Matutunghayan dito:
* Ang mga buod ng bawat kabanata (1 - 64) at ang mga mahahalagang pangyayari ng bawat tauhan ng nobela
* Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Mi Tangere
* Ang mga sumuring Teorya sa akdang Nobela
* Ang Naging Buhay ni Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
* Ang bawat simbolismo sa Pabalat ng Noli Mi Tangere ayon kay Daniel Anciano
para sa mga nag hahanap oh gustong makuha ang file na ito maari lamang pong mag register ng account dito sa SLIDESHARE,pag katapos non ay iconfirm muna sa inyong email para ito ay maisave oh maidownload ng tama.
kung may katanungan po kayo maari lamang na mag email sa account na ito:
asa.net2015@gmail.com
asa.net2014@yahoo.com
maraming SALAMAT PO!
2. TALASALITAAN
• Ekskomunyon – pagtitiwalag sa simbahang
Katoliko.
• Nawalan ng ulirat – hinimatay
• Pahiwatig – mga di tiyak o tagong pahayag o
kaya’y mga kilos o galaw ayon sa
pagpapakahulugan ng mga tao
3. •Dumating nang walang abiso ang Kapitan
Heneral sa bayan nila Kapitan Tiyago kung
kaya naging abala ang lahat sa paghahanda
upang maibigay ang nararapat na pag-istima
sa panauhin.
4. •Sinamantala ng lahat ang nalalabing oras
upang makapag-gayak maliban kay Maria
Clara na patuloy ang pagtangis dahil sa
pagbabawal ng kanyang ama na makipagkita
kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado.
Balewala ang pag-aalo sa kanya nina Tiya
Isabel at Andeng.
5. •Iminungkahi ng kanyang tiya na maari silang
sumulat sa Papa at magbigay ng malaking
halaga upang mapawalang bisa ang ipinataw
sa binata. Nagprisinta naman si Andeng na
gagawa umano ng paraan upang magkausap
ang magkasintahan.
6. •Nagpunta si Kapitan Tiyago sa kumbento at
inihayag nito kay Maria Clara ang desisyon ni
Padre Damaso na sirain ang nakatakdang
pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra.
7. •Ipinag-utos naman ni Padre Sibyla na huwag
nang tanggapin sa kanilang tahanan ang
binata. Kahit daw ang utang ng kapitan na
limampung libong piso ay hindi rin dapat
bayaran dahil ang kapalit nito ay kamatayan
ng kaluluwa sa impyerno.
8. •Lalong nagdalamhati si Maria sa mga narinig.
Inalo ni Kapitan Tiyago ang anak at sinabing
si Padre Damaso ay may inilaan sa kanyang
isang binata na kamag-anak nito na
manggagaling pa mula sa Europa.
9. •Nasindak nang lalo ang dalaga at maging
ang kanyang Tiya Isabel ay nagalit sa Kapitan
kaya pinagsabihan niya ito na hindi parang
damit na isinusuot ang magpalit ng katipan.
10. • Hindi rin pumayag si Kapitan Tiyago ng imungkahi
ni Tiya Isabel na sulatan nito ang Arsobispo. Ayon
kay Kapitan Tiyago ay hindi naman sila nito
pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga
pari. Pagkatapos nito’y bumalik na sa paghahanda
sa bahay ang Kapitan samantalang si Maria ay
pumasok na sa kanyang silid.
11. •Ilang sandali pa’y dumating na rin ang
Kapitan Heneral at napuno na rin ang bahay
ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Taimtim
na nananalangin si Maria ng siya ay pasukin
ni Tiya Isabel dahil ipinatatawag daw ito ng
Kapitan Heneral. Pagdaka’y sumunod naman
ang dalaga.
12. SAGUTIN!
1. Sino ang dumating nang walang abiso sa bayan nina Kapitan
Tiyago?
2. Kanino bawal makipagkita si Ibarra?
3. Sino ang nagdesisyon na sirain ang nakatakdang pakikipag-isang
dibdib nina Ibarra at Maria Clara?
4. Sino ang nag-utos na huwag ng tanggapin si Ibarra sa tahanan
nina Maria Clara?
5. Ano ang pumuno sa bahay ni Kapitan Tiyago?