SlideShare a Scribd company logo
1 of 2
1.
Habang abala ang ilan sa mga bata sa aming lugar sa panonood ng mga cartoon tuwing umaga, nagkikita kami nina Bibe,
Jay, Empot at Badong sa bakanteng loteng di-kalayuan sa aming bahay. Teritoryo ang tawag namin ng aking mga kaibigan
dito. Maluwag ang teritoryo na tinutubuan ng mababang damo na pinatag na ng aming paghahabulan. May mga amor seko
rin sa paligid. Madalas itong nakakalbo sapagkat pahablot naming pinipitas ang mga bunga nito tuwing nagkukulitan at
ipinambabato sa isa‟t isa. Sa isang sulok ng lote ay nakatayo ang tila kulangan ng aso, na ngayo‟y ginawa naming bahay-
bahayan.
Nasa gitna ng teritoryo ang pinakapaborito ko, ang puno ng aratilis. Kapag may pagkakataon, tuamatakas ako sa bahay
tuwing gabi at inaakyat ito. Natutuwa ako sa mga paniking lumalapit sa puno. Sabi ni Inay, mga hinog na aratilis ang
kinakain ng mga paniki. Nagkukumahog akong pababa kapag tinatawag na ni Inay. Tatanungin niya ako kung saan ako
nanggaling “Diyan lang po”. Ang isasagot ko. Aray! Kinurot na naman ako ni Inay.
Unang araw ng bakasyon. Matapos mag-agahan at maligo, agad akong nagtungo sa teritoryo. Alas-diyes pa lang ng umaga
kasing-init na ng tanghaling tapat. Habang naglalakd, dinig na dinig ko sa buong kapitbahay ang pinapanuod na palabas a
telebisyon ng mga bata, palibhasa. Parehong istasyon ang kanilang pinili. Naisip kong ganoon din ako dati, mahilig sa
cartoon, ngunit hindi na ngayon.
Napatigil ako sa bukana ng lote. Wala akong inabutang mga paang naghahabulan at malalakas na tawanan. Wala namang
pasok. At gaya ko, hindin na rin mahilig sa cartoon ang mga kaibigan ko.
             “Psst! Buge!”
Naputol ang aking pag-iisip. Inilibot ko ang aking mga mata upang hanapin ang tumawag sa akin.
             “Buge! Dito sa puno!” Tumingin ako sa itaas ng aratilis at nakita kong kumakaway si Bibe.
Hinubad ko ang aking manipes na tsinelas at isinuot sa aking braso. Kapit ang aking mga kamay ang matabang katawan ng
mga aratilis, habang dinadama ng aking paa ang mga kurbada nito. Mabilis kong naakyat ang puno.
             “Nasaan sila?” tanong ko kay Bibe sabay pitas ng isang hinog na aratilis.
Hindi agad sumagot si Bibe. Abala siya sa pagkain ng magkakahalong mapupula at madilaw-dilaw na aratilis. Sapo ng
kanyang maruming damit ang maliliit na bunga.
             “Nagpatuli sila”, sagot ni Bibe. Sabay kain ulit.
             “Nagpatuli? Saan?” takang tanong ko.
             “Kay Tatay. Sa bahay.” Pinunasan niya ang bibig. “Bakit hindi ka sumama?”
Natahimik ako. Oo nga ano, Grade 6 na ako sa susunod na pasukan. Sabi ni tatay, kailangan ko nang magpatuli para
tumangkad. Pero hindi ko naisip na ganito dapat kaaga ang bakasyon. Dalawang buwan namang walang pasok.
             “Sa susunod na linggo na lang ako.” Tugon ko kay Bibe.
Nanatiling kumakain si Bibe. Wala na siyang ibang sinabi. Lumipat ako sa ibang sanga upang pumitas ng aratilis.
Natuwa ako sa nakita ko. Maraming hinog na aratilis. Makakapag-uwi ako ng ilang piraso para ilagay sa isang basong tubig
at palamigin sa loob ng ref. abala ako sa pamimitas nang napansin kong gumagalaw ang puno. Nilingon ko si Bibe. Wala na
siya sa kinauupuan kanina.
             “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya.
             “Uuwi na,” sagot ni Bibe. Isinuot niya ang kaniyang tsinelas at nagsimulang lumakad palayo.
             “Oy, Buge, magpatuli ka ha!” pahabol na sigaw sa akin ni Bibe, sabay takbo.

