Ang sistem at kalidad ng Edukasyon sa Bansa.pptx powerpoint presentation
Filipino el fili- padre florentino
1. Padre Florentino
Character description
Padre Florentino is described in the novel as an old man with gray hair. He is quiet man; he prefers not to
mingle with other people not because of arrogance. The priest is in his best health but he exudes a sad
melancholic air. He is different from the other priests of his time because he refused to lead a parish but
instead lives in the estate he inherited from his parents. He thinks that it is better that way to keep himself
away from the public eye especially after the hanging of the three secular priests, Mariano Gomez, Jose
Burgos, and Jacinto Zamora.
Padre Florentino was from a rich and influential family in Manila. He did not plan to be a priest but his
mother obliged him to since she was a close friend of the Archbishop. He had become a priest at 25
years old. Weeks before his first mass, the love of his love married a nobody. This hurt him so much that
life had become dull for him. The priest was also an accomplished musician and he often expressed his
sadness through his music.
Padre Florentino adopted his nephew, Isagani. Rumormongers assumed that the boy was actually his
son by his former girlfriend. In truth, Isagani was the son of a cousin who lived in Manila.
Role in the novel
It was in Padre Florentino’s home that Simoun sought shelter after being wounded. When Simoun died,
the priest took his remaining jewels, threw them all to the sea, and prayed that whoever finds them will
use them for the greater good and not to fund corruption and abuse that can spark a revolution.
Symbolism
Padre Florentino represented the secular Filipino priests in Rizal’s time. It was also through his character
that the author stressed his disapproval of a bloody revolt.
In the last scene with the dying Simoun, the priest says, “I do not mean to say that our liberty will be
secured at the sword’s point, for the sword plays but little part in modern affairs, but that we must secure it
by making ourselves worthy of it, by exalting the intelligence and the dignity of the individual, by loving
justice, right, and greatness, even to the extent of dying for them,—and when a people reaches that
height God will provide a weapon, the idols will be shattered, the tyranny will crumble like a house of
cards and liberty will shine out like the first dawn.”
It became clear then that Rizal proposed education and greater enlightenment of the indios as the
solution to the ills of the society
2. Si Padre Florentino ay isa sa mga kathang-isip na tauhan sa nobelang El Filibusterismo ni Jose Rizal.
Isa siyang paring indio na amain ni Isagani. Minsan lamang magsalita si Padre Florentino. Hindi ito
mahilig makipaghalubilo sa ibang tao, hindi mapagmalaki, at walang bisyo.
Mula sa mayaman angkan sa Maynila si Padre Florentino. Kailanman ay hindi niya pinangarap ang
maging pari ngunit pinilit siya ng kaniyang ina na pumasok sa seminaryo. Ang kaniyang ina, na kaibigan
ng arsobispo, ay mahirap pakiusapan at hindi nagbabago angisip. Naniniwala ang kanyang ina na sa
ganoong paraan ay sinusunod niya ang kalooban ng Diyos. Si Padre Florentino ay naging ganap na pari
sa edad na 25.
Nang malaman ito ng kaniyang katipan, nag-asawa siya ng kahit sino dahil sa hindi nito matanggap ang
pagpapari ng kanyang kasintahan. Simula noon, naging malungkutin at nawalan na ng sigla ang
pagkatao ni Padre Florentino dahil rito.
El Filibusterismo: Kabanata 2 (Sa Ilalim ng
Kubyerta)
KABANATA 2: SA ILALIM NG KUBYERTA
Sinopsis:
Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa mga pasahero ang ilalim ng
kubyerta. Naroon ang dalawang estudyante na pinakukundangan ng iba, si Basilio na nag-aaral ng
medisina at mahusay na manggagamot at isang makata na katatapos pa lamang sa Ateneo, si
Isagani. Kausap sila ni Kapitan Basilio.
Napag-usapan nila si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw si Basilio ng matanda, ani Padre Irene
na naging tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng
mga estudyante para sa pagtuturo ng mga Kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay Kapitan
Basilio. Ipinagtanggol naman ito nina Basilio at Isagani sapagkat nakahanda na raw ang lahat na
kailangan upang ito ay maisakatuparan.
Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni
Isagani na ubod ng ganda, mayaman at may pinag-aralan kaya nga lamang ay tiya nito si Donya
Victorina. Ipinahahanap ni Donya Victorina kay Isagani ang asawa, si de Espadana, na sa bahay pa
ng amaing si Padre Florentino nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkaibigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si
Isagani. Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagkat ang
lalawigang ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani at sinabi niyang
hindi sila namimili ng alahas dahil hindi nila ito kailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang
dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun na uminom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun,
sinabi ni Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng
serbesa. Mabilis na tumugonsi Basilio. Sabihin daw kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng
3. tubig sa halip ng serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Dagdagn ni
Isagani, ang tubig ay lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay
sumusulak. Nagiging malawak na dagat at gumugunaw ng santinakpan. Hindi niya pinansin ang
pagsingkil ni Basilio.
