13. Naririto ang ilang salita mula sa kuwentong “Laki sa
Hirap”. Bago natin pag-usapan ang kuwentong ito,
alamin muna natin ang kahulugan ng bawat salita sa
pamamagitan ng pag-unawa kung paano ito ginamit
sa pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Tuklasin Mo
Paghawan ng Balakid
14. 1. Masarap ang pagkain sa hapag-kainan kaya
dinumog agad ito ng mga bata at naubusan
naman ang ibang hindi agad nakapunta sa
mesa.
2. Mahirap at salat sa pera sina James, kaya
naman naisipan niyang mag-ipon mula sa
kaniyang baon upang magkaroon ng puhunan
para sa kaniyang pagtitinda ng malamig na
inumin tuwing araw na walang pasok sa
paaralan.
15. Ano ang ibig sabihin ng
salat? Hapag-kainan?
Puhunan? Dinumog?
Gamitin ito sa pangungusap.
16. Bakit ka pumapasok sa
paaralan?
Ano ang ginagawa ninyo
tuwing bakasyon?
Sino ang nakaranas na
magtinda tuwing Sabado o
Linggo o tuwing bakasyon?
Bakit ninyo ito ginagawa?
17. Ano ang ginawa ng mag-
anak upang makaraos sa
suliraning kanilang
nararanasan?
Pagganyak na Tanong
22. GUSTO KONG
MAGREKLAMO sa aking Tatay.
Kasi’y mula ng pagkabata,
kulang na ako sa maraming
bagay sa buhay: magandang
damit, masarap na pagkain, at
maayos na bahay.
Iyong mga damit
namin, panay luma.
Karamihan dito’y bigay ng
mga kamag-anak o
kapitbahay na naaawa sa
amin.
23. “Pangmayaman lng ‘yung
pumipili pa ng damit,” paalala ni
Nanay.
Sa pagkain, salat din kami.
Kung hindi gulay puro isda naman.
Biro ko kay Nanay, “tutubuan na
kami ng kaliskis sa kakakain ng
isda!”
“Anak, pinagkakasya lang
natin ang suweldo ng inyong
Tatay,” pagpapaunawa ni Nanay. “
At saka, masustansiya naman ang
gulay at isda! Aba, ‘yan ang
kinakain ngayon ng mayayaman!”
24. Ang dami rin naming
magkakapatid. Nandiyan sina
Dodong, Jeng-jeng, Klang-klang,
at Boom-Boom. Lumalaki ang
aming pamilya. Pero hindi
naman nadadagdagan ang
suweldo ni Tatay. Kakunti na nga
ang pagkain, marami pa kaming
naghahati-hati sa kakainin.
“Laging nagsasakripisyo
ang panganay, “ paalala ni Tatay.
25. Gusto ko sanang isagot, “
Bakit po kasi kayo nag-anak ng
marami?” Pero hindi na lang ako
kumibo. Madalas, nahihiya akong
pumasok sa eskuwelahan. Sino
bang matutuwa sa kupasing
uniporme, lumang sapatos na
halos mabutas na ang suwelas, at
pinaglumaang bag?
26. Lagi akong nagkukubli
kapag kakain ng baong pang-
tanghalian.
Hindi ko maipagmalaki
ang baon ko: kung hindi
nilagang itlog ay tuyo, o
galunggong, o talong. Sa ulam
pa lang, kitang-kita na ang
pagkakaiba ng mayaman sa
gaya kong mahirap.
“Uy Millet, nandiyan ka
pala! Halika, sabay tayong
kumain. Hati tayo sa ulam ko.
Hati rin tayo sa ulam mo,”
bati ng isa kong kaklase.
27. “Uy Millet, nandiyan ka
pala! Halika, sabay tayong
kumain. Hati tayo sa ulam ko.
Hati rin tayo sa ulam mo,”
bati ng isa kong kaklase.
28. A, kay hirap maging
mahirap. Pilit naming
pinagkakasya ang lahat. Ang
pagkain namin sa araw-araw
ay halos hindi sumasapat.
Dumating man ang
pasko o bertdey, hindi uso
ang bagong sapatos at damit.
Hanggang tingin na lang ako
sa mga bagay na gusto ko.
Paano kaya kami
makakaahon sa buhay na
mahirap?
29. Isang gabi, nilagnat ng
mataas si Tatay. Matindi ang
kanyang ubo. Ilang araw
siyang hindi nakapamasada sa
traysikel. Simula noon, hindi
na ako nakakita ng isda sa
aming hapag. Puro gulay na
lang. Naging mas malabnaw
rin ang gatas na dinedede ni
Baby. Wala na kaming baong
pera. Wala na akong
maipambili ng project sa
eskuwelahan.
30. “Kailangan kasi tayong
bumili ng gamot para kay
Tatay,” paliwanag ko sa aking
mga kapatid.
Tumagal pa ng ilang
araw ang sakit ni Tatay. Lalong
nabawasan ang inihahandang
pagkain ni Nanay. Hindi na rin
kami nakakapasok sa
eskuwelahan kasi’y wala na
kaming baon. Nang gabing
‘yun, narinig kong nag-uusap
sina Tatay at Nanay.
31. “Pahintuin muna kaya natin sa pag-aaral si
Millet?’ sabi ni Nanay.
“Naku, huwag na huwag! Ipangutang mo muna
para may pambaon”,” sagot ni Tatay. “Hindi siya dapat
huminto ng pag-aaral. Hindi siya dapat magaya sa atin. “
Matatag ang tinig ni Tatay.
“Pero marami na tayong utang…” Tutol ni Nanay.
