Pabalat ng Noli Me Tangere

123,541 views

Published on

Isang pagsusuri sa pabalat ng Noli Me Tangere ni Rizal.

Published in: Education
16 Comments
147 Likes
Statistics
Notes
No Downloads
Views
Total views
123,541
On SlideShare
0
From Embeds
0
Number of Embeds
214
Actions
Shares
0
Downloads
4,195
Comments
16
Likes
147
Embeds 0
No embeds

No notes for slide

Pabalat ng Noli Me Tangere

  1. 1. Noli Me Tangere Simbolismo ng Pabalat
  2. 2. Pagpapakilala ng Pabalat Ang pabalat ng Noli Me Tangere ay idinisenyo mismo ni Rizal para sa kaniyang nobela. Pinili ni Rizal ang elemento na ipapaloob niya rito, hindi lamang sa aspektong astetiko ang kaniyang naging konsiderasyon – higit sa lahat ay ang aspekto ng simbolismo. Pagkatapos mong mabasa ang pagsusuring ito sa disenyo ng pabalat ng nobela ay maaring maituring na ito ang siyang pinakamahusay sa lahat ng mga likhang guhit ni Rizal
  3. 3. Sa pabalat pa lamang ng Noli Me Tangere ay tila ninanais na ni Rizal na magkaroon kaagad ng paunang pagkaunawa ang kaniyang mga mambabasa ukol sa nilalaman ng nobela. Dahilan sa ang mga nakapaloob sa pabalat nito ay matatagpuan at tatalakayin sa loob ng kaniyang sinulat.
  4. 4. Pansinin ang mga sumusunod Ang Pamagat na Noli Me Tangere ay nasa gitna mismo ng pabalat. Tandaan sana na ang kahulugan sa Filipino ng pamagat ng Nobela ay HUWAG MO AKONG HIPUIN. Nagbababala kaya si Rizal sa kaniyang mga mambabasa sa maaring maging epekto ng pagbabasa nito sa kaniyang kapanahunan.
  5. 5. Itaas na Bahagi Ang pamagat ng nobela ay humahati sa pabalat sa dalawang magkahiwalay na bahagi. Ibabang bahagi
  6. 6. Sa kabilang dako, ang paghahati ay hindi itaas at ibaba – mayroon tayong mapapansin na hugis. Ang kanang triangulo na malapad ang paanan,subalit papakitid ang ulunan. Ang kaliwang triangulo na makitid ang paanan,subalit lumalapad sa ulunan.
  7. 7. PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA ITAAS/KALIWANG BAHAGI Ang krus Simetrikal na sulo Dahon ng laurel Bulaklak ng sunflower Supang ng kalamansi Ulo ng babae Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere
  8. 8. PANSININ ANG MGA NAKAPALOOB SA IBABA O KANANG BAHAGI Bahagi ng manuskrito ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa Penitensiya Latigo capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
  9. 9. Subalit tingnan natin ang pabalat ng nobela, mula sa ibaba pataas.
  10. 10. Ang magkabilang triyangulo na inyong nakikita na hinahati ng pamagat ay kumakatawan sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang Kahapon Ang hinaharap ng bayan
  11. 11. PAGBALIKAN NATIN NG PANSIN ANG SIMBOLISMO PARA SA GAGAWIN NATING PAGBIBIGAY PAKAHULUGAN Bahagi ng paghahandog sa Noli Me tangere Punong Kawayan Lagda ni Rizal Tanikala Pamalo sa penitensiya Latigo ng alperes capacete ng guardia sibil Paa ng prayle na labas ang balahibo
  12. 12. MGA KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Ang kanang triangulo ay isang paglalarawan ng mga elemento na bumubuo ng panlipunang realidad sa kapanahunan ni Rizal.
