SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Download to read offline
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Anekdota mula sa Iran
(Panitikang African at Persian)
AIRs - LM
10
Filipino 10 (Panitikang African at Persian)
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Anekdota mula sa Iran
Unang Edisyon, 2021
Karapatang sipi © 2021
La Union Schools Division
Region I
Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o
pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Bumuo sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Justin Carlos G. Villanueva
Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II
Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas, Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph. D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Sapulin
Binabati kita mahal kong mag-aaral sa iyong kahusayang ipinamalas sa
nakaraang modyul! Ako ay labis mong napabilib sa iyong sipag at tiyaga upang
matapos ang lahat ng mga gawain. Kung kaya naman batid kong ikaw ay handang-
handa nang ipagpatuloy ang iyong paglalakbay sa pagtuklas sa mga panibagong
kaalaman sa asignaturang Filipino!
Napag-aralan mo sa Modyul 1 ang natatanging kultura ng bansang Kenya at
ang kanilang mitolohiyang Liongo. Nahasa rin ang iyong kakayahan sa pagsasaling-
wika at nalaman mo rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa
pagsasaling-wika.
Ang Modyul 2 ay patungkol sa isang uri ng panitikan na tinatawag na
anekdota mula sa bansang Iran (Persia). Matutukoy mo rin kung ano ang kaibahan
nito sa mga kahawig nitong mga akdang pampanitikan. Tampok din sa sumusunod
na aralin, ang isang natatanging indibidwal na si Mullah Nassreddin na nagmula sa
Persia. Ang Persia (Iran sa kasalukuyan), ay tinaguriang kauna-unahang pinaka-
makapangyarihang imperyo sa kasaysayan. Ang Persia o Imperyong Achaemenid ay
tumagal mula 559 B.C.E hanggang 331 B.C.E. Sa imperyong ito umusbong ang mga
kilalang pinuno sa kasaysayan tulad ni Cyrus the Great at Darius the Great. Madalas
na ang mga anekdota ng Persia ay kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon, at
pagpapaunlad sa isang indibidwal. Mayaman rin sila sa mundo ng pilosopiya at
paniniwala na naiambag ng kanilang mga mahuhusay na mga manunulat.
Malilinang rin sa modyul na ito ang iyong kakayahan sa pagsasalaysay gamit
ang mga diskursong pasalaysay. Magagamit mo ang kakayahang ito sa paglikha ng
sariling-gawang anekdota.
Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod:
Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)
1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota.
(F10PN-IIIb-77)
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo
ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-IIIb-81)
3. Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi.
(F10PT-IIIb-77)
4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa YouTube.
(F10PD-IIIb-75)
5. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota.
(F10PU-IIIb-79)
6. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at
pagsasalaysay ng orhinal na anekdota. (F10PU-IIIb-79)
O ano kaibigan, handa ka na bang mag-aral? Kung gayon, maaari ka nang
magsimula sa mga gawain at aralin.
Aralin
2.1
Anekdota mula sa Iran
Panitikan: Mga Kuwento ni
Mullah Nassreddin: Ang Tatlong
Biyernes at Mula sa mga
Anekdota ni Saadi
Simulan
Bago natin simulan ang malalimang talakayan, hinihikayat kitang gawin ang
gawaing ito upang magkaroon ka ng idea patungkol sa anekdota.
Gawain 1: Suriin Mo!
Panuto: Basahin at unawain mo ang anekdotang “Akasya o Kalabasa”. Pagkatapos
ay sagutin mo ang gawain sa iyong sagutang papel.
Akasya o Kalabasa
(ni Consolation P. Conde)
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin
iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayondin ang paghahanda at
pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at
pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang
kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na
paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa
lungsod… Maagang bumangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang
Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas
ang anak na pag-aaralain sa Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-
ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang
tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang
nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa
may pintuan ng Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at
makikipag-usap muna ako sa punong-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila”, panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman”, tugon ng punong-guro na agad namang nagtindig
sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punong-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng
haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin
na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan
upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
“Aba, opo”, maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong
na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin
ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Tila di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayondin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At… umuwi nang nag-
iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-
tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at
saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba batay sa binasang anekdota. Gayahin
ang pormat sa iyong sagutang papel.
