Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Relihiyon sa Saudi Arabia. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian ng Relihiyon sa Saudi Arabia.
1. Lesson 25-D: Relihiyon sa Saudi Arabia
• Ang relihiyon sa Saudi Arabia ay Islam
• Ayon sa batas ng Saudi Arabia, obligadong maging Islam ang lahat ng Mamamayan ng Saudi Arabia
• Ang bansang Saudi Arabia ay may pamumuno ng Islamic Theocracy
• Ang mga religion minorities ay walang Karapatan na isagawa ang mga ritwal ng kanilang relihiyon
• Ang sinumang magbago ng relihiyon mula Islam patungo sa iba pang relihiyon ay may parusang
kamatayan na ang dahilan ay apostasy
• Islam in Saudi Arabia – Ang Islam ay ang relihiyon ng Saudi Arabia. Tinagurian ang Saudi Arabia ang
“lundayan ng Islam” dahil sa lokasyon ng Mecca at Medina kung saan dito namuhay at namatay si
Muhammad, ang mesanghero ng mga propeta. Dito pinanganak ang wikang Arabic na wika na ginamit
sa Qur’an, ang sentrong teksto ng relihiyong Islam. Ang mga paniniwala at ideyolohiyang Islam ang
Nagtuturo ng mga mabubuting bagay sa mga Arabian.
Sharia – Ito ay ang “Islamic Law”. Ito ang nagsisilbing gabay ng paggawa ng batas sa Saudi Arabia.
15% ng Mamamayan sa Saudi Arabia ay kabilang sa denominasyong Shia Muslim.
Mecca – Ito ay matatagpuan sa Hejaz, Saudi Arabia. Ito ay ang kapital o kabisera ng Makkah
Kingdom. Ang populasyon ng lugar noong 2012 ay 2 milyon. Dito pinanganak si Muhammad at dito
ang unang rebelasyon ng Qur’an. Ito ay ang pinakabanal at pinakasagradong lugar sa relihiyong Islam.
• Christianity in Saudi Arabia – Mayroong 1.5 milyon na Kristiyano sa Saudi Arabia. Sinasabi na ang
kasaysayan ng Kristiyanismo sa Saudi Arabia ay bumabalik sa panahon ni Saint Paul at Saint Peter.
Sa kasalukuyan, walang opisyal na simbahan ng anumang denominasyon ng Kristiyanismo sa Saudi
Arabia, dahil ipinagbabawal nito ng pamahalaan ng Saudi Arabia.