“Basta’t gawan mo ng paraan. Dadagdagan ko pa
ang aking sipag ‘pag gumaling ako. Hindi tayo
maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng pag-
aaral…”
32. A, kaya pala pilit nila
akong iginagapang sa pag-
aaral. Kaya pala sobrang
pagtitipid ang ginagawa nila
sa araw-araw. May pangarap
sila para sa akin. Gusto rin
nilang umunlad ang aming
buhay.
Hindi ko pala dapat
ikahiya ang aming kahirapan.
Ang mahalaga, may
pagkakataon akong makaahon
sa buhay-mahirap.
33. Kinabukasan, tinipon
ko ang aking mga kapatid.
Sinabi ko sa kanilang
kailangan naming tulungan
sina Tatay at Nanay para
hindi kami mahinto ng pag-
aaral. Kung namamasada si
Tatay at naglalabada si
Nanay, kami naman ay
nagtitinda ng Banana Q,
turon at samalamig, doon
mismo sa harap ng aming
munting bahay.
34. Marunong na akong
magluto kasi ako lagi ang
nakaalalay kina Nanay at Lola
sa kusina.
“Sige, Ate, tulong-tulong
tayo!” hiyaw ng mga kapatid ko.
“Ako ang tagabalat ng
saging!”prisinta ni Klang-Klang.
“Ako naman ang
magduduro ng saging sa stik!”
ani Dodong.
“At ako ang magpiprito
ng turon at banana-Q mga apo,”
sabad ni Lola na nakikinig pala
sa aming plano.
35. Binasag ko ang aking alkansiyang baboy.
Binilang ko ang lahat ng mga perang naipon at
napamaskuhan ko. Kulang ng konti sa limang daang
piso! Puwede nang puhunan para makabili ng ilang
piling na saging, mantika, at asukal na pula.
36. Nagulat sina Nanay at
Tatay nang makitang may
nakalagay na isang mesa at
isang lumang payong sa
harap ng aming bahay.
Dinumog ng mga
kapitbahay ang aming mga
paninda. Lalo akong
sinipag.
Pagkatapos bawasin
ng puhunan, binigyan ko
ang pambaon sina Dodong,
Jeng-jeng, at Klang-Klang.
At nakapagbigay pa kami ng
konting pera kay Nanay.
37. “Bukas ulit, Ate,
magtinda tayo ng banana Q,”
hiyaw ni Klang-Klang.
“Dagdagan pa natin ng
kamote-Q,” susog ni Dodong.
Sumabad si Nanay,
“Papayagan ko kayong
magtinda sa hapon basta’t
ipangako n’yong hindi n’yo
pababayaan ang pag-aaral.
Sunod-sunod na tango
ang sagot naming
magkakapatid.
38. Nabalitaan ng mga guro
ko na nagtitinda kami ng
banana-Q, kaya pati sila ay
regular nang unoorder sa amin.
Minsan nga, ginawa pa akong
halimbawa ni Ma’am Tessie
Arenas sa klase.
“Itong si Millet, dapat
nating pamarisan….”
39. Sabi ni Ma’am, hindi
puwedeng asahan ang lotto o mga
game shows sa TV para umunlad
ang aming buhay. Hindi maaaring
puro “abilidad” lang. Kailangang
may pundasyon. At mas may laban
daw sa buhay kung nakatapos ng
pag-aaral. Laki ako sa hirap. Pero
alam kong isang araw , mas bubuti
ang lagay ng aming buhay.
40. Ang sabi, “Hindi
kasalanang ipinanganak
na mahirap. Pero malaking
kasalanan kung mamatay
nang mahirap.
Kaya heto
estudyante ako sa umaga,
tapos tindera naman sa
hapon. At hinding-hindi ko
ikinahihiya ‘yun.
41. Sa ngayon,
kailangang magtiis ang
aming buong pamilya.
Sulsihan ang mga lumang
damit. Magkasya sa bahay
na maliit. Magtipid at mag-
impok. Huwag magsimula
ng kahit anong bisyo.
Magtiyagang mag-aral
hanggang sa makatapos.
Magkaroon ng disenteng
hanapbuhay sa hinaharap.
At makatulong din kagaya
kong dumadaan sa hirap.
42. Nangako rin si Tatay
na bunso na si Boom-Boom.
Hindi na siya masusundan
ng isa pang kapatid.
“Pupunta kami ng Nanay mo
sa health center at
magtatanong kami tungkol
sa family planning.”
43. Hindi nagtagal at
muling nagbalik ang lakas ni
Tatay. Bukod sa
pamamasada, sinimulan na
rin niya ang isang maliit na
talyer sa aming bakuran. Si
Nanay naman, nagsimulang
magluto ng all-year round na
bibingka at puto-bungbong
katabi ng aming banana –Q.
Sosyo sila ni Lola.
44. Ang buhay daw, sabi
ni Lola, ay parang gulong.
Minsan, ito’y nasailalim,
minsa’y nasa ibabaw. Sa
ngayon, nasa ilalim ang
gulong namin. Pero sa
tulong ng aking mga
magulang, na nangakong
igagapang akong
makapagtapos ng pag-aaral,
alam kong pasasaan ba’t
gugulong din ito…nang
paibabaw.
45. Tama ba ang hula mo na ibinigay
ninyo?
Ano ang ginawa ng mag-anak
upang makaraos sa suliraning
kanilang nararanasan?
46. Pangkatang
Gawain
Pangkat I- Gumawa ng name tag ng mga
tauhan sa kuwentong napakinggan
Pangkat II – Ilista ang mga suliranin ng bida
sa kuwento
Pangkat III – Isadula ang ginawa ng bida sa
kuwento
Pangkat IV – Iguhit ang nangyari sa bida ng
kuwento