  13. 13. KAHULUGAN NG MGA SIMBOLISMO Paa ng prayle Inilagay ni Rizal sa pinaka-ibabang bahagi ng tatsulo ang paa ng prayle. Ito ay upang ilarawan sa mga mambabasa kung ano ang pinakabase ng kolonyal na lipunan sa kaniyang kapanahunan. At bilang pagpaparamdam sa mga mambabasa kung sino ang tunay na nagpapalakad ng bayan.
  14. 14. Sapatos Ang paglalagay ni Rizal ng sapatos sa paanan ng prayle ay isang anyo ng pagbubunyag sa pagiging maluho ng mga prayle sa Pilipinas. Ang sapatos ay simbolo ng pag-iwan ng mga prayle sa aral ni Cristo para sa kaniyang mga tunay na alagad. Huwag din kayong magdala ng supot ng pagkain sa paglalakad; kahit dalawang bihisan, kahit panyapak , o tungkod; sapagkat ang manggagawa ay may karapatan sa kaniyang ikabubuhay. Mateo 10:10
  15. 15. Nakalabas na binti sa ibaba ng abito. Pagpapahiwatig ni Rizal sa kalaswaan ng pamumuhay ng mga prayle sa Pilipinas na kaniyang hayagang tinalakay sa loob ng nobela. O kaya ay isang lihim na paglalarawan ni Rizal sa balahibo ng lobo na nasa loob ng damit ng kordero. Ang pulang pangungusap ay lihim na ipahihiwatig ni Rizal sa Kabanata 14 noong murahin ni Don Filipo si San Agustin ng “putris” at sa isang sulat ni Rizal kay Blumentritt (Peb. 2, 1890)
  16. 16. Helmet ng guardia sibil. Simbolo ng kapangyarihan ng kolonyal na hukbong sandatahan na nang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Pilipino sa kaniyang kapanahunan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang helmet sa ilalim ng paanan ng prayle.
  17. 17. Latigo ng alperes. Simbolo ng kalupitan ng opisyal ng kolonyal na hukbong sandatahan. Maging si Rizal ay personal na naging biktima ng latigo ng alperes. Ang paglalagay ni Rizal ng latigo ng alperes ay pagpapakita na hindi niya malimutan ang ginawang pananakit sa kaniya ng alperes sa Calamba noong kaniyang kabataan. Pansinin na inilagay ni Rizal ang latigo sa ilalim ng paanan ng prayle.
  18. 18. Kadena Inilagay ni Rizal ang kadena sa pabalat ng aklat bilang simbolo ng kawalang kalayaan ng mga Pilipino sa ilalim ng kolonyal na pamahalaan.
  19. 19. Suplina Ang suplina ay ginagamit ng mga mapanata sa kolonyal na simbahan upang saktan ang kanilang mga sarili dahilan sa kanilang paniniwala na ito ay makapaglilinis sa kanilang mga nagawang kasalanan. Para kay Rizal, wari bang ang pananakit at pagpapahirap ng mga guardia sibil ay hindi pa sapat para sa mga Pilipino at kailangan pang sila na mismo ang magpahirap at manakit sa kanilang mga sarili.
  20. 20. Lagda ni Rizal Pansinin na inilagay ni Rizal ang kaniyang pangalan sa triangulong nakaukol sa kaniyang kapanahunan. Alam ni Rizal na siya ay kabilang sa kapanahunan na kaniyang inilalarawan.
  21. 21. Isang mataas ngunit malambot na puno. Ang pangunahing katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng malaking kahalagahan sa paggawa ng bahay at maraming mga mahahalagang kagamitan at kasangkapan sa kapanahunan ni Rizal. Inilagay ni Rizal ang larawang ito upang ipakita ang pamamaraan ng mga Pilipino sa pakikibagay sa mga nagaganap na kalupitan at pagsasamantala ng mga naghaharing uri sa kanilang lipunan. Halamang kawayan