Tinanong ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling itanong ni Padre Camorra kung
kailan magiging sulak at malawak na karagatan ang tubig. Tugon ni Isagani, kapag pinainit ng apoy
at sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasama-sama sa kailalimang
hinuhukay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na ukol sa pagtutulungan ng apoy at
tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simoun, dahil ang
makina ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na
tinawag na Kardinal Moreno. May dumating na utusan. Ipinatawag ni Padre Florentino an g
pamangkin. Ngunit nakita ng kapitan si Padre Florentino at ito’y inanyayahang pumanhik sa
kubyerta.
Mga tulong sa pag-aaral:
1. Bakit nangiti si Simoun nang matigas na tumugon si Isagani na kaya di namimili ng alahas ang
kanyang mga kababayan ay dahil di nila ito kailangan?
Kung ang ngiting iyon ay palibak o patuya, iyon ay dahil alam ni Simoun na di too. Mahiligin sa
alahas ang mga Pilipino. Kung iyon ay ngiti ng kasiyahan ay masasabi nating dahil sa nakita ni
Simoun kay Isagani ang isang katangiang hinahangaan niya at hinahanap – lalaking matapang at
nakikipaglaban para sa karangalan ng bayan.
2. Ano ang palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon?
Ang pari sa bayan. Pag Pilipino, dukha ang paroko; pag Kastila, mayaman. Kung nagsisimula pa
lamang ang isang paroko, di pa malakas ang kita, Pilipino ang inilalagay dito; pag umunlad na ito,
pinapasok na ng mga prayleng Kastila.
3. Ano ang ibig sabihin ni Isagani sa pagiging sulak ng tubig? Sa mumunti at watak-watak na ilog?
Ang sulak (steam) ay pag-init at pagkulo ng malamig at matimping damdamin ng mga Pilipino;
pagsulak, himagsik! Ang mumunti at watak-watak na ilog ay ang kawalang-kaisahan ng damdaming
Pilipino na may matinding gawi ng pagtatangi-tangi (regionalism). Kung ang mga puta-putaking
himagsikan lamang sa Pilipinas, na mula pa kay Lapu-lapo hanggang sa kina Diego Silang ay
walang tigil nang pagsiklab, ay naging parang ilog na nauwi sa iisang dagat o nagkaisa-isa’t
nagkasabay-sabay sa iisang pamumuno, matagal na sanang ginunaw ng dagat ng tubig na ito ang
Moog ng Kastila sa Pilipinas.
4. 4. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na binigkas ni Basilio?
Pagtulungan ng tubig at apoy sa isang makina (steam engine). O pagtutulungan ng Pilipino at
Kastila sa mahusay na sistema ng pamamahala.
Katulad ng tubig ang mga Pilipino dahil mahinahon kung hindi man tamad at mabagal kumilos. Apoy
naman ang mga Espanyol dahil maunlad at agresibo.
5. Bakit pangarap lang daw ito ayon kay Simoun?
Hahanapin pa raw ang makina. Ibig sabihin ay may apoy nga at may tubig ngunit walang makina.
Walang makitang pag-asa si Simoun sa pagkakasundo ng mga Pilipino at Kastila.
6. Paano nagkakilala sina Simoun at Basilio?
Sa bahay ni Kapitan Tiago ay isa sa mga madalas dumalaw si Simoun na pinaghihinalaan ng lahat,
pati na si Basilio, na isang naghahangad makamana sa yaman ng Kapitan.
7. Malaki ang palagay ng mga Propagandista na ayaw ng mga fraile ang naturang akademya dahil sa
pagsisikap nilang manatiling makapangyarihan sa Pilipinas. Hindi marunong ng wikang katutubo ang
mga nasa gobyerno at hindi naman marunong ng Espanyol ang mga taumbayan. Sa kabilang dako,
nagsasalita sa Espanyol at wikang katutubo ang mga fraile.kung mananatili ang ganitong sitwasyon,
laging kailangan ng mga opisyal ang mga fraile tuwing makikipagtalastasan sa taumbayan. Sa
kabilang dako, mababawasan ang kabuluhan ng mga fraile kapag natuto ng Espanyol ang mga
Pilipino.
Mga Karagdagang Tanong:
1. Ilarawan ang kalagayan ng pasahero sa ilalim ng kubyerta.
Nasa itaas na kubyerta ang pang-itaas na saray sa lipunang kolonyal. Nasa itaas na kubyerta ang
pang-itaas na saray sa lipunang kolonyal. Nasa ibaba naman ang kalakhang bahagi ng sambayanan
at nagdurusa sa init at ingay ng makina. Ni walang kumportableng upuan ang mga pasahero sa
ibabang kubyerta.
