2. PANIMULA
Ang wika ay bahagi ng sistema ng buhay ng tao sa lipunan sa kanyang
pakikipagtalastasan. Ito ang batayan at primitibong pamamaraan sa paglinang,
paggamit, at pagkatuto ng natural na wika. Hindi nakapagtataka kung bakit
karamihan sa mga katangian ng natural na wika ay hinubog ayon sa lugar ng
taong gumagamit nito.
Mahihinuhang nagkakaiba ang gamit at katangian ng natural na wika
depende sa tao at lugar na kinabibilangan. At dahil dinamiko ang wika, madali
itong sumasabay sa pagbabago sa pamamagitan ng panghihiram sa iba pang
wika. Bunsod nito, naiimpluwensyahan nito ang nakagawian ng wikang
ginagamit at minomodipika naman upang umangkop sa sitwasyon at taong
kinakausap. Dito pumapasok ang pagkakaroon ng varayti o varyasyon ng
wikang ginagamit ng tao sa isang partikular na organisasyon gaya ng medya.
3. Ang napapaloob sa bokabularyong ito ay mga salitang
nangingibabaw sa paggamit ng mga mag-aaral sa Grade sa pagbuo
ng kanilang portfolio. Binubuo ito ng apat na bahagi. Ang unang
bahagi sa bokabularyong ito ay ang re-spelling. Ang pangalawang
bahagi ay ang mga wikang kolokyal. Ang pangatlo ay ang mga wikang
balbal. At ang huling bahagi sa bokabularyong ito ay ang mga
salitang gay linggo.
Ayon kay Shaefer (2012) sa pagsasalita ng tao sa loob at sa
labas man ng silid-aralan ay nagbabago lalo na sa malawakang
interaksyon ng mga tao. Ayon din nina Chua (2011) sa pagdaan ng
panahon, mapapansin laging mabilis ang paglago ng gay lingo. Kaya
sa bokabularyong ito isinali ang mga salitang gay linggo na
tinumbasan ito ng kahulugan.
4. Re-spelling
Paraan ng pagbaybay na ginamit ng mga mag-aaral na
kung saan ano ang bigkas ng salita sa wikang Ingles ang siyang
baybay nito.
Hindi mapipigilan ang paglawak at pagbabago ng salita.
Parang fashion lang din kung saan may kanya-kanyang panahon
ang mga kulay at patterns. Para itong uso na maaaring manatili o
kaya naman ay mawala o kukupas sa pagdating ng panahon.
Ang mahalaga ay sa kabila ng pag-usbong ng ganitong mga
uring paggamit ng wika ay nananatili pa rin ang wikang Filipino
bilang wikang pambansa.
5. Ang patuloy na pag-inog ng mundo tungo sa maunlad na
pang-impormasyong teknolohiya ay lalong nagpasusulong sa
antas ng pamamaraan ng pagsasalita o pagsulat.
Ayon kay Rubrico (2006) ang pagbabago ng pagsasalin
ng mga mag-aaral ay iniayon sa wikang Ingles. Ito ang dahilan
kung bakit nakapagpapalito minsan ang tamang ispeling ng isang
salita. Nagpapatunay lamang na sadyang nagkakaroon ng
ebolusyon ang wika.
6. Ang patuloy na pag-inog ng mundo tungo sa maunlad
na pang-impormasyong teknolohiya ay lalong nagpasusulong
sa antas ng pamamaraan ng pagsasalita o pagsulat.
Ayon kay Rubrico (2006) ang pagbabago ng pagsasalin
ng mga mag-aaral ay iniayon sa wikang Ingles. Ito ang dahilan
kung bakit nakapagpapalito minsan ang tamang ispeling ng
isang salita. Nagpapatunay lamang na sadyang nagkakaroon ng
ebolusyon ang wika.
instruktor guro Ang guro ay itinuturing na bayani ng
bansa.
interes kawilihan Magbahagi ka ng kwentong
napapanahon para makuha mo ang
kawilihan ng iyong mga mag-aaral.
introduksyon panimula Ano ang panimula ng kanyang
mensahe sa nakaraang pagpupulong?
irresponsable walang silbi Walang silbi ang mga taong salut sa
lipunan.
iskol paaralan Mahalin natin ang ating paaralan.
