2. Tinawag na Panahon ng
Kadiliman ang panahon ng
digmaan 1942-1945 dahil ito
ang panahon na naghirap ng
husto ang mga Pilipino sa
kalupitan ng mga Hapon.
3. Noong mga panahon na iyon,
nawalan ng mga karapatang pantao
ang mga Pilipino. Isang halimbawa
nito ay ang pang-aabuso sa mga
kababaihan (comfort women).
Napinsala rin noon ng lubos ang
bansa.
4. Inangkin ng mga Hapones ang
pamahalaan, mga ari-arian,
minahan, pabrika, at iba pang
kabuhayan ng mga Pilipino. Dahil
ditto nagkaroon ng malawakang
taggutom at bumagsak ang
ekonomiya.
6. Dahil sa labanan, marami ang mga
nasirang daan, tulay, bahay, at mga
gusali. Sanhi ng magulong
kalagayan ng lipunan, nagpalipat-
lipat ng tirahan ang mga Pilipino.
Nakitira sila sa kanilang ga kamag-
anak o kaibigan sa malalayong lugar
7. At sa tuwing mababalitaan nila
ang pagdating ng mga Hapones,
agad silang lumilikas sa ibang
lugar dahil sa takot. Ang iba ay
kung saan-saan lamang
natutulog kapag inabot ng dilim.
8. Dahil ditto, maraming mag-
anak na Pilipino ang tumira sa
malalayong lugar at
kabundukan. Ang mga bahay
nila ay yari sa mga dahon ng
niyog at kawayan.
10. Dahil sa mga pakikipaglaban ng mga
sundalo at gerilyang Pilipino sa mga
Hapones, napabayaan ang kanilang
lupang sinasaka gaya ng ilang
malalawak na palayan sa Gitnang
Luzon kung saan ang bulak ang
pangunahing itinatanim.
11. Ang mga palay na itinatanim noon ay
para lamang sa pangangailangan ng
mga Hapones habang pinabawasan
naman ang kalakalan tulad ng
pagluluwas ng produksyon ng asukal
patungong Amerika.
12. Pinilit nika ang mga Pilipino na
gumawa ng alcohol sa halip na
asukal mula sa tubo. Ang alcohol
ay ginagamit ng mga kawal na
Hapones sa pagpapatakbo sa mga
kotse at sasakyang pandigma.
13. Pinamahalaan ng mga Hapones
ang industriya ng tabako, abaka,
niyog at pagmimina. Nagdagdag
sila ng ibang kaalaman upang
higit na mapaunlad ang mga
industriyang ito.
14. Ang mga taong may kaalaman sa
pagbibili at pagtitinda ng ibang
kasangkapan ang umangat sa buhay
na naging dahilan upang bumaba ang
produksiyon ng pagkain dahil kakaunti
ang mga nag-asikaso ng produksiyon
at pagpaparami ng pagkain.
15. Tumaas ang pangangailangan sa
pagkain kung kaya’t nagkaroon
ng malawakang taggutom. Dahil
sa ganitong kakapusan at
kahirapan, nagkaroon ng iba’t
ibang pandaraya.
16. Iba’t ibang krimen ang lumaganap
tulad ng black market o illegal na
bentahan ng iba’t ibang produkto,
panghuhuthot, pag-iimbak,
pagnanakaw, pandaraya, at lahat ng
uri ng Gawain upang magkamal ng
pera.
17. Bunga ng mga pangyayaring ito,
bumagsak ang ekonomiya ng bansa.
Nawalan ng halaga ang pera at tumaas
ang mga presyo ng bilihin. Nawalan ng
mabibili ang mga may pera at bumaba
ang moralidad ng mga tao.
19. Pagpapatanim sa mga bakanteng
lote ang naisip ni Pangulong Jose P.
Laurel upang maibsan ang problema.
Nagpatanim siya ng mga gulay sa
mga bakanteng lugar, maging sa
mga bangketa sa Maynila ay may
tanim ding gulay.
20. Ang gulay na kangkong ay may
malaking naitulong sa mga Pilipino.
Nag-utos din ang pamahalaan na
itaas ang produksiyon ng bigas sa
pamamagitan ng malawak na
pagtatanim nito.
21. Iab’t ibang samahan din ang naitatag
tulad ng BIBA o Bigasang bayan na
namamahagi ng bigas sa mga
mamamayan.
Sa kabilang dako, nagging
mapamaraan at masipag ang mga tao
upang magkaroon ng panawid-gutom.
22. Upang maibangong muli ang
nasirang ekonomiya at mga
industriya, higit silang nag-ibayo sa
pagsisikap. Ang mga bakanteng lupa
ay kanilang tinamnan ng mga
halamang makakain at nagging
matulungin sila sa isa’t isa.