2. Ano ang ipinagkaiba ng mga pasahero sa ibabaw at ilalim ng kubyerta?
3. Sinu-sino ang nag-uusap sa may daong ng bapor? Ano ang kahalagahan ng kanilang pinag-
uusapan?
4. Bakit nagkasagutan sina Isagani at Simoun? Ano ang ipinakli ng binata tungkol sa alak at serbesa?
Ano ang ibig sabihin nito?
5. 5. Bakit punung-puno ng pag-asa ang kabataan na ipagkakaloob ang kanilang kahilingang magkaroon
ng Akademya ng Wikang Kastila?
6. Bakit nag-aalinlangan si Kapitan Basilio sa balak na pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
ng mga kabataan?
7. Saan nagugumon si Kapitan Tiago? Bakit?
8. Sino si Padre Florentino? Ano ang kaugnayan ni Isagani sa buhay ni Padre Florentino? Ang mga
balita kaya tungkol sa dalawa ay maaaring magkatotoo noong panahon ng mga Kastila?
9. Bakit ayaw ng pasunurin ni Padre Florentino si Isagani sa itaas ng kubyerta?
10. Sino si Padre Florentino? Paano siya naging pari? Bakit siya namahinga sa pagpapari? Sa kanyang
ginawang ito masasabi kayang talagang hindi niya hilig ang pagpapari o nais niyang pahalagahan
ang dangal ng pagkatao at banal na tungkulin? Pangatuwiran ang sagot.
11. Sino si Paulita? Donya Vistorina? Bakit iniiwasan ni Isagani ang Donya?
12. Papaano kinikilala ni Simoun ang isang lalawigan o bayan?
13. Bakit nag-init si Isagani nang banggitin ni Simoun ang sinabi ni Padre Camorra?
14. Ano ang hinuha ni Basilio kung bakit siya pinapupunta ni Kapitan Tiago sa San Diego?
Kabanata XXXIX
Katapusang Kabanata
Buod
Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio de Espadana na nag-
akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa gabing iyon. Inakalang siya’y natunton na ni
Donya Victorina.
Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa ngalan ng
pagkakaibigan. Anang telegrama: “Espanyol escondido casa Padre Florentino cojera remitara vivo muerte”.
Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si Simoun may dalawang
araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi pa nakabalita ang pari ng nangyari sa
Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang
sugat niya’y buhat daw sa kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At
nakatulong ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito ang
telegrama.
Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga kay Dr. de Espadana
lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.
Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni Simoun nang mabatid
nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang
taong palalo si Simoun. Dati’y makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun
na makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang pakutya. Inisip ni Padre
Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun gayong noong kapanahunan nito ay humamak
sa kanyang pagkamahabang-uri ng pagkapari at pagka-indiyo.
Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang nakalilipas upang tulungang
makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni
6. Paulita kay Juanito na lubos na ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre
Florentino ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang walang pagnanasang
mailigtas ni Simoun ang sarili.
Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni Simoun. Waring isang
lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas.
Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.
Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-aalahas na huwag na silang
mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa ka nyang
reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong
kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig.
Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na ngumiti ang maysakit.
Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig. Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay.
Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa
kanyang ama pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang nagtulak sa
kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.: pangalan, yaman, pag-ibig,
kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa tulong ng isang kaibigan. Tinika niyang
maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal.
Nakilahok siya sa himagsikan sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang.
Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun ang nakaalam. Sa tulong
ng salapi ay nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa
katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan sa paggawa ng maraming kabuktutan.
Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang katahimikan. Inihingi ng tawad
ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay Simoun na igalang ang kalooban ng D iyos Mahinahong
nagtanong si Simoun kung bakit hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil
masama ang kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng krimen at
kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga salarin ang nalilikha. Pag-ibig
lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit,
ang pagpapasakit ay pag-ibig.
Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit naitanong niya ng dahil
ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit
pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay
makilala at lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari.
Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa nakaranas ng pagtitiis at
paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang
Diyos na makatarungan.Diyos na nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating
masama.Pinabayaan natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat
tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng katwiran at karangalan ng
tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang mamatay tayo dahil sa kalayaan.
Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa. Nagbuntunghininga si Simoun.
Higit na mahabang katahimikan.
Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino; “Nasaan ang kabataang
naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang
bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala?
Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na
tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa
aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”
Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa durungawan. May kumatok na
utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo
ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.
Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha ang takbang bakal ni
Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon
ay inihagis ng pari ang mga takba ng brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.
Mga Tanong at Sagot
7. 1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?
Sagot
Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.
2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang mabatid niyang siya
ay darakpin kinagabihan?
Sagot
Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.
3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang tunay niyang
pangalan?
Sagot
Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa gayon, hindi siya mapipilit
ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan.
4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun. Alin ang una,
pangalawa at pangatlong pagkabigo?
Sagot
Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun. Hindi niya naisagawa
ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa
kaparaanang lubhang mahiwaga