Tauhan Pangyayari Tema Tagpuan
Gawain 2: Know-What-Learn Ko Na! (KWL)
Panuto: Batay sa binasang anekdota, sagutin ang mga katanungan sa loob ng
graphic organizer. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel.
Mahusay ang ipinakita mo mahal kong mag-aaral! Binabati kita sapagkat
nasagot mo ang mga gawain. Ngayon naman, dadagdagan pa natin ang iyong
kaalaman patungkol sa anekdota. Handa ka na ba? Alam kong nananabik ka na kung
kaya naman, unawain mo ito nang maiigi.
Anekdota
Ang alam ko
patungkol sa
anekdota ay?
Ang gusto kong
malaman
patungkol sa
anekdota ay?
Ang natutunan
ko patungkol sa
anekdota ay?
Lakbayin
Alam mo bang…
Si Mullah Nassreddin ay isang tanyag na dalubhasang pilosopo at
tagapayo ng mga hari sa kanilang lugar. Kilala siya sa Iran (Persia) dahil sa
kaniyang kahusayan sa pagkukuwento ng katatawanan? Dahil dito, siya ay
tinaguriang alamat sa sining ng pagkukuwento dahil sa kaniyang kahusayan at
kakaibang estilo sa pagsusulat ng kuwento. Madalas itong ikuwento sa mga bata
dahil bukod sa nakaaaliw ang kaniyang mga kuwento, kapupulutan din ito ng
mga mabubuting-asal. Sa katunayan, libo-libong kuwento ng katatawanan ang
naiambag ni Mullah Nassreddin na nagpasalin-salin sa mga taong naninirahan sa
Iran (Persia) mula noon hanggang ngayon. Ang kaniyang mga kuwento at likha ay
naging behikulo ng mga manunulat sa pagbuo ng mga kaisipan at paniniwala na
di-makakasakit bagkus makapagbibigay ng sigla sa mambabasa.
Handa ka na bang matunghayan ang isa sa mga kuwento ni Mullah
Nassreddin? Alam kong oo, kung kaya naman, basahin at unawain mo ito mahal kong
mag-aaral.
Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin: Ang Tatlong Biyernes
(Isinalin sa Filipino ni Justin Carlos G. Villanueva)
Isang araw, abala si Mullah Nassreddin na nagbabasa ng mga libro sa
kaniyang tahanan nang biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. Nang ito’y
kaniyang binuksan, bumungad sa kaniya ang mensahero ng hari. Iniimbitahan ng
hari si Mullah magturo sa tao sa Mosque sa tuwing biyernes. Naisip ng hari na
tawagin si Mullah dahil sa kaniyang talas ng isip at nakaaaliw na paraan ng
pagtuturo. Buo ang tiwala nito kay Mullah na matuturuan niya ang mga tao
patungkol sa kagandahang asal na mula sa banal na qu’ran. Bagama’t
nagdadalawang isip si Mullah dahil alam niyang mahihirapan siya sa utos ng hari
ay sinunod pa rin niya ito. Wala siyang idea kung papaano tuturuan kada linggo
ang mga tao ng mga kabutihang-asal sa loob ng isang oras.
Dumating ang unang biyernes at habang nasa daan si Mullah papunta sa
mosque ay iniisip niyang maiigi kung ano ang kaniyang sasabihin sa mga tao. Wala
siyang idea kung ano ang sasabihin kung kaya naman siya ay naglakad papasok
ng mosque at sa loob ay sinalubong siya ng mga taong matiyagang naghihintay sa
kaniyang sasabihin. Siya ay umupo sa harapan at tinanong ang mga tao. “Alam
ba ninyo ang sasabihin ko?” Sumagot ang kaniyang mga tagapakinig. “Hindi po.
Hindi po namin alam ang sasabihin ninyo.” Walang ano-ano’y tumayo si Mullah.
Natulala ang mga tao at hinihintay ang sasabihin nito. “Mga ginoo,
ipagpaumanihin ninyo ngunit wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi
alam ang aking sasabihin.” at siya ay umalis. Nagulat ang mga tao sa loob ng
mosque at naguluhan sa nangyari.
