SlideShare a Scribd company logo
1 of 74
AP Q3
Tama o Mali. Isulat ang T kung ang isinasaad ay paraan
ng pagtugon ng mga katutubo sa kolonyalismo at titik M
kung hindi nagsasaad. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Dumanas ng diskriminasyon ang mga Pilipino na
nagnais na pasukin ang pagpapari. May nagplano
ng mga lihim na pagtitipon upang isagawa ang pag-
aalsa.
2. May mga katutubong mangangalakal na
inagawan ng kabuhayan sa buhay. Hindi nila
inalintana ang yaman at kaligtasan sa kamay ng
mga dayuhan. Ipinaglaban nila sa pamamagitan ng
pag-aalsa ang kanilang karapatan.
Overview
3. Binabantayan ng mga sundalong Espanyol ang mga
katutubong manggagawa.
4. Dumanas nang matinding kalupitan ang mga
katutubo sa ilalim ng pamahalaang kolonyal pero
nanatili pa rin silang sunod-sunuran at sinarili na lang
ang paghihinagpis na kanilang nararamdaman.
5. Hindi idinaan sa dahas ni Jose Rizal ang ninanais
na pagbabago sa ilalim ng pamahalaang kolonyal.
6. Nagpatupad ng mga patakaran ang pamahalaang
kolonyal para sa mga katutubo.
7. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo
ay akda ni Jose Rizal na naglalayong punahin ang mga
maling pamamalakad ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Overview
8. Ang mga namumunong Espanyol sa
pamahalaan ay naging palalo at mapagmataas
sa kanilang posisyon.
9. May mga katutubo na naging taksil sa
kapwa Pilipino. Sila ay lihim na nakipag-
ugnayan sa mga dayuhan kapalit ng kanilang
kahilingan.
10. Mas pinili ng mga mayayamang katutubo
na maging tapat sa pamahalaang kolonyal at
tinalikuran ang hinihiling na suporta ng
kapwa Pilipino.
Mga Pilipinong Nagtanggol sa Bansa Laban sa
mga Espanyol
Lakandula (1574)
Nagkaroon ng kasunduan sina Lakandula at
Legazpi na hindi magbabayad ng buwis ang mga
angkan niya. Ngunit nang hindi tuparin nito ni
Guido de Lavesarez, gobernador heneral na
pumalit kay Legazpi, nag-alsa si Lakandula at ang
kanyang mga kaanak laban sa pamahalaang
kolonyal noong 1574. Sa huli ibinalik sa kanila
ang kanilang karapatan.
Magat Salamat (1587-1588)
Nag-alsang muli si Magat Salamat, anak
ni Lakandula upang ipaglaban muli ang
kalayaan sa mga Espanyol. Nagtatag siya
ng lihim na samahan at hinikayat niya
ang mga ibat-ibang lider mula sa iba
ibang panig ng Gitnang Luzon, Cuyo at
Borneo. Ngunit natuklasan ng mga
Espanyol ang lihim nilang samahan at
sila ay dinakip at binitay.
Tamblot at Bancao (1621-1622)
Naganap ang rebelyong pangrelihiyon
nang tinalikuran ng ilang Pilipino ang
Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa
nakagisnan nilang relihiyon. Si Tamblot
ang namuno sa Bohol samantalang sa
Leyte naman ay pinamunuan ni
Bancao.Hindi sila nagtagumpay dahil
kaagad silang nasupil at pinugutan ng
ulo ng mga Espanyol.
Juan Sumuroy (1649-1650)
Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol
na magpadala ng mga polista na taga-Samar
sa Cavite upang gumawa ng mga barko
ngunit ito ay tinutulan ng mga taga Samar.
Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy,
lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila
ang mga simbahan at namundok bilang
rebelde. Nagwakas ang pag-aalsa nang
mapatay si Sumuroy ng ilang kasamahan
niyang nagtraydor sa kanilang simulain.
Francisco Maniago (1660-1661)
Pinangunahan ni Francisco Maniago mula
Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen
at Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito
dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol
sa mga Pilipino, tulad nang pagpapatupad ng
polo y servicio, bandala at sapilitang
paggawa.
Nagkasundo ang grupo ni Maniago at mga
Espanyol. Pinangakuan sila na tatanggap sila
ng malaking halaga at hinayaan silang
gumawa sa kanilang mga bukid.
Diego at Gabriela Silang (1762-1763)
Nagsimula ang pagrerebelde ni Diego Silang nang
dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis,
pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde-
mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang
kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol
noong 1762. Itinatag din niya ang ang malayang
“Ilocandia,” kung saan ang lungsod ng Vigan
ang kabisera. May limang buwan ding
nahawakan ng pangkat ni Silang ang Vigan.
Pinatay si Silang ng matalik niyang kaibigang si
Miguel Vicos.
Ipinagpatuloy ng asawa niyang si
Gabriela Silang ang kanyang
sinimulang pakikipaglaban. Tinagurian
siyang “Joan of Arc ng Ilocos” dahil sa
mga tagumpay na kanyang pinamunuan.
Mismong mga Pilipino mula sa Pampanga
rin ang mga kalaban ng pangkat ni
Gabriela. Nagtapos lamang ang
rebolusyon pagkaraan ng apat na buwan,
nahuli at binitay si Gabriela.
Apolinario dela Cruz (1840-1841)
Tinanggihan ng mga Dominikano si Apolinario dela Cruz
sa pagnanais nitong maging pari dahil siya ay isang
katutubo o indio. Si Dela Cruz ay kilala sa bansag na
“Hermano Pule” na tubong Lucban, Quezon. Noong
1840, itinatag niya ang “Cofradia de San Jose,” isang
samahang pangkapatiran na tumanggap ng mga
kasaping maralita. Ang samahang ito ay hiwalay sa
Katolisismo. Nahikayat ang marami sa kanyang samahan
hanggang hiniling niya na ito’y kilalanin ng simbahan.
Ito ay pinangambahan ng mga Espanyol at itinuring na
kalaban ng simbahan at ng pamahalaan. Nadakip siya
ng mga Espanyol noong Nobyembre 4, 1841 at hinatulan
ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa edad
na 27. Pinagputol-putol ang kanyang katawan at
ibinandera sa publiko upang hindi pamarisan.
Francisco Dagohoy (1744-1821)
Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang
itinuturing na pinakamahabang pag-aalsang
isinagawa ng mga hindi Muslim.
Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy sa isang
personal na hinanakit laban sa mga paring
tumangging basbasan ang bangkay ng
kanyang kapatid na si Sagani na namatay sa
pakikipagduwelo. Lumaban siya sa mga
Espanyol at nahinto lamang ito ng siya ay
tumanda at namatay.
Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga
Pilipino Laban sa Kolonyalismong
Espanyol.
1. Kamalayan sa kasaysayan ng ating
bansa. Mahalaga na malaman natin ang
mga pangyayaring pagtatanggol noon
laban sa pananakop ng mga Espanyol sa
ating bansa dahil malaki ang kaugnayan
nito sa kasalukuyang panahon partikular
sa aspeto ng kultura, paniniwala o
relihiyon, ekonomiya at pulitika.
2. Tingalain bilang huwarang Pilipino. Ang mga unang
Pilipinong nagtanggol sa bansa ay itinuturing na bayani
ng ating bansa dahil sa kanilang naiambag sa pagkamit
ng kalayaan ng Pilipinas. Isapuso ang mga kabayanihan
ginawa nila sa ating bansa.
3. Pagsusulong ng karapatan. Ang bawat Pilipino ay
may kakayahang ipaglaban ang karapatan at kalayaan
sa tamang paraan. Hindi lamang sa dahas nakukuha
ang ating ipinaglalaban. Bukas na ang puso’t isipan ng
mga Pilipino na mas epektibo ang iba’t ibang paraan sa
pagsusulong ng karapatan. Tandaan lamang na sa
pagtatanggol sa bawat karapatan ay laging may kaakibat
na responsibilidad.
1. Ang namuno sa pinakamahabang rebelyon na ang dahilan
ay ang pagtanggi ng isang pari na basbasan ang bangkay ng
kanyang kapatid.
2. Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na
nagpatuloy sa pakikipaglaban – tinagurian siyang “Joan of
Arc ng Ilocos.”
3. Itinatag niya ang Cofradia de San Jose nang tanggihan ng
simbahan ang pagnanais niyang maging pari, kilala siya
bilang Hermano Pule.
4. Mula Mexico, Pampanga kung saan pinamunuan ang pag-
aalsa dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga
Pilipino tulad nang hindi pagbayad sa mga biniling palay
mula sa mga katutubong magsasaka.
5. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang hindi tuparin ni
Gobernador Heneral Lavezares ang naunang pangako ni
Legazpi na hindi siya sisingilin ng tributo at mga kaanak
niya.
Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag
ay tungkol sa mga kahalagahan ng pagtatanggol ng mga
Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol at MALI kung
hindi.
1. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa anumang paraang
naaayon sa batas.
2. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa
bansa.
3. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga
Pilipino na nagtanggol sa bansa laban sa mga Espanyol.
4. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga
ginawang kabayanihan ng mga unang Pilipino na nagtanggol
sa bansa
5. Gawing huwaran ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa
bansa.
Iguhit sa sagutang papel ang tsek ( / ) kung ang pahayag
ay tama at ekis ( x ) kung mali.
1. Matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino
laban sa kolonyalismong Espanyol.
2. Isa sa dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa
mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa o polo y
servicio.
3. Si Francisco Dagohoy ang may pinakamahabang pag-
aalsa laban sa mga Espanyol.
4. Tinanggihan ng mga Espanyol na maging pari si
Hermano Pule.
5. Tinupad ni Gobernador Lavasarez ang kasunduan
nina Lakandula at Legazpi.
Iguhit sa sagutang papel ang tsek ( / ) kung ang pahayag
ay tama at ekis ( x ) kung mali.
1. Matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino
laban sa kolonyalismong Espanyol.
2. Isa sa dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga
Espanyol ay ang sapilitang paggawa o polo y servicio.
