4. Ayon kay Cecilia Austera, et.al
– Ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng
kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit
ang pinakaepektibong midyum sa paghahatid ng
mensahe ang WIKA.
5. Ayon kay Edwin Mabilin, et.al
– Ang pagsusulat ay isang pambihirang gawaing
pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay
naipahahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa
pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o
anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
6. –Sa pamamagitan ng pagsusulat, naisasatitik
ang nilalaman ng isipan, damdamin,
paniniwala, at layunin ng tao sa tulong ng
paggamit ng mga salita, ayos ng pangungusap
sa mga talata hanggang sa mabuo ang isang
akda o sulatin.
8. – Nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay
naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at mga
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa
kanila.
– Sa mag-aaral, matugunan ang pangangailangan sa pag-
aaral bilang bahagi ng pagtatamo ng kasanayan.
– Sa propesyonal na manunulat (awtor, peryodista,
sekretarya, guro at iba pa) ginagawa bilang bahagi ng
pagtugon sa bokasyon o trabaho sa kanilang
ginagampanan sa lipunan.
9. Anuman ang dahilan, nagdudulot ito ng
malaking tulong sa nagsusulat sa mga
taong nakababasa nito, maging sa lipunan
sa pangkalahatan sapagkat ang mga
sinulat ay magiging dokumento sa
nakalipas na pangyayari o panahon na
nagsisilbing utlay para sa kabatiran ng
susunod ng henerasyon.
10. Ayon kay Mabilin (2012)
– Ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng
kaaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan
ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring
magsalin-salin sa bawat panahon.
(Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang
kanyang ibinahagi ay mananatiling kaalaman.)
11. –Sa limang makrong kasanayan pangwika, ang
pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan
ng pansin na malinang at mahubog sa mga
mag-aaral sapagkat dito masusukat ang
kahandaan at kagalingan sa iba’t ibang
disiplina.
12. – Sa makrong kasanayan tulad ng PAKIKINIG, PAGBABASA
AT PANONOOD, ang isang indibidwal na gumagawa nito
ay kumukuha o nagdaragdag ng kaalaman sa kanyang
isipan.
– Sa makrong kasanayan naman tulad ng PAGSASALITA AT
PAGSULAT, ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi
ng kanyang mga kaisipan at nalalaman tungkol sa isang
tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at
sinulat.
14. Ayon kay Royo sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr.
na Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik (2001)
–Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa
damdamin at isipan ng tao.
(Naipapahayag niya ang kanyang damdamin, mithiin, pangarap,
agam-agam, bungang-isip at mga pagpaparamdam. Sa pagsulat,
nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga kahinaan at
kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan at ang mga
naaabot ng kanyang mga kamalayan.)
15. Pangunahing Layunin sa Pagsulat
–Mapabatid sa mga tao o lipunan ang
paniniwala, kaalaman, at mga karansan ng
taong sumulat.
– Napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng
susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat
akdang
upang
mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga mambabasa.
16. Ayon kay Mabilin sa aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012)
–Ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay
maaaring mahati sa dalawang bahagi.
1. Personal o Ekspresibo
2. Panlipunan o Sosyal
17. Personal o Ekspesibo
–Ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw, karanasan, naiisip o nadarama ng
manunulat.
–Ang paraan ng pagsulat ay maaaring magdulot sa
bumabasa ng kasiyahan, kalungkutan, pagkatakot o
pagkainis depende sa layunin ng taong sumulat.
18. Panlipunan o Sosyal
–Ang layunin ng pagsulat ay makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan.
–Transaksiyonal ang iba pang katawagan sa
layuning ito.
–Hal. Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya,
pananaliksik, sulating panteknikal, tesis,
disertasyon, at iba pa.
19. –Maaaring magkasabay na maisagawa ang
layuning personal at panlipunan partikular sa
mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng
sariling pananaw ng may-akda na maaaring
magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan
tulad halimbawa ng TALUMPATI na karaniwang
binibigas sa harap ng madla upang maghatid
ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.
21. 1.Masasanay ang kakayahang mag-
organisa ng mga kaisipan at
maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
22. 2. Malilinang ang kasanayan sa
pagsusuri ng mga datos na
kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik.
23. 3. Mahuhubog ang isipan ng mga
mag-aaral sa mapanuring
pagbasa sa pamamagitan ng
pagiging obhetibo sa paglalatag
ng mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na impormasyon.
