2. Ang pag-angkin ng mga Hapones sa mga teritoryo ng mga bansang
nasa Timog-Silangang Asya at ang tuluyang pagbubukas ng Maynila ay
hindi naging hadlang sa sandatahang pandigma ng Pilipinas at Amerika na
ipagtanggol ang Pilipinas. Kahit na tuluyang nilang nilisan ang kabisera,
ipinuslit ang Pangulong Manuel Quezon, Pangalawang Pangulong Sergio
Osmeña, at ang kani-kanilang pamilya patungong Amerika. Lumisan si
Heneral Douglas McArthur patungong Australiya. Sa kabila nito, hindi
naging kawalan sa mga sundalo na ipakita ang kanilang katapatan at
katapangan na ipagpatuloy ang laban.
3. Pagbagsak ng Bataan
Ang mga Hapones ay nagkaroon ng
karagdagang sandatahan, kung kaya nagawa
nilang maglunsad ng malawakang pagsalakay sa
Bataan noong Abril 3, 1942. Ang namuno sa mga
Hapones ay si Heneral Kineo Kitajima, habang
si Jonathan Wainwright naman ang namuno sa
United States armed Forces in the Far East
(USAFFE) sa Pilipinas. Pinaulanan ng mga
Hapones ng bomba ang huling linya ng depensa
ng USAFFE sa Bataan, ang Orion-Bagac.
4. Pagbagsak ng Bataan
Sumuko ang hukbong nagtanggol sa
bataan dahil sa lakas ng sandatahan ng mga
Hapones. Pagod at gutom ang mga Amerikano
at Pilipinong mga kawal. Ito ay nangyari nang
ang pinuno ng Luzon nas si Heneral Edward
King ay nakipag-usap sa pinuno ng
sandatahang Hapon sa Luzon na si Major
General Kameichiro Nagano.
5. Ang Death March
Walang magandang naidulot ang pagsuko ng sandatahang
Amerikano at Pilipino dahil nilabag ng mga Hapones ang
tradisyong pandigma ng Europa na tumutukoy sa paggalang at
pagkahabag sa mga susukong kawal. Sa halip, naghirap ang
mga naging bihag nang sinimulanang paglalakad ng mga
sundalong Pilipino at Amerikano mula Mariveles, Bataan
hanggang San Fernando, Pampanga noong Abril 9, 1942.
6. Ang Pagbagsak ng Corregidor
Isang buwan pagkatapos ng pagbagsak ng Bataan,
nasakop din ng mga Hapones ang Corregidor at iba pang pulo
nito sa pamumuno ni Heneral Jonathan Wainwright IV. Nais ng
mga Hapones na pasukuin ang lahat ng mga base militar sa
Pilipinas at dahil humina ang puwersang Amerikano at
Pilipino, napilitan ang sandatahang Amerikano at Pilipino sa
buong Pilipinas na sumuko sa mga Hapones noong Mayo 6,
1942.
7. Ang Pagbagsak ng Corregidor
Umasa ang mga sumukong kawal na walang pagmamalupit na mangyayari sa kanila sa kanilang
pagsuko ngunit pinagmalupitan sila, kagaya sa nangyari sa mga kawal na unang sumuko sa Bataan
Death March kung saan sila ay pinagmalupitan ng mga Hapon. Umabot sa 16000 kawal ng Amerika
at Pilipinas ang nagdusa, 84000 ay nakaranas ng pagmamalupit habang nasa piitan o pinatay ng mga
Hapon. Sa 20000 na Amerikanong sundalo na nadakip ng mga Hapon sa Pilipinas, kalahati nito ay
namatay bago ang pagtatapos ng digmaan sa Pasipiko. Karamihan sa kanila ay pinatay, ginutom,
nagkasakit, at pinagmalupitan.