3. Si Francisco Dagohoy ang may pinakamahabang pag-
aalsa laban sa mga Espanyol.
4. Tinanggihan ng mga Espanyol na maging pari si
Hermano Pule.
5. Tinupad ni Gobernador Lavasarez ang kasunduan nina
Lakandula at Legazpi.
Isulat sa sagutang papel ang SN kung sumunod at
naniwala, NH kung nanahimik, NM kung namundok, at
NA kung nag-alsa.
1. Bumuo ng lihim ng samahan upang labanan ang
pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga manggagawang
Pilipino.
2. Maraming Pilipino ang nahikayat na sundin ang aral na
dala ng Kristiyanismo.
3. May mga Pilipinong nakaranas ng paghihirap ngunit
nagtiis sa kamay ng mga Espanyol.
4. May mga katutubong Pilipino na lumipat sa ibang lugar
kung saan hindi sila abot ng pamahalaang Espanyol.
5. Mas pinili nilang manahimik at sumunod sa patakaran
ng Espanyol para sa kanilang kaligtasan.
Piliin ang wastong paglalarawan sa mga sumusunod na pahayag
tungkol sa tugon ng mga katutubo sa kolonyalismo. Isulat ang
titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
6. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon
ng edukasyon ng mga kabataan noong
panahon ng kolonyalismo?
A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.
B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago.
C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan.
D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.
7. May mga Pilipino na likas na makasarili
upang makuha ang pansariling
kagustuhan.
A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa
mga patakarang Espanyol.
B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila
ang gumawa ng mga gawaing nakatakda sa kanila.
C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para
malibre sa mga patakaran.
D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.
8. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang
mga katutubo sa malupit na pamamahala ng
mga Espanyol.
A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga
sundalong Espanyol.
B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga
lihim na pag-aalsa.
C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El
Filibusterismo upang tuligsain ang dayuhan.
D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang
ipamigay sa mga katutubo.
9. Naranasan ng mga Pilipino ang lupit ng mga
patakarang ipinatupad sa kolonya.
A. Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga
katutubo dahil sa takot sa mga sundalong
Espanyol
B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan
at piniling takasan ang kalupitan ng mga dayuhan.
C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang
pag-aalsa.
D. Lahat ay tama.
10. Ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan
ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga dayuhan ay
hindi nanatiling sunud-sunuran na lamang.
A. Nanatiling tikom ang bibig at takot na
sumalungat sa patakaran
ng mga dayuhan.
B. Mga kababaihan na sumali sa pag-aalsa ay hindi
naging hadlang ang kanilang kasarian.
C. Mga magsasaka na hinayaang kunin ang
kanilang lupain.
D. Gumawa ng kasunduan na babayaran ang mga
katutubo sa kanilang gawain.
Ilarawan sa iyong sariling salita ang
pagtatanggol sa bansa na ginawa ng
sumusunod na Pilipino laban sa
Kolonyalismong Espanyol. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.
16. Lakandula
17. Magat Salamat
18. Francisco Dagohoy
19. Diego Silang
20. Apolinario Dela Cruz
Key people
Choose three leaders for Black History Month using Bing.com and discuss their lives and
accomplishments. Here are some examples:
Bayard Rustin was a close advisor to
Martin Luther King and an American
leader of the civil rights movement. Rustin
organized and led several protests,
including the 1963 March on Washington.
Jesse Owens was an American track and
field athlete and four-time gold medalist
in the 1936 Olympic Games in Germany.
Owens specialized in the sprints and the
long jump.
Zora Neale Hurston was an American
author, anthropologist, and filmmaker. In
1937, she published her famous novel,
Their Eyes Were Watching God.
Panahanan
Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay
nagtayo ng mga tirahan na malapit sa mga baybayin at sa
tabing ilog. May mga nanirahan din sa mga kabundukan. Ito ay
upang malapit sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Ang disenyo ng mga tirahan ng mga Pilipino ay kadalasang yari
sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, buho, cogon at
ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang tirahan ng mga
Pilipino ay tinatawag na bahay kubo.
Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang estruktura ng
tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay
na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito
sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na
kahoy.
Kung susuriin ang bahay na bato na ipinakilala ng mga
Espanyol ay halos pareho ng bahay kubo. Mas matibay
lamang dahil ginamitan ito ng bubong na tisa, batong
adobe, semento, baldosa at matitibay na kahoy. Malalaki
at maluluwang ang bintana upang malayang makapasok
ang hangin. Mayroon din itong azotea o balkonaheng na
ginagawang pahingaan at pagtanggap ng bisita. Marami
pa rin ang ganitong bahay sa Pilipinas tulad sa Vigan,
Ilocos Sur at sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga at
maging ilang lugar sa Pilipinas.
Mga nakaaangat lamang sa lipunan ang
nakapagpapagawa ng ganitong estilo ng tirahan.
Samantala, ang mga nasa mababang uri ng lipunan ay
nanatiling nakatira sa mga kubo.
Lutuin
Ang impluwensiya ng mga Espanyol sa pagkaing
Pilipino ay makikita pa rin hanggang sa
kasalukuyan. Natutuhan ng mga Pilipino ang
pagluluto ng longganisa, tocino, embutido, bistek,
callos, torta, pochero, eschabeche, menudo, afritada,
relleno, mechado, caldereta at estefado na madalas
makikita sa tuwing may pagdiriwang. Nariyan din
ang arrozcaldo, empanada, paella, chirachon at leche
flan.
Natuto ang mga Pilipino na gumamit ng kutsara,
tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga kasangkapan
tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging
impluwensya rin ng mga Espanyol at Tsino.
Pananamit
Naging pangunahing impluwensya ng mga
Espanyol ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga
kalalakihan ay natutong magsuot ng sombrero,
mahabang pantalon, dyaket, camisa chino,
ropilla at sapatos. Ang mga kababaihan naman
ay natutong magsuot ng saya (mahahabang
palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela).
Minsan sinasamahan nila ito ng panuela o
malaking panyo na ipinapatong sa balikat at
mantilla o alampay. Naimpluwensyahan din ng
mga Espanyol ang pagsusuot ng panyeta o
panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din
nilang magdala ng abaniko at panyolito.
Edukasyon
Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang
Pilipino noon. Natuto sila sa mga turo ng kanilang
mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso
at pagtatanim, bagama’t may baybayin ngunit
wala silang pormal na edukasyon.
Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na
edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga
prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa
Pilipinas. Layunin nito na turuan ang mga Pilipino
na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito
nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at
kolehiyo.
Noong ika-19 siglo lamang sila unang
tumanggap ng kababaihang Pilipino. Ang mga
paaralan para sa kababaihan ay nakapokus
ang mga aralin sa mga gawaing bahay at
paglilingkod sa simbahan. Layunin ng mga
kolehiyong ito na ihanda ang kababaihan sa
pag-aasawa at pagpasok sa kumbento.
Itinuturo dito ang kagandahang asal, musika,
pananahi at pag-aayos ng tahanan.
May mga paaralan ding bokasyonal kung saan
itinuturo ang mga kasanayan tulad ng
agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero at
pagkukulay ng tela.
Musika
Ang paggamit ng instrumentong alpa,
byulin, gitara, piano at plawta ay
nalaman din. Naipakita rin ang
kanilang husay sa paglikha ng
instrumentong yari sa kawayan.
Halimbawa nito ay ang “Organong
Kawayan” na nasa simbahan ng Las
Pinas na ginawa ni Padre Diego Cera,
isang rekoletong misyonero noong
1818.
Sayaw
Nakilala ang mga sayaw na Jota, Surtido,
Habanera, Tango, Fandango, Lanceros,
Rigidon, Polk, Mazurka at Waltz. Nahaluan din
ng impluwensiya ng Kanluranin ang mga
katutubong sayaw ng mga Pilipino. Sinayaw
ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota
at Polka. Ang mga ilang galaw naman sa
Carinosa, sayaw Santa Isabel at iba pang
sayaw pag-ibig at pananampalataya sa mga
santo ay hango sa Waltz.
Sining. Ang mga likhang pinta at eskultura ay
naging limitado lamang sa temang
panrelihiyon noong panahon ng kolonyalismo.
Kalimitang inukit at ipininta ang wangis ng
mga santo, Birheng Maria at mahahalagang
tagpo sa Bibliya. Nalinang ang kakayahan ng
mga Pilipino sa larangang ito. Si Damian
Domingo ay tinaguriang “Ama ng mga Pintor
na Pilipino”. Pinakabantog namang pintor sa
panahong iyon sina Juan Luna na lumikha ng
“Spolarium”, ang dibuhong nagwagi ng unang
gantimpala sa isang patimpalak sa Espanya.
Panitikan. Malaki rin ang naging
impluwensya ng mga Espanyol sa
larangan ng panitikan. Ipinakilala
ng mga Espanyol ang dasal,
nobena, talambuhay ng mga santo
