wika at konsepto nito.Batayang. Konsepto ng Wika KONSEPTO WIKA. Tumutukoy sa kakayahan ng taong mag-angkin at gumamit ng mga komplikadong sistemang pangkomunikasyon, WIKA.Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon. Gaano man katanyag ang paggamit ng mga kilos at simbolo upang kumatawan ng mga mensahe,
2. DAYALEK
Ito ang barayti ng wikang
ginagamit ng partikular na
pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan.
3. Gumagamit ang mga tao ng isang wikang
katulad ng sa iba pang lugar subalit
naiiba ang punto o tono, may
magkaibang katawagan para sa iisang
kahulugan, iba ang gamit na salita para
sa isang bagay, o magkakaiba ang
pagbuo ng pangungusap na siyang
nagpapaiba sa dayalek ng lugar.
4. Kahit na iisa ang wika ay may
natatanging paraan ng pagsasalita ang
bawat isa.
Lumulutang ang mga katangian at
kakanyahang natatangi ng taong
nagsasalita.
IDYOLEK
5. Walang dalawang taong
nagsasalita ng isang wika ang
bumibigkas nito nang
magkaparehong-magkapareho
6. SOSYOLEK
Nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.
Kapansin-pansin kung paano
makikitang nagkakapangkat-pangkat
ang mga tao batay sa ilang katangian.
7. Ayon kay Rubrico (2009) ang sosyolek ang
pinakamahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga tao na nakapaloob dito batay
sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga
grupo na kanilang kinabibilangan. Para
matanggap ang isang tao sa isang grupong
sosyal, kailangan niyang matutunan ang
sosyolek na ito.
8. ETNOLEK
Barayti ng wika mula sa mga
etnolongguwistikong grupo.
Ang salitang etnolek ay nagmula sa
salitang etniko at dialek.
Taglay nito ang mga salitang nagiging
bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang
pangkat-etniko
9. Halimbawa:
Vakuul = tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na
pantakip sa ulo sa init man o sa ulan
Bulanon= full moon
Ang paggamit ng mga Ibaloy ng SH sa simula,
gitna at dulo ng salita tulad ng shuwa(dalawa)
sadshak (kaligayahan), pershen (hawak)
10. REGISTER
Naiaangkop ng nagsasalita
ang uri ng wikang ginagamit
niya sa sitwasyon at sa
kausap.
11. PIDGIN
Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o
tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari
ninuman.
Nangyayari ito kapag may dalawang taong
nagtatangkang mag-usap subalit pareho
silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang
wika ng isa’t isa.
12. CREOLE
Ang wikang nagmula sa pidgin ay nagiging
likas na wika o unang wika na ng batang
isinilang sa komunidad ng pidgin. Nagamit
na ito ng mahabang panahon, kaya’t nabuo
ito hangggang sa magkaroon ng pattern o
mga tuntuning sinusunod na nag
karamihan. Ito ngayon ang creole, ang
wikang nagmula sa isang pidgin at naging
unang wika sa isang lugar.
13. HETEROGENOUS AT
HOMOGENOUS NA WIKA
Walang buhay na wika ang maituturing
na homogenous dahil ang bawat isa ay
binubuo ng mahigit isang barayti.
Masasabing homogenous ang wika kung
ang lahat ng gumagamit nito ay pare-
parehong magsalita.
14. Subalit hindi ganito ang wika dahil
nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba
kaya’t ipinakikita nito ang pagiging
heterogenous at ang barayti ng wika
ang patunay nito.