SlideShare a Scribd company logo
1 of 73
FILIPINO SA
PILING
LARANG
(AKADEMIK)
HUMSS, GAS,
ABM, STEM
Ang Kahalagahan ng
Pagsusulat at
Akademikong Pagsulat
Pagsusulat
–Isa sa makrong kasanayang
dapat mahubog sa mga mag-
aaral.
Ayon kay Cecilia Austera, et.al
–Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng
mensahe ang WIKA.
Ayon kay Edwin Mabilin, et.al
–Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
–Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik
ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng
paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap
sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang
akda o sulatin.
Iba’t Ibang Dahilan sa
Pagsusulat
– Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa
kanila.
– Sa mag-aaral, matugunan ang pangangailangan sa pag-
aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
– Sa propesyonal na manunulat (awtor, sekretarya, guro at
iba pa) ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon
o trabaho sa kanilang ginagampanan sa lipunan.
Anuman ang dahilan, nagdudulot ito ng
malaking tulong sa nagsusulat sa mga
taong nakababasa nito, maging sa lipunan
sa pangkalahatan sapagkat ang mga
sinulat ay magiging dokumento sa
nakalipas na pangyayari o panahon na
nagsisilbing tulay para sa kabatiran ng
susunod ng henerasyon.
Ayon kay Mabilin (2012)
–Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan
ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magsalin-salin sa bawat panahon.
–Sa limang makrong kasanayan pangwika, ang
pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan
ng pansin na malinang at mahubog sa mga
mag-aaral sapagkat dito masusukat ang
kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang
disiplina.
– Sa makrong kasanayan tulad ng PAKIKINIG, PAGBABASA
AT PANONOOD, ang isang indibidwal na gumagawa nito
ay kumukuha o nagdaragdag ng kaalaman sa kanyang
isipan.
– Sa makrong kasanayan naman tulad ng PAGSASALITA AT
PAGSULAT, ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi
ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang
tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at
sinulat.
Layunin at Kahalagahan
ng Pagsulat
Ayon kay Royo sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr.
na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001)
–
“Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog
sa damdamin at isipan ng tao.”
Pangunahing Layunin sa Pagsulat
–Mapabatid sa mga tao o lipunan ang
paniniwala, kaalaman, at mga karansan ng
taong sumulat.
– Napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang
susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang
mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa.
Ayon kay Mabilin sa aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)
–Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay
maaaring mahati sa dalawang bahagi.
1. Personal o Ekspresibo
2. Panlipunan o Sosyal
Personal o Ekspresibo
–Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng
manunulat.
–Ang paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa
bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o
pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat.
Panlipunan o Sosyal
–Ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
–Transaksiyonal ang iba pang katawagan sa
layuning ito.
–Hal. Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis,
disertasyon, at iba pa.
–Maaari bang magkasabay na maisagawa ang
pagsulat na may layuning personal at
panlipunan ?
–Maaaring magkasabay na maisagawa ang
layuning personal at panlipunan partikular sa
mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng
sariling pananaw ng may-akda na maaaring
magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan
tulad halimbawa ng TALUMPATI na karaniwang
binibigas sa harap ng madla upang maghatid
ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.
Kahalagahan o Benepisyo
na Maaaring Makuha sa
Pagsusulat
1.Masasanay ang kakayahang mag-
organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga
mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag
ng mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na impormasyon.
4. Mahihikayat at mapauunlad ang
kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales
at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa
pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag
ng kaalaman sa lipunan.
6. Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
Mga Gamit o
Pangangailangan sa
Pagsulat
Pagsusulat
–Sinasabing Isang TALENTO
–Hindi lahat ng tao ay may kakayahang
makapagsulat ng isang makabuluhang akda o
komposisyon.
–Hindi rin madali ang pagsusulat, maaaring ito
ay mahubog o malinang.
Dapat Isaalang-alang sa pagsusulat
partikular sa Akademikong
Pagsusulat
WIKA
– Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon at iba pa ng isang taong
nais sumulat.
– Mahalagang tiyakin ang uri ng wikang gagamitin upang maiakma
sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon o pananaliksik.
PAKSA
– Mahalagang may isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.
– Nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang nakapaloob
sa akda.
– Kung may sapat na kaalaman sa paksang isusulat, magiging
malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa
akda o komposisyong susulatin
– Makatutulong ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat
o artikulo upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais
bigyang-pansin.
LAYUNIN
–Nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat upang tiyak na
matugunan ang motibo sa pagsulat o ang
iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
–May limang pangunahing pamamaraan:
1.Gumamit ng paraang IMPORMATIBO kung
saan ang pangunahing layunin ay
magbigay ng impormasyon o kabatiran sa
mga mambabasa.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
2. Gumamit ng paraang EKSPRESIBO kung saan
ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon
at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa sariling karanasan o pag-aaral.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
3. Gumamit ng paraang NARATIBO kung
saan ang pangunahing layunin nito ay
magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak
na pagkakasunod-sunod.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
4. Gumamit ng paraang DESKRIPTIBO kung saan
ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng mga katangian, ano, hugis, ng
mga bagay o pangyayari batay sa nakita, narinig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.
PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
5. Gumamit ng paraang ARGUMENTATIBO kung
saan ang pagsulat ay naglalayong nanghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa at kadalasan
ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
KASANAYANG
PAMPAG-IISIP
– Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri
ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging ng
mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
– Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo
ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran.
– Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa
sulatin.
KAALAMAN SA WASTONG
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
– Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay,
paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata at masining at
obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng
isang mahusay na sulatin.
KASANAYAN SA PAGHABI NG
BUONG SULATIN
- Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos,
organisado, obhetibo at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang wakas.
Mga Uri ng
Pagsulat
MALIKHAING PAGSULAT
(CREATIVE WRITING)
– Pangunahing layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.
– Karaniwang bunga ng imahinasyon o kathang-isip o kaya’y batay
sa tunay na pangyayari
– Hal. Maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks,
iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp.
TEKNIKAL NA PAGSULAT
(TECHNICAL WRITING)
–Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang
pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang
problema o suliranin.
–Hal. Feasibility Study, Malakihang Proyekto
PROPESYONAL NA PAGSULAT
(PROFESSIONAL WRITING)
– Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan.
– Hal. GURO, mahalagang matutuhan ang wastong pagsulat lesson plan,
paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o
assessment; MEDISINA, sapat na kaalaman sa paggawa ng medical report,
narrative tungkol sa physical examination ng isang pasyente.
– Ginagawa ito upang maging handa sa trabaho o
propesyong papasukan.
DYORNALISTIK NA PAGSULAT
(JOURNALISTIC WRITING)
– May kinalaman sa mga sulating pamamahayag
– Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo atbp.
– Sinusulat ng mga journalist, mamamahayag, reporter,
upang mas lalo pang maging bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at
isyung nagaganap sa lipunan na nakalimbag sa
pahayagan, magasin o iniuulat sa radio at telebisyon.
REFERENSYAL NA PAGSULAT
(REFERENTIAL WRITING)
– May kinalaman sa mga sulating pamamahayag
– Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo atbp.
– Sinusulat ng mga journalist, mamamahayag, reporter,
upang mas lalo pang maging bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at
isyung nagaganap sa lipunan na nakalimbag sa
pahayagan, magasin o iniuulat sa radio at telebisyon.
AKADEMIKONG PAGSULAT
(ACADEMIC WRITING)
– Isang intelektwal na pagsulat
– Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan.
– Layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng
gawaing pananaliksik.
AKADEMIKONG
PAGSULAT
Bakit mahalagang matutuhan
ang akademikong pagsulat?
– Nakaaangat sa iba dala ng mahigpit na kompetisyon sa larangan
ng edukasyon at pagtatrabaho.
– Sa pag-aaral, mahalagang masagot ang pagsusulit na
nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng
organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at
eksperimentasyon at makalikha ng papel pananaliksik.
Bakit mahalagang matutuhan
ang akademikong pagsulat?
– Sa mundo ng empleyo, kailangang marunong sumulat ng
liham aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project
proposal, gumawa ng anunsyo, umapela sa paglikom ng
pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga
kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na
pinapagawa ng manager atbp.
