2. ALAMIN
ANO ANG GAGAWIN MO KAPAG NANGYARI SA IYO
ITO?
Nawala ang kwintas na bigay ng nanay mo noong iyong
kaarawan. Isang kaibigan ng iyong kapatid ang labas-masok
sa inyong bahay.
3. SURIIN
Alas singko na ng umaga, Nagmamadaling
gumayak si Manang Inday papunta s palengke.
“Hindi mo man lang ako ginising, Insiong. Alam
mo namang wala akong madadatnang sariwang gulay
at isda kapag tinanghali ako. Magluluto pa ako. Ikaw
na ang bahalang mag-aayos ng ating karinderya,”
wika ni Manang Inday sa asawa.
“Peep… peep… peep”
4. “O, hayan na na ang service mo. Dalian mo na,” tawag
ni Insiong.
“Nandiyan na. Ako na muna ang iyong ihatid, Junior
balikan mo nalang ako matapos ang isang oras,” bilin niya
sa drayber habang inilalagay ang pera sa bulsa ng palda.
“Suki, dating gawi. Limang kilong baboy, tatlong baka
at manok. Heto na ang mga gulay na pinili ko.”
“Ale, bili na kayo ng plastik bag na ito,” isang batang
lalaki ang lumapit.
“Hindi na, may bayong ako,” tanggi ni Manang Inday.
5. “Sige na po, pambili lang po ng gamot at pagkain ni
Nanay.”
“Hindi nga. Lumayo-layo ka nga sa daraanan ko,”
pabulyaw na wika ni Manang Inday.
Magbabayad na lamang si Manag Inday nang walang
perang makapa sa bulsa.
“Ikaw ang kumuha ng pera ko,” baling niya sa bata
“Hindi po,” sa takot, tumakbo ang bata.
“Pulis…pulis… harangin ninyo iyan. Magnanakaw,” sigaw
ni Manang Inday.
6. Akmang sasakay ang bata sa dumaraang dyip nang
nabundol ng rumaragasang bus. Pinagkaguluhan ng mga
tao ang wala nang buhay na bata.
“Tsk, tsk. Sayang na buhay. Ginamit lng sa
pagnanakaw,” wika ng isang nanonood.
Bumalik si Manang Inday sa tindera at nangako na
lamang na magbabayad sa pagbalik kinabukasan.
“O, Inday! Ano ka ba? Bakit naman hindi ka nag-iingat?
Nahulog ang pera mo. Nandiyan sa altar. Itinabi ko,”
paliwanag ni Mang Insiong.
Natulala si Manang Inday!
7. SURIIN
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Ilarawan ang
ugaling ipinamalas.
2. Ano ang nangyari kay Manang Inday sa kaniyang
pamimili sa palengke?
3. Bakit ang batang lalaki ang kanyang napagbintangang
kumuha ng kaniyang pera?
4. Paano nawalan ng buhay ang bata?
5. Bakit natulala si Manang Inday sa paliwanag ni Mang
Insiong?
6. Anong aral ang maibibigay ng kwento?
8. TANDAAN
1. Ang bawat isa ay nararapat magkaroon ng matinding
paggalang sa kapwa.
2. Pangibabawin at suportahan ang kakayahan bilang
pagpapahalaga sa buhay.
3. Ang timbang na disiplina ay angkop upang maipamalas
ang paggalang at pagpapaunlad sa buhay.
4. Magagamit natin ang mapagkumbabang paraan ng
paggalang sa buhay nang may dignidad.