paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
Material, Vincent M. (Pagbasa-sanaysay)-converted (1).pdf
1. Vincent M. Material Pebrero 11, 2021
BSN-2A PAGBASA
Sumulat ng SANAYSAY na may 5 hanggang 10 pangungusap at ipaliwanag ang
kahalagahan ng pagbabasa sa pagtukoy ng layunin ng teksto at pag-uuri ng mga
detalye kung ito ba ay opinyon ba o katotohanan.
Ang pagbabasa sa malawak at payak nitong kahulugan ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang indibidwal na iproseso ang mga bagay na nakalimbag sa isang
lathalain o kathang-panlarangan. Napakahalaga ng pag-uuri sa bawat detalye at
kontekstong nakapaloob sa isang gawang pampanitikan nang sa gayon ay maunawaan
ng mambabasa ang kabuuang mensahe ng awtor o manlilimbag nito. Bilang panimula,
ang pagtukoy ng layunin ng teksto ay isang napakalaking hakbang upang mawari ng
mambabasa ang nais mangyari ng awtor sa kanyang mga tagasubaybay. Sa tulong ng
pagtiyak sa layunin ng teksto tulad ng damdamin, tono, at pananaw, mas mabibigyang
linaw at pansin ang tunay na adhikain ng awtor sa nasabing likhang-sining. Magbibigay
daan din ito sa mga mambabasa kung para kanino at para saan ito inilalaan ng awtor o
manlilikha. Kung pag-uuri ng mga ideya at detalye naman ang ating pag-uusapan,
mahalagang malinang ito sa kasanayan ng bawat mambabasa nang sa gayon ay
malaman at mabigyang pansin ng mga ito ang pagkakaiba-iba ng mga detalye mula sa
pangunahing ideya patungo sa mga suporta at pantulong na ideya. Lalo’t higit sa lahat,
napakahalagang mabigyang importansya ang pagtukoy kung opinyon o katotohanan
ang isang likha dahil maaari itong magdulot ng kaguluhan sa isip at diwa ng
mambabasa kung hindi ito agarang maaksyunan. Bilang payo, makakatulong ang
pangangalap ng impormasyon kung ito ay manggagaling sa mga pinagkakatiwalaang
koleksiyon o mga eksperto sa nasabing larangan. Sa kabuuan, gamitin natin ang
pagbabasa sa pinakamakabuluhan at pinakamakasaysayang pamamaraan nang sa
gayon ay makatulong ito sa pansariling kasanayan at pangkalahatang kalinangan.