7. Kolokyal
Ang kolokyal ay itinuturing na isang impormal na salita.
Ito ay ang pagpapaikli ng isa o dalawa o higit pang titik sa salita.
Ang mga salitang kolokyal ay minsan masasabi nating
mga tamad ang mga taong gumagamit nito. Totoong hindi
mapigilan ang mga pagbabago ng wika at walang masama kung
makikiuso ang tao sa paggamit nito. Ngunit kung ang tamang
pagbaybay ay baguhin hindi na ito nakabubuti sa isang katha o
komposisyon.
8. Balbal
Ang balbal o islang ay tinatawag itong salitang kanto o
salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na
paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o
pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang
(http://tl.answers.com/Q/Anong_ibig_sabihin_ng_balbal_na_salita)
Ayon kay Baluca (2006) ang kabataan ay gumagamit ng mga
salitang lansangan ay darating ang panahon magsasawa sila nito
sapagkat para itong fashion na biglang maglaho at kusa itong
mawawala.
9. Ayon naman kay Antonio (2005) ang wika ay may antas. Ang wikang
balbal ang pinakamababang antas. Ipinahayag kay Macalto (2012) na ang
paggamit ng mga salitang kanto (balbal) at mga salitang kolokyal ay nagdudulot
ng kahinaan sa ispeling.
Ang mga salitang ito ay napabilang sa pinakamababang antas na uri
ng wika. Ayon kay Antonio (2005), sa araw-araw na pakikisalamuha sa kapwa,
ang wikang gamitin ng nagsasalita ay nakadepende sa mga taong kanyang
kausap. Ang mga salitang balbal ay kadalasang ginagamit sa lansangan o kaya’y
sa mga impomal na usapin.
10. Gay Linggo
Ito ay isang patagong wika na ginagamit ng ilang mga homosekswal.
Ang wika ay dinamiko. Ito ay nagbabago kasabay ng pagbabagong
nagaganap sa daigdig. Ayon kay Cordovilla (2006), maraming baryasyon ang
wika na ginagamit ng iba’t ibang grupo na napapaloob sa lipunan.
Ang mga kabataan ay madaling naki-uso sa mga estilo ng pagsasalita
tulad ng mga gay lingo. Ayon kay Paz (2003), ang wika ay buhay. Yumayabong
ito na tila halaman. Dagdag pa niya kasimbilis ng mga pagbabago sa buhay ang
bilis ng pagbabago sa wika.
11. Iminungkahi kay Antonio (2005) ang paggamit ng mga
kabataan sa mga salitang bekemon, jejemon at gay lingo ay
hahayaan lamang natin. Sapagkat hindi ito nanatili, kukupas ito
pagdating ng panahon. Sang-ayon ang may-akda na dapat makisabay
sa mga pagbabago naganap sa kapaligiran ngunit naging suliranin ito
ng tao sa kanyang pakikipag-usap sa kapwa kapag hindi niya
naunawaan ang salitang ginamit. Isa ito sa mga suliranin o hadlang
sa pagwawasto ng guro sa mga katha ng kanyang mga mag-aaral
kung salat ang kanyang kaalaman sa mga impormal na salita na
ginamit ng kanyang mga mag-aaral.
12. Minsan naitanong ni Katimbang (2012) ang mga salitang
jeproks, gay lingo, jejemon at bekimese/bekimon ay nakatutulong ba
ito sa pagpapaunlad ng isang bansa? Sinabi ni Briones (2014) na
hindi mapipigilan ng tao ang pagbabago ng wika sapagkat ang wika
ay buhay.
13. Minsan naitanong ni Katimbang (2012) ang mga salitang
jeproks, gay lingo, jejemon at bekimese/bekimon ay nakatutulong ba
ito sa pagpapaunlad ng isang bansa? Sinabi ni Briones (2014) na
hindi mapipigilan ng tao ang pagbabago ng wika sapagkat ang wika
ay buhay.
14. Antas ng Wika Batay sa Pormalidad
Umaayon ang wikang ginagamit sa panahon, kultura, at sitwasyon.
