Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
PAGBASA.pptx
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15. Layunin, Tono, Damdamin at Pananaw
Sa tulong ng epektibong pagbasa madaling matutuklas
ng mga mambabasa ang ipinahahayag at ipinararating na
layunin, damdamin, tono at pananaw ng teksto. Ang pagtuklas
sa mga ito ang magbibigay ng higit na makabuluhang pag-
unawa sa kabuuang teksto.
16. Layunin
Tumutukoy sa mithiin o nais na mangyari ng isang
manunulat o may-akda sa kanyang mga mambabasa
matapos basahin ang teksto. Maaaring nais o gusto ng teksto
na mahikayat ang mga mambabasa na paniwalaan at sundin
ang mensahe ng akda. Maaari din namang nais nitong
mangaral, magbigay ng impormasyon, at magbigay- aliw sa
mga mambabasa.
17. Damdamin
Tumutukoy ito sa mga emosyon o saloobing nalilikha ng
mambabasa buhat sa kanilang pagkakaunawa sa binasang
teksto. Ang damdamin ay maaaring saya, lungkot, takot, galit,
pag-ibig, paghanga, pagkagulat at iba pang pangkaraniwang
emosyong nararamdaman at nararanasan ng mga tao.
18. Tono
Tumutukoy ito sa emosyon o saloobin ng may-akda sa
paksa ng tekstong kaniyang isinulat. Isa ito sa mga
nagpapakita ng husay ng mga manunulat sa pagpapahayag
ng gusto nilang iparating, tulad halimbawa ng mga manunulat
o may-akda na kayang gawing magaan ang pagtalakay sa
mga seryosong paksa o usapin. Ang tono ng mga akda ay
maaaring nanunudyo, mapagbiro, masaya o malungkot at iba
pa.
19. Pananaw
Tinatawag itong punto de vista ng teksto. Sinasagot nito
ang tanong na “Sino ang nagsusulat o nagkukuwento sa
akda?” Sa tulong ng pananaw, maaaring mas maging
malawak at makabuluhan ang maging pag-unawa ng mga
mambabasa sa teksto. Halimbawa, kung ang pananaw ng
may-akda ay nasa unang katauhan, masasabing ang
manunulat mismo ang karakter sa kaniyang isinasalaysay o
kinukuwento. Sa ganitong paraan, maaaring maging malawak
ang pagsusuring isasagawa ng mga mambabasa at gamitin
ang personal na karanasan ng manunulat upang ganap na
maunawaan ang teksto.
20. Makikita ang pananaw ng akda sa tulong ng iba’t ibang
panghalip na ginamit sa teksto.
- Unang panauhang pananaw– ako, ko, akin, atin, natin,
tayo, kami
- Ikalawang panauhang pananaw (tagamasid) – ikaw, mo,
ka, iyo, kanila, kita, kayo, inyo, ninyo
- Ikatlong panauhang pananaw – siya, niya, kanya, sila, nila,
kanila
Editor's Notes
Ang pagbabasa ay bahagi ng pang-araw- araw na gawain ng mga tao.
Kabilang sa limang makrong kasanayan na nililinang sa isang indibidwal ang pagbabasa.
Bilang isang kasanayan, ang pagbabasa ay hindi lamang bahagi ng pangangailangan sa
paaralan o akademikong landas ng isang tao kundi isa ito sa mga maituturing na
mahalagang kakayahan at kasanayan sa pagkakaroon at pagpapalawak ng kaalaman at
ugnayan sa kapwa.
Ang pagbasa ay isang kognitibong kasanayan sa pagbibigay-kahulugan o interpretasyon sa
tekstong nakalimbag o wikang binibigkas.
Pansinin na mayroong dalawang salita na naglalarawan sa pagbasa—kognitibo at
kasanayan. Alam mo ba kung ano ang mga ito?
Bukod dito, ang pagbasa ay produkto rin ng dalawang kognitibong elemento- pag-unawa sa
wika (language comprehension) at pag-unawa sa nilalaman (decoding).
Nangangahulugan itong kailangan ng mga mambabasa ang kaalaman at kakayahan sa
pag-unawa sa wika at nilalaman upang ganap na magkaroon ng kahulugan at kabuluhan
ang mga salitang binasa.
Ang pag-unawa sa wika o language comprehension ay nangangahulugang nabibigyan natin
ng kahulugan ang mga salita dahil bahagi ito ng isang wika na alam at nauunawaan natin.
Halimbawa, nakababasa ka ng mga salitang Filipino at Ingles dahil marunong ka ng mga
wikang ito at naging bahagi na rin ito ng ating araw-araw na pakikipagtalastasan.
Basahin at suriin ang halimbawang pangungusap na ito:
Basahin natin ang naunang pangungusap.
“Mayroong walong pangunahing wika sa Pilipinas.”
Naiintindihan mo ba ang pangungusap?
Oo, naiintindihan mo ito dahil nakakaunawa ka ng wikang Filipino.
