5. GUSTO KONG MAGREKLAMO sa
aking Tatay. Kasi’y mula ng
pagkabata, kulang na ako sa
maraming bagay sa buhay:
magandang damit, masarap na
pagkain, at maayos na bahay.
Iyong mga damit namin,
panay luma. Karamihan dito’y
bigay ng mga kamag-anak o
kapitbahay na naaawa sa amin.
“Pangmayaman lang ‘yung
pumipili pa ng damit,” paalala ni
Nanay.
6. Sa pagkain, salat din kami. Kung hindi gulay puro isda
naman. Biro ko kay Nanay, “tutubuan na kami ng kaliskis sa
kakakain ng isda!”
“Anak, pinagkakasya lang natin ang suweldo ng inyong
Tatay,” pagpapaunawa ni Nanay. “ At saka, masustansiya
naman ang gulay at isda! Aba, ‘yan ang kinakain ngayon ng
mayayaman!”
7. Ang dami rin naming
magkakapatid. Nandiyan sina
Dodong, Jeng-jeng, Klang-klang,
at Boom-Boom. Lumalaki ang
aming pamilya. Pero hindi
naman nadadagdagan ang
suweldo ni Tatay. Kakaunti na
nga ang pagkain, marami pa
kaming naghahati-hati sa
kakainin.
“Laging nagsasakripisyo
ang panganay, “ paalala ni Tatay.
8. Gusto ko sanang isagot, “Bakit po kasi kayo nag-
anak ng marami?” Pero hindi na lang ako kumibo.
Madalas, nahihiya akong pumasok sa eskuwelahan.
Sino bang matutuwa sa kupasing uniporme, lumang
sapatos na halos mabutas na ang suwelas, at
pinaglumaang bag?
9. Lagi akong nagkukubli kapag
kakain ng baong pang-tanghalian.
Hindi ko maipagmalaki ang
baon ko: kung hindi nilagang itlog
ay tuyo, o galunggong, o talong. Sa
ulam pa lang, kitang-kita na ang
pagkakaiba ng mayaman sa gaya
kong mahirap.
“Uy Millet, nandiyan ka pala!
Halika, sabay tayong kumain. Hati
tayo sa ulam ko. Hati rin tayo sa
ulam mo,” bati ng isa kong kaklase.
10. A, kay hirap maging
mahirap. Pilit naming
pinagkakasya ang lahat. Ang
pagkain namin sa araw-araw ay
halos hindi sumasapat.
Dumating man ang pasko o
bertdey, hindi uso ang bagong
sapatos at damit. Hanggang
tingin na lang ako sa mga bagay
na gusto ko.
Paano kaya kami makakaahon sa
buhay na mahirap?
11. Isang gabi, nilagnat ng
mataas si Tatay. Matindi ang
kanyang ubo. Ilang araw siyang
hindi nakapamasada sa
traysikel. Simula noon, hindi na
ako nakakita ng isda sa aming
hapag. Puro gulay na lang.
Naging mas malabnaw rin ang
gatas na dinedede ni Baby. Wala
na kaming baong pera. Wala na
akong maipambili ng project sa
eskuwelahan.
12. “Kailangan kasi tayong bumili
ng gamot para kay Tatay,” paliwanag
ko sa aking mga kapatid.
Tumagal pa ng ilang araw ang
sakit ni Tatay. Lalong nabawasan
ang inihahandang pagkain ni Nanay.
Hindi na rin kami nakakapasok sa
eskuwelahan kasi’y wala na kaming
baon. Nang gabing ‘yun, narinig
kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.
“Pahintuin muna kaya natin sa
pag-aaral si Millet?’ sabi ni Nanay.
13. “Naku, huwag na huwag! Ipangutang mo muna
para may pambaon”,” sagot ni Tatay. “Hindi siya
dapat huminto ng pag-aaral. Hindi siya dapat
magaya sa atin. “ Matatag ang tinig ni Tatay.
“Pero marami na tayong utang…” Tutol ni
Nanay.
“Basta’t gawan mo ng paraan. Dadagdagan ko
pa ang aking sipag ‘pag gumaling ako. Hindi tayo
maghihirap nang ganito kung nakatapos tayo ng
pag-aaral…”
14. A, kaya pala pilit nila
akong iginagapang sa pag-aaral.
Kaya pala sobrang pagtitipid
ang ginagawa nila sa araw-araw.
May pangarap sila para sa akin.
Gusto rin nilang umunlad ang
aming buhay.
Hindi ko pala dapat
ikahiya ang aming kahirapan.
Ang mahalaga, may
pagkakataon akong makaahon
sa buhay-mahirap.
15. Kinabukasan, tinipon ko
ang aking mga kapatid. Sinabi
ko sa kanilang kailangan naming
tulungan sina Tatay at Nanay
para hindi kami mahinto ng
pag-aaral. Kung namamasada si
Tatay at naglalabada si Nanay,
kami naman ay nagtitinda ng
Banana Q, turon at samalamig,
doon mismo sa harap ng aming
munting bahay.
16. Marunong na akong magluto
kasi ako lagi ang nakaalalay kina
Nanay at Lola sa kusina.
“Sige, Ate, tulong-tulong
tayo!” hiyaw ng mga kapatid ko.
“Ako ang tagabalat ng
saging!”prisinta ni Klang-Klang.