MAHALAGANG IDEYA!
SA PAARALAN AT UNIBERSIDAD, SINASANAY
ANG BAWAT MAG-AARAL NA MATUTUHAN
AT MAGKAROON NG SAPAT NA KASANAYAN
SA AKADEMIKONG PAGSULAT.
AKADEMYA
– Tumumutukoy sa institusyong pang-eduaksyon na
maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan
at karunungan.
– Elementong bumubuo rito ay mga mag-aaral, guro,
administrador, gusali, kurikulum ATBP.
– Gamit ang WIKA bilang instrument naisasakatuparan ang
anumang adhikain, mithiin at misyon
AKADEMYA
– Mula sa salitang Pranses na académié, sa Latin na
academia, at sa Griyego na academeia.
– Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong
mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palalimin at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan.
– Isang komunidad ng mga iskolar.
AKADEMYA
– Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinili: kasanayan sa pagbasa, pakikinig,
pagsasalita, panonood at pagsulat na napauunlad sa pagsasagawa
ng mga gawain sa larangan.
– ANALISIS, PANUNURING KRITIKAL, PANANALIKSIK at
EKSPREIMENTASYON
– Gabay ang etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebiensya at
balanseng pagsusuri.
AKADEMIKONG FILIPINO
–Ginagamit sa paraang pasalita o pasulat
bilang wika ng intelektwalisasyon
–Paggamit ng Wikang FILIPINO: upang
mapagbuti ang hangaring magiging epektibo
ang pagkatuto ng mag-aaral
AKADEMIKONG PAGSULAT
– Sanayin ang mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng mga sumusunod na pagsasanay:
*paggawa ng sanaysay *pagsulat ng pamanahong papel
*pagsulat at pagsuri ng akdang pampanitikan
*pagsulat ng artikulo *pananaliksik
*pagsulat ng posisyong papel
*case study
MAPANURING PAG-IISIP
– Paggamit ng kaalaman,
kakayahan, pagpapahalaga at
talino upang epektibong harapin
ang mga sitwasyon at hamon sa
buhay-akademiko at maging sa
mga gawaing di-akademiko.
Mahalagang
Ideya!!!!
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Layunin:
Magbigay ng ideya at
impormasyon
Di-Akademiko
Layunin:
Magbigay ng sariling
opinyon
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Paraan o batayan ng
datos:
Obserbasyon,
pananaliksik at
pagbabasa
Di-Akademiko
Paraan o batayan ng
datos:
Sariling karanasan,
pamilya at komunidad
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Audience:
Iskolar, mag-aaral,
guro (akademikong
komunidad)
Di-Akademiko
Audience:
Iba’t ibang publiko
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Organisasyon ng ideya:
• Planado ang ideya
• May pagkakasunod-
sunod ang estruktura
ng mga pahayag
• Magkakaugnay-ugnay
ang mga ideya
Di-Akademiko
Organisasyon ng ideya:
• Hindi malinaw ang
estruktura
• Hindi kailangang
magkakaugnay ang
mga ideya
Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Pananaw:
• Obhetibo
• Hindi direktang tumutukoy sa
tao at damdamin kundi sa
mga bagay, ideya, facts
• Hindi direktang tumutukoy sa
tao at damdamin, at hindi
gumagamit ng pangalawang
panauhan
Di-Akademiko
Pananaw:
• Subhetibo
• Sariling opinyon, pamilya,
komunidad ang pagtukoy
• Tao at damdamin ang
tinutukoy
• Nasa una at pangalawang
panauhan ang pagkakasulat
Akademiko
Halimbawang gawain:
• Pagbasa ng ginagamit na teksto sa
klase
• Pakikinig ng lektyur
• Panonood ng video o
dokumentaryo
• Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa
loob ng klase o isang simposyum
• Pagsulat ng sulatin o pananaliksik
Di-Akademiko
Halimbawang gawain:
• Panonood ng pelikula o video
upang maaliw o magpalipas-oras
• Pakikipag-usap sa sinuman ukol sa
paksang di-akademiko
• Pagsulat sa isang kaibigan
• Pakikinig sa radio
• Pagbasa ng komiks, magasin o
diyaryo
Cummins (1979)
Akademiko
Pang-eskuwelahan,
pang-kolehiyo
Cognitive Academic
Language Proficiency
Pormal at
intelektuwal
Di-Akademiko
Ordinaryo, pang-
araw-araw
Basic Interpersonal
Communication Skills
Batay sa usapan,
praktikal, personal at
impormal na gawain
Mga Katangiang Dapat
Taglayin ng Akademikong
Pagsulat
OBHETIBO
 batay sa pag-aaral at pananaliksik ang mga datos
na gagamitin
Iwasan ang pagiging subhetibo o personal na
opinyon o paniniwala sa paksang tatalakayin
hal. Batay sa aking pananaw / ayon sa aming haka-
haka o opinyon
PORMAL
 Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal o
kolokyal
 salitang pormal na madaling maunawaan ng
mambabasa at ang paglalahad ng mga kaisipan
impormasyon ay malinaw.
MALIWANAG AT ORGANISADO
 Talata: pilimpili ang pag-uugnay ng mga parirala;
kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
 ang punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin
MAY PANININDIGAN
 hindi dapat pabago-bago ang paksa
Layuning mapanindigan ang paksang isusulat
Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik
at pagsisiyasat ng mga datos sa napiling paksa
MAY PANANAGUTAN
 bigyan ng nararapat na pagkilala ang ginamit na
sanggunian ng mga nakalap na datos o
impormasyon (isa itong paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang
bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang
higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan
sa pagsusulat
Iba’t Ibang Uri ng
Akademikong Sulatin
Abstrak
Sintesis/Buod
Bionote
Panukalang Proyekto
Talumpati
Agenda
Katitikan ng Pulong
Posisyong Papel
Replektibong Sanaysay
Pictorial Essay/Photo
Essay
Lakbay-Sanaysay