at santa, awit, korido, tula,
kuwento, moro-moro, senakulo,
karilyo at sarsuwela.
Awit - tulang pasalaysay na binubuo ng
labing-dalawang pantig sa bawat linya.
Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na
likha ni Francisco Balagtas, ang
tinaguriang “prinsipe ng Makatang
Tagalog”.
Korido - tulang may walong pantig sa
bawat taludtod. Ang “Ibong Adarna” at
“Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa
nito.
Moro-moro -dulang nagpapakita
ng paglalaban ng mga Kristiyano
at Muslim at ang wakas nito ay
ang pagkagapi ng Muslim o
pangtaggap sa relihiyong
Kristiyanismo.
Sarsuwela – dulang may salitaan,
sayawan at awitan
Karilyo – dulang gumagamit
ng mga tau-tauhang karton na
pinapagalaw sa harap ng ilaw
Senakulo - dulang
nagpapakita ng mga
paghihirap at pagpaparusa sa
Panginoong Hesukristo
Pagpapangalan
Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral
Narciso Clavera Bautista, binigyan ng
apelidong Espanyol ang mga Filipino tulad ng
Dela Cruz, De los Santos Santiago at iba pa.
Mayroong nakatalang mahigit na 61,000 na
pagpipiliang apelido sa Catalogo Alfabetico de
Apellidos. Binago rin ng mga Espanyol ang
pangalan ng mga pook, pueblo na kalimitan ay
hinango sa pangalan ng mga patron at santo
tulad ng San Isidro, San Antonio, Del Rosario,
Sta. Maria at iba pa.
Relihiyon
Ang mga katutubong Pilipino ay may mga paniniwala
sa mga diyos at diyosa ng kalikasan, marami rin ang
may mga paniniwala sa relihiyong Islam. Sa pagdating
ng mga Espanyol, unti-unting napalitan ng
Kristyanismo ang mga paniniwalang ito. Itinuro ang
mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag,
pagpapakasal, pangungumpisal pagrorosaryo,
pagnonobena, pagsisimba at iba pa. Sa
pagpapalaganap ng mga aral ng Kristiyanismo sinunog
ang mga dokumento patungkol sa dating paniniwala at
pinalitan ng mga kuwento ng pagpapakasakit ni Kristo
at ang pangako n’yang buhay na walang hanggan.
Kaugnay nito, dinala ng mga Espanyol sa
Pilipinas ang sistema ng palimbagan. Ang
Doctrina Christiana ang kauna-unahang
aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Ito
ay isang aklat tungkol sa katesismo at mga
dasal at isinalin ito sa wikang Tagalog.
Madaling napasunod ang mga Pilipino sa
bagong pananampalataya na ginamit ng mga
prayle ang mga naunang pamamaraan ng
paniniwala. Kabilang dito ang pagbabasbas,
paggamit ng mga rebulto at pagsalin ng mga
dasal sa salita ng mga katutubo.
Mga Pagdiriwang
Malaking impluwensiya din ang mga
iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon
na dinala ng mga Espanyol. Ang mga
ito ay naging bahagi na rin ng
tradisyong Pilipino hanggang
kasalukuyan ay ipinagdiriwang pa rin.
Ilan sa mga ito ay ang mga
sumusunod.
Pista. Ang kapistahan ng patron o santo ng
bayan ang pinakatanyag at nakaaaliw na
pagdiriwang. Kumpleto ito sa mga banderitas
sa kalsada, banda ng musiko, palaro, palabas
at sayawan. Bahagi nito ang magarbo at
magastos na handaan. Ang mga kamag-
anakan sa ibang bayan ay dumadalaw upang
makipagdiwang ng pista. Natutong mangutang
ang mga Pilipino para may maihanda sa araw
na ito. Mayroon din prusisyon ng mga napiling
magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo
at Santacruzan
Pasko. Ang pasko ay pagdiriwang
ng bawat pamilya na ginugunita
ang kapanganakan ni Hesus.
Kumakain sila sa noche buena at
nagbibigayan ng regalo katulad ng
ginawa ng tatlong hari na
nagbigay ng regalo kay Hesus.
Binyag at Kasal. Ang bawat Pilipino ay
dumaraan sa ritwal ng pagbibinyag. Ito ay
palatandaan na kabahagi na ng mga
pananampalatayang Kristiyano. Ang taong
binibinyagan ay kumukuha ng ninong at
ninang sa paniniwalang gagabay at
gaganap sila bilang pangalawang
magulang niya. Gayundin ang kaugalian
sa kasal mamimili ng mga ninong, ninang
at abay upang maging saksi ng kanilang
kasal o pag-iisang dibdib.
Mga Laro
Marami ring mga larong Pilipino ang
naimpluwensya ng mga Espanyol. Ang mga
larong ginagamitan ng kard ay nakuha natin
sa mga Espanyol tulad ng Juego de prenda
(nilalaro habang nagbabantay sa patay),
Pangguinggui, Kuwaho at Siete-siete. Mga
larong panlabas naman ang mga Patintero,
Sipa at Palosebo
AP 5 WEEK 5-6
Ang Pag-usbong
ng
Nasyonalismong
Pilipino
Ang mga Espanyol ay naging masigasig
sa pagpapalaganap ng kolonyalismo sa
Pilipinas. Ginamit nila ang
Kristiyanismo at iba’t-ibang mga
patakaran tulad ng reduccion, polo y
servicio, tributo, at ang sistemang
encomienda upang mapasunod ang
mga sinaunang Pilipino at
mapasailalim sa kapangyarihan nito.
Dahil sa kahirapang nararanasan sa mga
patakarang ipinatupad ng kolonyalismong
Espanyol ay maraming mga Pilipino ang nagnais
makawala sa kapangyarihan ng Espanya.
Nagbigay daan ang kolonyalismong Espanyol
upang matuklasan ng mga Pilipino ang kaya
nilang gawin. Hinamon nito ang kanilang
katatagan at nagbigay daan upang mapaunlad
ang pagkakakilanlang Pilipino.
Dahilan ng Pakikipaglaban
• Pagtutol sa monopoly ng tabako
• Pagtutol sa sapilitang
pagbibinyag at Krisyanismo
• Pagtutol sa labis na pagbubuwis,
polo y servicio at pahihigpit sa
porduksiyon ng produkto
• Pagbawi ng kalayaang mamuno
at karangalan
• Okupasyon ng British sa Maynila
Mga
Pakikipaglabang
Naganap
1. Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa
pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
2. Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang
Kristiyanismo?
3. Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko
na ipinatupad ng mga Espanyol sa pamumuhay ng mga
Pilipino?
4. Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang
kanilang karangalan at kalayaang muling mamuno?
5. Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila
ang hangaring makipaglaban ng mga Pilipino?
6. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga
isinagawang pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino?
Bakit?
Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang
politikal na lumaganap sa bansang England
noong noong ika-18 siglo kung saan ang
pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang
ibinabatay o ibinabahagi sa bansang
pinagmulan o sinilangan. Ito ay ipinamalas ng
mga sinaunang Pilipino sa panahon ng
pananakop ng kolonyalismong Espanyol na
kung saan buong tapang nilang nilabanan
ang mga mananakop na Espanyol sa kabila
ng kanilang kakulangan sa armas at
kasanayan.
Ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga
Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak sa mga Pilipino
upang mag-alsa at magsagawa ng pakikipaglaban
sa kolonyalismong Espanyol.
Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling
pamamalakad at pagmamalabis sa
kapangyarihan ng mga pinunong Espanyol.
Ang mga mapang-abusong patakaran at mga
kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa
kamalayan ng mga Pilipino na kumawala sa
kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng mga
pag-aalsa at pakikipaglaban.
Ang ipinamalas na kagitingan sa
pakikipaglaban ng mga Pilipino ay
nagpamalas ng matinding
pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais
na muling maibalik ang nawalang
kalayaan laban sa mga mananakop na
Espanyol at muling mamuhay ng
payapa at may dangal maging kapalit
man ito ng kanilang sariling mga
buhay ay sadyang hindi matatawaran.
Hindi naging madali sa mga Espanyol na
sakupin ang Pilipinas. Kinailangan nilang
magkaroon ng isang magandang taktika upang
mahimok ang mga katutubong Pilipino na
tanggapin ang kolonyalismo at masupil ang
mga ito. Ang Hilagang Luzon at Mindanao ay
iilan sa mga lugar na nais sakupin ng mga
Espanyol dahil sa mga likas na yaman na
mayroon ang mga lugar na ito at baguhin ang
kanilang paniniwala na may kinalaman sa
relihiyon.
Mga Katutubong Pilipino na Lumaban
sa mga Espanyol
Idinaan ng mga Espanyol sa marahas na pamamaraan
ang pagsupil sa mga Igorot at Muslim. Gamit ang iba’t
ibang armas, ang pamahalaang kolonyal ay nagpadala
ng ekspedisyong militar sa Cordillera at Mindanao
upang matiyak ang pagkatalo ng puwersa ng mga
katutubo.
Ipinatupad din nila ang divide and rule policy upang
pagwatak-watakin ang mga katutubo at upang
humina ang puwersa ng mga ito sa pakikipaglaban.
Nagpadala rin sila ng mga mersenaryo upang labanan
ang kapwa katutubo. Sa kabila nito, buong giting na
nakipaglaban ang mga ito upang mapanatili ang
kanilang mapayapang pamumuhay sa kanilang
lupain.
Gumupit ng larawan ng isang
taong iyong hinahangaan sa
dyaryo o magazine (maaaring
pulitiko, personalidad, guro o
magulang). Idikit ito sa isang
piraso ng malinis na bond paper.
Isulat sa kung ano ang kanyang
naging kontribusyon para sa
ating bayan.
Hindi man tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang
mga _____(1)_____ at mga Muslim dahil ang mga ito
ay nagpakita nang galing sa pakikipagdigma. Isa sa
mga layunin ng pananakop ng mga Kastila sa
bulubundukin ng Hilagang Luzon ay upang ikalat
ang relihiyong _____(2)_____ at upang makuha ang
mga _____(3)_____ na matatagpuan sa kabundukan.
Ipinag-utos ni Miguel Lopez de Legazpi na siyasatin
ang dami ng mga gintong ibinebenta ng mga
katutubo sa Ilocos sa pangunguna ng kanyang apo
na si _____(4)_____. Upang masugpo ang mga
katutubo, nag-isip sila ng taktika na tinatawag
nilang _____(5)_____ na ang layunin ay pigilan ang
mga ito na magkaisa laban sa mga mananakop.