“Ako naman ang magduduro
ng saging sa stik!” ani Dodong.
“At ako ang magpiprito ng
turon at banana-Q mga apo,”
sabad ni Lola na nakikinig pala sa
aming plano.
17. Binasag ko ang aking alkansiyang baboy.
Binilang ko ang lahat ng mga perang naipon at
napamaskuhan ko. Kulang ng konti sa limang
daang piso! Puwede nang puhunan para makabili
ng ilang piling na saging, mantika, at asukal na
pula.
18. Nagulat sina Nanay at
Tatay nang makitang may
nakalagay na isang mesa at
isang lumang payong sa harap
ng aming bahay. Dinumog ng
mga kapitbahay ang aming mga
paninda. Lalo akong sinipag.
Pagkatapos bawasin ng
puhunan, binigyan ko ang
pambaon sina Dodong, Jeng-
jeng, at Klang-Klang. At
nakapagbigay pa kami ng
konting pera kay Nanay.
19. “Bukas ulit, Ate, magtinda
tayo ng banana Q,” hiyaw ni
Klang-Klang.
“Dagdagan pa natin ng
kamote-Q,” susog ni Dodong.
Sumabad si Nanay,
“Papayagan ko kayong
magtinda sa hapon basta’t
ipangako n’yong hindi n’yo
pababayaan ang pag-aaral.
Sunod-sunod na tango
ang sagot naming
magkakapatid.
20. Nabalitaan ng mga guro ko
na nagtitinda kami ng banana-Q,
kaya pati sila ay regular nang
umoorder sa amin. Minsan nga,
ginawa pa akong halimbawa ni
Ma’am Tessie Arenas sa klase.
“Itong si Millet, dapat nating
pamarisan….”
21. Sabi ni Ma’am, hindi puwedeng asahan ang lotto o
mga game shows sa TV para umunlad ang aming buhay.
Hindi maaaring puro “abilidad” lang. Kailangang may
pundasyon. At mas may laban daw sa buhay kung
nakatapos ng pag-aaral. Laki ako sa hirap. Pero alam
kong isang araw , mas bubuti ang lagay ng aming buhay.
22. Ang sabi, “Hindi
kasalanang ipinanganak na
mahirap. Pero malaking
kasalanan kung mamatay nang
mahirap.
Kaya heto estudyante ako
sa umaga, tapos tindera naman
sa hapon. At hinding-hindi ko
ikinahihiya ‘yun.
23. Sa ngayon, kailangang magtiis ang aming
buong pamilya. Sulsihan ang mga lumang damit.
Magkasya sa bahay na maliit. Magtipid at mag-
impok. Huwag magsimula ng kahit anong bisyo.
Magtiyagang mag-aral hanggang sa makatapos.
Magkaroon ng disenteng hanapbuhay sa
hinaharap. At makatulong din kagaya kong
dumadaan sa hirap.
24. Nangako rin si Tatay na bunso na
si Boom-Boom. Hindi na siya
masusundan ng isa pang kapatid.
“Pupunta kami ng Nanay mo sa health
center at magtatanong kami tungkol sa
family planning.” Hindi nagtagal at
muling nagbalik ang lakas ni Tatay.
Bukod sa pamamasada, sinimulan na
rin niya ang isang maliit na talyer sa
aming bakuran. Si Nanay naman,
nagsimulang magluto ng all-year round
na bibingka at puto-bungbong katabi
ng aming banana –Q. Sosyo sila ni Lola.
25. Ang buhay daw, sabi ni Lola,
ay parang gulong. Minsan, ito’y
nasailalim, minsa’y nasa ibabaw.
Sa ngayon, nasa ilalim ang gulong
namin. Pero sa tulong ng aking
mga magulang, na nangakong
igagapang akong makapagtapos
ng pag-aaral, alam kong pasasaan
ba’t gugulong din ito…nang
paibabaw.
28. May diwatang tagapag-
ingat ang Bundok Arayat.
Siya’y si Mariang Sinukuan,
ang anak ni Aring Suku, ang
hari ng araw ng mga
Kapampangan. Nakatira ang
diwata sa ginintuang palasyo
sa tuktok ng bundok upang
matanaw nang husto ang
sariling kaharian.
29. Binabantayan niya ang mga alagang hayop at
kulisap sa bundok. Napakaamo ng mga ito at hindi takot
sa tao. Hindi niya pinahihintulutang mag-away ang mga
alaga. Pinalalaro niya ang mga orkidyas at pinababango
ang mga bulaklak. Tinitiyak din ng diwata na
namumunga sa tamang panahon ang mga tanim niyang
puno.
30. Pinalulusog sila ng dalawampu’t
limang dalaga na laging bumababa sa
bayan para bumili ng darak na makakain.
Tuwang-tuwa ang taong-bayan sa mga
butil ng ginto na bayad sa kanila ng mga
katuwang. May dalawampu’t limang
katuwang na dalaga ang diwata. Sila’y
mga Ita na inatasan ng diwata na mag-
alaga sa mga baboy-ramo sa Bundok
Arayat.Tulad ni Mariang Sinukuan, balot
ng mamahaling alahas ang mga Ita. Ang
mga hayop na alaga ay maligayang-
maligaya sa Arayat.