More Related Content

Similar to filipinosapilinglarangakademik-221002130828-9dd5efb7.pptx

Q1-M1.pptx
Q1-M1.pptxQ1-M1.pptx
Q1-M1.pptx
JHONLYPOBLACION1
 
PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......
PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......
PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......
juwe oroc
 
Lesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-Larang
Lesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-Larang
Lesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-Larang
RodSison1
 

Similar to filipinosapilinglarangakademik-221002130828-9dd5efb7.pptx (20)

Q1-M1.pptx
Q1-M1.pptxQ1-M1.pptx
Q1-M1.pptx
 
PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......
PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......
PAGSULAT ng akademikong sulatin.pptx......
 
Pagsulat
PagsulatPagsulat
Pagsulat
 
Pagsulat sa Piling Larangan (Lesson 1).pptx
Pagsulat sa Piling Larangan (Lesson 1).pptxPagsulat sa Piling Larangan (Lesson 1).pptx
Pagsulat sa Piling Larangan (Lesson 1).pptx
 
Lesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-Larang
Lesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-Larang
Lesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-LarangLesson2-Piling-Larang
 
Ang Pagsulat.pptx
Ang Pagsulat.pptxAng Pagsulat.pptx
Ang Pagsulat.pptx
 
aralin-2-akademikong-pagsulat.pptx
aralin-2-akademikong-pagsulat.pptxaralin-2-akademikong-pagsulat.pptx
aralin-2-akademikong-pagsulat.pptx
 
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
Mod. 1 - Akademikong Sulatin.pptx Pagsulat ng Filipino sa Piling Larang - Qua...
 
ABM12 MODULE 1 AKADEMIK.pptx
ABM12 MODULE 1 AKADEMIK.pptxABM12 MODULE 1 AKADEMIK.pptx
ABM12 MODULE 1 AKADEMIK.pptx
 
SULATING-AKADEMIKO.pptx
SULATING-AKADEMIKO.pptxSULATING-AKADEMIKO.pptx
SULATING-AKADEMIKO.pptx
 
Gamit at Pangngailangan ng Pagsulat.pptx
Gamit at Pangngailangan ng Pagsulat.pptxGamit at Pangngailangan ng Pagsulat.pptx
Gamit at Pangngailangan ng Pagsulat.pptx
 
Pagsulat.docx
Pagsulat.docxPagsulat.docx
Pagsulat.docx
 
FILIPINO SA PILING LARANG 11.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG 11.pptxFILIPINO SA PILING LARANG 11.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG 11.pptx
 
Akademikong pagsulat
Akademikong pagsulatAkademikong pagsulat
Akademikong pagsulat
 
Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat Retorika: Pagsulat
Retorika: Pagsulat
 
MGA URI NG PAGSULAT.pptx
MGA URI NG PAGSULAT.pptxMGA URI NG PAGSULAT.pptx
MGA URI NG PAGSULAT.pptx
 
Pananaliksik sa Wikang Filipino (Pagsulat)
Pananaliksik sa Wikang Filipino (Pagsulat)Pananaliksik sa Wikang Filipino (Pagsulat)
Pananaliksik sa Wikang Filipino (Pagsulat)
 
Mga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdfMga Uri ng teksto.pdf
Mga Uri ng teksto.pdf
 
pdfslide.tips_mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.pptx
pdfslide.tips_mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.pptxpdfslide.tips_mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.pptx
pdfslide.tips_mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-55845dc85e8ec.pptx
 
FILAKAD. BATAYANG KAALAMAN.Q1.M1.pptx
FILAKAD. BATAYANG KAALAMAN.Q1.M1.pptxFILAKAD. BATAYANG KAALAMAN.Q1.M1.pptx
FILAKAD. BATAYANG KAALAMAN.Q1.M1.pptx
 

More from CarlaEspiritu3

CHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvb
CHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvbCHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvb
CHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvb
CarlaEspiritu3
 
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbhTEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
CarlaEspiritu3
 

More from CarlaEspiritu3 (20)

CHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvb
CHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvbCHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvb
CHAP3 [Autosaved].pptxdfgnmfdfbnbddfnbvcvb
 
CommunityActivities.pptxkiuytgfvbnmhjgbvnm
CommunityActivities.pptxkiuytgfvbnmhjgbvnmCommunityActivities.pptxkiuytgfvbnmhjgbvnm
CommunityActivities.pptxkiuytgfvbnmhjgbvnm
 