More Related Content

What's hot

Spanish Conquest of the Islands
Spanish Conquest of the IslandsSpanish Conquest of the Islands
Spanish Conquest of the IslandsNoel Jopson
 
Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino
Kabanata 8. Ang Mamamayang PilipinoKabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino
Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipinojoywapz
 
Mga dulang panrelihiyon
Mga dulang panrelihiyonMga dulang panrelihiyon
Mga dulang panrelihiyonbowsandarrows
 
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaAralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaEDITHA HONRADEZ
 
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa PilipinasAng Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa PilipinasMavict De Leon
 
liwayway na magasin.pptx
liwayway na magasin.pptxliwayway na magasin.pptx
liwayway na magasin.pptxChristelAvila3
 
Modyul 5 daan ng pananakop
Modyul 5   daan ng pananakopModyul 5   daan ng pananakop
Modyul 5 daan ng pananakop南 睿
 
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga EspanyolKolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga EspanyolMarie Jaja Tan Roa
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalShiella Rondina
 
Aralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabaka
Aralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabakaAralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabaka
Aralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabakaElla Socia
 
Pananahanan at pananamit
Pananahanan at pananamitPananahanan at pananamit
Pananahanan at pananamitsiredching
 
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaPatakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaCool Kid
 
Group-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptxGroup-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptxAimeeNimes
 
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanyaPamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanyaShara Mae Reloj
 
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng EspanyaKabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng EspanyaLheza Mogar
 
34 panahong amerikano eko
34  panahong amerikano eko34  panahong amerikano eko
34 panahong amerikano ekovardeleon
 
Mga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinas
Mga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinasMga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinas
Mga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinasAdriel Padernal
 

What's hot (20)

Spanish Conquest of the Islands
Spanish Conquest of the IslandsSpanish Conquest of the Islands
Spanish Conquest of the Islands
 
Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino
Kabanata 8. Ang Mamamayang PilipinoKabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino
Kabanata 8. Ang Mamamayang Pilipino
 
Mga dulang panrelihiyon
Mga dulang panrelihiyonMga dulang panrelihiyon
Mga dulang panrelihiyon
 
Reduccion System
Reduccion SystemReduccion System
Reduccion System
 
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa BansaAralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
Aralin 9 yunit 3:Mga Pamamaraan ng Pagpapaunlad ng Edukasyon sa Bansa
 
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa PilipinasAng Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
Ang Pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas
 
liwayway na magasin.pptx
liwayway na magasin.pptxliwayway na magasin.pptx
liwayway na magasin.pptx
 
Modyul 5 daan ng pananakop
Modyul 5   daan ng pananakopModyul 5   daan ng pananakop
Modyul 5 daan ng pananakop
 
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga EspanyolKolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
Kolonyalismo: Dahilan at Layunin ng Pananakop ng mga Espanyol
 
AP5KPK-IIIc-3-1.docx
AP5KPK-IIIc-3-1.docxAP5KPK-IIIc-3-1.docx
AP5KPK-IIIc-3-1.docx
 
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na IdeyaPag-usbong ng Liberal na Ideya
Pag-usbong ng Liberal na Ideya
 
Pag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyalPag aalsa ng estadong kolonyal
Pag aalsa ng estadong kolonyal
 
Aralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabaka
Aralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabakaAralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabaka
Aralin 15 pag-usbong ng kamalayang pambansa at pakikibabaka
 
Pananahanan at pananamit
Pananahanan at pananamitPananahanan at pananamit
Pananahanan at pananamit
 
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastilaPatakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
Patakarang pangkabuhayan sa panahon ng mga kastila
 
Group-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptxGroup-6-PPT.pptx
Group-6-PPT.pptx
 
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanyaPamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
Pamahalaan ng pilipinas sa ilalim ng espanya
 
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng EspanyaKabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
Kabanata 7: Kaunlaran sa Ilalim ng Espanya
 
34 panahong amerikano eko
34  panahong amerikano eko34  panahong amerikano eko
34 panahong amerikano eko
 
Mga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinas
Mga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinasMga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinas
Mga itinatag na pamahalaan ng amerika sa pilipinas
 

Similar to Q3 W1.pptx

4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptxMariaLourdesPAkiatan
 
Paraan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong Espanyol
Paraan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong EspanyolParaan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong Espanyol
Paraan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong EspanyolJoseCarloVTungol
 
Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx
Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docxBagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx
Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docxJohnkennethbayangos
 
Lesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptx
Lesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptxLesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptx
Lesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptxShirleyPicio3
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanAlice Bernardo
 
Aralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismo
Aralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismoAralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismo
Aralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismoLorelynSantonia
 
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxKasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxtuazonlyka56
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolShiella Rondina
 
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxGrade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxssuser7b7c5d
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxAprilLumagbas
 
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangereKaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangerefidelbasbas
 
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................ferdinandsanbuenaven
 
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptxkaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptxferdinandsanbuenaven
 
Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2ssuser47bc4e
 
Kolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong EspanyolKolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong EspanyolSue Quirante
 
araling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pp
araling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pparaling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pp
araling panlipunan 5 quarter 3 week 7.ppMarlaJoyTolentino2
 
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...JENNBMIRANDA
 

Similar to Q3 W1.pptx (20)

4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
4 Q week 1 Pag-aalsa at Agraryo.pptx
 
Paraan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong Espanyol
Paraan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong EspanyolParaan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong Espanyol
Paraan ng Pagtugon ng mga Fil sa kolonyalismong Espanyol
 
Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx
Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docxBagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx
Bagong Sambayanan at Opensibang Muslim.docx
 
Lesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptx
Lesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptxLesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptx
Lesson for Grade 5 Quarter 3-W3-AP-PPT.pptx
 
Pakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaanPakikipaglaban para sa kalayaan
Pakikipaglaban para sa kalayaan
 
Aralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismo
Aralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismoAralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismo
Aralin 2 pag usbong at pagbuo ng kamalayang nasyonalismo
 
Aralin 8.pdf
Aralin 8.pdfAralin 8.pdf
Aralin 8.pdf
 
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptxKasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
Kasaysayan-ng-wikang-Pambansa-sa-panahon-ng-rebolusyong.pptx
 
Q3-W1 -W2-AP5.pptx
Q3-W1 -W2-AP5.pptxQ3-W1 -W2-AP5.pptx
Q3-W1 -W2-AP5.pptx
 
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyolMga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
Mga kilalang sinaunang pilipino na nakipaglaban sa mga espanyol
 
AP5 - module 15.pptx
AP5 - module 15.pptxAP5 - module 15.pptx
AP5 - module 15.pptx
 
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptxGrade 6 Aral Pan Week 7.pptx
Grade 6 Aral Pan Week 7.pptx
 
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptxPanahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
Panahon_ng_Himagsikan_sa_Pilipinas_101.pptx
 
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangereKaligirang kasaysayan ng noli me tangere
Kaligirang kasaysayan ng noli me tangere
 
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx..........................
 