31. Sinasabing hindi nauubusan
ng ginto sa palasyo ni Mariang
Sinukuan. Bumubukal pa ng mga
mamahaling bato tulad ng
diyamante, rubi, sapiro, at
Esmeralda sa palasyo. Ang mga
ito’y handog ng engkantong
minsang umibig kay Mariang
Sinukuan. Kung bumababa ng
bundok ang diwata at bumibisita
sa bayan, suot niya ang magarang
damit na yari sa lantay na ginto.
32. Pinagniningning ang
kanyang damit ng mga
mamahalin at makukulay na
bato. Napatitig ang lahat sa
kagandahan ni Mariang
Sinukuan. “Hayan na ang
diwata! Hayan na ang diwata!”
sigaw ng mga batang
manghang-mangha.
33. Kapag nalalapit na ang
pista o anumang kasiyahan sa
bayan, nagpapahiram ng mga
kuwintas, singsing at hikaw si
Mariang Sinukuan sa mga dalaga.
Pinahihiram din niya ng mga
kagamitang pangkusina ang mga
ito.Yari ang mga ito sa ginto.
Agad ding pinahihinog ng diwata
ang mga bunga at mga butil ng
palay para may maihaing pagkain
sa pista.
34. Nagbibigay din siya ng
mga sako ng asukal, harina,
malagkit, at niyog sa mga
pamilyang hindi nakapag-ani
nang masagana.
Pinahihintulutan din ng
diwata na makapaligo ang
sinumang may karamdaman sa
mga bukal sa Bundok Arayat.
Nakapagpapagaling ng anumang
sakit ang tubig na nagmumula
rito.
35. Malayang makapamasyal ng
Bundok Arayat ang mga taga-bayan
para masilayan ang palasyo ng
diwata. Doo’y nakapamahinga sila
at hinahangaan ang paligid.
Nakapaglalaro ang mga bata sa
hardin ni Mariang Sinukuan.
Nakapamimitas sila ng mga bunga
at bulaklak. Ang mga bisita sa
Arayat ay nabubusog sa
meryendang mangga, kaimito,
makopa, at dalandan.
36. Ngunit ipinagbabawal ni
Mariang Sinukuan na mag-uwi
ng mga ito sa bayan. “Bumalik
na lamang kayo rito,” sabi
niya sa mga tao. Laging bukas
ang aking kaharian sa
sinumang magbabalik.”
37. Dahil bantog sa kanyang
kabutihan, sinuman ay maaaring
humiling ng makakain sa
diwata.“Mariang Sinukuan, nais
naming makatikim ng sinampalukang
manok! Mariang Sinukuan, gusto
namin ng inihaw na karne! Mariang
Sinukuan, nais namin ng sinigang!
Mariang Sinukuan, nais namin ng
litson!”Pagbalik ng mga humiling sa
kanyang tahanan, magugulat
silang nakahain na sa mesa ang
mga hiniling sa diwata.
38. Isang tag-araw, parang apoy na
kumalat ang labis na pagkatuyo ng
lupa sa kapatagan. Nalanta ang lahat
ng pananim ng mga tao. Natuyo ang
kanilang palayan at nagkabitak-bitak
ito. Naglaho ang tubig sa mga ilog at
sapa. Nakita ito ni Mariang Sinukuan
kaya inutusan niya ang dalawampu’t
limang katuwang na Ita na mamahagi
ng makakain sa taumbayan. “Kaybait
ninyo! Kaybuti ninyo!” sabi ng mga
tao habang naluluha sa biyayang
ipinagkaloob ng diwata ng Bundok
Arayat.
39. Namahagi rin ang diwata ng mga luya sa bawat
tahanan. Lubos na nagtaka ang lahat sa mga pirasong
ito ng luya at muntik na nila itong itapon.
Kinabukasan, nabigla ang taumbayan nang maging
mataas na uri ng ginto ang mga luya! Agad ding
nagpadala si Mariang Sinukuan ng ulan para
manumbalik ang lusog ng lupa sa bayan. Namahagi
din siya ng mga binhi ng palay at mais na mabilis
tumubo at namumunga nang hitik na hitik.
40. Lumipas ang panahon at
naging sakim ang mga tao. Gusto
nilang maangkin ang lahat ng ginto
at alahas ni Mariang Sinukuan.
Napapagod na sila sa pag-akyat at
pagbaba ng bundok kaya hindi na
nila ibinabalik ang mga hiniram na
alahas sa diwata.Pinatutunaw nila
ang kaldero, kawali, sandok at
kutsarang ginto ni Mariang
Sinukuan para ipagbenta sa mga
banyaga.
41. Dinadaya nila ang
dalawampu’t limang Ita kapag
nagtitinda sila ng darak.
“Kulang pa kayo ng
kalahating sako ng ginto,”
lagi nilang paratang sa mga
katuwang ni Mariang
Sinukuan.
42. Humiling din ang lahat ng kung
anu-anong bagong pagkain kay
Mariang Sinukuan. “Gusto namin ng
adobo! Gusto namin ng morkon!
Gusto namin ng menudo, pochero,
tocino, longganisa, at kare-kare!”
43. Nabigla si Mariang Sinukuan.
Hindi niya alam kung anu-ano ang
mga iyon. Hindi niya kilala ang mga
pagkaing ito dahil pagkain ito ng
mga banyaga.”Hayaan ninyo at
aalamin ko kung paano ito
lulutuin,” malungkot na sabi ng
diwata sa taumbayan. Galit na galit
ang taumbayan dahil hindi ito
maibigay sa kanila ng diwata ng
Arayat.