Cultural Hybridization.pptxwerstyguhijkdfgh
Cultural Hybridization.pptxwerstyguhijkdfghCultural Hybridization.pptxwerstyguhijkdfgh
Cultural Hybridization.pptxwerstyguhijkdfgh
 
COMMUNICATION BREAKDOWlkjhgfcdxcfvbhjnjmk,l.N.pptx
COMMUNICATION BREAKDOWlkjhgfcdxcfvbhjnjmk,l.N.pptxCOMMUNICATION BREAKDOWlkjhgfcdxcfvbhjnjmk,l.N.pptx
COMMUNICATION BREAKDOWlkjhgfcdxcfvbhjnjmk,l.N.pptx
 
cescmelc4-210221071602.pptxzsdcfgvbhnjkjhgvfd
cescmelc4-210221071602.pptxzsdcfgvbhnjkjhgvfdcescmelc4-210221071602.pptxzsdcfgvbhnjkjhgvfd
cescmelc4-210221071602.pptxzsdcfgvbhnjkjhgvfd
 
HOW TO AVOID COMMUNICATION BREAKDOWN.pptx
HOW TO AVOID COMMUNICATION BREAKDOWN.pptxHOW TO AVOID COMMUNICATION BREAKDOWN.pptx
HOW TO AVOID COMMUNICATION BREAKDOWN.pptx
 
CIVIL SOCIETY PERSPECTIVE.pptxxdtcfygvubhinjokml
CIVIL SOCIETY PERSPECTIVE.pptxxdtcfygvubhinjokmlCIVIL SOCIETY PERSPECTIVE.pptxxdtcfygvubhinjokml
CIVIL SOCIETY PERSPECTIVE.pptxxdtcfygvubhinjokml
 
Panukalang Proyekto.pptxxdcftvgbhnjkmfvtgbh
Panukalang Proyekto.pptxxdcftvgbhnjkmfvtgbhPanukalang Proyekto.pptxxdcftvgbhnjkmfvtgbh
Panukalang Proyekto.pptxxdcftvgbhnjkmfvtgbh
 
RRLPPTP.pptxsxdcfvgbhnjkmnm,cftvgbhjnghbj
RRLPPTP.pptxsxdcfvgbhnjkmnm,cftvgbhjnghbjRRLPPTP.pptxsxdcfvgbhnjkmnm,cftvgbhjnghbj
RRLPPTP.pptxsxdcfvgbhnjkmnm,cftvgbhjnghbj
 
Copy of Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago...
Copy of Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago...Copy of Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago...
Copy of Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago...
 
GLOBAL NETWORKS.pptxSXDCFVGBVNDCCFVVVVVVFGB
GLOBAL NETWORKS.pptxSXDCFVGBVNDCCFVVVVVVFGBGLOBAL NETWORKS.pptxSXDCFVGBVNDCCFVVVVVVFGB
GLOBAL NETWORKS.pptxSXDCFVGBVNDCCFVVVVVVFGB
 
M I L 12 (E).pptxdcftvgbhnjmk,cftvgybhunj
M I L 12 (E).pptxdcftvgbhnjmk,cftvgybhunjM I L 12 (E).pptxdcftvgbhnjmk,cftvgybhunj
M I L 12 (E).pptxdcftvgbhnjmk,cftvgybhunj
 
GLOBAL NETWORKS.pptdcfvgbhnjkdxcfgvbhcfvgbhnjx
GLOBAL NETWORKS.pptdcfvgbhnjkdxcfgvbhcfvgbhnjxGLOBAL NETWORKS.pptdcfvgbhnjkdxcfgvbhcfvgbhnjx
GLOBAL NETWORKS.pptdcfvgbhnjkdxcfgvbhcfvgbhnjx
 
M I L 12 (L).pptxcfvgbhnjmklcgvbhnjljcfhgvjbn
M I L 12 (L).pptxcfvgbhnjmklcgvbhnjljcfhgvjbnM I L 12 (L).pptxcfvgbhnjmklcgvbhnjljcfhgvjbn
M I L 12 (L).pptxcfvgbhnjmklcgvbhnjljcfhgvjbn
 
PILING LARANGAN (URI).pptxdcftvgybhuijko
PILING LARANGAN (URI).pptxdcftvgybhuijkoPILING LARANGAN (URI).pptxdcftvgybhuijko
PILING LARANGAN (URI).pptxdcftvgybhuijko
 