24. 4. Mahihikayat at mapauunlad ang
kakayahan sa matalinong
paggamit ng aklatan sa
paghahanap ng mga materyales
at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat.
25. 5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa
pagtuklas ng mga bagong
kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag
ng kaalaman sa lipunan.
26. 6. Mahuhubog ang pagpapahalaga
sa paggalang at pagkilala sa mga
gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap.
27. 7. Malilinang ang kasanayan sa
pangangalap ng mga
impormasyon mula sa iba’t ibang
batis ng kaalaman para sa
akademikong pagsusulat.
29. Pagsusulat
–Sinasabing Isang TALENTO
–Hindi lahat ng tao ay may kakayahang
makapagsulat ng isang makabuluhang akda o
komposisyon.
–Hindi rin madali ang pagsusulat, maaaring ito
ay mahubog o malinang.
31. WIKA
– Nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon at iba pa ng isang taong
nais sumulat.
– Mahalagang tiyakin ang uri ng wikang gagamitin upang maiakma
sa uri ng taong babasa ang akda, komposisyon o pananaliksik
– Mahalagang magamit ang wika sa alinaw, masining, tiyak at
payak na paraan.
32. PAKSA
– Mahalagang may isang tiyak na paksa o tema ng isusulat.
– Nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang nakapaloob
sa akda.
– Kung may sapat na kaalaman sa paksang isusulat, magiging
malaman, makabuluhan at wasto ang mga datos na ilalagay sa
akda o komposisyong susulatin
– Makatutulong ang pananaliksik at pagbabasa ng maraming aklat
o artikulo upang lumawak ang kaalaman sa paksang nais
bigyang-pansin.
33. LAYUNIN
–Nagsisilbing giya sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat upang tiyak na
matugunan ang motibo sa pagsulat o ang
iyong pakay sa katauhan ng mga mambabasa.
34. PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
–May limang pangunahing pamamaraan:
1.Gumamit ng paraang IMPORMATIBO kung
saan ang pangunahing layunin ay
magbigay ng impormasyon o kabatiran sa
mga mambabasa.
35. PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
2. Gumamit ng paraang EKSPRESIBO kung saan
ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon
at kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa
batay sa sariling karanasan o pag-aaral.
36. PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
3. Gumamit ng paraang NARATIBO kung
saan ang pangunahing layunin nito ay
magkuwento o magsalaysay ng mga
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak
na pagkakasunod-sunod.
37. PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
4. Gumamit ng paraang DESKRIPTIBO kung saan
ang pangunahing pakay ng pagsulat ay
maglarawan ng mga katangian, ano, hugis, ng
mga bagay o pangyayari batay sa nakita, narinig,
natunghayan, naranasan at nasaksihan.
38. PAMAMARAAN SA
PAGSULAT
5. Gumamit ng paraang ARGUMENTATIBO kung
saan ang pagsulat ay naglalayong nanghikayat o
mangumbinsi sa mga mambabasa at kadalasan
ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng
argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.
39. KASANAYANG
PAMPAG-IISIP
– Dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri
ng mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga o maging ng
mga impormasyong dapat isama sa akdang isusulat.
– Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-iisip upang makabuo
ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag o pangangatwiran.
– Higit sa lahat, kailangang maging obhetibo sa pagsusuri at
pagpapaliwanag ng mga impormasyon at kaisipang ilalahad sa
sulatin.
40. KAALAMAN SA WASTONG
PAMAMARAAN NG PAGSULAT
– Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na
kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong
paggamit ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay,
paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang
pangungusap, pagbuo ng talata at masining at
obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng
isang mahusay na sulatin.
41. KASANAYAN SA PAGHABI NG
BUONG SULATIN
- Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon sa isang maayos,
organisado, obhetibo at masining na
pamamaraan mula sa panimula ng akda o
komposisyon hanggang wakas.
43. MALIKHAING PAGSULAT
(CREATIVE WRITING)
– Pangunahing layunin ay maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa.
– Karaniwang bunga ng imahinasyon o kathang-isip o kaya’y batay
sa tunay na pangyayari
– Hal. Maikling kuwento, dula, tula, malikhaing sanaysay, komiks,
iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula atbp.