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptxkaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx
kaligirangkasaysayanngnolimetangere-lesson 1.pptx
 
Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2Gr.5 ar pan las q3 w2
Gr.5 ar pan las q3 w2
 
Kolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong EspanyolKolonisasyong Espanyol
Kolonisasyong Espanyol
 
araling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pp
araling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pparaling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pp
araling panlipunan 5 quarter 3 week 7.pp
 
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
Araling Panlipunan 6 Hand out- Mga Pangyayari sa Pag-Usbong ng Nasyonalismong...
 

More from CatrinaTenorio

cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptxcupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptxCatrinaTenorio
 
Area of Responsibility.docx
Area of Responsibility.docxArea of Responsibility.docx
Area of Responsibility.docxCatrinaTenorio
 
actionresearch-st-160704175135.pdf
actionresearch-st-160704175135.pdfactionresearch-st-160704175135.pdf
actionresearch-st-160704175135.pdfCatrinaTenorio
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdf
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdfmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdf
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdfCatrinaTenorio
 

More from CatrinaTenorio (14)

Q1 W5-6.pptx
Q1 W5-6.pptxQ1 W5-6.pptx
Q1 W5-6.pptx
 
English 5 Week 1.pptx
English 5 Week 1.pptxEnglish 5 Week 1.pptx
English 5 Week 1.pptx
 
ap q4 week1.pptx
ap q4 week1.pptxap q4 week1.pptx
ap q4 week1.pptx
 
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptxcupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
cupdf.com_pangatnig-56bc905f5691f.pptx
 
ESP Q1 W3.pptx
ESP Q1 W3.pptxESP Q1 W3.pptx
ESP Q1 W3.pptx
 
COT 1 Filipino 6.pptx
COT 1 Filipino 6.pptxCOT 1 Filipino 6.pptx
COT 1 Filipino 6.pptx
 
FIL 6 Q1 W2-W3.pptx
FIL 6 Q1 W2-W3.pptxFIL 6 Q1 W2-W3.pptx
FIL 6 Q1 W2-W3.pptx
 
Area of Responsibility.docx
Area of Responsibility.docxArea of Responsibility.docx
Area of Responsibility.docx
 
FIL 5 Q1 WEEK 4.pptx
FIL 5 Q1 WEEK 4.pptxFIL 5 Q1 WEEK 4.pptx
FIL 5 Q1 WEEK 4.pptx
 
actionresearch-st-160704175135.pdf
actionresearch-st-160704175135.pdfactionresearch-st-160704175135.pdf
actionresearch-st-160704175135.pdf
 
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdf
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdfmgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdf
mgauringpangungusap-120706092641-phpapp02.pdf
 
AP Q1 W2-W3.pptx
AP Q1 W2-W3.pptxAP Q1 W2-W3.pptx
AP Q1 W2-W3.pptx
 
FIL 6 Q1 W1.pptx
FIL 6 Q1 W1.pptxFIL 6 Q1 W1.pptx
FIL 6 Q1 W1.pptx
 
FIL 5 Q1W1.pptx
FIL 5 Q1W1.pptxFIL 5 Q1W1.pptx
FIL 5 Q1W1.pptx
 

Recently uploaded

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............AljayGanda
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawMichaelJawhare
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPaoloBriones2
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasRonalynGatelaCajudo
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALHerlynJanMarieJuelo2
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...MerryChristJoely
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 

Recently uploaded (20)

ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
LARAWANG SANAYSAY PPT.pptx..............
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jawBanghay aralin sa filipino Example from jaw
Banghay aralin sa filipino Example from jaw
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptxPangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
Pangangailangan at Kagustuhan Powerpoint.pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa PilipinasIsyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
Isyu ng Social Inequality suliranin sa edukasyon sa Pilipinas
 
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURALARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
ARTS SINING 4 QUARTER 4 WEEK 3-4, PAMAYANANG KULTURAL
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 

