2. Anino
Magkaibigang-pagkit sina Maki at Waldo.
Si Maki ay isang kambing at si Waldo
naman ay isang usa. Ngayo’y kapwa na
sila nasa kasibulan subalit walang nabago
sa kanilang samahan hanggang sa
dumating ang panahong may napansin si
Maki. “ Waldo bakit habang tumatagal
ang sungay mo ay nagkakaroon ng
sanga?”tanong ni Maki. “Ganyan daw
kaming mga usa parang puno ang mga
sungay” sabi ni Waldo.
3. Kailangang kong gumawa ako ng sarili kong
paaan upang ako ay mapansin sumpa ni Maki
sa sarili. Habang tumatagal ay unti-unting
nagkakaroon ng inggit sa puso si Maki, laging
si waldo nalang ang pinapansin ng lahat lalo
na ang mga kadalagahan. Nagsawa ng
makinig si Maki sa kanyang mga magulang,
nagpakalayo-layo siya hanggang sa pusod ng
gubat sa pagbabakasakaling doon
matatagpuan niya ang engkantanda na
palaging naririnig sa mga kwento. Pagod,
gutom ang naramdaman , naidlip siya sa isang
tuyong puno.
4. Tanghali na nang siya’y magising, biglang nanlaki ang
kanyang mga mata sa nakita.” Malago na ang sungay ko
!” paulit-ulit niyang sigaw. Walang pagsidlan ng tuwa sa
nangyari. Subalit pansamantala lang pala ito.Habang
tumatagal lumalayo sa kanyang ulo ang malagong
sungay. Muntik na siyang mahulog sa bangin ng pilitin
niyang itapat ang ulo sa inakala niyang sanga-sangang
sungay. Bumahid ang lungkot sa kanyang mukha.
Ngayo’y nalaman niyang anino lang pala ng punong
sinasandalan niya ang pinangarap na sungay.,muwi
siyang malungkot subalit puspos ng pagkakababa.
“Ako’y isang kambing dapat kong tanggapin ang
katotohanan”, naging payapa na ang kalooban ni Maki
,nang makita at matanggap niya ang katotohanan.
Bumabalik ang dati nilang samahan ni Waldo kahit pa
sila’y magkaiba.
5. Sagutin ang mga tanong
1. Sinu-sino ang tauhan sa akda?
2.Paano naging magkaibigan sina Maki at Waldo?
3.Bakit nagkaroon ng problema si Maki?
4.Ano ang kanyang ginawa upang mabigyang kasagutan
ang kanyang mga tanong sa buhay?
5.Paano siya ginabayan ng kanyang nanay?
6.Nagtagumpay ba siyang magkaroon ng katulad na
sungay ni Waldo sa kagubatan? Paano niya natanggap ito?
7.Kahit ikaw si Maki at nakahihigit ng katangian ang iyong
kaibigan na popular, maraming nagkakagusto, at mas
matalino, ano ang gagawin mo? Ibigay ang iyong sariling
opinion/reaksiyon?
8.Kung ikaw naman si Waldo at napansin mong naiingit sa
iyo ang iyong kaibigan, ano ang gagawin mo?
9.Bakit kaya nasabi ni Maki ang “Ako’y isang kambing,
dapat kong taggapin ang katotohanan?”
10.Ikaw, ano ang sasabihin mo sa inyong sarili upang
matanggap mo kung ano ka at kung anong mayroon ka?
6. Pansinin ang mga pangungusap
sa ibaba:
1.Sina Maki at Waldo ay lumaking
nakabuhol ang pusod.
2.Kapwa na sila nasa kasibulan
ng buhay subalit walang nabago
sa kanilang samahan.
3.Pumunta si Maki sa pusod ng
gubat upang makita ang
engkantada.
7. Ang mga sinalungguhitan ay mga
salitang patalinhaga
na karaniwang ginagamit sa
araw-araw. Ito ay nagbibigay ng
di-tiyakang kahulugan ng
salitang isinasaad ito.
Halimbawa:
Itaga sa bato (tandaan)
Mababa ang loob (maawain)
8. Mga Sawikain o Idioma
Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga
ang gamit. Ito'y ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.