44. TEKNIKAL NA PAGSULAT
(TECHNICAL WRITING)
–Ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang
pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang
problema o suliranin.
–Hal. Feasibility Study, Malakihang Proyekto
45. PROPESYONAL NA PAGSULAT
(PROFESSIONAL WRITING)
– Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan.
– Hal. GURO, mahalagang matutuhan ang wastong pagsulat lesson plan,
paggawa at pagsusuri ng kurikulum, pagsulat ng mga pagsusulit o
assessment; MEDISINA, sapat na kaalaman sa paggawa ng medical report,
narrative tungkol sa physical examination ng isang pasyente.
– Ginagawa ito upang maging handa sa trabaho o
propesyong papasukan.
46. DYORNALISTIK NA PAGSULAT
(JOURNALISTIC WRITING)
– May kinalaman sa mga sulating pamamahayag
– Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo atbp.
– Sinusulat ng mga journalist, mamamahayag, reporter,
upang mas lalo pang maging bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at
isyung nagaganap sa lipunan na nakalimbag sa
pahayagan, magasin o iniuulat sa radio at telebisyon.
47. REFERENSYAL NA PAGSULAT
(REFERENTIAL WRITING)
– May kinalaman sa mga sulating pamamahayag
– Pagsulat ng Balita, Editoryal, Lathalain, Artikulo atbp.
– Sinusulat ng mga journalist, mamamahayag, reporter,
upang mas lalo pang maging bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo at makabuluhang mga balita at
isyung nagaganap sa lipunan na nakalimbag sa
pahayagan, magasin o iniuulat sa radio at telebisyon.
48. AKADEMIKONG PAGSULAT
(ACADEMIC WRITING)
– Isang intelektwal na pagsulat
– Nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang
indibidwal sa iba’t ibang larangan.
– Layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng
gawaing pananaliksik.
50. Bakit mahalagang matutuhan
ang akademikong pagsulat?
– Nakaaangat sa iba dala ng mahigpit na kompetisyon sa
larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
– Sa pag-aaral, mahalagang masagot ang pagsusulit na
nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag, makabuo ng
organisadong ulat, makapagtala ng mga resulta ng pagsusuri at
eksperimentasyon at makalikha ng papel pananaliksik.
51. Bakit mahalagang matutuhan
ang akademikong pagsulat?
– Sa mundo ng empleyo, kailangang marunong sumulat ng
liham aplikasyon, may kakayahang gumawa ng project
proposal, gumawa ng anunsyo, umapela sa paglikom ng
pondo, sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga
kliyente, makapagpasa ng makabuluhang ulat na
pinapagawa ng manager atbp.
52. MAHALAGANG IDEYA!
SA PAARALAN AT UNIBERSIDAD, SINASANAY
ANG BAWAT MAG-AARAL NA MATUTUHAN
AT MAGKAROON NG SAPAT NA KASANAYAN
SA AKADEMIKONG PAGSULAT.
53. AKADEMYA
– Tumumutukoy sa institusyong pang-eduaksyon na
maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na kasanayan
at karunungan.
– Elementong bumubuo rito ay mga mag-aaral, guro,
administrador, gusali, kurikulum ATBP.
– Gamit ang WIKA bilang instrument naisasakatuparan ang
anumang adhikain, mithiin at misyon
54. AKADEMYA
– Mula sa salitang Pranses na académié, sa Latin na
academia, at sa Griyego na academeia.
– Itinuturing na isang institusyon ng kinikilala at respetadong
mga iskolar, artista at siyentista na ang layunin ay isulong,
paunlarin, palalimin at palawakin ang kaalaman at
kasanayang pangkaisipan upang mapanatili ang mataas na
pamantayan ng partikular na larangan.
– Isang komunidad ng mga iskolar.
55. AKADEMYA
– Nalilinang ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang
kaugnay ng larangang pinili: kasanayan sa pagbasa, pakikinig,
pagsasalita, panonood at pagsulat na napauunlad sa pagsasagawa
ng mga gawain sa larangan.
– ANALISIS, PANUNURING KRITIKAL, PANANALIKSIK at
EKSPREIMENTASYON
– Gabay ang etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebiensya at
balanseng pagsusuri.