Q3 W1.pptx

  • 2. Tama o Mali. Isulat ang T kung ang isinasaad ay paraan ng pagtugon ng mga katutubo sa kolonyalismo at titik M kung hindi nagsasaad. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Dumanas ng diskriminasyon ang mga Pilipino na nagnais na pasukin ang pagpapari. May nagplano ng mga lihim na pagtitipon upang isagawa ang pag- aalsa. 2. May mga katutubong mangangalakal na inagawan ng kabuhayan sa buhay. Hindi nila inalintana ang yaman at kaligtasan sa kamay ng mga dayuhan. Ipinaglaban nila sa pamamagitan ng pag-aalsa ang kanilang karapatan.
  • 3. Overview 3. Binabantayan ng mga sundalong Espanyol ang mga katutubong manggagawa. 4. Dumanas nang matinding kalupitan ang mga katutubo sa ilalim ng pamahalaang kolonyal pero nanatili pa rin silang sunod-sunuran at sinarili na lang ang paghihinagpis na kanilang nararamdaman. 5. Hindi idinaan sa dahas ni Jose Rizal ang ninanais na pagbabago sa ilalim ng pamahalaang kolonyal. 6. Nagpatupad ng mga patakaran ang pamahalaang kolonyal para sa mga katutubo. 7. Ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay akda ni Jose Rizal na naglalayong punahin ang mga maling pamamalakad ng mga dayuhan sa Pilipinas.
  • 4. Overview 8. Ang mga namumunong Espanyol sa pamahalaan ay naging palalo at mapagmataas sa kanilang posisyon. 9. May mga katutubo na naging taksil sa kapwa Pilipino. Sila ay lihim na nakipag- ugnayan sa mga dayuhan kapalit ng kanilang kahilingan. 10. Mas pinili ng mga mayayamang katutubo na maging tapat sa pamahalaang kolonyal at tinalikuran ang hinihiling na suporta ng kapwa Pilipino.
  • 5. Mga Pilipinong Nagtanggol sa Bansa Laban sa mga Espanyol Lakandula (1574) Nagkaroon ng kasunduan sina Lakandula at Legazpi na hindi magbabayad ng buwis ang mga angkan niya. Ngunit nang hindi tuparin nito ni Guido de Lavesarez, gobernador heneral na pumalit kay Legazpi, nag-alsa si Lakandula at ang kanyang mga kaanak laban sa pamahalaang kolonyal noong 1574. Sa huli ibinalik sa kanila ang kanilang karapatan.
  • 6. Magat Salamat (1587-1588) Nag-alsang muli si Magat Salamat, anak ni Lakandula upang ipaglaban muli ang kalayaan sa mga Espanyol. Nagtatag siya ng lihim na samahan at hinikayat niya ang mga ibat-ibang lider mula sa iba ibang panig ng Gitnang Luzon, Cuyo at Borneo. Ngunit natuklasan ng mga Espanyol ang lihim nilang samahan at sila ay dinakip at binitay.
  • 7. Tamblot at Bancao (1621-1622) Naganap ang rebelyong pangrelihiyon nang tinalikuran ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa nakagisnan nilang relihiyon. Si Tamblot ang namuno sa Bohol samantalang sa Leyte naman ay pinamunuan ni Bancao.Hindi sila nagtagumpay dahil kaagad silang nasupil at pinugutan ng ulo ng mga Espanyol.
  • 8. Juan Sumuroy (1649-1650) Taong 1649 nang ipag-utos ng mga Espanyol na magpadala ng mga polista na taga-Samar sa Cavite upang gumawa ng mga barko ngunit ito ay tinutulan ng mga taga Samar. Sa pamumuno ni Juan Ponce Sumuroy, lumaban sila sa mga Espanyol. Sinunog nila ang mga simbahan at namundok bilang rebelde. Nagwakas ang pag-aalsa nang mapatay si Sumuroy ng ilang kasamahan niyang nagtraydor sa kanilang simulain.
  • 9. Francisco Maniago (1660-1661) Pinangunahan ni Francisco Maniago mula Mexico, Pampanga ang pag-aalsa sa Lingayen at Pampanga. Sumiklab ang pag-aalsang ito dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino, tulad nang pagpapatupad ng polo y servicio, bandala at sapilitang paggawa. Nagkasundo ang grupo ni Maniago at mga Espanyol. Pinangakuan sila na tatanggap sila ng malaking halaga at hinayaan silang gumawa sa kanilang mga bukid.
  • 10. Diego at Gabriela Silang (1762-1763) Nagsimula ang pagrerebelde ni Diego Silang nang dahil sa mabibigat na pagpapataw ng buwis, pagsikil sa kalayaan at pag-aabuso ng alcalde- mayor. Nag-alsa si Diego Silang kasama ang kanyang pangkat sa pamahalaang Espanyol noong 1762. Itinatag din niya ang ang malayang “Ilocandia,” kung saan ang lungsod ng Vigan ang kabisera. May limang buwan ding nahawakan ng pangkat ni Silang ang Vigan. Pinatay si Silang ng matalik niyang kaibigang si Miguel Vicos.
  • 11. Ipinagpatuloy ng asawa niyang si Gabriela Silang ang kanyang sinimulang pakikipaglaban. Tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos” dahil sa mga tagumpay na kanyang pinamunuan. Mismong mga Pilipino mula sa Pampanga rin ang mga kalaban ng pangkat ni Gabriela. Nagtapos lamang ang rebolusyon pagkaraan ng apat na buwan, nahuli at binitay si Gabriela.
  • 12. Apolinario dela Cruz (1840-1841) Tinanggihan ng mga Dominikano si Apolinario dela Cruz sa pagnanais nitong maging pari dahil siya ay isang katutubo o indio. Si Dela Cruz ay kilala sa bansag na “Hermano Pule” na tubong Lucban, Quezon. Noong 1840, itinatag niya ang “Cofradia de San Jose,” isang samahang pangkapatiran na tumanggap ng mga kasaping maralita. Ang samahang ito ay hiwalay sa Katolisismo. Nahikayat ang marami sa kanyang samahan hanggang hiniling niya na ito’y kilalanin ng simbahan. Ito ay pinangambahan ng mga Espanyol at itinuring na kalaban ng simbahan at ng pamahalaan. Nadakip siya ng mga Espanyol noong Nobyembre 4, 1841 at hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad sa edad na 27. Pinagputol-putol ang kanyang katawan at ibinandera sa publiko upang hindi pamarisan.
  • 13. Francisco Dagohoy (1744-1821) Pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang itinuturing na pinakamahabang pag-aalsang isinagawa ng mga hindi Muslim. Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy sa isang personal na hinanakit laban sa mga paring tumangging basbasan ang bangkay ng kanyang kapatid na si Sagani na namatay sa pakikipagduwelo. Lumaban siya sa mga Espanyol at nahinto lamang ito ng siya ay tumanda at namatay.
  • 14. Pagpapahalaga sa Pagtatanggol ng mga Pilipino Laban sa Kolonyalismong Espanyol. 1. Kamalayan sa kasaysayan ng ating bansa. Mahalaga na malaman natin ang mga pangyayaring pagtatanggol noon laban sa pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa dahil malaki ang kaugnayan nito sa kasalukuyang panahon partikular sa aspeto ng kultura, paniniwala o relihiyon, ekonomiya at pulitika.
  • 15. 2. Tingalain bilang huwarang Pilipino. Ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa ay itinuturing na bayani ng ating bansa dahil sa kanilang naiambag sa pagkamit ng kalayaan ng Pilipinas. Isapuso ang mga kabayanihan ginawa nila sa ating bansa. 3. Pagsusulong ng karapatan. Ang bawat Pilipino ay may kakayahang ipaglaban ang karapatan at kalayaan sa tamang paraan. Hindi lamang sa dahas nakukuha ang ating ipinaglalaban. Bukas na ang puso’t isipan ng mga Pilipino na mas epektibo ang iba’t ibang paraan sa pagsusulong ng karapatan. Tandaan lamang na sa pagtatanggol sa bawat karapatan ay laging may kaakibat na responsibilidad.
  • 16. 1. Ang namuno sa pinakamahabang rebelyon na ang dahilan ay ang pagtanggi ng isang pari na basbasan ang bangkay ng kanyang kapatid. 2. Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na nagpatuloy sa pakikipaglaban – tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos.” 3. Itinatag niya ang Cofradia de San Jose nang tanggihan ng simbahan ang pagnanais niyang maging pari, kilala siya bilang Hermano Pule. 4. Mula Mexico, Pampanga kung saan pinamunuan ang pag- aalsa dahil sa mga pagpapahirap ng mga Espanyol sa mga Pilipino tulad nang hindi pagbayad sa mga biniling palay mula sa mga katutubong magsasaka. 5. Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang hindi tuparin ni Gobernador Heneral Lavezares ang naunang pangako ni Legazpi na hindi siya sisingilin ng tributo at mga kaanak niya.
  • 17. Isulat sa iyong sagutang papel ang TAMA kung ang pahayag ay tungkol sa mga kahalagahan ng pagtatanggol ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol at MALI kung hindi. 1. Ipagtanggol ang bansa kahit sa mga sa anumang paraang naaayon sa batas. 2. Huwag tularan ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa. 3. Ipagsawalang bahala ang kabayanihang ginawa ng mga Pilipino na nagtanggol sa bansa laban sa mga Espanyol. 4. Mahalagang malaman ng mga kabataan ang mga ginawang kabayanihan ng mga unang Pilipino na nagtanggol sa bansa 5. Gawing huwaran ang mga unang Pilipinong nagtanggol sa bansa.
  • 18. Iguhit sa sagutang papel ang tsek ( / ) kung ang pahayag ay tama at ekis ( x ) kung mali. 1. Matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. 2. Isa sa dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa o polo y servicio. 3. Si Francisco Dagohoy ang may pinakamahabang pag- aalsa laban sa mga Espanyol. 4. Tinanggihan ng mga Espanyol na maging pari si Hermano Pule. 5. Tinupad ni Gobernador Lavasarez ang kasunduan nina Lakandula at Legazpi.
  • 19. Iguhit sa sagutang papel ang tsek ( / ) kung ang pahayag ay tama at ekis ( x ) kung mali. 1. Matagumpay ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa kolonyalismong Espanyol. 2. Isa sa dahilan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Espanyol ay ang sapilitang paggawa o polo y servicio. 3. Si Francisco Dagohoy ang may pinakamahabang pag- aalsa laban sa mga Espanyol. 4. Tinanggihan ng mga Espanyol na maging pari si Hermano Pule. 5. Tinupad ni Gobernador Lavasarez ang kasunduan nina Lakandula at Legazpi.