44. Kasama ang mga banyaga,
nilusob ng taumbayan ang Bundok
Arayat. Pinitas nila ang bawat bunga
sa mga puno. Kinuha nila ang mga
bulaklak at mga orkidyas. Hinukay
nila ang tanim na luya sa pag-
aakalang magiging ginto muli ito.
Inuwi nila ang mga baul ng
mamahaling bato mula sa palasyo ng
diwata. Hinuli nila lahat ng mga
baboy-ramo at dinala sa kapatagan.
Pagkaraan, kinatay nila ang mga ito
at nagdaos ng maagang kapistahan.
45. Hindi pa nasiyahan ang
taumbayan kaya sinalakay nila ang
palasyo ni Mariang Sinukuan.
Kinuha nila ang dingding na ginto.
Pinag-agawan nila maging ang
pintong ginto, kurtinang ginto,
sahig na ginto, bubong na ginto.
Nag-away pa ang ilan sa
pagsalakay sa palasyo. Iniuwi nila
ang mga ito at ipinagbenta sa
ibang bayan.
46. “Bakit kayo nagkaganyan?” Galit
na galit si Mariang Sinukuan sa ginawa
ng taumbayan. Nilabag ng mga ito ang
kanyang utos na huwag mag-uuwi ng
anuman mula sa bundok. Labis itong
nagdamdam dahil hindi na nagsasauli
ng kagamitan ang mga tao. Nalungkot
ang diwata dahil naubos ang kanyang
mga alagang bulaklak, orkidyas, at
baboy-ramo. Pinutol ang kanyang mga
puno. Pinalayas pa ng taumbayan ang
dalawampu’t limang Ita na katuwang
ng diwata.
47. Sa tulong ng mga
higante at engkanto ng ibang
bundok, itinago ni Mariang
Sinukuan ang kanyang
palasyong ginto sa
pinakailalim ng Bundok
Arayat. Ang mga sako-sakong
luya na ninakaw ng taumbayan
ay ginawa niyang mga balang.
Dumami ang mga ito at
sinalakay ang mga taniman.
48. Naging kalawangin ang mga kagamitan
pangkusina at alahas na hindi ibinalik ng mga dalaga
sa diwata ng Arayat. Ang mga mamahaling bato sa mga
baul ay naging buhangin. At naging bato ang mga nakaw
na ginto.
49. Hindi na nagpakita pang
muli sa taumbayan ang
butihing diwata ng Bundok
Arayat. Sinumang pipitas ng
bulaklak at bunga mula sa
bundok ay maliligaw sa gubat
at hindi na matatagpuan
ninuman. Sinasabi ring ang
sinumang magtatangkang
bumungkal at tumapyas ng
Bundok Arayat para tuklasin
ang ginintuang palasyo ay
magiging bato.
50. Ngunit ayon sa ilang sabi-
sabi, kapag minsan, may isang
marikit na binibini sa Bundok
Arayat na masayang kinakausap
ang mga hayop, bulaklak, at puno
sa gubat, umaawit-awit pa. Hindi
takot ang mga usa, baboy-ramo, at
mga pambihirang ibon na lumapit
sa kanya.Sumasayaw ang mga
halaman at namumukadkad ang
mga bulaklak kapag lumilitaw ang
misteryosang dalaga. Siya kaya ang
diwatang si Mariang Sinukuan?
54. Maaga akong gumising nang araw
na ‘yon. May nakatakda kasi kaming
test sa eskuwelahan. Pero
sinabihan ako ni Nanay na bumalik
muna sa higaan.
“Anak, malaki ang baha. Wala
raw kayong pasok.”
“Ho? May baha?”
Agad akong dumungaw sa
aming bintana. Lampas-tuhod na
nga ang baha! Panay kasi ang pag-
ulan nitong mga nagdaang araw.
Ang nakapagtataka , dati rati
55. “Sabi po ni Titser, dapat
daw ibukod ang basurang
nabubulok sa di-nabubulok,”
sabad pa ni Kuya Ethan na
nagising na rin.
Tumulong na lang kami
kay Nanay sa paglilinis ng
aming bahay.
“Aba, kay sisipag!” bati
ni Tatay. “Mabuti pala ang
binabaha ang paligid,” biro
56. Ilang araw din bago
tuluyang humupa ang
baha. Muli kaming
nakapasok sa eskwelahan.
Pero ang daming kaklase
ko na absent. Sabi ni
Titser Ligaya, baka nag-
aayos pa raw sila ng mga
bahay nila.
“Naku, Aryn, may
sakit pala ang best friend
mo. Nilalagnat daw!” balita
57. Nagpasama ako kay
Levy na dumalaw sa bahay
nina Isabella. Pero hindi ko
siya nadatnan.
“Dinala na siya ng tatay
niya sa ospital kanina. Laging
mataas ang lagnat niya
noong mga nagdaang araw.
Tapos, kung kailan nawala
ang kanyang lagnat, saka
naman nagdugo ang kanyang
ilong!” kuwento ni Lola
58. Mabilis na kumalat ang
balita. Kahit sa radyo at TV
ay nababanggit ang aming
barangay. Nagkaroon daw
ng maraming kaso ng
dengue fever sa aming
lugar. Kinabahan kaming
lahat. Lalo kaming pinag-
ingat.