HALIMBAWA:
1. ahas----taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina
ay isa pa lang ahas.
2. anak-dalita---mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
3. alilang-kanin---utusang walang batad, pakain lang, pabahay at
pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong
natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
9. 4. balitang-kutsero---balitang hindi totoo o hindi
mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang
Boss namin sa mga balitang-kutsero.
5. balik-harap---mabuti ang pakikitungo sa harap
ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi
magiging mabuting kaibigan.
6. Bantay-salakay---taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-
salakay.
7. basa ang papel---bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel
mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.
10. 8. buwaya sa katihan---ususera, nagpapautang na
malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit.
Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong
magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
9. bukal sa loob---taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko
sa mga nangangailangan.
10. busilak ang puso---malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay p
inarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng
Cebu.
11. di madapuang langaw---maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.
di makabasag-pinggan---mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor
na si Nena.
hampaslupa---lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
haligi ng tahanan---ama
ilaw na tahanan---ina
Halimbawa:
Ang ama, bilang haligi ng tahanan ay dapat natin igalang. Ang ina
naman, ay itinuturing na ilaw ng tahanan, ay dapat nating mahalin.
12. isang kahig, isangtuka---kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang
pangangailangan
Halimbawa:Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang
kalagayan ng buhay.
itaga sa bato---tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay
muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
itim na tupa---masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na
tupa.
kalapating mababa ang lipad---babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng
Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
kakaning-itik---walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang
anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.
13. kapit-tuko---mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi
ang kompanya at malapit ng magsara.
kidlat sa bilis---napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang
pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.
kilos-pagong---makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
luha ng buwaya---hindi totoong nag-dadalamhati, pakitang taong
pananangis
Halimbawa:
Huwag kang maniwala sa kanyang pananangis sa kamatayan ng
mayaman ngunit masakitin niyang bana. Iyan ay luha ng buwaya.
14. Panuto: Piliin ang mga sawikain sa pangungusap.
1.Parang aso’t pusa ang mga anak ni Aling Azon; lagi na lamang
nagbabangayan.
2.Mahilig sa kompyuter at cellphone ang mga bagong dugo.
3.Madaling mapapansin ang bagong salta sa magulong lunsod.
4.Laging may ngiti sa kanyang mga labi tuwing naiisip niya ang
bakas ng lumipas.
5.Balat-sibuyas ka pala. Biniro ka lang ay nagdamdam ka na
agad.
6.Sayang lang ang pakiusap mo, bato ang kalooban ng taong
iyan.
7.Mahal niya ang babaeng iyon kaya bigay na bigay siya sa lahat
ng hilingin nito.
8.Bukas na aklat ang buhay ng ating mga bayani.
9.Mga kasamang driver, konting ingat, may butiki sa poste sa
bandang kaliwa ng susunod na kanto.
10.Gamitin ang kokote sa pagtatrabaho nang maiwasan ang
pagkakamali at nang hindi mapagalitan
15. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sawikaing
nakasalungguhit. Piliin ang sagot sa loob ng panaklong.
1.Si Andres Bonifacio ay isang anak-pawis. ( mayaman,
maramdamin, mahirap)
2.Mahilig kumanta tuwing umaga ang kapitbahay mo, e
boses palaka naman. (sintonado, palaka ang tinig,
maganda ang boses)
3.Hawak sa ilong ang lahat ng pulis sa nais ng kanilang
alkalde.
( hinawakan ang ilong, sunud-sunuran, may sariling
paninindigan)
4.Bakit kaya lagi na lang butas ang bulsa ng kapitbahay
kong negosyante? (walang pera,nahulog ang
pera,nakapitaka ang pera)
5.Kinain ng abo ang malaking bahay na katatayo pa
lamang na pag-aari ng mag-asawang drug-lord na taga
Pasil, Cebu City.
( may abo ang bahay, nasunog, pinagnakawan)
16. Ibigay ang kahulugan ng mga
sumusunod na sawikain.
Pagkatapos gamitin sa
pangungusap.
1.may gatas pa sa labi
2.hulog ng langit
3.maykaya sa buhay
4.magsunog ng kilay
5.nag-agaw buhay