2.
            “Nay, magpapatuli po ako ngyong Linggo.”
Hindi ko alam kung nagulat si Inay sa akin, ngunit napatigil siya sa paggayat ng ampalaya para sa tanghalian. Tumingin siya
sa akin.
            “Sabi sa‟kin ni Bibe, nagpatuli na po sina Jay, Empot at Badong kaninang umaga.” wika ko.
Dinukot ko ang mga aratilis sa aking bulsa at inilapag sa lamesa.
            “Kumuha ka na naman niyan?” tanong ni Inay.
Hindi ako tumugon. Hindi pa nagbibigay ng komento si Inay ukol sa pagpapatuli ko ngyong Linggo. Hinugasan ko ang mga
bilugang prutas at saka inilagay sa baso. Ipinasok ko ito sa ref.
“Kausapin mo ang Tatay mo tungkol dyan,” sabi sa akin ni Inay bago ako pumasok ng kwarto.
Padabog akong nahiga sa kama. Ano kaya ang problema ni Bibe? Bakit kaya hindi niya akong masyadong kinausap kanina?
Bakit kaya siya umuwi ng maaga?
Alam kong hindi karaniwan kay Bibe ang inasal niya kanina. Simula pa noong bata ako, si Bibe na ang kasama ko.
Magkaklase kami mula Kinder kaya alam ko na kung ano ang mga detalya ukol kay Bibe. Madalas na kami ang
nagkakaintindihan, nagpapansinan at nagkukwentuhan. Dahil dito, madalas din kaming tuksuhin ng aming mga kaklase na
may gusto sa isa‟t isa.
Minsan, nagkakwentuhan ang barkada sa loob ng bahay-bahayan kung sino raw sa aming apat na lalaki ang gusto ni Bibe.
Ngumiti siya at sinabing sikreto ang bagay na iyon. Hindi pa rin niya sinasabi sa amin sa amin kahit patuloy kaming
nangungulit.
Si Buge, ang naiisip kong tugon ni Bibe. Bilang isang lalaki, inalagaan ko si Bibe kahit magkasing edad lang kami. Sa turing
ko sa kaniyang kapatid noon umusbong ang pagmamahal ko sa kanya. Akala ko noong una, hanggang doon lang ang turing
ko sa kanya. Hindi niya alam na gusto ko siya, higit pa, mahal ko siya.
Sa paglipas ng buwan, napansin kong lalong gumaganda si Bibe. Sa kanyang dating madungis na mukha ay dumapo ang
pulbos na nagpapaputi sa kaniyang kutis. Dahil dito, tinutukso namin siyang nagdadalaga na.
Naalala ko rin ang paglalaro namin ng bahay-bahayan. Inakap niya ako bilang Tatay ng barkada. Damang-dama ko ang
lambot ng kaniyang dibdib. Naiisip ko tuloy kung ang mayroon doon.
Naudlot ang aking pag-iisip at napunt ang atensyon ko sa init sa pagitan ng aking mga hita. Dumapa ako at paulit-ulit na
idiniin ang katawan sa kama.
Magpapatuli ako ngayong linggo.
Sa usaping tuli umikot ang pag-uusap namin, kung gaano ito kasakit, kung paano namin ito pinapalitan ng „damit‟.
Manghang-mangha si Bibe sa kaniyang mga narinig. Natutuwa ako na buo ang aming barkada at pinapansin uli ako ni Bibe.
Tinutukso ako ng mga kaibigan ko ngunit nanatili akong walang imik. Nagpatuloy pa ang asaran at kwentuhan, ngayon,
kung paano naman ako magiging tunay na asawa ni Bibe. Iniiwasan ko ang mga mata ni Bibe ngunit lagi kaming
nagkakatinginan.
Ngumiti si Bibe.mukhang handa na siyang sagutin ang tanong.
“Si Buge”, tugon ni Bibe, sabay tingin sa akin.
Nagulat ako sa sinabi ni Bibe. Hindi ko inaasahang mahal niya rin ako, o kung ano man iyon. Aaminin ko na sana sa kanya
ang aking nararamdaman nang mag-dalawang isip ako. Baka sabihin kasi nila Jay, Empot at Badong na opurtunista ako.
            “Ang daming hinog na aratilis”, putol ko sa kwentuhan.
Natahimik ang barkada. Nagkatinginan kaming lahat. Niyaya ko silang umakyat ng puno ng aratilis upang mamitas. Hindi
naman kasi masakit ang aking ari upang mapigilan ako sa pag-akyat.
            “Okey ka lang”, tanong ni Empot. “Para kang namang bata.”
            “Wala namang masama kung mamimitas tayo ngayon.”
            “Pag nakita ka ng mga babae n‟yan,” sabay tingin ni Empot kay Bibe, “hindi ka na nila magugustuhan.”
            “Ikaw na lang”, sabi ni Jay sabay layo. Sumunod sila Empot at Badong.
Naiwan kaming dalawa ni Bibe sa teritoryo. Tinitingnan ko ang aking mga kuko sa paa. Hindi ko alam ang sasabihin .
            “Alam mo, Buge, gusto kita kasi hindi ka umiyak noong tinuli ka ni Tatay. Hindi kagaya nila. Ang tapang mo,”
nahihiyang sabi sa akin ni Bibe.
Tinitigan ko siya. Napanganga ako sa babaw ng kanyang dahilan.
3.
Pagdating ko sa bahay, binuksan ko ang ref at kinuha ang mga aratilis na nakalimutan kong kainin. Isa-isa, dinukot ko ang
mga aratilis sa baso. Dinama sa daliri, at ninamnam ang lamig nito sa bibig. Ayaw na nila ng aratilis, naisip ko. Ayaw ko na
kay Bibe.
Pagpasok ko sa kwarto, hinubad ko ang aking palda at pinalitan ng shorts. Ayokong mapansin ninuman na bagong tuli ako.
Ayoko na ang mga papuri ukol sa aking pagkakatuli. Hindi ko na kailangang ipagmalaki na nabawasan ako ng kaunting
balat.

