1. PAGLALARAWAN SA SABJEK
Ang kursong ito ay nakatuon sa pagsanay ng paggamit ng estruktura at gamit ng
Wikang Filipino sa pagtuturo sa elementarya. Sumasaklaw ito sa deskriptibong pag-
aaral ng wikang Filipino sa antas ng ponolohiya, morpolohiya, sintaktika at semantika.
Bibigyang-diin sa kursong ito ang ibat ibang dulog at estratehiya sa pagtuturo at
pagtataya sa wikang Filipino.
PAGLALARAWAN SA PAKSA
Ang paksang ito ay nagtatalakay sa kahulugan, kahalagahan, layunin at gamit ng
makrong kasanayan sa pagsasalita. Ito ay naglalayun na maghatid ng tanging iisang
mnsahe na nais mairinig ng tagapakinig. Ito rin ay tumutukoy sa kasanayan at kakayahan
ng tao na maipahayag ang kaniyang ideya, kaisipan, nadarama, at paniniwala.
MGA LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng pagsasalita sa loob ng silid-aralan;
2. Nakapagtatatalakay sa kahalagagahan ng
pagsasaalang- alang sa mga istretihiya ng pagtuturo ng pagsasalita;
3. Nakakapagsagawa ng mga pamamaraan sa pagsasalita sa pamamagitan ng
panayam.
PALAWAKAN NATIN
Higit na marami sa kasanayang nakatala sa kurikulum pang-elementarya at
sekundarya ang nakapokus sa interaksyunal kaysa transaksyunal na tungkulin ng wika.
Nakatala sa Tungkuling Interaksyunal ang pagtanggap at paggawa ng tawag sa telepono,
pakikipag-usap sa mga kontekstong sosyal at pagpapahayag ng saloobin at opinyon.
Nakatala sa tungkuling transaksyunal ang paghahatid ng mensahe, pagbibigay at
pagsunod sa direksyon, pagtatanong at pagbibigay impormasyon bilang sagot sa tanong.
Nasa tungkuling estetiko ang pagkukuwento at pagbigkas ng tula.
Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Pagsasalita
Makatutulong sa iyong pagpapasya sa sitwasyong nabanggit ang kabatiran sa
Paradaym ng Pagtuturo ng Pagsasalita sa Elementarya at Sekundarya ayon kay
Tompkins (1998).
Pagpapakilala
Mga gawain sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat na maglalantad sa
klase sa wikang pag-aaralan.
Paggamit
Mga gawaing magbibigay ng pagkakataon sa klase na gamitin ang wika.
2. Demonstrasyon
Mga pagkakataon sa pagmomodelo ng guro ng paggamit ng wika.
Responsibilidad
Pakikilahok ng mag-aaral sa proseso ng pagkatuto.
Ekspektasyon
Pagkabatid ng inaasahang matututuhan.
Sa klasrum, maaaring ipagawa sa mga mag-aaral ang mga nakatala sa tsart upang
maisakatuparan ang ilang gawain sa pagsasalita.
Uri ng Pagsasalita Gawain/Pamamaraan
Pakikipag-usap Pangkatang talakayan
Pagbabahagi ng karanasan
Pagtatanong
Paglilinaw
Pagpapalawak ng usapan
Estitikong pakikipag-usap Pagtatalakay ng literature
Pagkukuwento
Pagpili ng iskrip
Akademik na Talakayan Pagbibigay ng presentasyon
Paglalahad ng rebyu
Pagsali sa debate
Pagsasagawa ng panayam
Mga Gawaing Dramatik Pagsasadula
Pagsasali sa papet na palabras
Pagsulat ng iskrip
Pagbuo ng kuwento
Mga Kasangkapan o Kasanayan sa Pagsasalita
1. Tinig
Nakapaloob ditto ang wastong paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita at
wastong pahinga.
2. Bigkas
3. Napakahalagang maging wastong ang bigkas ng nagsasalita.
3. Tinig
Kinakailangang may tikas.
4. Kilos
Ang mga mata, balikat, paa at ulo- ang pagkilo ng mga ito ay maaring
makatulong.
5. Talumpati
Masining na pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, at kaalaman tungkol sa
tiyak na paksa sa tiyak na tagapakinig.
SUBUKIN PA NATIN
I. Panuto: Basahin ang mga pangungusap at piliin ang salita o impormasyong
bubuo sa diwa nito. Isulat ang letra ng sagot sa sagutang papel.
1. Maaring may layon ang nagsasalita na maghatid ng impormasyon o magbigay
ng ebalwasyon.
a. Interaksyunal
b. Transaksyunal
c. Direksyon
d. Demonstrasyon
2. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa transaksyunal?
a. Pagbigay Direksyon
b. Pagtatanong
c. Pagpapahay ng saloobin
d. Pagbigay impormasyon bilang sagot
3. Ito ay isang istratehiya sa pagtuturo na nagbibigay pagkakataon na magamit ang
wika.
a. Paggamit
b. Pagpapakilala
c. Demonstrasyon
d. Responsibilidad
4. Ang ____ ay istratehiya ng pagtuturo na ang pagmodelo ng guro ng paggamit ng
wika.
a. Paggamit
b. Pagpapakilala
c. Demonstrasyon
4. d. Responsibilidad
5. Alin sa mga sumusunod ang TAMA na kasangkapan o
kasanayan sa pagsasalita.
a. Lakas
b. Tono
c. Boses
d. Tindig
5. II. Panuto: Buuin ang crossword puzzle sa ibaba
2.
5.
Pababa
1. Pakikilahok ng mag-aaral sa proseso
ng pagkatuto.
3. Paghahatid ng mensahe, pagbibigay
at pagsunod sa direksyon
5. Kinakailangang may tikas
Pahalang
2. Masining na pagpapahayag ng
kaisipan, damdamin, at kaalaman
tungkol sa tiyak na paksa
4. Napakahalagang maging wastong
ang bigkas ng nagsasalita.
3.
1.
4.
6. MADALI LANG ‘YAN
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa isang indibidwal maaring magulang, kamag-
anal o kakilala na naging matagumpay ang pamumuhay dahil sa mayroong kagalingan
sa wastong pamamahala sa oras at isulat sa ibaba ang iyong mga natutunan. Sa
pagsasagawa nito ay dapat na naisasaalang-alang ang mga health advisory tungkol sa
coronavairus.
1. Anong oras ka natutulog?
2. Anong oras gumigising?
3. Ginagawa mo ba ang iyong mga gawain sa takdang oras?
4. Pinaplano mo ba ang iyong mga gawain sa susunod na lingo, buwan o iba pang
tagal ng panahon?
5. Tinatala mo ba ang iyong mga gawain?
6. Anong oras mo ginagawa ang mga gawaing bahay?
7. Ano oras mo ginagawa ang mga gawaing akademik?
8. Nagiging produktibo ka ba sa paggawa?
9. Nag iiskedyul ka ba ng mga gawain?
10. Nakakamit mob a lahit ng iyong mga target na walang anumang problema?
Nalaman ko ____________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
Pamantayan
Nilalaman- 4
Organisasyon- 3
Gramatika- 3
10