23. Ipaliwanag:
1. Ano ang naging epekto sa mga
Pilipino ng kakulangan sa
pagkain noong panahon ng mga
hapones?
24. 2. Paano namuhay ang mga
Pilipino noong panahon ng
pananakop ng mga Hapones?
26. Nilisan ni Pangulong Quezon at
Heneral MacArthur ang Piipinas sa
panahon ng matinding pag-atake at
pagbomba ng mga Hapones sa
bansa. Inilipat ni pangulong Quezon
ang pamahalaang Commonwealth
sa America
27. Upang hindi ito bumagsak sa
kamay ng mga Hapones. Si Hen.
MacArthur naman ay tumakas
patungong Australia upang
pangunahan ang depensa nito
mula sa kaaway.
28. Sinabi niya ang katagang “I
Shall Return” at nangakong
babalik upang labanan ang
mga Hapones at palayain ang
Pilipinas.
29. Ang hukbong galling US na tutulong
sa atin ay halos tatlong taong hinintay
ng mga Pilipino . Noong Agosto 9,
1944, sumalakay ang mga Amerikano
sa Davao at noong Oktobre 20, 1944, si
MacArthur ay bumalik sa Piipinas
bilang pagtupad sa kanyang pangako.
30. Dumaong siya kasama ng kanyang
mga sundalo sa Golpo ng Leyte at
hinati sa dalawang pangkat ang
Central Philippine Attack Force.
Ang una ay sumalakay sa dakong
hilaga ng Leyte
31. At ang ikalawang pangkat ay
sumalakay sa dakong Timog.
Nagsagawa ng mga biglaang
pagsalakay ang mga Amerikano
sa pamamagitan ng lakas
panghipapawid sa Hilaga at
Gitnang Luzon.
32. Ito ang nagging simula upang
maitaboy ang mga Hapones sa
Pilipinas. Dahil ditto,
napabayaan ng mga Hapones
ang kanilang mga himpilan sa
Visayas.
34. Noong Oktobre 24, 1944,
nagkaroon ng malaking labanan
sa dagat. Sa pag-aagawan sa
Golpo ng Leyte, sinalakay ng mga
eroplanong Amerikano at convoy
pagdaong ng mga puwersang
Pilipino at Amerikano sa Leyte
35. ng Allied Forces ang puwersang
hapones na papalapit sa Kipot ng San
Bernardino. Hinadlangan nila ng
bomba ang barkong Hapones papunta
sa Kipot ng San Bernardino at dit
pinalubog nila ang dalawang cruiser at
isang destroyer ng Hukbong Hapones.
36. Noong hapon ng Oktobre 24,
1944, nakita ng mga eroplanong
Amerikano ang Hilagang Lakas
(Northern Force) ng Hukbong
Pandagat ng Imperyong Hapones
na parating mula sa Japan.
37. Upang wasakin ang
nanghihinang puwersa ni
Admiral Sprague, nagpakita si
Vice Admiral Osawa sa Ikatlong
Plota (Third Fleet) ni Admiral
Halsey para ilayo ito sa Golpo ng
38. Hinabol ni Halsey si Osawa at
naiwang walang bantay ang
Kipot ng San Bernardino. Ang
kanilang paghahabulan ay
umabot hanggang sa Lungos
Engaño sa Hilagang Luzon.
39. Natanggap ni Admiral Helsey ang
paghingi ng saklolo ni Admiral
Sprague habang sila ay naglalaban.
Sinalakay ng Gitnang Lakas ng
Hukbong Pandagat ng Imperyong
Hapones na nakapasok sa Kipot ng
San Bernardino ang mga Amerikano.
40. Dumating ang mga barkong
pandigma ni Halsey at nilabanan
nito ang plota ng mga Hapones na
pinamunuaan ni Vice Admiral Kurita.
Dahikl sa mabilis na pagsaklolo ni
Halsey kay Sprangue, tinawag itong
Battle of Bulls.
41. Tinawag din itong Labanan sa Golpo
ng Leyte. Ito ang pinakamatinding
labanang naganap sa tubig sa
buong mundo noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Nailigtas
nito ang Leyte, Pati na ang mga
Kawal ni Heneral MacArthur.
42. Mula sa Singapore, pumasok sa
Kipot ng Surigao ang Lakas Timog
ng Hukbong Pandagat ng
Imperyong Hapones noong gabi
ng Oktobre 25. Ngunit lingid sa
kaalaman ni Pangalawang
43. natuklasan ng task force ng
mga Amerikano sa pamumuno
ni Rear Admiral J. B. Oldendorf
ang kanilang himpilan at
pinasabog nila ito.
