
A. Idyolek C.Creole
B. Etnolek D.Ekolek
8. REGISTER AT BARAYTI
NG WIKA
Ang Kalagayan ng Wika
Sa panahon natin ngyon, alam naman siguro
nating lahat na mas nangingibabaw ang mga
makabagong teknolohiya na naglipana sa kahit
saang bansa sa buong mundo. Kung kaya`t
marami na sa ating mga kababayan ang
tumatangkilik dito.
Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan
ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay nagsilbing daan para
magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang
bansa. Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging
9. ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon, pakikipag-
ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Sa pagbabago ng
henerasyon, marami na rin ang nagbago sa ating ekonomiya lalong-lalo
na patungkol sa ating wika. Nagkaroon na ng mas maraming barayti ng
wika at nagsisimula na ring lumikha ng mga panibagong lenggwahe
katulad nalang ng mga ginagamit ng bakla o “beki” na kadalasan
tinatawag na “beki language”. Marami nang nadulot na impluwensya ang
mga pagbabagon ito lalong-lalo na sa mga kabataan. Nang dahil sa
teknolohiya na nakapaligid sa ating kabataan ngayon, nalipat na ang
kanilang atensyon sa mga bagay na dapat ay hindi mas inuuna o
mahalaga.
Register bilang Espesyalisadong Termino
Mapapansin na ang ilang terminong pang-washing machine at
pang- cellphone ay ginagamit din sa ibang larangan. Mapapansin din
10. kapag ginamit sa ibang larangan ang mga terminong ito, naiiba na ang
taglay na kahulugan ng mga ito.
Halimbawa : Ang Spin sa Washing Machine ay nangangahulugan
ng mabilis na pag-ikot ng makina upang mapiga o matanggal ang
tubig sa mga damit. Samantala sa paggawa ng sinulid,
nangangahulugan ang spin ng paghahabi ng hibla o fiber upang
maging sinulid. Ang text sa Cellphone ay tumutukoy sa ipinapadalang
mensahe. Samantala, sa literatura ang text ay tumutukoy sa ano mang
nakasulat na akda gaya ng tula, alamat atbp. Ang isang salita ay
maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa larangan o
termino ay maaaring magkaroon ng iba't-ibang kahulugan ayon sa
larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register ang tawag sa
ganitong uri ng mga termino.
Tinatawag na register ang mga espesyalisadong termino gaya ng
mga salitang tipiko o teknikal na nagtataglay ng iba't-ibang kahulugan
11. sa iba't-ibang larangan o disiplina. Isa pang halimbawa ng register ang
salitang "kapital" na may kahulugang "puhunan" sa larangan ng
pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod"o
"kabisera" sa larangan ng heograpiya.
Bawat propesyon ay may register o mga espesyalisadong salitang
ginagamit. Iba ang register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang
inhinyero, computer programmer at iba pa. Hindi lamang ginagamit
ang register sa isang partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't-
ibang larangan o disiplina. Espesyal na katangian ng mga register ang
pagbabago ng kahulugang taglay kapag ginamit sa iba't-ibang
larangan o disiplina. Ang register ay itinuturing na isang varayti ng
wika.
Marapat na alam natin ang register ng wika ng sa gayo'y makatulong
ito sa ating pangaraw-araw na pamumuhay at maging suhay ito upang
mas lalong maging mabisa ang ating pagsasalita at sa paggamit nito sa
12. iba't-ibang larangan o disiplina. Kalakip natin ito sa paggamit sa bawat
salitang ating binabanggit, at pakikisalamuha sa ibang tao.
Mangyaring ito ay mapagyaman at mapalawak dahil sa mga termino
ating ginagamit dito natin malalaman ang kaimportansyahan nito.
Ang Rehistro o Register ng Wika
-Ginagamit ang register sa pagtukoy sa mga varayti ng wika ayon sa
gumagamit (Halliday, McIntosh at Stevents, 1994).Bawat pagsasalita o
pagsulat ng isang tao ay isang pag-uugnay ng kanyang sarili sa ibang
tao sa lipunan ng kanyang kinasasangkutan.
Tatlong Dimensyon ng Registe
1. Field – nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng
2k2omunikasyon
2. Mode – tungkol ito sa paraan kung paano isinasagawa ang
komunikasyon , pasalaita man o pasulat
13. 3. Tenor – ayon sa mga relasyon ng mga kalahok.Nangangahulugang
para kanino ito.
Mga Register ng iba’t ibang larangan
100 % ang isang salita ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan
batay sa iba’t ibang larangan.
14. Register bilang barayti ng wika
Ang isang salita o termino ay maaring magkaroon ng ibat-ibang
kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. Register
ang tawag sa ganitong uri ng mga termino. Tinatawag ang mga
espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na
nagtataglay ng ibat ibang kahulugan sa ibat ibang larangan o disiplina.
Halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang
"puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang
"punong lungsod" o "kabisera" sa larangan ng heograpiya.Bawat
propesyon ay may register o espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang sa inhinyero, game
designer at negosyante. Hindi lamang ginagamit ang register sa isang
partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang larangan o disiplina
rin. Espesyal na katangian ng mga register ang pagbabagong kahulugang
taglay kapag ginamit na sa iba't ibang disiplina o larangan
15. Dahil iba iba ang register ng wika ng bawat propesyon at nababago
ang kahulugang taglay na register kapag naiba ang larangang
pinaggagamitan nito, itinuturing ang register bilang isang salik sa
barayti ng wika.
16. Ang pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang
sosyolinggwistik na pinagbatayan ng ideya ng pagiging heterogeneous
ng wika. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aaralan ang isang wika sa
loob ng kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito. Ito ang
nagbubunga ng sitwasyon at mga pangyayaring nagreresulta sa
tinatawag na DIVERGENCE, ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng
iba’t ibang uri o barayti ng wika (Paz, el. al. 2003)
17. Hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng barayte ng wika dahil sa
pakikipag- ugnayan ng tao sa kapwa mula sa ibang lugar na may
naiibang kaugalian at wika.Mula sa pag-uugnayang ito ay may
nalilinang na wikang may pagkakaiba sa orihinal o istnadard na
pinagmulan nito.
Mula pa noon hanggang sa kasalukuyan ay sinikap pag-aralan
ang pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika.Mababangit ditto
ang tungkol sa Tore ng Babel mula sa bibliya sa Geneses 11:1- 9
kung saan sinasabing nagging labis na mapagmataas at
mapagmalaki ang mga ato at sa paghahangad ng lakasat
kapangyarihan , sila ay nagkaisang magtayo ng oteng aabot
hangang langit.Pinarusahan sila ng Diyos sa pamamagitan ng
pagbibigay sa kanila ng iba’t ibang wika.
18. Ang Barayti ng
Wika
1. DAYALEK ▪ Ito ang barayti ng wika na ginagamit ng partikular na
pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan. Maaring gumamit ang mga tao ng isang
wikang katulad ng sa iba pang lugar subalit naiiba ang punto o tono,
may magkaibang katawagan para sa iisang kahulugan, iba ang gamit
ng salita para sa bagay, o magkaiba ang pagbuo ng mga pangungusap
na siyang nagpapaiba sa dayalek ng lugar sa iba pang lugar.
Halimbawa :
Tagalog – “Mahal kita” Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
Bikolano – “Namumutan ta ka” Tagalog – “Hindi ko
makaintindi” Cebuano – “Dili ko kasabot”
19. 2. IDYOLEK - Ito ang dayalek na sinasalita ng pangkat ng mga
tao na mayroong pansariling paraanng pagsasalitaang bawat
isa. Napatunayan nito na hindi homogenous ang wika sapagkat
may pagkakaiba ang paraan ng pagsasalita ng isang tao sa iba
pang tao batay na rin sa kaniya- kanyang inbidwal na estilo o
paraan ng paggamit ng wika kung saan higit siyang
komportableng magpahayag.
Halimbawa:
“Magandang Gabi Bayan” – Noli de Castro
“Hoy Gising” – Ted Failon
“Hindi ka namin tatantanan” – Mike Enriquez
“Di umano’y -” – Jessica Soho
20. 3. SOSYOLEK -Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan
o antas panlipunan o dimesiyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika. Kapansi- pansin ang mga tao
nagpapangkat- pangkat batay sa ilang katangian tulad ng
kalagayang panlipunan, paniniwala, oportunidad, kasarian,
edad, atbp. Magka- iba ang barayti ng nakapag- aral sa hind; ng
babae o sa lalaki; ng matanda sa mga kabataan; ng may kaya sa
mahirap; ang wika ng tindera sa palengke at iba pang pangkat.
Halimbawa :
Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman
dito!)
Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
21. Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na
palatandaan ng istrapikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad
sa pagkakaiba ng paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito
batay sa kanyang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang
kinabibilangan.
Mga Sosyolek na Wika
1.Wika ng Beki o Gay Lingo- ito ay isang halimbawa ng grupong nais
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman binago nila ang
tunog o kahulugan ng salita. Halimbawa: churchchill- sosyal Indiana
Jones- nang- indyan bigalou- Malaki Givenchy- pahingi Juli Andrew-
Mahuli
2.Coñoc (Coñoctic o Conyospeak )-ito isang baryant ng Taglish na
may ilang salitang Ingles na inihalo sa Filipino kaya’t masasabing code
switching na nagyayari. Naririnig sa mga kabataang may kaya at
nakapag-aral sa eksklusibong paaralan.
22. Halimbawa:
Kaibigan 1: Let’s make kain na. Kaibigan 2:Wait lang.