Dumating ang ikalawang biyernes at bumalik ulit si Mullah sa mosque at
katulad nang nakaraang biyernes, hindi siya handa sa kaniyang sasabihin. Sa
biyernes na ito, naghanda ang mga tao sa loob ng mosque. Ang ilan sa kanila ay
bumuo ng mga grupo upang magbasa at mag-aral ng mga pahayag mula sa banal
Naunawaan mo ba ang anekdota mahal kong mag-aaral? Kung hindi, huwag
kang mag-alala, maaari mo ulit itong basahin. Kung ito ay naunawaan mo na, sagutin
mo ang susunod na gawain. Alam kong kaya mo yan!
Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan batay sa binasang
anekdotang, Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin-Ang Tatlong Biyernes. Isulat ang
iyong kasagutan sa sagutang papel.
1. Ilarawan si Mullah. Anong katangian niya ang iyong nagustuhan? Ipaliwanag.
2. Itala ang mga nakaaaliw na bahagi ng kuwento. Ang mga ito ba ay
sumasalamin sa katangian ng isang anekdota? Patunayan.
3. Sumasang-ayon ka ba sa naging paraan ni Mullah sa pagtuturo sa mga tao?
Ipaliwanag ang sagot.
4. Ano ang kabutihang-asal na nais iparating ng binasang anekdota?
Patunayan.
5. Ilarawan ang tagpuan at mga pangyayari sa anekdota. Sumasalamin ba ang
mga ito sa kultura ng mga Persian? Ipaliwanag ang sagot.
Alam mo bang ang…
Panlapi ay mga salitang idinudugtong sa salitang-ugat? Sa pamamagitan ng
mga panlapi, nagkakaroon ng ibang layon o gamit ang mga salitang-ugat.
Tatlong Uri ng Panlapi
1. Unlapi – Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas
ginagamit na mga unlapi ay ma-, mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp.
Halimbawa:
• magtanim
• mahusay
• pagkabigat
• nahulog
• palabiro
na qu’ran upang paghandaan ang araw na iyon dahil na rin sa nangyari noong
nakaraang biyernes. Dumating na si Mullah at umupo sa harap. “Alam na ba ninyo
ang aking sasabihin?” tanong ni Mullah sa mga tao. “Opo! Nagbasa po kami ng
mga mahahalagang mga kasulatan mula sa qu’ran.” Tumayo si Mullah at sinabing,
“Dahil alam na ninyo at nakapagbasa na kayo ng mga kasulatan mula sa qu’ran,
hindi ko na sasayangin ang mga oras niyo.” At katulad noong nakaraang biyernes,
umalis si Mullah at iniwan ang kaniyang mga tagapakinig. Ang mga tao ay nalito
at nataranta sa nangyari.
Sumapit ang ikatlong biyernes. Nagtungo ulit si Mullah sa mosque at
katulad ng mga nakaraang biyernes, hindi siya ulit handa sa kaniyang sasabihin.
Tumayo siya sa harap ng mga taong naghihintay sa kaniya. Tinanong niya muli
ang mga tao, “Alam na ba ninyo ang sasabihin ko?” Hati ang kanilang naging sagot.
Ang kalahati ay nasabing oo, ang kalahati naman ay nagsabing hindi. Sagot
naman ni Mullah, “Dahil ang kalahati sa inyo ay alam na ang aking sasabihin,
ituro niyo na lamang ito sa inyong mga kasama na hindi alam ang aking
sasabihin.” Nalito lalo ang mga tao. “Ito ang magandang asal na itinuturo ng
qu’ran, kinakailangang matuto tayong ibahagi ang kung anong mayroon tayo.
Huwag mong pagdamutan ang iyong kapuwa mapa-materyal na bagay man yan o
karunungan mula sa qu’ran.” dagdag pa ni Mullah. Umalis si Mullah at iniwan
ang mga taong natuwa at bumilib sa kaniya.
2. Gitlapi-Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas
ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-.
Halimbawa:
• pinasok
• pinalitan
• tumakbo
• sumayaw
3. Hulapi-Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi
ay -an, -han, -in, -hin.