  • 20. Isulat sa sagutang papel ang SN kung sumunod at naniwala, NH kung nanahimik, NM kung namundok, at NA kung nag-alsa. 1. Bumuo ng lihim ng samahan upang labanan ang pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga manggagawang Pilipino. 2. Maraming Pilipino ang nahikayat na sundin ang aral na dala ng Kristiyanismo. 3. May mga Pilipinong nakaranas ng paghihirap ngunit nagtiis sa kamay ng mga Espanyol. 4. May mga katutubong Pilipino na lumipat sa ibang lugar kung saan hindi sila abot ng pamahalaang Espanyol. 5. Mas pinili nilang manahimik at sumunod sa patakaran ng Espanyol para sa kanilang kaligtasan.
  • 21. Piliin ang wastong paglalarawan sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa tugon ng mga katutubo sa kolonyalismo. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. 6. Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng kolonyalismo? A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan. B. Naging mulat sila at naghangad ng pagbabago. C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan. D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa.
  • 22. 7. May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan. A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga patakarang Espanyol. B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang gumawa ng mga gawaing nakatakda sa kanila. C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran. D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.
  • 23. 8. Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na pamamahala ng mga Espanyol. A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol. B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pag-aalsa. C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang tuligsain ang dayuhan. D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.
  • 24. 9. Naranasan ng mga Pilipino ang lupit ng mga patakarang ipinatupad sa kolonya. A. Nagsawalang-kibo ang nakararaming mga katutubo dahil sa takot sa mga sundalong Espanyol B. Tumutol sila sa pamamahala ng mga dayuhan at piniling takasan ang kalupitan ng mga dayuhan. C. Bumuo sila ng samahan upang simulan ang pag-aalsa. D. Lahat ay tama.
  • 25. 10. Ang mga Pilipino mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa mga dayuhan ay hindi nanatiling sunud-sunuran na lamang. A. Nanatiling tikom ang bibig at takot na sumalungat sa patakaran ng mga dayuhan. B. Mga kababaihan na sumali sa pag-aalsa ay hindi naging hadlang ang kanilang kasarian. C. Mga magsasaka na hinayaang kunin ang kanilang lupain. D. Gumawa ng kasunduan na babayaran ang mga katutubo sa kanilang gawain.
  • 26.
  • 27. Ilarawan sa iyong sariling salita ang pagtatanggol sa bansa na ginawa ng sumusunod na Pilipino laban sa Kolonyalismong Espanyol. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 16. Lakandula 17. Magat Salamat 18. Francisco Dagohoy 19. Diego Silang 20. Apolinario Dela Cruz
  • 28. Key people Choose three leaders for Black History Month using Bing.com and discuss their lives and accomplishments. Here are some examples: Bayard Rustin was a close advisor to Martin Luther King and an American leader of the civil rights movement. Rustin organized and led several protests, including the 1963 March on Washington. Jesse Owens was an American track and field athlete and four-time gold medalist in the 1936 Olympic Games in Germany. Owens specialized in the sprints and the long jump. Zora Neale Hurston was an American author, anthropologist, and filmmaker. In 1937, she published her famous novel, Their Eyes Were Watching God.
  • 29. Panahanan Bago pa man dumating ang mga Espanyol ang mga Pilipino ay nagtayo ng mga tirahan na malapit sa mga baybayin at sa tabing ilog. May mga nanirahan din sa mga kabundukan. Ito ay upang malapit sila sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan. Ang disenyo ng mga tirahan ng mga Pilipino ay kadalasang yari sa mga likas na materyales tulad ng kawayan, buho, cogon at ratan na angkop sa klima ng bansa. Ang tirahan ng mga Pilipino ay tinatawag na bahay kubo. Sa pagdating ng mga Espanyol nagbago rin ang estruktura ng tirahan ng mga Pilipino. Ipinakilala ng mga Espanyol ang bahay na bato. Ito ay malaki at matibay, gawa ang unang palapag nito sa bato at ang ikalawang palapag naman ay yari sa matigas na kahoy.
  • 30. Kung susuriin ang bahay na bato na ipinakilala ng mga Espanyol ay halos pareho ng bahay kubo. Mas matibay lamang dahil ginamitan ito ng bubong na tisa, batong adobe, semento, baldosa at matitibay na kahoy. Malalaki at maluluwang ang bintana upang malayang makapasok ang hangin. Mayroon din itong azotea o balkonaheng na ginagawang pahingaan at pagtanggap ng bisita. Marami pa rin ang ganitong bahay sa Pilipinas tulad sa Vigan, Ilocos Sur at sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga at maging ilang lugar sa Pilipinas. Mga nakaaangat lamang sa lipunan ang nakapagpapagawa ng ganitong estilo ng tirahan. Samantala, ang mga nasa mababang uri ng lipunan ay nanatiling nakatira sa mga kubo.
  • 31. Lutuin Ang impluwensiya ng mga Espanyol sa pagkaing Pilipino ay makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan. Natutuhan ng mga Pilipino ang pagluluto ng longganisa, tocino, embutido, bistek, callos, torta, pochero, eschabeche, menudo, afritada, relleno, mechado, caldereta at estefado na madalas makikita sa tuwing may pagdiriwang. Nariyan din ang arrozcaldo, empanada, paella, chirachon at leche flan. Natuto ang mga Pilipino na gumamit ng kutsara, tinidor at kutsilyo sa pagkain. Mga kasangkapan tulad ng tasa, baso, mangkok at plato na naging impluwensya rin ng mga Espanyol at Tsino.
  • 32. Pananamit Naging pangunahing impluwensya ng mga Espanyol ay ang tsinelas at sapatos. Ang mga kalalakihan ay natutong magsuot ng sombrero, mahabang pantalon, dyaket, camisa chino, ropilla at sapatos. Ang mga kababaihan naman ay natutong magsuot ng saya (mahahabang palda) at kimona (blusang yari sa pinong tela). Minsan sinasamahan nila ito ng panuela o malaking panyo na ipinapatong sa balikat at mantilla o alampay. Naimpluwensyahan din ng mga Espanyol ang pagsusuot ng panyeta o panggayak na suklay sa buhok. Nakagawian din nilang magdala ng abaniko at panyolito.
  • 33. Edukasyon Walang pormal na edukasyon ang mga sinaunang Pilipino noon. Natuto sila sa mga turo ng kanilang mga magulang tulad ng pangingisda, pangangaso at pagtatanim, bagama’t may baybayin ngunit wala silang pormal na edukasyon. Sa panahon ng mga Espanyol, ang pormal na edukasyon sa Pilipinas ay pinasimulan. Ang mga prayle ang nangasiwa sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Layunin nito na turuan ang mga Pilipino na mamuhay sa pamamaraang Kristiyano. Dito nagsimula nang nagtayo ng iba’t ibang paaralan at kolehiyo.
  • 34. Noong ika-19 siglo lamang sila unang tumanggap ng kababaihang Pilipino. Ang mga paaralan para sa kababaihan ay nakapokus ang mga aralin sa mga gawaing bahay at paglilingkod sa simbahan. Layunin ng mga kolehiyong ito na ihanda ang kababaihan sa pag-aasawa at pagpasok sa kumbento. Itinuturo dito ang kagandahang asal, musika, pananahi at pag-aayos ng tahanan. May mga paaralan ding bokasyonal kung saan itinuturo ang mga kasanayan tulad ng agrikultura, pag-iimprenta, pagkakarpintero at pagkukulay ng tela.
  • 35. Musika Ang paggamit ng instrumentong alpa, byulin, gitara, piano at plawta ay nalaman din. Naipakita rin ang kanilang husay sa paglikha ng instrumentong yari sa kawayan. Halimbawa nito ay ang “Organong Kawayan” na nasa simbahan ng Las Pinas na ginawa ni Padre Diego Cera, isang rekoletong misyonero noong 1818.
  • 36. Sayaw Nakilala ang mga sayaw na Jota, Surtido, Habanera, Tango, Fandango, Lanceros, Rigidon, Polk, Mazurka at Waltz. Nahaluan din ng impluwensiya ng Kanluranin ang mga katutubong sayaw ng mga Pilipino. Sinayaw ang Itik-itik at Tinikling sa indayog na La Jota at Polka. Ang mga ilang galaw naman sa Carinosa, sayaw Santa Isabel at iba pang sayaw pag-ibig at pananampalataya sa mga santo ay hango sa Waltz.
  • 37. Sining. Ang mga likhang pinta at eskultura ay naging limitado lamang sa temang panrelihiyon noong panahon ng kolonyalismo. Kalimitang inukit at ipininta ang wangis ng mga santo, Birheng Maria at mahahalagang tagpo sa Bibliya. Nalinang ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangang ito. Si Damian Domingo ay tinaguriang “Ama ng mga Pintor na Pilipino”. Pinakabantog namang pintor sa panahong iyon sina Juan Luna na lumikha ng “Spolarium”, ang dibuhong nagwagi ng unang gantimpala sa isang patimpalak sa Espanya.
  • 38. Panitikan. Malaki rin ang naging impluwensya ng mga Espanyol sa larangan ng panitikan. Ipinakilala ng mga Espanyol ang dasal, nobena, talambuhay ng mga santo at santa, awit, korido, tula, kuwento, moro-moro, senakulo, karilyo at sarsuwela.