ORALCOMTYPES.pptxDXCFVGBHNJMK,CFVGBHNJKMTDFGVBHJNK
ORALCOMTYPES.pptxDXCFVGBHNJMK,CFVGBHNJKMTDFGVBHJNKORALCOMTYPES.pptxDXCFVGBHNJMK,CFVGBHNJKMTDFGVBHJNK
ORALCOMTYPES.pptxDXCFVGBHNJMK,CFVGBHNJKMTDFGVBHJNK
 
PILING LARANGAN (URI).pptxdsffghjgfjmnhbgfd
PILING LARANGAN (URI).pptxdsffghjgfjmnhbgfdPILING LARANGAN (URI).pptxdsffghjgfjmnhbgfd
PILING LARANGAN (URI).pptxdsffghjgfjmnhbgfd
 
TNC21(2) [Autosaved].pptxdghghgtyjhfjyfjyh
TNC21(2) [Autosaved].pptxdghghgtyjhfjyfjyhTNC21(2) [Autosaved].pptxdghghgtyjhfjyfjyh
TNC21(2) [Autosaved].pptxdghghgtyjhfjyfjyh
 
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbhTEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
TEORYA NG PAGBASA.pptxnbhgjggjghfgfgfgfgfgfgfgfgxcbh
 
Oral Communication.pptx12345678987654ert
Oral Communication.pptx12345678987654ertOral Communication.pptx12345678987654ert
Oral Communication.pptx12345678987654ert
 

Recently uploaded

Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
ssuser181c5c
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
dandemetrio26
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
RonalynGatelaCajudo
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
PaulineHipolito
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
RICXIE1
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
RuvyAnnClaus
 

Recently uploaded (20)

Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptxFlorante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
Florante at Laura Filipino 8 MODYUL-1-4TH-KWARTER.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 

