4. tanaga at haiku
1
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?
2
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?
3
INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.
4
ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!
5
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.
---haiku in tagalog 2012
tags: tagalog tanaga, tulang tanaga, ano ang uri ng tulang tanaga, Philippines tanaga, 7777 uri
ng tula, haiku apat na taludtod, may sukat at tugma, tanaga sa Filipino, tungkol sa pag-ibig,
kalikasan
5. Panahon ng hapon
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon
sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945,
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob
ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa
ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.
Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
binomba ng hukbo ng mga
sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941.
Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones
ang Pearl Harbor, Hawaii, Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang
mga linggo, umatras sina Heneral Douglas MacArthur na kasama
ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay
nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas. Pinasok ng militar ng
Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Bumagsak ang Bataan
sa puwersa ng mga Hapones noong Abril 9, 1942. Ang mga
bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang
tinatawag na Martsa ng Kamatayan) papunta sa isang kampo ng
konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]
Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon,
nagpunta si MacArthus sa Australia. Pinalitan siya sa Corregidor
ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang mga
Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang
tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng mga Hapones
sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang
tau-tauhan lamang nila, na ang nagsisilbing pangulo ay si Jose P.
Laurel.[1]
Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa
Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang mga puwersa
ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang
6. bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio Osmeña nang mamatay si
Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng
Estados Unidos ang Maynila noong Pebrero 1945. Nasukol ng
mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral
Homma sa Lalawigang Bulubundukin (Mountain Province), na
napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka
nilang pagtakas.[1]
Hapon sa panahon ng panitikan
-ang mga bansang hapon ay malaki ang pagnanais na siyang
magaari sa buong asya
- lihim siyang pinalakas ang hukbong dagat katihan at pang
hihipawid
- layunin ng bansang hapon ang maitaboy ang mga bansang
kanlurang sumasakop sa ibang bansa sa asya gaya ng
Indonesia Malaysia vietnam
7. Panahon ng katutubo
Maaaring gamitin ang katawagang mga katutubo (Ingles:
indigenous people) upang ilarawan ang anumang pangkat
etnikong mga tao na naninirahan sa isang rehiyon kung saan
mayroon silang pinakaunang kilalang koneksyon pang-
kasaysayan, kasama ang kamakailan lamang mga dayo na
nagparami din sa rehiyon at maaaring mas malaki ang bilang.[1]
Bagama't may ilang malawak na tinatanggap na mga
pormulasyon, na binibigyan ng kahulugan ang katawagang
katutubo sa mas mahigpit na kahulugan, ang sinusulong ng mga
kilala at kinikilala sa buong mundong organisasyon, katulad ng
Mga Nagkakaisang Bansa, ang International Labour Organization,
at ang Bangkong Pandaigdig.
Ang panitikang pilipino noong
panahon ng katutubo
-ang paraan ng panitikan ay pasalin-dila
-ang mga panitikan ay isinusulat lamang sa mga piraso ng kawayan
matitibay na kahoy at makikinis na bato nawala at nasira ang
karamihan sa mga ito dahil pinasunog
-ang gamit na paraan ng pagsusulat ay ang tinatawag na baybayin o
albata
- marami na ring mga uri ng panitikan noon
8. Panahon ng espanya
ng mga pilipino ay namuhay sa panahong ito sa ilalim ng
batas na ENCOMIENDA/ ENCOMIENDA SYSTEM. Ang
encomienda ay isang lupa ibinibigay sa mga tapat na
maglilingkod/alipin na kadalasang isang sundalo ng hari
ng spanya. Maraming lupa ng mga pilipino ang
nakapangalan sa mga abusadong espanyol.
Nang dumating si Heneral Jose Basco Y Vargas ay
pinalago niya ang agrikultura sa ating bansa. Sa kanyang
pamamahala lumaganap ang tinatawag na GALLEON
TRADE.
Panitikang Pilipino noong panahon ng pananakop ng
espanya
- bihira na ang pasalin dila na pamamaraan na pagsalin ng panitikan
-ang mga panitikan noon ay nagsusulat na sa papel
- ang wikang kastila lamang ang kinikilala sa paggawa ng mga
paanitikan
-may 2 uri ng panitikan noong unang panahon ng mga espanyol io ang
ay pamaksang pananampalataya at kabutihang asal at paskang
rebolusyonaryo at sedisyo