Ngayon naman ay basahin natin ang ikalawang pangungusap.
“Nagkadto ako sa tyangge para magbakal sang bugas.”
Naiintindihan mo ba ang binasang pangungusap?
Marahil, kung marunong ka ng wikang Hiligaynon, ay nauunawaan mo ang binasa nating
pangungusap. Ngunit kung hindi, walang saysay sa iyo ang binasang pangungusap kahit pa
nauunawaan mo ang mga salitang “ako” at “para.”
Ito ang ipinararating ng pag-unawa sa wika, nauunaawan o higit na madali ang pag-unawa
sa binabasa kapag may kaalaman ang mambabasa sa wikang ginamit sa kaniyang binasa.
Ang pag-unawa sa nilalaman o decoding ay nangangahulugang nabibigyan natin ng
kahulugan ang salita dahil may nauna na tayong kaalaman tungkol dito. Bunga nito,
nahihinuha natin ang kahulugan at kabuluhan ng isang salita batay sa impormasyong kaugnay nito. Ibig sabihin, malaki ang naitutulong ng mga impormasyon, clue o pahiwatig
na ipinapahayag ng teksto upang maunawaan ng mga mambabasa ang kahulugan at nais
iparating nito.
Mayroong iba’t ibang paraan para isagawa ang decoding, ilan sa mga ito ang paggamit ng
sight words, visualization, paggamit ng graphic organizer, guided reading, at summarizing.
Ang paggamit ng mga sight word ay isang pangkaraniwang estratehiya ng decoding. Ang
sight word ay salitang madalas na mabasa sa mga akda. Wala itong katumbas na larawan o
hindi agad natutukoy ang baybay kapag binigkas. Dahil dito, madalas na tinatandaan na
lamang ang itsura ng salita para mabilis itong mabasa at maunawaan kahit tingnan lamang
ito.
Halimbawa, ang mga salitang ang, tulad, lamang, akin, at iyo ay walang katumbas na
larawan. Samantala, ang mga salitang ng, nang, at mga ay hindi binabaybay ayon sa
pagbigkas. Gayumpaman, bagama’t walang katumbas na larawan at hindi ito binabaybay
nang naaayon sa pagbigkas, madali pa ring natatandaan ng mga mambabasa ang kaakibat
nitong kahulugan kaya’t kapag nakabilang na ito sa mga teksto, nabibigyang hudyat o gabay
na ng mga ito ang mga mambabasa.
Ang biswalisasyon o visualization ay ang paggamit ng imahinasyon sa tulong ng mga
nabubuoong ilustrasyon o larawan sa ating isipan para maunawaan ang kabuluhan ng
binabasang teksto. Halimbawa ay nagbabasa tayo ng recipe ng sinigang mula sa isang
cookbook. Madali nating nauunawaan ang tinutukoy na mga sangkap at hakbang sa
pagluluto ng sinigang dahil ang teksto ay nakagagawa ng imahen ng mga sangkap sa ating
isipan. Ibig sabihin, habang binabasa natin ang teksto ay nakagagawa na tayo ng larawan ng
mga ito sa ating isipan.
Ang biswalisasyon o visualization ay ang paggamit ng imahinasyon sa tulong ng mga
nabubuoong ilustrasyon o larawan sa ating isipan para maunawaan ang kabuluhan ng
binabasang teksto. Halimbawa ay nagbabasa tayo ng recipe ng sinigang mula sa isang
cookbook. Madali nating nauunawaan ang tinutukoy na mga sangkap at hakbang sa
pagluluto ng sinigang dahil ang teksto ay nakagagawa ng imahen ng mga sangkap sa ating
isipan. Ibig sabihin, habang binabasa natin ang teksto ay nakagagawa na tayo ng larawan ng
mga ito sa ating isipan.
Ilan sa mga grapikong pantulong na ginagamit sa pagbabasa ang sumusunod:
• Venn diagram para maghambing ng dalawa o higit pang elemento ng teksto tulad ng
tauhan, tagpuan at nilalaman ng teksto;
• Process flowchart para sa banghay o pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari; at
• Hierarchy o List chart para sa paglilista ng iba pang elemento, katangian, o konsepto
na inilahad sa isang teksto.
Ang ginabayang pagbasa o guided reading ay ginagawa sa pamamagitan ng paglilista ng
mga tanong tungkol sa babasahing teksto. Ang mga ito ang magsisilbing gabay sa
mambabasa sa mahahalagang detalye na dapat niyang tandaan habang nagbabasa ng
teksto.
Halimbawa, kung ang teksto ay isang kuwento, maaaring itanong ang tungkol sa
Ang summarizing ay ang pagbubuod ng teksto. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagkuha
ng mahahalagang detalye o pangyayari para mabuo ang kuwento sa pinakamaikling paraan.
Halimbawa, sa “Alamat ng Pinya,” nakagawa ng buod gamit lamang ang anim na
pangungusap.