Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa Edukasyon sa Saudi Arabia. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang katangian ng Edukasyon sa Saudi Arabia
1. Lesson 24-G: Edukasyon sa Saudi Arabia
Ang bansang Saudi Arabia ay nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng kanilang Mamamayan
Bumuo ang Ministro ng Edukasyon ng Saudi Arabia ng talaan ng mga sumusunod na mithiin:
a. Ang edukasyon ng mga 4 hanggang 6 taong gulang na mga bata
b. Accommodation ng mga bata mula 6 hanggang 18 taong gulang
c. Pagdebelop ng isang sistemang pang-edukasyon para sa mga ispesyal na mga bata
d. Pagpapalalim ng diwa ng pagkamakabayan sa paraan ng intellectual awareness sa mga isyung
nasyonal ng Saudi Arabia
e. Organisasyon ng technical education ng mga babae
f. I-improve ang kalidad ng mga babae atlalaking guro at taasan ang antas ng mga Mamamayan sa
larangan ng sektor ng edukasyon para makamtan ang kabuoang paggamitng yamang-tao sa Saudi
Arabia
g. Pagpapalawak ng partisipasyong sosyal sa larangan ng edukasyon
Primary Education – ito ay tumatagal ng anim na taon. Ang mga batang nasa anim na taon ay
pumapasok sa primary education. Ang gross enrolmentratio ng mga lalaki ay 99.99% at sa mga babae
ay 96.30%.
Intermediate Education – ito ay tumatagal ng tatlong taon. Ang gross enrolmentrate noong 2007 ay
95.9%.
Secondary Education – ito ay ang huling yunit ng general education attumatagal ng tatlong taon. Ang
gross enrolmentrate noong 2007 ay 91.8% sa larangan ng secondary education.
Nagsimulang pumasok sa mga paaralan ang mga babae noong 1960
King Saud University – ito ay ang unang unibersidad sa Kaharian ng Saudi Arabia. Ito ay itinatag noong
1957. Sa kasalukuyan, ito ay may 65,000 na estudyante. Ito ay may labing-walong silid-aklatan.