More Related Content

What's hot (12)

Paggalang sa matatanda
Paggalang sa matatandaPaggalang sa matatanda
Paggalang sa matatanda
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Ang alamat ng sando
Ang alamat ng sandoAng alamat ng sando
Ang alamat ng sando
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
Ang Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng BukoAng Alamat Ng Buko
Ang Alamat Ng Buko
 
Ang ama
Ang amaAng ama
Ang ama
 
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
"Pangako" - Sarah Mae S. Cadorna
 
kinagisnang-balon-ni-andres-cristobal-cruz-docx
kinagisnang-balon-ni-andres-cristobal-cruz-docxkinagisnang-balon-ni-andres-cristobal-cruz-docx
kinagisnang-balon-ni-andres-cristobal-cruz-docx
 
"Si Jack at Ray" - Noren sebandal
"Si Jack at Ray" - Noren sebandal"Si Jack at Ray" - Noren sebandal
"Si Jack at Ray" - Noren sebandal
 
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
Ang Paglalakbay ni Bibeng Pabebe (Modernong Pabula)
 
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasaMaikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
Maikling Kuwento ni Mabuti, gabay sa pagbasa
 
Ang Alamat ng pako
Ang Alamat ng pakoAng Alamat ng pako
Ang Alamat ng pako
 

Similar to Story

Si Bobot na Mahiyain.docx
Si Bobot na Mahiyain.docxSi Bobot na Mahiyain.docx
Si Bobot na Mahiyain.docxNursimaMAlam1
 
Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptx
Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptxAralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptx
Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptxResettemaereano
 
reading booklet jovie kinder.docx
reading booklet jovie kinder.docxreading booklet jovie kinder.docx
reading booklet jovie kinder.docxJovelynBanan1
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdfNelizaSalcedo
 
UNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakatao
UNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakataoUNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakatao
UNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakataoChristineJaneWaquizM
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyCarlo Precioso
 
Pagtukoy sa Layunin Pananaw at Damdamin
Pagtukoy sa Layunin Pananaw at DamdaminPagtukoy sa Layunin Pananaw at Damdamin
Pagtukoy sa Layunin Pananaw at DamdaminSCPS
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangalgluisito1997
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismodionesioable
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismodionesioable
 

Similar to Story (20)

Si Bobot na Mahiyain.docx
Si Bobot na Mahiyain.docxSi Bobot na Mahiyain.docx
Si Bobot na Mahiyain.docx
 
Niyog.docx
Niyog.docxNiyog.docx
Niyog.docx
 
MTB 1 Q1 power point.pptx
MTB 1 Q1 power point.pptxMTB 1 Q1 power point.pptx
MTB 1 Q1 power point.pptx
 
Lesson Plan Power Point .pptx
Lesson Plan Power Point .pptxLesson Plan Power Point .pptx
Lesson Plan Power Point .pptx
 
Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptx
Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptxAralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptx
Aralin 11-LAKI SA HIRAP_rubydevera.pptx
 
Si maestrong bino
Si maestrong binoSi maestrong bino
Si maestrong bino
 
reading booklet jovie kinder.docx
reading booklet jovie kinder.docxreading booklet jovie kinder.docx
reading booklet jovie kinder.docx
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
 
UNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakatao
UNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakataoUNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakatao
UNANG ARALINsa edukasyon sa pagpapakatao
 
8th World Wonder
8th World Wonder8th World Wonder
8th World Wonder
 
Chapter 6 20
Chapter 6 20Chapter 6 20
Chapter 6 20
 
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1onlyHiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
Hiligaynon mtb-mle gr-3-lminsidepagesq1only
 
Q4-Week 2 ESP (1).pptx
Q4-Week 2 ESP (1).pptxQ4-Week 2 ESP (1).pptx
Q4-Week 2 ESP (1).pptx
 
Pagtukoy sa Layunin Pananaw at Damdamin
Pagtukoy sa Layunin Pananaw at DamdaminPagtukoy sa Layunin Pananaw at Damdamin
Pagtukoy sa Layunin Pananaw at Damdamin
 
Nobela - kamalayang walang dangal
Nobela -   kamalayang walang dangalNobela -   kamalayang walang dangal
Nobela - kamalayang walang dangal
 
Pangarap - Shintine JAbines
Pangarap - Shintine JAbinesPangarap - Shintine JAbines
Pangarap - Shintine JAbines
 
Q1 w5 d1 es p
Q1 w5 d1 es pQ1 w5 d1 es p
Q1 w5 d1 es p
 
Malayong malapit
Malayong malapitMalayong malapit
Malayong malapit
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
 
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismoModyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
Modyul 15 pagsusuri ng akda batay sa teoryang humanismo
 

More from Jve Buenconsejo

More from Jve Buenconsejo (20)

Fieldstudy4 150301020105-conversion-gate01
Fieldstudy4 150301020105-conversion-gate01Fieldstudy4 150301020105-conversion-gate01
Fieldstudy4 150301020105-conversion-gate01
 
Field study 4
Field study 4Field study 4
Field study 4
 
Panahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyalPanahong pre kolonyal
Panahong pre kolonyal
 
Alamat mula sa katagalugan
Alamat mula sa katagaluganAlamat mula sa katagalugan
Alamat mula sa katagalugan
 
