2. MGA DAPAT TANDAAN NG GURO
NG WIKA
1. Pokus ng pagtuturo ang mag-aaral.
2. Iayon ang sitwasyon sa klasrum sa tunay na kapaligiran.
Gawing lubusan ang palitan ng interaksyon.
3. Bigyan ng mas maraming pakikisamuha o lahukang gawain
ang mag-aaral.
4. Gumamit ng multi-media na kagamitan.
5. Bigyan ng regular na feedback at pagtataya ang mga mag-
aaral.
6. Sanaying maging responsable ang magaaral sa sarili niyang
pagkatuto.
3. Mga Batang Mag-aaral at Pagtuturo ng
wika
• Una, hindi totoong mas madaling matuto ng pangalawang wika
ang mga bata.
• Ikalawa, may mga mag-aaral na nagsasabi na ang mga may
edad ay may higit na kakayahan sa pagtamo ng pangalawang
wika.
• Ikatlo, hindi malinaw ang hangganan ng edad ng mga batang
bago pa lamang nag-aaral magsalita sa mga batang pre-
pubescent.
4. Tandaan :
• Ang pagtuturo ng wika sa mga bata ay hindi basta
nagaganap sa pamamagitan ng pagbibigay ng maraming
karanasang pangwika sa loob ng klasrum Kailangan ng guro
ng tanging kasanayan at intwisyon na kaiba kung may edad
na mga mag-aaral ang tuturuan nila.
5.
6. a. Intelektwal na Pag-unlad
• Mga batang ang edad ay humigit kumulang
hanggang labinsiyam- dapat isalang-alang ang
kanilang limitasyon. Ang mga tuntunin at mga
paliwanag tungkol sa wika ay kailangang gamitin
namang may ibayong pag-iingat.
7. b. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)
• Mga paraan kung paano magiging masaya buhay at
kawili
wili ang pag-aaral ng wika:
• Mag-isip ng mga gawaing may kagyat na kawilihan
• Maglahad ng mga makabagong Gawain.
• Gawing buhay ang pagkaklase.
• Tuklasin ang kiliti ng mga bata.
• Isaalang-alang ang pagiging palatanong o kuryosidad ng mga
bata.
8. c. Tagal ng Pagkawili (Attention Span)
• Maunawaan ng guro ang kahulugan nang tagal
ng panahon sa pagkawili.
• Mangyayari lamang ang maikling panahon ng
pagkawili kung ang pagkaklase ay nakakasawa
at walang kabuhay-buhay.
9. d. Pakilusin Ang Iba’t Ibang Pandamdam
(Sensory Input)
• Maglaan ng mga gawaing magpapakilos sa mga
bata, tula, role play at mga laro.Gumamit ng
iba’t ibang kagamitang panturo. Isalang-alang
din ang paggamit ng sariling mga non-verbal
language.
10. f. Mga salik ng apektib (Affective Factors)
• Iparamdam sa mga mag-aaral na natural lamang
makagagawa sila ng pagkakamali sa pagsasalita,
pagbabasa
at pagsusulat habang nag-aaral ng isang wika.
• Maging mapagpaumanhin at ibigay ang lahat ng suporta
upangmagkaroon ng tiwala sa sarili ang bawat mag-aaral.
• Maglaan ng mas maraming pakikilahok na pasalita mula
sa
mga mag-aaral– mga tahimik ay subukin ang ibang gawain
sa pag-aaral ng wika.
11. g. Awtentiko, Makabuluhan Ang Wika
• Iwasan ang paggamit ng mga di-awtentiko at di-
makahulugan… iwasan ang mga de kahon o di natural na
paggamit ng wika.
• Kailangang nakapaloob sa isang konteksto ang
pangangailangang pangwika.
• Iwasan ang paghahati-hati ng wika sa maliliit nitong mga
sangkap. Bigyang-diin din ang pag-uugnayan ng mga
kasanayan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat.
12. Gawain 1
Mag-isip ng iyong sariling pananaw tungkol sa
kung paano maisasakatuparan ng mga mag-aaral
ang matagumpay na pagkatuto ng wika.