I’m calling Ana
3.JOLOGS 0 “JEJEMON” -ito ay nagmula saltang “jejeje” na isang
paraan ng pagbaybay ng “hehehe” at ng salitang Hapon na”pokemon”.
Ito ay nakabatay sa wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat nang
may pinaghaha- halong numero, simbolo, at Malaki at maliit na titik
kayat mahirap o intindihin lalo na hindi pamilyar ang tinatawag na
jejetyping. Halimbawa: Nandito na ako- “D2 na me’ MuZtaH -
“Kamusta?” iMisqcKyuH - “I miss you” aQcKuHh iT2h - “Ako ito”
4. JARGON- ito ang mga natatanging bokabularyo ng partikular na
pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain.
Halimbawa:
Exhibit, Appeal, Compliant (Abogado)
23. 4.ETNOLEK -Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek
na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng
kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.
Halimbawa: Vakkul- Pantakip sa ulo Bulanon- full moon
Kalipay- tuwa o ligaya Palangga- mahal o minamahal
Halimbawa:
Palangga – Sinisinta, Minamahal Kalipay – saya,
tuwa, kasiya
Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
24. 5. REGISTER ▪ Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang
nagsasalita ang uri ng wikang ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakakatanda, o hindi niya masyadong kakilala.
Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o
pangyayari tulad ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o
pagpupulong, sa mga talumpati, sa korte, sa paaralan atbp. Di- pormal
na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan,
malalapit na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagalna
kakilala.
Halimbawa :
Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit nito
Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
25. 7.PIDGIN
Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding “lengwahe ng wala
ni- numan”. Ginagamit ito sa mga tao na nasa ibang lugar o bansa.
Halimbawa:
Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan
6.CREOLE
Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang
lu- gar hanggang sa naging personal na wika.
Halimbawa:
Mi nombre – Ang pangalan ko
Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong uri ng
mga hayop sa gubatan
26. Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring
tumangging magbago. Ang isangwika ay maaaring nadaragdagan ng
mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng mgatao,
maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.*Ang wika ay kagila-
gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming
salita pa rinang kay hirap ipaliwanag.
Ayon naman sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang
Filipino ay palaging tulad ng ibang wika sa pamamagitan ng pagsalin
ng mga salita galing sa mga katutubo at dayuhang salita sa iba’t- ibang
sitwasyon. Ang pagbabagong nagaganap sa ay marahil dulot ng
pagbabagong ito ng mga suliranin sa pagbaybay sa ortograpiya at
gramatika. Sa patuloy na panghihiram ng mga salita sa ibang wika.
nawawalan ng kakanyahan ang isang wika dahil sa mga katangiang
hinihilaw dito na nagpapabago sa anyo at gamit ng salita.
27. Sa kasalukuyang panahon ay pinag-aralan ang isang wika sa loob ng
kapaligiran at karanasan ng mga nagsasalita nito.
28. TAYAHIN
1. Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng patikular na pangkat ng mga
tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o
bayan.
A. dayalek
B. Sosyolek
C. idyolek
D. Register
2.Ito ang kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika kahit na mayroon
nang sariling dayalek.
A. dayalek
B. Sosyolek
C. idyolek
D. Register
29. 3. Barayti ng wikang nakabatay sa katauuan o antas sa
panlipunan o dimensiyong sosyal ng mgataong gugagamit ng
wika.
A. dayalek
B. Sosyolek
C. idyolek
D. Register
4. Uri ng wikang ginagamit depende sa sitwasyon at kausap gaya
ng mga bata, titser, atbp.
A. dayalek
B. Sosyolek
C. idyolek
D Register
30. 5.Partikular na paggamit ng wika sa isang larangan.
A. dayalek
B. Sosyolek
C. idyolek
D. Jargon
6. Usbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na 'nobody's
native language' o katutubongwikang di pag-aari ninuman.
A. dayalek
B. Pidgin
C. idyolek
D. Jargon
31. 7. Isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus
sa saligang batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang
teritoryo.
A. dayalek
B. Pidgin
C. Wikang Opisyal
D. Jargon
8. Ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga
eskwelahan at ang wika sa pagsulatng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
A. Wikang Panturo
B. Pidgin
C. Wikang Opisyal
D. Jargon
32. 9. Ang pagpapatupad ng iisang wikang panturo sa lahat ng
larangan o asignatura- iisangwika sa larangan ng komersyo,
wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-
araw-araw na buhay.
A. Monolinggwalismo
B. Pidgin
C. Bilinggwalismo
D. Jargon
10. Ang pagkakaroon ng dalawang wikang panturo sa mga paaralan
at wikang opisyal na iiralsa lahat ng mga pormal na transaksyon
sa pamahalaan man o sa kalakalan.
A. Monolinggwalismo
B. Pidgin
C. Bilinggwalismo
D. Jargon