Semi detailed lesson plan
Semi detailed lesson planSemi detailed lesson plan
Semi detailed lesson plan
 
Detailed lesson plan
Detailed lesson planDetailed lesson plan
Detailed lesson plan
 
Lesson plan in english
Lesson plan in englishLesson plan in english
Lesson plan in english
 
Scope and Sequence of the Language Subjects
Scope and Sequence of the Language SubjectsScope and Sequence of the Language Subjects
Scope and Sequence of the Language Subjects
 
Scope and Sequence of the Language Subjects
Scope and Sequence of the Language SubjectsScope and Sequence of the Language Subjects
Scope and Sequence of the Language Subjects
 
Mga Pagdiriwang sa Pilipinas
Mga Pagdiriwang sa PilipinasMga Pagdiriwang sa Pilipinas
Mga Pagdiriwang sa Pilipinas
 
Web Enhanced Learning
Web Enhanced LearningWeb Enhanced Learning
Web Enhanced Learning
 
Field Study 2
Field Study 2Field Study 2
Field Study 2
 
Handouts
HandoutsHandouts
Handouts
 
Week 11 report
Week 11 reportWeek 11 report
Week 11 report
 
Environmental problems in the philippines
Environmental problems in the philippinesEnvironmental problems in the philippines
Environmental problems in the philippines
 
Report in zoology
Report in zoologyReport in zoology
Report in zoology
 
Lesson plan in science (unfinished)
Lesson plan in science (unfinished)Lesson plan in science (unfinished)
Lesson plan in science (unfinished)
 