16. Kasanayang Komunikatibo
Ayon kay David Nunan (Tompkins, 1998), katangian ng
Kasanayang Komunikatibo sa Pagtuturo ng Wika ang
pagbibigay halaga sa paggamit ng wika sa mga angkop
na sitwasyon , awtentikong materyales, pag-uugnay ng
karanasang pangklasrum sa aktwal na sitwasyon at
pagpapahalaga hindi lamang sa produkto ng pag-aaral
kundi sa proseso ng pagkakamit nito.
17. Sa modelo nina Canale at Swain, apat ang mahahalagang
elementong dapat na isaalang-alang upang masabing may
kakayahang pangkomunikatibo ang mag-aaral:
• Kakayahang linggwistiko
• Kakayahang sosyolinggwistiko
• Kakayahang istratedyik
• Kakayahang pandiskors
19. Pinag-iiba ng mga lingguwista at mananaliksik sa
wika ng bata ang nasabing kakayahan sa tinatawag
na kakayahang komunikatibo, na nangangahulugan
namang abilidad sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaksiyong sosyal (Hymes 1972).
20. Sa pananaw ng lingguwistang si Noam
Chomsky (1965) ang kakayahang lingguwistiko ay
ay isang ideyal na sistema ng di-malay o likas na
kaalaman ng tao hinggil sa gramatika na
nagbibigay sa kaniya ng kapasidad na gumamit at
makaunawa ng wika.
21. Kakayahang Lingguwistika sa
Wikang Filipino
Kakabit ng kakayahang lingguwistika ng Filipino ang wastong
pagsunod sa tuntunin ng balarilang Filipino.
A. Mga salitang Pangnilalaman
1. Mga Nominal
A. Pangalan- nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, at
pook.
B. Panghalip- pamalit o panghalili sa pangngalan
2. Pandiwa - nagsasaad ng kilos o nagbibigay buhay sa pangkat
ng mga salita.
22. Kakayahang Lingguwistika sa
Wikang Filipino
B. Mga Panuring
A. Pang-Uri - nagbibigay turing o naglalarawan sa
pangngalan at panghalip.
B. Pang-abay- nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa,
pang-uri, at kapwa pang-abay
23. Kakayahang Lingguwistika sa
Wikang Filipino
B. Mga Salitang Pangkayarian
1. Mga Pang-ugnay
A. Pangatnig- naguugnay ng dalawang salita parirala o sugnay
Halimbawa : at, pati, ni, subalit, ngunit
B. Pang-angkop- katagang naguugnay sa panuring at salitang
tinuturingan
Hal. Na, ng,
C. Pang-ukol - nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
Hal. sa, ng
24. Kakayahang Lingguwistika sa
Wikang Filipino
C. Mga pananda
A. Pantukoy - salitang laging nangunguna sa pangngalan o
panghalip
Hal. si, ang, ang mga
B. Pangawing o pangawil- salitang nagkakawing ng paksa o
simuno at panag-uri
Hal. ay
25. Kakayahang sosyolinggwistiko
Taglay ang kaalaman sa kontekstong sosyal
kung saan nagaganap ang talastasan at ito
ay
paglikha ng angkop na pahayag sa tiyak na
sitwasyon.
26. Kakayahang Istratedyik
Nagagamit ang kaalaman para punan ang
nawawalang kaalaman kakayahan kung paano
niya gagamitin ang wika sa iba't-ibang sitwasyon.
27. Kakayahang Istratedyik
• Ito ay ang kakayahang magamit ang berbal at di berbal na
mga hudyat upang maipabatid nang mas malinaw ang mensahe
at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o
mga puwang sa komunikasyon.
• Paraan ng paggamit ng mga coping o survival strategies,
upang punan ang limitado o imperpektong kaalaman sa
tuntunin sa wika at kontekstong sosyo-kultural para sa maayos
na komunikasyon.