  22. 22. Makikita na bago ang bahagi ng paghahandog ni Rizal sa kaniyang nobela ay ang taong 1887. Paiitaas sa taong 1887 ang malaking bahagi ng manuskrito paghahandog ng nobela. Pansinin sana na pagkatapos ng paghahandog ay unti-unti ng lumiliit ang panig ng tatsulok. Isa kaya itong paraan ng pagpapahiwatig ni Rizal na nakikini-kinita na niya ang paglalaho ng kolonyal na lipunan, bilang resulta ng kaniyang nobela. Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ng Noli Me Tangere
  23. 23. TINGNAN NAMAN NATIN ANG KAHULUGAN NG MGA NILALAMAN SA KALIWANG TRIANGULO
  24. 24. Ang sunflower ay isang natatanging bulaklak dahilan sa kakayahan nito na sumunod sa sikat ng araw. Inilagay ni Rizal ang bulaklak na ito sa layunin na maging halimbawa ng kaniyang mga mambabasa na sundan at ipagpatuloy ang pagbabasa ng kaniyang nobela, na sa kaniyang kapanahunan ay ninanais ni Rizal na maging liwanag ng kaniyang bayan. Bulaklak ng sunflower
  25. 25. Iginuhit ni Rizal ang sulo bilang simbolo ng Noli Me Tangere. Pansining mabuti ang disenyo na kinalalagyan ng liwanag. Mapupuna ng mga nakapagbabasa ng mga lumang libro, na ito ang karaniwang disenyo na ginagamit noon sa mga pahina ng aklat. Simetrikal na sulo
  26. 26. Pansining mabuti ang relasyon ng liwanag ng sulo at ng oryentasyon ng sunflower. Mapapansin na ang sunflower ay nakatingala sa liwanag ng sulo, na sa panahon ng kadiliman ng panunupil ng kaisipan ay simbolo ng preserbasyon ng kaalaman ng tao.
  27. 27. Mapapansin ninyo ang salitang “Berlin” – ang lugar kung saan ipinalimbag ni Rizal ang Noli Me Tangere. Subalit ang paglalagay ni Rizal ng “Berlin” sa pabalat ay mayroon din layunin na ipaalam sa kaniyang mga mambabasa ang mayamang koleksiyon ng lungsod sa mga materyales ukol sa Pilipinas. Ang bagay na ito ay sinabi mismo ni Rizal sa kaniyang kaibigang si Blumentritt.
  28. 28. Pansining mabuti na ang sulo ay nag-ooverlap sa manuskrito ng paghahandog ni Rizal ng kaniyang nobela. Ito ay dahilan sa layunin ni Rizal na ang kaniyang sinulat na nobela ay magsilbing liwanag ng bayan, upang makita natin ang ating mga kahinaan na siyang nagiging dahilan ng ating pagiging huli sa karera ng kaunlaran. O maaring ang mga taong mayroong maliwanag na isipan lamang ang makakatuklas ng tunay na kahulugan ng nobela. Bahagi ng manuskrito ng paghahandog ni Rizal.
  29. 29. Ulo ng babae Sino ang babaeng ito? Pansining mabuti ang kasagutan Ipinakilala ni Rizal ang babae sa pamamagitan ng paglalagay niya sa tabi ng pinag-uukulan niya ng paghahandog sa nobela. Ito ay walang iba kundi ang INANG BAYAN
  30. 30. Ang krus ang siyang simbolo ng relihiyosidad ng malaking bilang ng mga mamamayang Pilipino. Mapapansin na inilagay ni Rizal ang krus sa halos pinakamataas na lugar ng pabalat. Nakakataas o nakapaghahari sa isipan ng Inang Bayan at ng mga Pilipino. Krus
  31. 31. Teka, bakit inilagay ni Rizal ang krus sa pinakamataas na lugar sa pabalat ng nobela? Hindi ba siya kontra sa kolonyal na simbahan? Krus