Magsuot ng pantalon at
damit na mahahaba ang
manggas,” paalala ni Tatay.
“Naku, naku, magpahid
59. “Huwag na kaya
kayong lumabas ng
kulambo,” payo ni Lola
Luring.
“Umiwas tayo sa
lamok na may puting
batik,” sabad ni Kuya
Ethan.
“Kahit matanda, hindi
puwera sa deng-geh…”
hirit pa ni Lolo Lauro.
60. Nalungkot ako nang
malamang nagkasakit nga ng
dengue fever ang aking
kaibigan. Sabi pa ni Titser
Ligaya, baka kailangan pa
daw na masalinan ng dugo si
Isabella.
Nang dumalaw kami ni
Nanay sa ospital, hindi ko rin
nakausap si Isabella.
Natutulog siya. Kay daming
tubo at suwero na nakakabit
61. “Nanay, ganon po ba talaga ‘pag may dengue
fever?”
“Oo, Anak, nauwi sa pagdurugo ang kanyang
dengue fever. Epekto ‘yon ng labis na pagbagsak ng
kanyang platelet count.”
Naalala ko ang turo sa amin ni Titser Ligaya.
Importante raw ang platelets para mapatigil ang
nagaganap na pagdurugo sa loob ng katawan.
“Hindi ordinaryong lamok ang may dala ng sakit
na ito. Ito ‘yong mga lamok na nakatira sa tubig na
malilinis gaya ng tubig-ulan. May batik-batik itong
puti sa katawan,” paliwanang pa ni Nanay.
62. Pag-uwi sa bahay,
ikinuwento ko kay Tatay ang
nangyari kay Isabella. Sabi ko
sa kanya, ang sama-sama pala
ng lamok na may dala ng
dengue virus. Inuubos nito ang
ating platelets.
“Tatay, puwede po ba
kayong mag-donate ng dugo
para kay Isabella? Kasi
kailangan daw po niya ng
maraming platelets.”
Agad namang tumugon si
63. Pinakiusapan ko rin
ang dalawang tita ko.
“Puwede po ba nating
bigyan ng dugo si Isabella?”
“Puwedeng-puwede!”
Noon ko lang nalaman
na lagi palang nagbibigay
ng dugo si Tita Leah sa
Blood Center kada ikatlong
buwan. Siya rin ang
nangumbinse kay Tita
Marvee na subukan din
64. “Konting tusok lang ‘yun.
Saka konting dugo. Pero ang
laki ng maitutulong mo para
mabuhay si Isabella o ang
ibang taong nangangailangan
ng dugo,” paglinaw ni Tita
Leah.
Kung gaano kabilis ang
balita tungkol sa naging
65. Sa isang iglap, nagtugon
ang mga tatay ng aming mga
kaklase.
Lahat ay handang
magbigay ng dugo para
makaligtas si Isabella. At hindi
lang ‘yon, pati raw pala si
Titser Ligaya at ang aming
66. Hindi nagtagal at
gumaling si Isabella.
Ikinuwento ko sa kanya
kung paanong kumilos
ang aming mga
kabarangay para mailigtas
ang buhay niya mula sa
dengue.
“Kung nakita mo lang
kung gaano karami ang
nagmamahal sa’yo. At
naku, nakapila pa ang
gustong maghandog ng
67. Nang sumunod na linggo,
nagpatawag ng pulong ang
kapitan ng aming barangay. May
mga gagawin daw kaming
hakbang para hindi na muling
pamahayan ng mga pesteng
lamok ang aming lugar. Heto
ang mga suhestiyon ng aming
mga kabarangay.
Padaluyin ang mga nabarang
kanal.
Itapon ang mga basyong lata
bote, at gulong na puwedeng
68. Kami man sa
eskwelahan ay di rin
nagpatalo. Nanguna kami
ni Isabella sa paglilinis sa
paligid ng aming
classroom. Naglunsad
naman si Titser Ligaya ng
paligsahan para sa poster-
making at slogan-writing
tungkol sa pag-iwas sa
sakit na dengue.
69. Naging mas maingat
ang lahat dahil sa
nangyaring ito sa aming
barangay. Mga basura’y
itinatapon na sa tamang
lalagyan. Muling dumaloy
ang mga tubig sa imburnal.
Lahat ng sisidlang
naglalaman ng tubig ay
aming binabantayan.
Pati ang flower vase ni
Titser Ligaya ay hindi
72. “Sapatos!” hula ni Anton sa
regalo ng kaniyang Ninang
noong kaniyang kaarawan.
Tama siya.
“Sapatos!” hula ni Jillian sa
regalo ng kaniyang Lola sa
kaniya noong Pasko. Tama
siya.
“Sapatos!” hula ni Jay sa
natanggap niyang regalo mula
sa tagapagtaguyod ng
paligsahan. Tama siya.
74. A, madali lang. Kapag ang
regalo ay nanggaling kay
Ginang Eva Cruz, tiyak na ang
laman nito ay isang pares ng
sapatos! Ang mga regalo,
gantimpala, at anumang
pabuyang galing kay Ginang
Cruz, tiyak na ito’y sapatos,
sapatos, sapatos!
“Sana, laruang robot naman
ang iregalo sa akin ni Tita sa
susunod, “ sabi ni Myrna.