28. Mga Istratehiyang Istratedyik
1. Panghihiram – nanghihiram ang tao ng mga salita o
wika upang punan ang salitang di maipahayag ng
kanyang dila.
Hal. Malakas ang ulan kasabay ng lightning sa labas
2. Muling pagpapakahulugan o paraphrase -
muli ang porma o estruktura ng pangungusap o
nagpapalit ng tamang salita para sa madaling
pagpapahayag ng nais sabihin o ipunto sa kausap. hal.
Gusto lang naman niyang sabihin ay mag-aral ka nang
mabuti dahil mababa ang marka mo. (mula sa “bobo ka
kaya magaral ka”.)
29. Mga Istratehiyang Istratedyik
3. Sirkumlokusyon/Circumlocution – gumagamit ng mga
salitang maglalarawan o tutukoy sa isang layunin o aksyon.
Hal. “Alam mo yun, magandang gamitin itong chlorox sa
paglilinis ng bahay.”
4. Pagtatransfer – gumagamit ng kanyang katutubong wika sa
pagsasalita sa pagsasalin o pagtatranslate ng salita sa iba
pang salita (word for word) o sinasadya naman nitong hindi
isalin ang isang wika.
Hal. “Ewan ko sa iyong lubot!” (lubot ay nangangahulugan ng
puwet mula sa Cebuanos)
30. Mga Istratehiyang Istratedyik
4. Achievement na estratehiya – nagkakaroon ng
paglalahat sa gamit ng salita na tumutukoy sa
espesipikong salita.
Hal. “Masarap amuyin ang (bagay/bulaklak) na iyon!
(kung saan puwedeng gamitin ang espesipikong salita na
rosas).”
5. Kasingkahulugan at Kasalungat na estratehiya –
pumipili ang tagapagsalita ng pinakamalapit o may
kabaligtarang kahulugan ng salita upang mas madaling
maunawaan ito ng kausap.
Hal. “Hindi maganda ang napanood kong palabas
kanina.”(na mas angkop ang salitang “pangit o walang
31. • Ayon sa teoryang National -Function Syllabus ni
David Wilkins ( Higgs at Clifford 1992 , sa
badayos 1999)
Upang matamo ang kakayahang
komunikatibo kailangang pantay na isaalang-
alang ang pagtatalakay sa mensaheng
nakapaloob sa teksto at sa porma o kayarian ng
wikang ginagamit sa teksto.
33. • Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino (2010),
ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-
uusap at palitan ng kuro” (2010). Mula rito,
mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay
tumutukoy sa kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
34. • Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan ay
nangangahulugan ring pagsasama-sama at pag-uugnay ng
mga pangungusap upang makabuo ng makabuluhang
pahayag. Maaaring ang mga pahayag ay naipapamalas sa
ugnayan ng dalawa o higit pang taong nag-uusap.
Maaaring magpahayag din nang mag-isa, gaya sa mga
interbyu, talumpati, o pagkukuwento. Samakatuwid, ang
mataas na kasanayan sa wika ring isang tao ay
pinatutunayan din sa kaniyang kapasidad na makilahok sa
mga kumbersasyon at makalikha ng mga naratibo.
35. Dalawang uri ng Kakayahang Diskorsal
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay
ang kakayahang tekstuwal at ang kakayahang retorikal.
Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng
isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng ibang teksto
gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal,
transkripsiyon, at iba pang pasulat na komunikasyon. Sa
kabilang banda, ang kakayahang retorikal ay tumutukoy
naman sa kahusayan ng isang indibidwal na makibahagi sa
kumbersasyon. Kasama rito ang kakayahang unawain ang
iba’t ibang tagapagsalita at makapagbigay ng mga
pananaw o opinyon.
36. Gawain 2
Sa iyong palagay, sa apat na elemento ng
kasanayang komunikatibo, alin kaya ang
pinakamahirap makamtan o maabot ng mga
mag-aaral? Bakit?
37. Gawain 3
Bumuo ng gawain na kawili-wili.
Bumuo ng gawain sa bawat kakayahan.