  32. 32. Siguro ay optical illusion lamang kaya maaring sabihing ang krus ang pinakamataas na elemento sa pabalat. Krus Ang pinakamataas na elemento sa pabalat ay ang dulo ng triangulo na hindi pa nagtatapos at patuloy na lumalapad ayon sa takbo ng panahon.
  33. 33. Pansinin sana na tila isang padalisdis ang direksiyon ng triangulo. Parang napanhik ka sa isang bundok.
  34. 34. Na bago ang krus ay makikita ang supang ng kalamansi. Pansining Mabuti Ano ang kahalagahan ng supang ng kalamansi at isinama ito ni Rizal bilang elemento sa pabalat ng kaniyang nobela?
  35. 35. Isa sa laganap na paniniwala natin ang kalamansi ay mahusay na sangkap sa paglilinis. Ito ang dahilan, kung bakit mayroon pang mga produktong panlaba at panlinis ng plato na ipinagmamalaki na mayroong halong sangkap ng kalamansi,
  36. 36. Ang masakit na katotohanan, ang paglalagay ni Rizal supang nga kalamansi sa tabi ng krus ay isang mataas na anyo kaniyang ng insulto para sa kolonyal na Katolisismo na umiiral sa kaniyang kapanahunan. Walang pinag-iwan sa isang tao na alam mong hindi naliligo at naamoy mo na ang pagiging mabaho. Pagkatapos mong makita at maamoy ang baho ay saka mo ilalagay sa kaniyang tabi ang isang sabong pampaligo. Ganyang mang-insulto si Rizal sa kaniyang sining. Masasabi ko ito, dahilan sa halos maraming mga sining si Rizal na kaniyang nilikha bilang isang anyo ng protesta.
  37. 37. Ang dahon ng laurel ay napakahalaga sa matatandang sibilisasyong kanluranin. Ito ginagawang korona para sa kanilang mga mapagwagi, matatapang, matatalino, at mapanlikhaing mga mamamayan. Mga Dahon ng Laurel
  38. 38. Mapapansin na ang mga dahon laurel ay hindi pa napipitas sa halaman. Isang paglalarawan ni Rizal ng kaniyang pag-asa na ang mga kabataang Pilipino ay pipitasin ang mga laurel na ito upang gawing korona ng inang bayan.
  39. 39. Subalit ang higit na dapat na mapansin na ang krus ay gawa sa bato. Subalit ang halaman ng kalamansi at laurel ay mga buhay na elemento. Na maaring lumago sa pagsapit ng panahon.
  40. 40. Mamimili ang krus, kung siya magpapakalinis at makiki-agapay sa pagtalino ng bayan. O sa pagdating ng panahon ay matatabunan lamang siya ng paglilinis at katalinuhan ng bayan na hindi na bulag sa panatisismo.
  41. 41. Ang katotohanan ay pinagtabi ni Rizal ang krus at supang nga kalamansi at mga dahong laurel. Dahilan sa mayroong dalawang uri ng konsensiya ang nais na ilarawan ni Rizal sa kaniyang nobela. Una ay ang sinasabi ni Ibarra na “bulag na konsensiya ng bayan”. At ang pangalawa ay ang isang “PAMBANSANG KONSENSIYA” na nais ni Rizal na sumibol para sa sambayanang Pilipino na hinahadlangan lamang noon ng mga makapangyarihang alagad ng kolonyal na simbahan.
  42. 42. Maaring mapagbintangan ako sa pagiging mapagmalabis sa aking ginawang pagpapakahulugan. Subalit wala akong takot na ipaalam na ang mga kahulugang aking binanggit ay nakapalaman sa loob mismo ng nobela na ating pag-aaralan. At sa marami niyang mga artikulo at personal na sulat sa kaniyang mga kamag-anak at mga kasamahan sa kilusang propaganda.
  43. 43. HANDA KA NA BANG BASAHIN ANG TUNAY NA NOLI ME TANGERE

×