75. “Sana, manyika naman ang iregalo ni Lola
sa akin sa susunod,”sabi ni Gladys. “Sana,
aklat naman ang iregalo sa akin ni Ginang
Cruz sa susunod,” sabi ni Sammy.
“Sana.” “Sana. “ “Sana,” hiling ng bawat
isa.
Pero hindi. Ayaw ni Ginang Cruz.
76. Ang ibinibigay lamang niya ay mga
sapatos- magagandang sapatos. Kaya naman hindi
nakapagtatakang ang tawag sa kaniya ng kaniyang
mga kaibigan, inaanak, pamangkin, apo, kapitbahay,
kasamahan sa trabaho, kasamahan sa simbahan , at
mga kagawad sa barangay ay Aling Sapatos sa halip
na Ginang Cruz. Hindi naman sa hindi sila
nasisiyahang tumanggap ng sapatos. Ito’y dahil…
minsan, gusto rin naman nilang masorpresa at nang
hindi na lang laging tama ang kanilang hula.
77. May matibay na dahilan
si Ginang Cruz kung bakit
ang lahat ng kaniyang regalo
ay sapatos. Walang
nakakaalam kung ano ito;
walang makahula. Pilit man
nilang tuklasin, wala
talagang nakakaalam kung
ano ang totoong dahilan.
78. Ito’y sapagkat ang tunay na
dahilan ay nananatiling lihim hanggang
ngayon - napakaespesyal kung kaya’t nasa
puso lamang ito ni Ginang Cruz. Tanging ang
kaniyang mga namayapang magulang at
kaisa-isang kapatid na lalaki ang
nakakaalam ng lahat-lahat tungkol dito.
79. Noong musmos pa lamang si
Ginang Cruz, mahirap ang
kaniyang pamilya pero masaya
sila. Hindi nakatapos man
lamang ng elementarya ang
kaniyang mga magulang. Kung
kaya’t kahit sila’y ubod ng
sipag, hindi sila nakakuha ng
magandang hanapbuhay. Nasa
Grade 6 na si Eva nang
nagkasakit nang malubha ang
kaniyang ama.
80. Lagi na lamang itong
inuubo at hindi na
nakapagtrabaho; lagi siyang
nakahiga. Kinailangan siyang
alagaan. Kinailangan din ng
maraming perang pambili ng
gamot. Pagdating ni Eva
mula sa eskwelahan, aalis
naman ang kaniyang nanay.
81. “Anak, alagaan mong mabuti ang iyong
ama habang ako’y naglalaba doon sa
malaking bahay.”
“Opo, Inang.”
“At pakitulungan mo na rin ang iyong
kapatid sa kaniyang mga takdang-aralin.”
“Opo, Inang.”
82. Isang araw, may sinabi si
Eva sa kaniyang ina, “Inang . .
. kailangan daw pong magsuot
kami ng puting damit at puting
sapatos sa araw ng aming
pagtatapos.” Nag-aalala si Eva
dahil alam niyang magiging
malaking problema ito sa
kanilang pamilya. “Oww,”
napahinto si Nanay sa ginagawa,
napaisip nang malalim.
83. “Hindi naman po ako kailangang
dumalo,” mungkahi ni Eva sapagkat alam
niyang hindi kakayanin ng kaniyang nanay na
maibili siya ng maisusuot sa Araw ng
Pagtatapos. “Siyanga po pala, Inang,
kasama po ako sa mga tatanggap ng
karangalan” pahabol niyang sabi.
84. May tatanggapin kang
karangalan?” gulat na sabi ng Inang,
umapaw sa puso ang kaligayahan. “Naku,
kailangan kang dumalo sa iyong
pagtatapos, Eva. Napakahalagang okasyon
nito. Gagawa ako ng paraan para
magkaroon ka ng puting damit at sapatos!”
85. Nagmamadaling umalis ng
bahay ang kaniyang Inang.
Nagtanong-tanong siya sa
kaniyang mga kaibigang tindera
sa palengke. Nagtanong-
tanong siya sa kaniyang mga
kamag-anak sa kabilang bayan.
Nagtanong-tanong din siya sa
kaniyang mga kapit-bahay na
hindi naniniwalang mahalaga
ang dumalo sa Araw ng
Pagtatapos.
86. Sa wakas, nakahiram din ng
puting damit ang kaniyang Inang!
“Masyadong masikip at masyadong
maigsi!” reklamo ni Eva nang isukat
niya ang damit. Ito kasi ‘yung panahon
na hindi pa uso ang mga damit na
mini-skirt.
“Hindi naman ganun kasama. . . ;
paubo-ubo-ubong sabi ng nakahiga
niyang ama. “Puwede na. . . ; sabi ng
kaniyang Inang. “A. . . Opo,siguro
nga po,” tugon ni Eva. “Pero wala pa
rin po akong puting sapatos!”
87. “Hmmm, di ba’t may luma
kang itim na sapatos? Pintahan
mo na lang kaya nang puti,”
mungkahi ng kaniyang ama.
“Magandahang ideya ‘yan!”
dagdag ni Inang.
Kaya, kasama ang kaniyang
kapatid at Inang ay naghahanap
sila ng puting pintura - sa ilalim
ng mga halaman, sa mga butas
ng imburnal, sa pagitan ng mga
bakod, sa loob ng
88. mga sirang timba, at sa ibabaw ng mga yuping
balde. Hanggang sa nakahanap sila ng isang lata
na tira-tirang pintura sa tabi ng umaapaw na
basurahan.