56. AKADEMIKONG FILIPINO
–Ginagamit sa paraang pasalita o pasulat
bilang wika ng intelektwalisasyon
–Paggamit ng Wikang FILIPINO: upang
mapagbuti ang hangaring magiging epektibo
ang pagkatuto ng mag-aaral
57. AKADEMIKONG PAGSULAT
– Sanayin ang mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa
pamamagitan ng mga sumusunod na pagsasanay:
*paggawa ng sanaysay *pagsulat ng pamanahong papel
*pagsulat at pagsuri ng akdang pampanitikan
*pananaliksik
*pagsulat ng artikulo
*pagsulat ng posisyong papel
*case study
58. MAPANURING PAG-IISIP
– Paggamit ng kaalaman,
kakayahan, pagpapahalaga at
talino upang epektibong harapin
ang mga sitwasyon at hamon sa
buhay-akademiko at maging sa
mga gawaing di-akademiko.
Mahalagang
Ideya!!!!
59. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Layunin:
Magbigay ng ideya at
impormasyon
Di-Akademiko
Layunin:
Magbigay ng sariling
opinyon
60. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Paraan o batayan ng
datos:
Obserbasyon,
pananaliksik at
pagbabasa
Di-Akademiko
Paraan o batayan ng
datos:
Sariling karanasan,
pamilya at komunidad
61. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Audience:
Iskolar, mag-aaral,
guro (akademikong
komunidad)
Di-Akademiko
Audience:
Iba’t ibang publiko
62. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Organisasyon ng ideya:
• Planado ang ideya
• May pagkakasunod-
sunod ang estruktura
ng mga pahayag
• Magkakaugnay-ugnay
ang mga ideya
Di-Akademiko
Organisasyon ng ideya:
• Hindi malinaw ang
estruktura
• Hindi kailangang
magkakaugnay ang
mga ideya
63. Katangian ng Akademiko at Di-Akademiko
Akademiko
Pananaw:
• Obhetibo
• Hindi direktang tumutukoy sa
tao at damdamin kundi sa
mga bagay, ideya, facts
• Hindi direktang tumutukoy sa
tao at damdamin, at hindi
gumagamit ng pangalawang
panauhan
Di-Akademiko
Pananaw:
• Subhetibo
• Sariling opinyon, pamilya,
komunidad ang pagtukoy
• Tao at damdamin ang
tinutukoy
• Nasa una at pangalawang
panauhan ang pagkakasulat
64. Akademiko
Halimbawang gawain:
• Pagbasa ng ginagamit na teksto sa
klase
• Pakikinig ng lektyur
• Panonood ng video o
dokumentaryo
• Pagsasalita at pakikipagdiskurso sa
loob ng klase o isang simposyum
• Pagsulat ng sulatin o pananaliksik
Di-Akademiko
Halimbawang gawain:
• Panonood ng pelikula o video
upang maaliw o magpalipas-oras
• Pakikipag-usap sa sinuman ukol sa
paksang di-akademiko
• Pagsulat sa isang kaibigan
• Pakikinig sa radio
• Pagbasa ng komiks, magasin o
diyaryo
67. OBHETIBO
batay sa pag-aaral at pananaliksik ang mga datos
na gagamitin
Iwasan ang pagiging subhetibo o personal na
opinyon o paniniwala sa paksang tatalakayin
hal. Batay sa aking pananaw / ayon sa aming haka-
haka o opinyon
68. PORMAL
Iwasan ang paggamit ng mga salitang balbal o
kolokyal
salitang pormal na madaling maunawaan ng
mambabasa at ang paglalahad ng mga kaisipan
impormasyon ay malinaw.
69. MALIWANAG AT ORGANISADO
Talata: pilimpili ang pag-uugnay ng mga parirala;
kakikitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap
ang punong kaisipan o main topic ay dapat
mapalutang o mabigyang-diin
70. MAY PANININDIGAN
hindi dapat pabago-bago ang paksa
Layuning mapanindigan ang paksang isusulat
Maging matiyaga sa pagsasagawa ng pananaliksik
at pagsisiyasat ng mga datos sa napiling paksa
71. MAY PANANAGUTAN
bigyan ng nararapat na pagkilala ang ginamit na
sanggunian ng mga nakalap na datos o
impormasyon (isa itong paraan ng pagpapakita ng
paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang
bahagi ng etika ng akademikong pagsulat upang
higit na mapagtibay ang kahusayan at katumpakan
sa pagsusulat