Nutrition
NutritionNutrition
Nutrition
 
Caitlyn
CaitlynCaitlyn
Caitlyn
 
Aatrox
AatroxAatrox
Aatrox
 

Story

  • 1. 1. Habang abala ang ilan sa mga bata sa aming lugar sa panonood ng mga cartoon tuwing umaga, nagkikita kami nina Bibe, Jay, Empot at Badong sa bakanteng loteng di-kalayuan sa aming bahay. Teritoryo ang tawag namin ng aking mga kaibigan dito. Maluwag ang teritoryo na tinutubuan ng mababang damo na pinatag na ng aming paghahabulan. May mga amor seko rin sa paligid. Madalas itong nakakalbo sapagkat pahablot naming pinipitas ang mga bunga nito tuwing nagkukulitan at ipinambabato sa isa‟t isa. Sa isang sulok ng lote ay nakatayo ang tila kulangan ng aso, na ngayo‟y ginawa naming bahay- bahayan. Nasa gitna ng teritoryo ang pinakapaborito ko, ang puno ng aratilis. Kapag may pagkakataon, tuamatakas ako sa bahay tuwing gabi at inaakyat ito. Natutuwa ako sa mga paniking lumalapit sa puno. Sabi ni Inay, mga hinog na aratilis ang kinakain ng mga paniki. Nagkukumahog akong pababa kapag tinatawag na ni Inay. Tatanungin niya ako kung saan ako nanggaling “Diyan lang po”. Ang isasagot ko. Aray! Kinurot na naman ako ni Inay. Unang araw ng bakasyon. Matapos mag-agahan at maligo, agad akong nagtungo sa teritoryo. Alas-diyes pa lang ng umaga kasing-init na ng tanghaling tapat. Habang naglalakd, dinig na dinig ko sa buong kapitbahay ang pinapanuod na palabas a telebisyon ng mga bata, palibhasa. Parehong istasyon ang kanilang pinili. Naisip kong ganoon din ako dati, mahilig sa cartoon, ngunit hindi na ngayon. Napatigil ako sa bukana ng lote. Wala akong inabutang mga paang naghahabulan at malalakas na tawanan. Wala namang pasok. At gaya ko, hindin na rin mahilig sa cartoon ang mga kaibigan ko. “Psst! Buge!” Naputol ang aking pag-iisip. Inilibot ko ang aking mga mata upang hanapin ang tumawag sa akin. “Buge! Dito sa puno!” Tumingin ako sa itaas ng aratilis at nakita kong kumakaway si Bibe. Hinubad ko ang aking manipes na tsinelas at isinuot sa aking braso. Kapit ang aking mga kamay ang matabang katawan ng mga aratilis, habang dinadama ng aking paa ang mga kurbada nito. Mabilis kong naakyat ang puno. “Nasaan sila?” tanong ko kay Bibe sabay pitas ng isang hinog na aratilis. Hindi agad sumagot si Bibe. Abala siya sa pagkain ng magkakahalong mapupula at madilaw-dilaw na aratilis. Sapo ng kanyang maruming damit ang maliliit na bunga. “Nagpatuli sila”, sagot ni Bibe. Sabay kain ulit. “Nagpatuli? Saan?” takang tanong ko. “Kay Tatay. Sa bahay.” Pinunasan niya ang bibig. “Bakit hindi ka sumama?” Natahimik ako. Oo nga ano, Grade 6 na ako sa susunod na pasukan. Sabi ni tatay, kailangan ko nang magpatuli para tumangkad. Pero hindi ko naisip na ganito dapat kaaga ang bakasyon. Dalawang buwan namang walang pasok. “Sa susunod na linggo na lang ako.” Tugon ko kay Bibe. Nanatiling kumakain si Bibe. Wala na siyang ibang sinabi. Lumipat ako sa ibang sanga upang pumitas ng aratilis. Natuwa ako sa nakita ko. Maraming hinog na aratilis. Makakapag-uwi ako ng ilang piraso para ilagay sa isang basong tubig at palamigin sa loob ng ref. abala ako sa pamimitas nang napansin kong gumagalaw ang puno. Nilingon ko si Bibe. Wala na siya sa kinauupuan kanina. “Saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya. “Uuwi na,” sagot ni Bibe. Isinuot niya ang kaniyang tsinelas at nagsimulang lumakad palayo. “Oy, Buge, magpatuli ka ha!” pahabol na sigaw sa akin ni Bibe, sabay takbo. 2. “Nay, magpapatuli po ako ngyong Linggo.” Hindi ko alam kung nagulat si Inay sa akin, ngunit napatigil siya sa paggayat ng ampalaya para sa tanghalian. Tumingin siya sa akin. “Sabi sa‟kin ni Bibe, nagpatuli na po sina Jay, Empot at Badong kaninang umaga.” wika ko. Dinukot ko ang mga aratilis sa aking bulsa at inilapag sa lamesa. “Kumuha ka na naman niyan?” tanong ni Inay. Hindi ako tumugon. Hindi pa nagbibigay ng komento si Inay ukol sa pagpapatuli ko ngyong Linggo. Hinugasan ko ang mga bilugang prutas at saka inilagay sa baso. Ipinasok ko ito sa ref. “Kausapin mo ang Tatay mo tungkol dyan,” sabi sa akin ni Inay bago ako pumasok ng kwarto. Padabog akong nahiga sa kama. Ano kaya ang problema ni Bibe? Bakit kaya hindi niya akong masyadong kinausap kanina? Bakit kaya siya umuwi ng maaga?
