2. Ang bawat pagkilos ng tao ay may dahilan at batayan.
Nakatanim na sa tao ang moralidad ng kaniyang pagpapasiya at
pagkilos. Matatawag na tama ang kilos ng tao kung ito ay nag-
aangat sa dignidad niya o kaya nama’y kung ito ay nakapagdudulot
sa pagkamit ng kaniyang kagananapan. Anumang gawain na
tumataliwas sa dignidad at sumisira ng buhay ng tao at ng
kaniyang kapwa ay masasabing mali o masama.
Kaya, mahalagang maisaalang-alang ang mga prinsipyo at
pamantayang moral sa pagpapasiya at pagkilos. Mahalaga ring
maisapuso ng bawat isa ang pananagutan sa kaniyang pagpapasiya
at pagkilos.
3. Higit na mainam kung mauunawaan ang mga salik na
maaaring magtulak o umudyok sa tao upang magkasala.
Naririto ang mga salik:
1. Kamangmangan (Ignorance)
Ito ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman
hinggil sa mga aksiyon o mga karanasan at pangyayari.
Halimbawa:
Isang lalaki na nagtapon ng upos ng sigarilyo sa kalsada.
Hinuli ng pulis ang lalaki dahil sa pagkakalat. Sinabi ng lalaki
sa pulis na hindi nya alam dahil sa bago lamang siyang salta
sa lugar.
4. 2. Matinding Pag-aasam o Pagnanais (Passion)
Ito ay tumutukoy sa masidhing pag-aasam o
paghahangad na makaranas ng kaligayahan at pag-iwas sa
mga bagay o karanasan na nagdududlot ng sakit o hirap. Ang
matinding pagnanasa ay mahirap pigilin.
Halimbawa: Magkasintahan na nawiwiling mag-usap sa isang
restoran. Hindi nila namalayan na marami ng tao ang
kailanagang kumain at umupo sa pwesto nila.
5. 3. Tahasang Pamimilit at Pananakot (Fear)
Ito ay tumutukoy sa anumang uri ng pagbabanta sa
buhay ng tao. Ang pagkilos ng labag sa kalooban ay nagagawa
lamang dahil sa sobrang pamimilit at kung saan minsan ay
may kasamang pagpapahirap, pananakot, pananakit, at
pagbabanta sa kaligtasan ng mga taong minamahal.
Halimbawa:
Mga batang mandurukot ngunit sumusunod lamang sa utos ng
sindikato.
6. 4. Mga Masamang Kaugalian o Bisyo (Habit)
Ito ay tumutukoy sa mga paulit-ulit na kilos o gawi na
maaring mabuti o masama. Ito ay medaling makuha sa
sandaling maging bahagi na ng buhay at mahirap ng iwasan
at baguhin.
Halimbawa:
Ang palaging pangungupit ng pera at pagkuha ng gamit ng iba
nang walang pahintulot na nauuwi sa pagnanakaw.
7. 5. Dahas (Violence)
Ito ay tumutukoy sa mga taong napipilitang gumawa
ng labag sa kalooban dahil sa dahas at pagpapahirap tulad ng
pagpaparusa, pagmamaltrato, pagpapahirap sa katawan, at
pagpapakulong.
Halimbawa:
Mga batang biktima ng pedopilya na napipilitang ibenta ang
katawan sa mga banyaga dahil sa takot.