45. Noong kalgitnaan ng Disyembre
1944, pinamunuan ni MacArthur
ang paglusob ng mga kawal na
Pilipino at Amerikano sa Timog-
kanlurang bayabayin ng Mindoro.
Mula rito, sinalakay ng mga
Amerikano ang Look ng Maynila.
46. At nilusob ang Golpo ng Lingayen
noong Enero 9, 1945. Madaling
kumalat sa Gitnang Luzon ang
puwersa ng mga Amerikano.
Nanghina ang puwersa ng mga
Hapones at marami ang nagsilikas
patungong bundok.
48. Matapos na makuha ang
Lingayen noong madaling araw
ng Pebrero 3, 1945, pinasok ng
mga kawal na Pilipino at
Amerikano ang Maynila. Madali
rin nilang napasok ang Cavite,
49. May labanan ding naganap subalit
nanghina na nang lubos ang hukbong
pandagat at panghimpapawid ng mga
Hapones. Sinugod agad ng mga
tangkeng pandigma ang Unibersidad
ng Santo Tomas upang palayain ang
mga Amerikano at Pilipinong bilanggo
dito.
50. Dahil sa sunod-sunod na pagkatalo,
ibinuhos ng mga Hapones ang kanilang
galit sa mga mamamayan. Sinunog nila
ang mga bahay sa mga lungsod, nilipol
nila ang mga sibilyan, at pinagbabaril
at binayoneta ang mga tao, kasama ang
mga bata.
52. Natapos ang digmaan sa Europe
noong Marso 7, 1945. Sa araw na
iyon, sumuko sa Allied Forces ang
Germany. Ito ang tinatawag na
Victory Day (V-DAY) o Araw ng
Tagumpay sa Europe.
53. Sa kabila ng lahat ng digmaan sa
Pasipiko ay nagpatuloy pa rin.
Noong Hulyo 5, 1945 ipinahayag
ni Hen. MacArthur ang kalayaan
ng buong Pilipinas sa bansang
Hapon.
55. Napakalaki ng naging pinsala sa
buhay at ari-arian ng mga tao.
Naging kaawa-awa ang kalagayan
ng ga Pilipino sa loob ng tatlong
taong pakikipaglaban sa Iklawang
Digmaang Pandaigdig. Napinsala
ng husto ang Maynila.
56. Ang mga gusali at tahanan ay
nawasak, wala halos
mapasukang trabaho, at nasira
ang mga industriya at mga
kagamitan sa paggawa. Marami
ang mga nagutom, nagkasakit at
namatay.
57. Ang mga pananim ay
napinsala at ang mga hayop ay
nangawala. Nasira ang mga
daan, tulay, paaralan, mga
pagamutan, at iba pang
imprastraktura.
58. Datos sa Pinsalang Idinulot ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa
ating Bansa
Gusali at tirahang nasira- 80%
Kagamitan sa industriya-65%
Halaga ng ari-arian- 8 bilyong piso
Mga taong namatay- 1,111,938
59. Naging kaawa-awa ang kalgayan ng
ating bansa. Naapektuhan pati ang
moralidad ng mga tao. Lumaganap ang
nakawan at kriminalidad. Ang mga
nagtatrabaho sa pamahalaan ay
nasangkot sa eskandalo tungkol sa
pangungurakot at pagsassamantala.
60. Dahil sa matagal na napabayaan
ang mga paaralan, bumaba ang
antas ng edukasyon.
Sa kabilang banda, upang
magkaroon ng panawid-gutom at
maibsan ang hirap
61. Naging mapamaraan at masipag
ang mga tao. Nagtanim sila sa
mga bakanteng lote upang may
makain. Nagdamayan sila at higit
na nag-ibayo ang pagsisikap.
62. Panuto:
Lagyan ng ekis (x) ang bilang na
tumutukoy sa mga epekto ng
okupasyon o pananakop ng
hapon sa Pilipinas.
63. _____1. Lumaki ang populasyon
_____2. Nagkulang ang pagkain
_____3. Bumagsak ang
ekonomiya
_____4. Humina ang Sistema ng
Edukasyon
64. _____5. Nalabag ang mga
karapatang pantao
_____6. Nasira ang mga daan,
tulay, at ari-arian
_____7. Bumaba ang moralidad
ng mga mamamayan
65. _____8. Namatay ang
napakaraming mamamayan
_____9. Nagkaroon ng
makabagong armas pandigma
_____10. Nagkaroon ng
makabagong paraan sa
pagtatanim.