2. kahusayang
Tinutukoy ng
kakayahang magamit ang wikang binibigkas
diskorsal ang
at
sinusulat sa pagpapahayag ng ideya na mauunawaan
ng tagatanggap ng
pagbibigay ng
mensahe.
wastong
Bahagi
pakahulugan
nito ang
sa mga salita at/o pangungusap,
gayundin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ito, upang
makalikha ng mas maayos na pagpapahayag
3. Samantalang tinutukoy ng kahusayang gramatikal ang
wastong baybay at bigkas ng mga salita; gayundin ang
paggamit ng wastong balarila sa pangungusap. Bahagi
rin nito ang pagpili ng mga angkop na salitang gagamitin
sa pagpapahayag
Tinutukoy naman ng kahusayang estratehiko ang
kakayahang magamit ang berbal at hindi berbal na uri ng
komunikasyon sa paghahatid ng mensahe.
-tinutukoy ng berbal na komunikasyon ang wikang pasalita o
pasulat; samantalang ang hindi berbal ay hindi gumagamit
ng wika.
4. Ano ang pagkakaiba ng gramatikal sa
diskorso?
▶ Ang gramatikal ang sangkap kung saan nagbibigay
kakayanan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa
wastong kaayusan ang mga salita/ pangungusap na
kanyang ginagamit at kung angkop ng kanyang ginagamit
na mga salita.
▶ Diskorsal- ito ay sangkap na nagbibigay kakayahang ng
nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mas
maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na
kahulugan nito.
▶
5. Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay
nangangahulugan rig pagsasama-sama at pag-uugnay ng
mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang
pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipapamalas sa
ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap. Maaaring
magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga interbyu,
talumpati, o pagkukuwento.
Samakatuwid, ang mataas na kasanayan sa wika ng isang
tao ay pina-tutunayan din sa kaniyang kapasidad na
makilahok sa mga kumbersasyon at makalikha ng mga
naratibo.
6. PAGSASANAY:
PANUTO: Tukuyin kung alin sa mga component ng
kasanayang komunikatibo ang ginagamit o kailangang
gamitin ng mga tauhan sa sumusunod na mga
sitwasyon. Isulat ang gramatikal,sosyo-lingguwistik,
diskorsal o strategic sa linya.
7. 1. Mula sa Iloilo ay lumipat sina Daniel sa
Maynila. Isang araw habang naglalaro sila ng
basketball ay napatingala si Daniel sabay
sabing “May pating sa court.”Nagtawanan ang
kanyang mga kalaro. Ang kahulugan pala ng
pating sa salitang Ilonggo ay
“kalapati”.Napakamot na lang sa ulo si Daniel.
Alam na niya ngayong hindi dapat gamitin ang
salitang pating kapag nasa Maynila siya kung
ang ibig pala niyang sabihin ay “kalapati.”
8. 2. Pumasok si Ella sa palikuran ng isang mall.
Nang maghuhugas na siya ng kamay ay wala
siyang nakitang sabon. Tinanong niya ang
babaeng naglilinis kung nasaan ang sabon.
“Hayun.” Ang sabi ng babae, habang nakaturo
ang kanang kamay at nakaturo rin ang nguso sa
direksiyon ng lalagyan ng liquid soap na
nakadikit pala sa gilid ng dingding.
9. 3. Lumaki sa Davao si Jen kaya’t nang mapunta na siya sa
Maynila upang mag-aralay naging maingat siya sa paggamit
ng tamang gramatika tulad na lang ng mga panlaping
nakasanayan niya para mas maintindihan siya ng mga
kaklase at mga kaibigan. Halimbawa, sa halip na ang
nakasanayang:
Gi basa mo na ba ang libro? Ay inaayos niya sa
Nabasa mo na ba ang libro? O kaya nama’y
Maka-inis talaga ang traffic,uy! Ay inaayos niya sa
Nakakainis talaga ang traffic, ah.
10. 4. Sumusulat sa Alen ng isang sanaysay at
ngayo’y pinag-aaralan niyang mabuti kung
paano niyang mapagsama-sama ang mga
naisip niyang salita, parirala, at
pangungusap upang mabuo at maipahayag
nang maayos ang mensaheng nais niyang
ipabatid sa mga mambabasa
11. 5. Mula Cebu ay magbabakasyon sa Maynila si Alex.
Sinundo siya ng pinsang si Jamie sa airport. Sumakay
sila ng taxi. Habang nagbibiyahe ang taxi ay malakas
na sinabi ni Alex “Tabi na tayo.” na ang ibig palang
sabihin ay “Mag-chikahan na sila ni Jamie,” Subalit
nang marinig siya ng Manong drayber ay bigla nitong
itinabi o ipinara ang taxi dahil ang akala niya’y
pinatatabi na siya ni Alex