Maingat na pinintahan ni Eva ang kaniyang
itim na sapatos.
“Ang ganda na!” puna ng kapatid ni Eva nang
makita ang pinintahang sapatos.
Hindi lang basta nagandahan si Eva sa
kaniyang sapatos-mukha itong pambihira!
89. At dumating ang Araw
ng Pagtatapos. Ang
basketball court ng kanilang
eskuwelahan ay napuno ng
mga puting bulaklak yari sa
papel. Ang mga babaeng
kaklase niya ay kaakit-akit
sa kanilang mga bagong
puting damit. Pilit namang
hinahatak ni Eva pababa ang
kaniyang hiram na puting
damit na saksakan ng sikip.
90. Hiyang-hiya ang pakiramdam niya; parang di
siya nababagay sa grupo. Gusto na niyang umuwi.
Pero hindi siya maaaring umalis. Sa mga
panauhing nanunuod ay nandoon ang kaniyang Inang
at kapatid na kumakaway at ngumingiti pa sa
kaniya. Naalala rin niya ang kaniyang amang may
sakit na nagsabi pa ng, “Eva, kahit mahirap lamang
tayo, ang dami naman ng karangalan natamo mo.”
Ang mga salitang ‘yun ay pansamantalang
nagpalubag ng kaniyang loob.
91. Tapos, biglang
umambon.
Hindi umalis ang mga
estudyante sa kanilang
kinaroroonan. Hindi sapat
ang ulan para iwan nila
ang napakahalagang
okasyon na ito sa kanilang
buhay.
Ngunit ang saglit na
pag-ulan ay sapat upang
mabasa ang kanilang mga
sapatos!
92. Ooops, biglang nagkaroon ng maliliit na ilog
ang kaniyang pambihirang puting sapatos. Tahimik na
tumangis si Eva, O hindi!
Pagkatapos, tumagas ang puting pintura kung
kaya’t bigla itong naging mga itim na guhit. Hindi!
At nang tinawag na ang pangalan niya sa
entablado, ang kaniyang mga sapatos ay mistula ng
mga mantsa ng tintang itim. Hindi! Hindi! Hindi!
Pagkatapos ay muling bumalik ang hitsura nito sa
dating itim! Awww.
Namula si Eva. Nanlamig si Eva.
Nagmistulang buhay na patay si Eva.
93. Nagmistulang buhay na patay si Eva.
Sobrang napahiya siya kung kaya’t nahiling niyang
sana’y maging kasing-itim na lang siya ng kaniyang
sapatos at tuluyan nang maglaho sa mga anino.
Pero ang mga panauhing nanunuod, ang kaniyang
mga guro at Prinsipal, ay malakas na pumapalakpak
para sa kanya.
94. Nagsimula na ring
ihiyaw ng mga kaklase niya
ang kaniyang pangalan: E-
va! E-va! E-va! Pilit siyang
nagpakatatag. Umakyat siya
ng entablado at tinanggap
ang diploma at karangalang
laan para sa kaniya.
95. Sa bahay, inihandog
niya ang sertipiko ng
karangalan at diploma sa
kaniyang ama. Noong lamang
niya ulit nakitang ngumiti
nang ganun kalaki ang
kaniyang ama mula nang ito’y
magkasakit. “Ipinagmamalaki
kita, anak. Pasensya ka na
kung hindi ako nakasama
para mapanuod ka.
“Nandun po ako!” tugon
ng kaniyang kapatid.
96. Ramdam pa rin ni Eva ang pagkapahiya sa
suot niyang masikip at maigsng hiram na damit at
itim na sapatos.
Marahang sinabi ang kaniyang Inang, “Anak,
wala kang dapat ikahiya; lahat ay dapat
ipagmalaki sa iyo! Magaling ka, at sa kabila ng
marami mong gawain sa bahay, nagawa mo pa
ring magtapos nang may karangalan. Ang
tagumpay ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon
ng puting damit at puting sapatos.”
97. Sunod-sunod na napaubo ang kaniyang
ama. Nang ito’y huminto, sinabi niya,” Kung
pinaghusay mo ang bagay na ipinagkatiwala sa
iyo, at ipinagpapasalamat mo ang mga ito,
‘yun ang tunay na diwa ng tagumpay.
98. Ipinagpatuloy ni Eva ang
pag-aaral hanggang sa High
school at kolehiyo sa tulong ng
mga scholarship. Pinasok din niya
ang kung ano-anong trabaho
para masuportahanang kaniyang
pag-aaral. Muli siyang nagtapos
ng may mataas na karangalan.
At siya’y nagkaroon ng
pagkakataong makapagsanay at
makapagtrabaho sa isang
international company.
99. Makalipas pa ang ilang taon, nakapagtayo
na siya ng sariling negosyo at naging
matagumpay ito.
Ngayon, ang kaniyang kumpanya ay
napakalaki na at napakarami na ring
dapartamento. Isa sa mga ito ay tinatawag
niyang “Thanksgiving Section” Dito, ang mga
tauhan niya ay bihasang sapatero na gumagawa
ng magagandang sapatos para ipamigay- kung
kaya’t walang taong kakilala niya na magsasabing
wala siyang maisuot na sapatos.