  • 39. Awit - tulang pasalaysay na binubuo ng labing-dalawang pantig sa bawat linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na likha ni Francisco Balagtas, ang tinaguriang “prinsipe ng Makatang Tagalog”. Korido - tulang may walong pantig sa bawat taludtod. Ang “Ibong Adarna” at “Don Juan Tiñoso” ang mga halimbawa nito.
  • 40. Moro-moro -dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim at ang wakas nito ay ang pagkagapi ng Muslim o pangtaggap sa relihiyong Kristiyanismo. Sarsuwela – dulang may salitaan, sayawan at awitan
  • 41. Karilyo – dulang gumagamit ng mga tau-tauhang karton na pinapagalaw sa harap ng ilaw Senakulo - dulang nagpapakita ng mga paghihirap at pagpaparusa sa Panginoong Hesukristo
  • 42. Pagpapangalan Batay sa kautusan ni Gobernador-Heneral Narciso Clavera Bautista, binigyan ng apelidong Espanyol ang mga Filipino tulad ng Dela Cruz, De los Santos Santiago at iba pa. Mayroong nakatalang mahigit na 61,000 na pagpipiliang apelido sa Catalogo Alfabetico de Apellidos. Binago rin ng mga Espanyol ang pangalan ng mga pook, pueblo na kalimitan ay hinango sa pangalan ng mga patron at santo tulad ng San Isidro, San Antonio, Del Rosario, Sta. Maria at iba pa.
  • 43. Relihiyon Ang mga katutubong Pilipino ay may mga paniniwala sa mga diyos at diyosa ng kalikasan, marami rin ang may mga paniniwala sa relihiyong Islam. Sa pagdating ng mga Espanyol, unti-unting napalitan ng Kristyanismo ang mga paniniwalang ito. Itinuro ang mga Katolikong kaugalian gaya ng pagbibinyag, pagpapakasal, pangungumpisal pagrorosaryo, pagnonobena, pagsisimba at iba pa. Sa pagpapalaganap ng mga aral ng Kristiyanismo sinunog ang mga dokumento patungkol sa dating paniniwala at pinalitan ng mga kuwento ng pagpapakasakit ni Kristo at ang pangako n’yang buhay na walang hanggan.
  • 44. Kaugnay nito, dinala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang sistema ng palimbagan. Ang Doctrina Christiana ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas noong 1593. Ito ay isang aklat tungkol sa katesismo at mga dasal at isinalin ito sa wikang Tagalog. Madaling napasunod ang mga Pilipino sa bagong pananampalataya na ginamit ng mga prayle ang mga naunang pamamaraan ng paniniwala. Kabilang dito ang pagbabasbas, paggamit ng mga rebulto at pagsalin ng mga dasal sa salita ng mga katutubo.
  • 45. Mga Pagdiriwang Malaking impluwensiya din ang mga iba’t ibang pagdiriwang panrelihiyon na dinala ng mga Espanyol. Ang mga ito ay naging bahagi na rin ng tradisyong Pilipino hanggang kasalukuyan ay ipinagdiriwang pa rin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
  • 46. Pista. Ang kapistahan ng patron o santo ng bayan ang pinakatanyag at nakaaaliw na pagdiriwang. Kumpleto ito sa mga banderitas sa kalsada, banda ng musiko, palaro, palabas at sayawan. Bahagi nito ang magarbo at magastos na handaan. Ang mga kamag- anakan sa ibang bayan ay dumadalaw upang makipagdiwang ng pista. Natutong mangutang ang mga Pilipino para may maihanda sa araw na ito. Mayroon din prusisyon ng mga napiling magandang kababaihan tuwing Flores de Mayo at Santacruzan
  • 47. Pasko. Ang pasko ay pagdiriwang ng bawat pamilya na ginugunita ang kapanganakan ni Hesus. Kumakain sila sa noche buena at nagbibigayan ng regalo katulad ng ginawa ng tatlong hari na nagbigay ng regalo kay Hesus.
  • 48. Binyag at Kasal. Ang bawat Pilipino ay dumaraan sa ritwal ng pagbibinyag. Ito ay palatandaan na kabahagi na ng mga pananampalatayang Kristiyano. Ang taong binibinyagan ay kumukuha ng ninong at ninang sa paniniwalang gagabay at gaganap sila bilang pangalawang magulang niya. Gayundin ang kaugalian sa kasal mamimili ng mga ninong, ninang at abay upang maging saksi ng kanilang kasal o pag-iisang dibdib.
  • 49. Mga Laro Marami ring mga larong Pilipino ang naimpluwensya ng mga Espanyol. Ang mga larong ginagamitan ng kard ay nakuha natin sa mga Espanyol tulad ng Juego de prenda (nilalaro habang nagbabantay sa patay), Pangguinggui, Kuwaho at Siete-siete. Mga larong panlabas naman ang mga Patintero, Sipa at Palosebo
  • 50. AP 5 WEEK 5-6 Ang Pag-usbong ng Nasyonalismong Pilipino
  • 51. Ang mga Espanyol ay naging masigasig sa pagpapalaganap ng kolonyalismo sa Pilipinas. Ginamit nila ang Kristiyanismo at iba’t-ibang mga patakaran tulad ng reduccion, polo y servicio, tributo, at ang sistemang encomienda upang mapasunod ang mga sinaunang Pilipino at mapasailalim sa kapangyarihan nito.
  • 52. Dahil sa kahirapang nararanasan sa mga patakarang ipinatupad ng kolonyalismong Espanyol ay maraming mga Pilipino ang nagnais makawala sa kapangyarihan ng Espanya. Nagbigay daan ang kolonyalismong Espanyol upang matuklasan ng mga Pilipino ang kaya nilang gawin. Hinamon nito ang kanilang katatagan at nagbigay daan upang mapaunlad ang pagkakakilanlang Pilipino.
  • 53.
  • 54. Dahilan ng Pakikipaglaban • Pagtutol sa monopoly ng tabako • Pagtutol sa sapilitang pagbibinyag at Krisyanismo • Pagtutol sa labis na pagbubuwis, polo y servicio at pahihigpit sa porduksiyon ng produkto • Pagbawi ng kalayaang mamuno at karangalan • Okupasyon ng British sa Maynila
  • 56.
  • 57.
  • 58.
  • 59.
  • 60.
  • 61.
  • 62.
  • 63.
  • 64.
  • 65.
  • 66.
  • 67. 1. Ano ang naging epekto ng monopolyo ng tabako sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino? 2. Bakit tinutulan ng mga ilang katutubo ang Kristiyanismo? 3. Paano nakaapekto ang mga patakarang ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol sa pamumuhay ng mga Pilipino? 4. Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at kalayaang muling mamuno? 5. Paano pinaalab ng Okupasyon ng British sa Maynila ang hangaring makipaglaban ng mga Pilipino? 6. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga isinagawang pag-aalsa ng mga sinaunang Pilipino? Bakit?
  • 68. Ang nasyonalismo ay isang ideolohiyang politikal na lumaganap sa bansang England noong noong ika-18 siglo kung saan ang pagkakakilanlan ng isang tao ay kaniyang ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan. Ito ay ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng kolonyalismong Espanyol na kung saan buong tapang nilang nilabanan ang mga mananakop na Espanyol sa kabila ng kanilang kakulangan sa armas at kasanayan.
  • 69. Ang mga pagbabagong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas ay nagtulak sa mga Pilipino upang mag-alsa at magsagawa ng pakikipaglaban sa kolonyalismong Espanyol. Tinutulan ng mga Pilipino ang mga maling pamamalakad at pagmamalabis sa kapangyarihan ng mga pinunong Espanyol. Ang mga mapang-abusong patakaran at mga kaganapan sa loob ng bansa ay nagpaigting sa kamalayan ng mga Pilipino na kumawala sa kapangyarihan ng Espanya at magsagawa ng mga pag-aalsa at pakikipaglaban.
  • 70. Ang ipinamalas na kagitingan sa pakikipaglaban ng mga Pilipino ay nagpamalas ng matinding pagmamahal sa bayan. Ang pagnanais na muling maibalik ang nawalang kalayaan laban sa mga mananakop na Espanyol at muling mamuhay ng payapa at may dangal maging kapalit man ito ng kanilang sariling mga buhay ay sadyang hindi matatawaran.
  • 71. Hindi naging madali sa mga Espanyol na sakupin ang Pilipinas. Kinailangan nilang magkaroon ng isang magandang taktika upang mahimok ang mga katutubong Pilipino na tanggapin ang kolonyalismo at masupil ang mga ito. Ang Hilagang Luzon at Mindanao ay iilan sa mga lugar na nais sakupin ng mga Espanyol dahil sa mga likas na yaman na mayroon ang mga lugar na ito at baguhin ang kanilang paniniwala na may kinalaman sa relihiyon. Mga Katutubong Pilipino na Lumaban sa mga Espanyol
  • 72. Idinaan ng mga Espanyol sa marahas na pamamaraan ang pagsupil sa mga Igorot at Muslim. Gamit ang iba’t ibang armas, ang pamahalaang kolonyal ay nagpadala ng ekspedisyong militar sa Cordillera at Mindanao upang matiyak ang pagkatalo ng puwersa ng mga katutubo. Ipinatupad din nila ang divide and rule policy upang pagwatak-watakin ang mga katutubo at upang humina ang puwersa ng mga ito sa pakikipaglaban. Nagpadala rin sila ng mga mersenaryo upang labanan ang kapwa katutubo. Sa kabila nito, buong giting na nakipaglaban ang mga ito upang mapanatili ang kanilang mapayapang pamumuhay sa kanilang lupain.
  • 73. Gumupit ng larawan ng isang taong iyong hinahangaan sa dyaryo o magazine (maaaring pulitiko, personalidad, guro o magulang). Idikit ito sa isang piraso ng malinis na bond paper. Isulat sa kung ano ang kanyang naging kontribusyon para sa ating bayan.
  • 74. Hindi man tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang mga _____(1)_____ at mga Muslim dahil ang mga ito ay nagpakita nang galing sa pakikipagdigma. Isa sa mga layunin ng pananakop ng mga Kastila sa bulubundukin ng Hilagang Luzon ay upang ikalat ang relihiyong _____(2)_____ at upang makuha ang mga _____(3)_____ na matatagpuan sa kabundukan. Ipinag-utos ni Miguel Lopez de Legazpi na siyasatin ang dami ng mga gintong ibinebenta ng mga katutubo sa Ilocos sa pangunguna ng kanyang apo na si _____(4)_____. Upang masugpo ang mga katutubo, nag-isip sila ng taktika na tinatawag nilang _____(5)_____ na ang layunin ay pigilan ang mga ito na magkaisa laban sa mga mananakop.