Halimbawa:
• kaligayahan
• palitan
• basahin
• sabihin
Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Dugtungan ng mga panlapi ang
mga sumusunod na mga salitang-ugat. Tukuyin ang bagong kahulugan ng mga
salitang-ugat na iyong nilapian. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
Salitang-ugat May Panlapi Bagong Kahulugan
1. lito
2. aral
3. dasal
4. punta
5. salita
Galugarin
Alam mo bang ang…
Anekdota ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay ng mga nakatutuwa at
nakawiwiling mga insidente sa buhay ng isang tao? Layon nitong
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y
magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay
kukuha ng interes ng mambabasa.
Katangian ng Anekdota
1. May isang paksang tinatalakay ang isang anekdota. Lahat ng mga pangyayari
at mga ideang ilalahad sa anekdota ay dapat na mabigyang kahulugan.
2. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang
nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Hindi dapat mag-iwan ng anomang
bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
Naunawaan mo ba kung ano ang isang anekdota mahal kong mag-aaral?
Ngayon naman, ay babasahin mo ang isa pang anekdota mula sa Iran. Alam kong
nag-eenjoy ka sa iyong pag-aaral kaya naman, basahin mo na ito!
Gawain 5: Opinyon Ko Ay Mahalaga!
Panuto: Panoorin ang binasang anekdota ni Saadi sa youtube link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=fBOqh66B_bk at ibigay ang iyong opinyon
patungkol sa sumusunod na katanungan.
1. Magmungkahi ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayari sa pinanood
na anekdota.
2. Sa iyong palagay, epektibo ba ang pagbabasa ng anekdota upang
makapagturo ng mabuting-asal? Patunayan.
Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at
pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin mo pa ang iyong
kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput
sa araling ito.
Palalimin
Gawain 6: Paggawa ng Komiks
Panuto: Mamili sa tatlong anekdotang iyong binasa at gumawa ng comic strip mula
sa isang piling pangyayari sa kuwento na pinakatumatak sa iyo. Gawin ito sa isang
bond paper.
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Mula sa mga Anekdota ni Saadi:
Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa
(ni Idries Shah)
(Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles)
Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata
sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas
ng kaniyang ulo ang mongheng Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang
pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang
Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan
ng kaukulang paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang
magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan
ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran
ang Sultan.”
Kalinisan ng pagkakagawa…………………………………………………15 puntos
Pagkamalikhain……………………………………………………………….15 puntos
Wastong pagkakalahad ng pangyayari…………………………………..10 puntos
Kabuoan……………………………..…………………..……………………40 puntos
Aralin
2.2
Wika at Gramatika:
Diskursong Pasalaysay
Simulan
Mahusay mahal kong mag-aaral. Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot
sa mga gawain sa nakaraang bahagi ng learning material na ito. Ngayon, ikaw ay
magpapatuloy sa iyong aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang
gawain.
Gawain 1: Isalaysay Mo!
Panuto: Balikan ang anekdota ni
Mullah Nassreddin mula sa
nakaraang aralin. Sa iyong sariling
paraan, isalaysay mo ang kuwento.
Sikaping isalaysay ito nang mas
maikli. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Mahusay! Humahanga ako sa matagumpay mong pagsagot sa gawain.
Ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral upang mas malinang ang pa ang iyong
kakayahan.
Lakbayin
Pagsasalaysay
Alam mo bang ang…
Pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay?
➢ Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
➢ Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng
pagpapahayag.
➢ Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito
nagsimula ang alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong mga
Pilipino maging sa ibang bansa man.
➢ Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito,
mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga
mambabasa.
Ang Tatlong Biyernes
Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa
kahusayan, hilig at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa
kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang
mambabasa.
Ang mga Mapagkukunan ng Paksa
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa
isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan.
Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari
ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
Mga Uri ng Pagsasalaysay
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa
buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa
pamamagitan ng mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan,
ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit,
ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang
kuwentong ito ay isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayaring nakawiwili.
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay
ng isang tao mula sa kaniyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang
tao, pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang
pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
Galugarin
Gawain 2: I-check Mo Yan!
Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa ibaba. Suriin mo ang mga
katangiang dapat taglayin ng mga anekdotang iyong binasa. Lagyan ng tsek ang
hanay na sumasang-ayon sa iyong pagsusuri at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong
sagot.
1. Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin: Ang Tatlong Biyernes
Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag
Makatawag pansin ang mga
katangian ng tauhan.
Payak at maikli ang pagpapahayag.
Nakakalibang habang binabasa.
Nakatulong ito upang lalong
makilala si Mullah.
2. Mula sa Anekdota ni Saadi
Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag
Makatawag pansin ang mga
katangian ng tauhan.
Payak at maikli ang pagpapahayag.
Nakakalibang habang binabasa.
Nakatulong ito upang lalong
makilala si Mullah.
Palalimin
Gawain 3: Paggawa ng Sariling Anekdota
Panuto: Sumulat ng iyong sariling-gawang anekdota. Sundin mo ang mga gabay na
ito sa iyong paggawa ng anekdota.
1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay noong nagsimula
kang mag-aral.
2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutuhan?
3. Ano ang nais mong matutunan ng iba sa iyong karanasan?
4. Maging malikhain sa pagsasalaysay.
Rubrik sa Pagtataya ng Awtput
Krayterya Napakahusay
(10)
Papaunlad
(5)
Nangangailangan ng
gabay (2)
Nilalaman Natumbok nang buong husay
ang paksa maging ang
pangkalahatang tema ng
Anekdota.
Nakasulat ng ilang pahayag
na tumumbok sa paksa
maging ang pangkalahatang
tema ng Anekdota.
Hindi natumbok ang paksa
maging ang
pangkalahatang tema ng
Anekdota.
Gramatika Mahusay na nailapat ang
wastong gramatika sa
kabuoan ng Anekdota
Nailapat ang wastong
gramatika sa kabuoan ng
Anekdota nang may
kakaunting kamalian.
Hindi nailapat ang wastong
gramatika sa Anekdota.
Kahusayan sa
pagsasalaysay.
Mahusay na naisalaysay ang
mga pangyayari sa ginawang
anekdota.
Naisalaysay ang mga
pangyayari sa ginawang
anekdota ngunit hindi
gaanong maayos.
Hindi naisalaysay ng
maayos ang mga
pangyayari sa ginawang
anekdota.
Sukatin
Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo ang iyong
kaalaman sa nakalipas na mga aralin.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat sa
iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Si Mullah Nassreddin ay kilala sa Persia sa larangan ng ______________.
A. Pagkanta C. Pagbabalita
B. Pagpapatawa D. Pagsayaw
_____ 2. Alin sa sumusunod ang TOTOO tungkol sa Anekdota?
A. Ito ay mahabang salaysay patungkol sa nakaaaliw na pangyayari sa
buhay ng isang tao.
B. Isinasalaysay ng anekdota ang buhay ng isang tao mula
kapanganakan hanggang sa kasalukuyang buhay nito.
C. Ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay ng isang
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
D. Ito ay isang akdang pasalaysay na itinatanghal sa entablado upang
magbigay aliw sa mga manonood dahil sa nakakatawang tema nito.
_____ 3. Ilang biyernes ang inilagi ni Mullah sa mosque upang magturo?
A. Isa C. Tatlo
B. Dalawa D. Apat
_____ 4. Ito ay isang uri ng pagsasalaysay na nagdudulot ng isang kakintalan
sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
A. Anekdota C. Nobela
B. Maikling kuwento D. Alamat
Napakahusay mo mahal kong mag-aaral! Binabati
kita sa matiyaga mong pagsama sa paglalakbay
at pagtalakay natin sa Anekdota mula sa Iran
(Persia). Batid kong nakapapagod maglakbay pero
sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan
ang mga dapat mong malaman. Ihanda mo ngayon
ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul
3: Talumpati mula sa South Africa,
_____ 5. Isang uri ng pagsasalaysay na nagkukuwento ng mga pangyayaring
naganap sa buhay ng isang tao mula kapanganakan hanggang wakas.
A. Talambuhay C. Alamat
B. Anekdota D. Tala ng Paglalakbay
_____ 6. Ito ay isang uri ng salaysay na nagkukuwento sa pinagmulan ng isang
bagay o kahit anoman sa paligid.