filipinosapilinglarangakademik-221002130828-9dd5efb7.pptx

  • 2. Ang Kahalagahan ng Pagsusulat at Akademikong Pagsulat
  • 3. Pagsusulat –Isa sa makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag- aaral.
  • 4. Ayon kay Cecilia Austera, et.al –Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng mensahe ang WIKA.
  • 5. Ayon kay Edwin Mabilin, et.al –Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
  • 6. –Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin, paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
  • 7. Iba’t Ibang Dahilan sa Pagsusulat
  • 8. – Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. – Sa mag-aaral, matugunan ang pangangailangan sa pag- aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan. – Sa propesyonal na manunulat (awtor, sekretarya, guro at iba pa) ginagawa bilang bahagi ng pagtugon sa bokasyon o trabaho sa kanilang ginagampanan sa lipunan.
  • 9. Anuman ang dahilan, nagdudulot ito ng malaking tulong sa nagsusulat sa mga taong nakababasa nito, maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang mga sinulat ay magiging dokumento sa nakalipas na pangyayari o panahon na nagsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod ng henerasyon.
  • 10. Ayon kay Mabilin (2012) –Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magsalin-salin sa bawat panahon.
  • 11. –Sa limang makrong kasanayan pangwika, ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral sapagkat dito masusukat ang kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang disiplina.
  • 12. – Sa makrong kasanayan tulad ng PAKIKINIG, PAGBABASA AT PANONOOD, ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng kaalaman sa kanyang isipan. – Sa makrong kasanayan naman tulad ng PAGSASALITA AT PAGSULAT, ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at sinulat.
  • 14. Ayon kay Royo sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr. na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001) – “Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin at isipan ng tao.”
  • 15. Pangunahing Layunin sa Pagsulat –Mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman, at mga karansan ng taong sumulat. – Napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa.
  • 16. Ayon kay Mabilin sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012) –Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. 1. Personal o Ekspresibo 2. Panlipunan o Sosyal
  • 17. Personal o Ekspresibo –Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng manunulat. –Ang paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat.
  • 18. Panlipunan o Sosyal –Ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. –Transaksiyonal ang iba pang katawagan sa layuning ito. –Hal. Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at iba pa.
  • 19. –Maaari bang magkasabay na maisagawa ang pagsulat na may layuning personal at panlipunan ?
  • 20. –Maaaring magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng TALUMPATI na karaniwang binibigas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.
  • 21. Kahalagahan o Benepisyo na Maaaring Makuha sa Pagsusulat
  • 22. 1.Masasanay ang kakayahang mag- organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng obhetibong paraan.
  • 23. 2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.
  • 24. 3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.
  • 25. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.
  • 26. 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
  • 27. 6. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong pagsusulat.
  • 29. Pagsusulat –Sinasabing Isang TALENTO –Hindi lahat ng tao ay may kakayahang makapagsulat ng isang makabuluhang akda o komposisyon. –Hindi rin madali ang pagsusulat, maaaring ito ay mahubog o malinang.
  • 30. Dapat Isaalang-alang sa pagsusulat partikular sa Akademikong Pagsusulat
  • 31. WIKA – Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, impormasyon at iba pa ng isang taong nais sumulat. – Mahalagang tiyakin ang uri ng wikang gagamitin upang maiakma sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon o pananaliksik.
  • 32. PAKSA – Mahalagang may isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. – Nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang nakapaloob sa akda. – Kung may sapat na kaalaman sa paksang isusulat, magiging malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin – Makatutulong ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat o artikulo upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais bigyang-pansin.
  • 33. LAYUNIN –Nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat upang tiyak na matugunan ang motibo sa pagsulat o ang iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
  • 34. PAMAMARAAN SA PAGSULAT –May limang pangunahing pamamaraan: 1.Gumamit ng paraang IMPORMATIBO kung saan ang pangunahing layunin ay magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
  • 35. PAMAMARAAN SA PAGSULAT 2. Gumamit ng paraang EKSPRESIBO kung saan ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa sariling karanasan o pag-aaral.
  • 36. PAMAMARAAN SA PAGSULAT 3. Gumamit ng paraang NARATIBO kung saan ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.
  • 37. PAMAMARAAN SA PAGSULAT 4. Gumamit ng paraang DESKRIPTIBO kung saan ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, ano, hugis, ng mga bagay o pangyayari batay sa nakita, narinig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.
  • 38. PAMAMARAAN SA PAGSULAT 5. Gumamit ng paraang ARGUMENTATIBO kung saan ang pagsulat ay naglalayong nanghikayat o mangumbinsi sa mga mambabasa at kadalasan ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
  • 39. KASANAYANG PAMPAG-IISIP – Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat. – Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran. – Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa sulatin.
  • 40. KAALAMAN SA WASTONG PAMAMARAAN NG PAGSULAT – Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo ng talata at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na sulatin.
  • 41. KASANAYAN SA PAGHABI NG BUONG SULATIN - Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos, organisado, obhetibo at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon hanggang wakas.
  • 43. MALIKHAING PAGSULAT (CREATIVE WRITING) – Pangunahing layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. – Karaniwang bunga ng imahinasyon o kathang-isip o kaya’y batay sa tunay na pangyayari – Hal. Maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp.
  • 44. TEKNIKAL NA PAGSULAT (TECHNICAL WRITING) –Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. –Hal. Feasibility Study, Malakihang Proyekto
  • 45. PROPESYONAL NA PAGSULAT (PROFESSIONAL WRITING) – Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. – Hal. GURO, mahalagang matutuhan ang wastong pagsulat lesson plan, paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o assessment; MEDISINA, sapat na kaalaman sa paggawa ng medical report, narrative tungkol sa physical examination ng isang pasyente. – Ginagawa ito upang maging handa sa trabaho o propesyong papasukan.