Pinipili ang angkop na salitang gagamitin upang higit na maging maayos
ang ating pakikipagtalastasan sa iba at maiwasan ang hindi
pagkakaintindihan.
Nahahati sa dalawang uri ang antas ng wika batay sa pormalidad.
Ito ang pormal at di-pormal na salita.
1. Pormal- Ito ay antas ng wika na itinuturing na pamantayan dahil sa
ito’y kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aral
sa wika.
a. Pambansa- ang salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing
nailathala sa iba’t ibang kapuluan at sa lahat ng paaralan. Ito rin ang
wikang ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga nagsisipag-aral.
15. b. Pampanitikan o panretorika- mga salitang matalinghaga at
madalas gamitin sa masining na pagpapahayag o retorika. Ito ang mga
salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika.
2. Di-pormal o Impormal- mga salitang karaniwan at palasak na
ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at pakikipagsulatan
sa mga kakilala at kaibigan.
a. Lalawiganin- Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng
pook na pinaggamitan nito. Hindi ito ginagamit sa labas ng kinamulatang
lalawigan maliban kung sila’y magkakatagpo-tagpo sa labas dahil sa
kinagisnan na ito at natural na naibubukambibig kaagad. Kapansin-
pansin ang mga lalawiganing mga salita dahil bukod sa iba ang bigkas,
may kakaiba rin itong tono. Ang lalawiganing salita ang nagbunsod ng
mga makarehiyonal na kaugalian ng tao.
16. b. Balbal- Ito ang pinakamababang antas ng wika na maririnig sa
ilang grupo ng tao gaya ng gay lingo na may sariling kodigo (code) ng
wika na sila lamang ang nakauunawa dahil sila-sila rin ang lumikha ng
wikang ginagamit nila. Sa Ingles, ito ay slang. Hindi permanente ang
gamit ng wikang ito dahil nagbabago-bago at depende ito sa mga
nagiging popular na salita. May ilang grupo rin ng kabataan na
gumagamit ng balbal na salita subalit namamatay rin ang mga ganitong
salita.
Halimbawa: chicks (dalagang bata pa)
noypi ( Pilipino)
c. Kolokyal (Colloquial)- tumutukoy ito sa mga karaniwang salita na
ginagamit sa mga impormal na usapan o dayalogo na makikita ang
pagpapaikli ng mga salita ng mga orihinal na salita.
17. Pormal Di-pormal
nasaan Nasan/ asan
Naroon, naroroon naron
Kaniya, kani-kaniya Kanya, kanya-kanya
Aywan
Piyesta
Hintay ka
Ewan
Pista
Tayka/teka
18. Kaantasan ng mga salita
Pormal Di- pormal
Pampanitikan Pambansa Balbal Lalawiganin
Kapusod
Salapi
nagtapat
Kapatid
Pera
umamin
Utol
Anda
kumanta
Tugang (Bikol)
Kwarta
(Bisaya)
Tumuga
(Bikol)
19.
20.
21.
22.
23.
24.
25.
26.
27.
28. Isang Liham mula sa Anak
Setyembre 17, 2018
Mahal kong Nanay at Tatay,
Maajong buntag Nay at Tay! Sana po ay nasa mabuti kayong
kalagayan ngayon. Ako po’y sumulat sa inyo para ipapaalam na
okey lang po ako rito. Maganda po ang aking mga marka sa bawat
asignatura. Kasi nagsusunog po ako ng aking kilay palagi Nay para
po magagalak kayo dyan ni Tay at ipagmamalaki nyo naman ako.
29. Ayoko pong magaya sa mga ka-edad kong laging laman ng
bangketa, lagi na lamang nagto-toma. Wala po silang ibang
inaatupag kundi laklak lang ng laklak ngunit takot naman pala sa
mga parak. Kaya Nay, hwag po kayong mag-alala sa akin.
Mag-iingat po kayo palagi Nay at Tay, mahal na mahal kop
o kayo!
Lubos na nagmamahal,
Cecelia
30. Suriing mabuti ang liham at isulat ang mga salitang
halimbawa ng sumusunod na antas ng wika ayon sa pormalidad:
Pambansa Pampanitikan Lalawiganin Balbal Kolokyal