100. Hanggang sa ngayon, walang
linggong nagdaraan na hindi
naririnig ni Eva sa kaniyang puso
ang ang tinig ng kaniyang ama.
“Kung pinaghusay mo ang bagay
na ipinagkatiwala sa iyo, at
ipinagpapasalamat mo ang mga
ito, ‘yun ang tunay na diwa ng
tagumpay.”
O, nahuhulaan mo na
ngayon kung bakit si Eva- o si
Ginang Cruz o si Aling Sapatos-
ay mahilig magpamigay ng
102. Talagang Maipagmamalaki ang Bagong Bayani
- Pat A. Sto. Tomas
Si Mildred ay inang may dalawang anak. Iniwan niya ang
mga ito sa kaniyang asawang tricycle driver sa kanilang bayan
sa Bambang, Nueva Viscaya, upang mamasukan bilang isang
domestic helper sa Hongkong.
Sa umpisa, maayos naman ang kalagayan ni Mildred
subalit ang lahat ay nagbago noong 2007 nang siya ay
pinagsamantalahan ng kaniyang amo.
103. Katulad ng isang disenteng Pilipina, si Mildred ay
nagreklamo sa mga awtoridad sa Hongkong sa ginawa sa
kaniya at umalis bilang katulong sa kaniyang amo. Ang
masaklap sa regulasyon pala ng pamahalaan ng Hongkong,
pinagbabawalang ma-empleyo ang complainant kapag ang
kaso nito ay naka-pending pa sa korte tulad ng kaso ni
Mildred.
Kaya sa isang iglap biglang naglaho ang magandang
kinabukasang pangarap ni Mildred sa kaniyang mga anak.
Nahinto sa pag-aaral ang kaniyang mga anak, at siya mismo
ay hindi malaman kung papaano susuportahan ang sarili sa
Hongkong
104. Kaya napilitan si Mildred na mamuhay katulad ng
scavengers na ating nakikita rito sa atin na
naghahalungkat sa mga basurahan upang makahanap ng
mga bagay na maaaring ipagbili upang kumita. Sa kaso ni
Mildred, ito ay mga lata ng softdrinks, mga cardboards at
iba pa na maaaring mabenta, at kahit papaano’y
nakapagbibigay sa kaniya ng HK$38 o Php228 sa isang
araw kung siya ay palarin na makakuha ng marami-rami
nito sa mga basurahan.
105. Ganito ang naging buhay ni Mildred sa Hongkong sa
loob ng mahigit sa isang taon hanggang sa ngayon. Subalit
posibleng magbago na ito kahit papaano matapos mangyari
ang isang dakilang desisyon na kaniyang ginawa noong April
na talaga namang kahanga-hanga at maipagmamalaki nating
mga Pilipino.
Noong April 24, habang si Mildred at ang kaniyang
kasama ay naghahalungkat ng basura sa kanto ng Pottinger
Street at Des Voeux Road sa Yueng Long area doon sa
Hongkong, siya ay nakadampot ng isang envelope na ng
kaniyang buksan ay tumambulad sa kaniyang paningin ang
maraming dolyar at mga tseke.
106. Ayon sa report, ang pera ay may kabuuang cash na
$176,000 na binubuo ng tig-iisang libong dolyar at mga tseke
sa US dollars at Hongkong dollars. Ang kabuuang halaga na
nakapaloob sa envelope kung pagsasamahin ang cash at tseke
ay umaabot sa HK$350.545 o nasa P2.1 million sa peso.
Ang una niyang naisip ay tawagan ito at alamin kung ito
ang tunay na nagmamay-ari ng naturang pera upang kaagad
niya itong maisauli. Subalit dahil sa lagpas na sa office hours
ng siya ay nakatawag nag-iwan na lamang siya ng mensahe sa
recorder tungkol sa perang napulot niya at nais niya itong
isauli sa tunay na nagmamay-ari.
107. Kinabukasan, nakipagkita sa kaniya ang isang opisyal
ng kompanya kasama ang empleyado na may dala ng
nawalang pera na dapat pala ay idedeposito niya sa banko.
Sobra ang pasasalamat ng mga ito sa ginawa ni Mildred at
bilang pagtanaw ng utang na loob, binigyan nila si Mildred
ng isang lata ng butter cookies.
Sa isang panayam, sinabi ni Mildred na nahirapan daw
siyang matulog sa pag-iisip sapagkat napakalaki ng
halagang kaniyang napulot at sobra o higit na ito sa
kakailanganin niya upang makauwi na rito sa Pilipinas.
108. Subalit naisip din daw niya na baka ang taong
nakawala ng pera ay isang ordinaryong empleyado lang na
may pamilyang umaasa rin sa kaniya at maaaring mawalan
ng trabaho dahil sa pagkawala niya ng pera. Hindi raw
makaya ng kaniyang konsensiya na itago ang pera sapagkat
habang buhay ito ay magpapahirap sa kaniyang kaisipan.
Kaya minabuti niyang ibalik ang pera sa tunay na may-ari.
Kinikilala ng Provincial Government ng Nueva Viscaya
ang ginawa ni Mildred sa pamamagitan ng pagpasa ng
isang resolusyon na nagbigay puri sa kaniya “for her display
of exemplary honesty”.
109. Bilang pasasalamat ang provincial government ng
Nueva Viscaya ay naglaan ng Php50,000 bilang initial
assistance sa pamilya ni Mildred.