  • 2. Alam kong hindi karaniwan kay Bibe ang inasal niya kanina. Simula pa noong bata ako, si Bibe na ang kasama ko. Magkaklase kami mula Kinder kaya alam ko na kung ano ang mga detalya ukol kay Bibe. Madalas na kami ang nagkakaintindihan, nagpapansinan at nagkukwentuhan. Dahil dito, madalas din kaming tuksuhin ng aming mga kaklase na may gusto sa isa‟t isa. Minsan, nagkakwentuhan ang barkada sa loob ng bahay-bahayan kung sino raw sa aming apat na lalaki ang gusto ni Bibe. Ngumiti siya at sinabing sikreto ang bagay na iyon. Hindi pa rin niya sinasabi sa amin sa amin kahit patuloy kaming nangungulit. Si Buge, ang naiisip kong tugon ni Bibe. Bilang isang lalaki, inalagaan ko si Bibe kahit magkasing edad lang kami. Sa turing ko sa kaniyang kapatid noon umusbong ang pagmamahal ko sa kanya. Akala ko noong una, hanggang doon lang ang turing ko sa kanya. Hindi niya alam na gusto ko siya, higit pa, mahal ko siya. Sa paglipas ng buwan, napansin kong lalong gumaganda si Bibe. Sa kanyang dating madungis na mukha ay dumapo ang pulbos na nagpapaputi sa kaniyang kutis. Dahil dito, tinutukso namin siyang nagdadalaga na. Naalala ko rin ang paglalaro namin ng bahay-bahayan. Inakap niya ako bilang Tatay ng barkada. Damang-dama ko ang lambot ng kaniyang dibdib. Naiisip ko tuloy kung ang mayroon doon. Naudlot ang aking pag-iisip at napunt ang atensyon ko sa init sa pagitan ng aking mga hita. Dumapa ako at paulit-ulit na idiniin ang katawan sa kama. Magpapatuli ako ngayong linggo. Sa usaping tuli umikot ang pag-uusap namin, kung gaano ito kasakit, kung paano namin ito pinapalitan ng „damit‟. Manghang-mangha si Bibe sa kaniyang mga narinig. Natutuwa ako na buo ang aming barkada at pinapansin uli ako ni Bibe. Tinutukso ako ng mga kaibigan ko ngunit nanatili akong walang imik. Nagpatuloy pa ang asaran at kwentuhan, ngayon, kung paano naman ako magiging tunay na asawa ni Bibe. Iniiwasan ko ang mga mata ni Bibe ngunit lagi kaming nagkakatinginan. Ngumiti si Bibe.mukhang handa na siyang sagutin ang tanong. “Si Buge”, tugon ni Bibe, sabay tingin sa akin. Nagulat ako sa sinabi ni Bibe. Hindi ko inaasahang mahal niya rin ako, o kung ano man iyon. Aaminin ko na sana sa kanya ang aking nararamdaman nang mag-dalawang isip ako. Baka sabihin kasi nila Jay, Empot at Badong na opurtunista ako. “Ang daming hinog na aratilis”, putol ko sa kwentuhan. Natahimik ang barkada. Nagkatinginan kaming lahat. Niyaya ko silang umakyat ng puno ng aratilis upang mamitas. Hindi naman kasi masakit ang aking ari upang mapigilan ako sa pag-akyat. “Okey ka lang”, tanong ni Empot. “Para kang namang bata.” “Wala namang masama kung mamimitas tayo ngayon.” “Pag nakita ka ng mga babae n‟yan,” sabay tingin ni Empot kay Bibe, “hindi ka na nila magugustuhan.” “Ikaw na lang”, sabi ni Jay sabay layo. Sumunod sila Empot at Badong. Naiwan kaming dalawa ni Bibe sa teritoryo. Tinitingnan ko ang aking mga kuko sa paa. Hindi ko alam ang sasabihin . “Alam mo, Buge, gusto kita kasi hindi ka umiyak noong tinuli ka ni Tatay. Hindi kagaya nila. Ang tapang mo,” nahihiyang sabi sa akin ni Bibe. Tinitigan ko siya. Napanganga ako sa babaw ng kanyang dahilan. 3. Pagdating ko sa bahay, binuksan ko ang ref at kinuha ang mga aratilis na nakalimutan kong kainin. Isa-isa, dinukot ko ang mga aratilis sa baso. Dinama sa daliri, at ninamnam ang lamig nito sa bibig. Ayaw na nila ng aratilis, naisip ko. Ayaw ko na kay Bibe. Pagpasok ko sa kwarto, hinubad ko ang aking palda at pinalitan ng shorts. Ayokong mapansin ninuman na bagong tuli ako. Ayoko na ang mga papuri ukol sa aking pagkakatuli. Hindi ko na kailangang ipagmalaki na nabawasan ako ng kaunting balat.