  • 46. DYORNALISTIK NA PAGSULAT (JOURNALISTIC WRITING) – May kinalaman sa mga sulating pamamahayag – Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo atbp. – Sinusulat ng mga journalist, mamamahayag, reporter, upang mas lalo pang maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan na nakalimbag sa pahayagan, magasin o iniuulat sa radio at telebisyon.
  • 47. REFERENSYAL NA PAGSULAT (REFERENTIAL WRITING) – May kinalaman sa mga sulating pamamahayag – Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo atbp. – Sinusulat ng mga journalist, mamamahayag, reporter, upang mas lalo pang maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan na nakalimbag sa pahayagan, magasin o iniuulat sa radio at telebisyon.
  • 48. AKADEMIKONG PAGSULAT (ACADEMIC WRITING) – Isang intelektwal na pagsulat – Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan. – Layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng gawaing pananaliksik.
  • 50. Bakit mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat? – Nakaaangat sa iba dala ng mahigpit na kompetisyon sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho. – Sa pag-aaral, mahalagang masagot ang pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at eksperimentasyon at makalikha ng papel pananaliksik.
  • 51. Bakit mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat? – Sa mundo ng empleyo, kailangang marunong sumulat ng liham aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsyo, umapela sa paglikom ng pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na pinapagawa ng manager atbp.
  • 52. MAHALAGANG IDEYA! SA PAARALAN AT UNIBERSIDAD, SINASANAY ANG BAWAT MAG-AARAL NA MATUTUHAN AT MAGKAROON NG SAPAT NA KASANAYAN SA AKADEMIKONG PAGSULAT.
  • 53. AKADEMYA – Tumumutukoy sa institusyong pang-eduaksyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan at karunungan. – Elementong bumubuo rito ay mga mag-aaral, guro, administrador, gusali, kurikulum ATBP. – Gamit ang WIKA bilang instrument naisasakatuparan ang anumang adhikain, mithiin at misyon
  • 54. AKADEMYA – Mula sa salitang Pranses na académié, sa Latin na academia, at sa Griyego na academeia. – Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na larangan. – Isang komunidad ng mga iskolar.
  • 55. AKADEMYA – Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang pinili: kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood at pagsulat na napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. – ANALISIS, PANUNURING KRITIKAL, PANANALIKSIK at EKSPREIMENTASYON – Gabay ang etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebiensya at balanseng pagsusuri.
  • 56. AKADEMIKONG FILIPINO –Ginagamit sa paraang pasalita o pasulat bilang wika ng intelektwalisasyon –Paggamit ng Wikang FILIPINO: upang mapagbuti ang hangaring magiging epektibo ang pagkatuto ng mag-aaral
  • 57. AKADEMIKONG PAGSULAT – Sanayin ang mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pamamagitan ng mga sumusunod na pagsasanay: *paggawa ng sanaysay *pagsulat ng pamanahong papel *pagsulat at pagsuri ng akdang pampanitikan *pagsulat ng artikulo *pananaliksik *pagsulat ng posisyong papel *case study
  • 58. MAPANURING PAG-IISIP – Paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko at maging sa mga gawaing di-akademiko. Mahalagang Ideya!!!!
  • 59. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko Akademiko Layunin: Magbigay ng ideya at impormasyon Di-Akademiko Layunin: Magbigay ng sariling opinyon
  • 60. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko Akademiko Paraan o batayan ng datos: Obserbasyon, pananaliksik at pagbabasa Di-Akademiko Paraan o batayan ng datos: Sariling karanasan, pamilya at komunidad
  • 61. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko Akademiko Audience: Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) Di-Akademiko Audience: Iba’t ibang publiko
  • 62. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko Akademiko Organisasyon ng ideya: • Planado ang ideya • May pagkakasunod- sunod ang estruktura ng mga pahayag • Magkakaugnay-ugnay ang mga ideya Di-Akademiko Organisasyon ng ideya: • Hindi malinaw ang estruktura • Hindi kailangang magkakaugnay ang mga ideya
  • 63. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko Akademiko Pananaw: • Obhetibo • Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga bagay, ideya, facts • Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin, at hindi gumagamit ng pangalawang panauhan Di-Akademiko Pananaw: • Subhetibo • Sariling opinyon, pamilya, komunidad ang pagtukoy • Tao at damdamin ang tinutukoy • Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
  • 64. Akademiko Halimbawang gawain: • Pagbasa ng ginagamit na teksto sa klase • Pakikinig ng lektyur • Panonood ng video o dokumentaryo • Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa loob ng klase o isang simposyum • Pagsulat ng sulatin o pananaliksik Di-Akademiko Halimbawang gawain: • Panonood ng pelikula o video upang maaliw o magpalipas-oras • Pakikipag-usap sa sinuman ukol sa paksang di-akademiko • Pagsulat sa isang kaibigan • Pakikinig sa radio • Pagbasa ng komiks, magasin o diyaryo
  • 65. Cummins (1979) Akademiko Pang-eskuwelahan, pang-kolehiyo Cognitive Academic Language Proficiency Pormal at intelektuwal Di-Akademiko Ordinaryo, pang- araw-araw Basic Interpersonal Communication Skills Batay sa usapan, praktikal, personal at impormal na gawain
  • 66. Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat
  • 67. OBHETIBO  batay sa pag-aaral at pananaliksik ang mga datos na gagamitin Iwasan ang pagiging subhetibo o personal na opinyon o paniniwala sa paksang tatalakayin hal. Batay sa aking pananaw / ayon sa aming haka- haka o opinyon
  • 68. PORMAL  Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal o kolokyal  salitang pormal na madaling maunawaan ng mambabasa at ang paglalahad ng mga kaisipan impormasyon ay malinaw.
  • 69. MALIWANAG AT ORGANISADO  Talata: pilimpili ang pag-uugnay ng mga parirala; kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap  ang punong kaisipan o main topic ay dapat mapalutang o mabigyang-diin
  • 70. MAY PANININDIGAN  hindi dapat pabago-bago ang paksa Layuning mapanindigan ang paksang isusulat Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga datos sa napiling paksa
  • 71. MAY PANANAGUTAN  bigyan ng nararapat na pagkilala ang ginamit na sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon (isa itong paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan sa pagsusulat
  • 72. Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Sulatin
  • 73. Abstrak Sintesis/Buod Bionote Panukalang Proyekto Talumpati Agenda Katitikan ng Pulong Posisyong Papel Replektibong Sanaysay Pictorial Essay/Photo Essay Lakbay-Sanaysay