26. Ano ang Tekstong Deskriptibo?
Sinasabing ang teksto ay deskriptibo kung ito ay uri ng tekstong
naglalarawan. Naglalaman ito ng impormasyong ginagamitan ng
mga salitang pantukoy sa katangian ng isang tao, bagay, hayop,
lugar, o pangyayari. Mayaman sa mga salitang pang-uri o pang-
abay ang mga tekstong deskriptibo. Nakatutulong kasi ito sa
malinaw na pagtukoy sa mga katangian.
27.
28. Snail Email Noon, Email Ngayon
Sa mabilis at malawak na pag-usbong ng word wide web (www) sa kasalukuyan, isa sa mga dahilan
kung bakit tinatangkilik ito ng marami ay dahil sa electronic mail. Isa ito sa mga serbisyong ibinibigay ng internet.
Ang mga users nito ay mayroong kakayahang magpadala ng liham sa pamamagitan ng isang online network.
Ang lahat ng proseso ay maisasagawa sa pamamagitan ng computer.
Nagsimula ang serbisyo ng electronic mail noong 1965. Ginawa itong paraan upang makapag-usap ang
maraming gumagamit ng computer mainframe noon. Malaki ang naitutulong ng ArpaNet sa pag-usbong ng e-
mail. Noong 1971, sinimulan ni Ray Tomlinson ang paggamit ng simbolong “@” sa paghahati ng pangalan ng
user at ng ginagamit nitong computer system.
Isang produktibong gamit ang e-mail para sa mga tao. Ngunit ang pakinabang nito ay minsang inaabuso ng
ilan at ginagamit sa ilang mga paglabag. Ang spamming ay ang illegal na pag-aanunsyo sa internet. Ang isang
spammer ay nagpapadala ng milyun-milyong mensahe sa isang araw. Bagamat pumapasok ang mga illegal na
mensaheng ito sa isang junk folder, malaking perwisyo pa rin ang dinudulot ng spams sa isang user dahil sa
pinasisikip nito ang espasyon ng memory ng isang e-mail account.
E-mail na nga ang pumalit sa mga lumang sistema ng postal messages. Mas mabilis nga naman ang
pagpapadala ng electronic mail at mas epektibo pa kung ikukumpara sa mga pisikal na sulat. Kaya ang mga
liham na nakalagay sa sobre ay tinatawag na ngayong snail mail. Maraming kapanibangan ang e-mail sa mga
users ng internet. Ngunit di dapat abusuhin ang paggamit nito.
-hinalaw mula sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Binagong Edisyon) ni Austero, Cecilia S, et.
al. (2009)
29. Mga Tanong
1. Ang seleksyon ay isang tekstong
a. naratibo c. deskriptibo
b. impromatibo d. prosidyural
30. a. e-mail
b. internet
c. computer
d.Postal messages
2. Upang maisakatuparan ang pagpapadala ng
isang user ng mga liham sa mabilis na paraan ay
isinasagawa ito sa
31. 3. Anong talata ang nagpapakita ng
paghahambing at kontras?
a. Una
b. Ikalawa
c. Ikatlo
d. Ikaapat
32. 4. Batay sa seleksyon, ano ang tawag sa mga
nagpapadala ng mga illegal na e-mail sa internet?
a. spam c. spammer
b. spamming d. users
33. 5. Ayon sa seleksyon, ang illegal na pagpapadala ng
anunsyo sa internet ay spamming. Saan napupunta ang
mga spam na anunsyo na maaaring pinasisikip nito ang
espasyo ng memory ng e-mail account ng isang user?
a. spam file
b. junk folder
c. file manager
d. e-mail file
34. URI NG PAGLALARAWAN
A.Karaniwang Paglalarawan= Literal at pangkaraniwang gumagamit ng
paglalarawan
Halimbawa:
Paningin – matangkad na lalaki
maganda ang mga mata
Pandinig – maingay ang plasa
mahina ang iyong boses
Panlasa - maasim ang sinampalukan
matamis ang tsokolate
Pang-amoy – mabango ang nilabhan
mabaho ang basurahan
Pandama – mahapdi ang sugat
malamig ngayong gabi
35. B. Teknikal na paglalarawan
Kalimitang gumagamit ang manunulat ng mga ilustrasyong
teknikal na sulatin upang makita ng mambabasa ang
larawan o hitsura ng inilalarawan
C. Masining na paglalarawan
Di literal ang paglalarawan at ginagamitan ng
matatalinghaga o idyomatikong pagpapahayag
Paningin- kay tangkad mo para kang poste
Pandinig- nabibingi ako sa sobrang hina ng boses mo
36. ISAISIP AT ISAPUSO
Ang paboritong kong Senador
1.____________________________________________________
2.____________________________________________________
3.____________________________________________________
4.____________________________________________________
5.____________________________________________________
Ang Minamahal kong Pangulo
1.____________________________________________________
2.____________________________________________________
3.____________________________________________________
4.____________________________________________________
5.____________________________________________________
45. PET(Personal Experience Timeline).
Suriin ang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay
mag-aaral bilang high school. Lumikha ng timeline
tungkol sa iyong personal na karanasan. Gumawa ng
paglalarawang sanaysa. Bigyan ito ng pamagat.
Pagtataya ng Aralin/Takdang Aralin