A. Talambuhay C. Alamat
B. Anekdota D. Tala ng Paglalakbay
_____ 7. Ito ay isang uri ng pagsasalaysay na nahahati sa mga kabanata.
A. Nobela C. Alamat
B. Maikling Kuwento D. Tala ng Paglalakbay
_____ 8. Ito ay isang uri ng pagsasalaysay patungkol sa mahalagang
pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa.
A. Talambuhay C. Alamat
B. Kasaysayan D. Nobela
_____ 9. Pagsasalaysay ito ng isang pakikipagsapalaran o paglalakbay sa ibang
lugar.
A. Kasaysayan C. Anekdota
B. Talambuhay D. Travelogue
_____ 10. Alin sa sumusunod ang angkop na maaaring mapagkukunan ng paksa
sa pagsasalaysay?
A. Panaginip C. Tsismis
B. Nabasa D. Parehong A at B
ARALIN
2.1
(Panitikan:
Mga
Kuwento
ni
Mullah
Nassreddin:
Ang
Tatlong
Biyernes
at
Mula
sa
mga
Anekdota
ni
Saadi)
SIMULAN
Gawain
1:
Suriin
Mo!
Iba-iba
ang
sagot
Gawain
2:
Know-What
Learn
Ko
Na
(KWL)
Iba-iba
ang
sagot
LAKBAYIN
Gawain
3:
Pag-unawa
sa
Binasa
Iba-iba
ang
sagot
Gawain
4:
Paglinang
ng
Talasalitaan
Iba-iba
ang
sagot
GALUGARIN
Gawain
5:
Opinyon
Ko
ay
Mahalaga
Iba-iba
ang
sagot
PALALIMIN
Gawain
6:
Paggawa
ng
Komiks
Iba-iba
ang
sagot
ARALIN
2.2
(Wika
at
Gramatika:
Diskursong
Pagsasalaysay)
SIMULAN
Gawain
1:
Isalaysay
Mo!
Iba-iba
ang
sagot
GALUGARIN
Gawain
2:
I-check
Mo
Yan!
Iba-iba
ang
sagot
PALALIMIN
Gawain
3:
Paggawa
ng
Sariling
Anekdota
Iba-iba
ang
sagot
SUKATIN
PANGWAKAS
NA
PAGTATAYA
1.
B
2.
C
3.
C
4.
B
5.
A
6.
C
7.
A
8.
B
9.
D
10.D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 251
Ambat, Vilma C. et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal
Group, Inc.
Mullah Nasruddin Stories - The Three Fridays. Nahango noong Enero 8, 2021 mula
sa https://www.youtube.com/watch?v=A_nO7QV5YNs&feature=youtu.be
Persian Empire. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa
https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/persian-empire/
Ancient Persia. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa
https://www.ancient.eu/Persia/
Mula sa Anekdota ni Saadi. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=fBOqh66B_bk

More Related Content

What's hot

Banghay aralin sa filipino 10 rose
Banghay aralin sa filipino 10   roseBanghay aralin sa filipino 10   rose
Banghay aralin sa filipino 10 roseRoseGarciaAlcomendra
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Eleizel Gaso
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxPrincejoyManzano1
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagJuan Miguel Palero
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
FILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptx
FILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptxFILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptx
FILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptxKlarisReyes1
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayMartinGeraldine
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarterGraceJoyObuyes
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Lily Salgado
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxreychelgamboa2
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3jessacada
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxCyrisFaithCastillo
 

What's hot (20)

Banghay aralin sa filipino 10 rose
Banghay aralin sa filipino 10   roseBanghay aralin sa filipino 10   rose
Banghay aralin sa filipino 10 rose
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
 
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG  LIONGO .pptxMITOLOHIYANG  LIONGO .pptx
MITOLOHIYANG LIONGO .pptx
 
Lessonplan demo epiko
Lessonplan demo epikoLessonplan demo epiko
Lessonplan demo epiko
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 
AKASYA O KALABASA.pptx
AKASYA O KALABASA.pptxAKASYA O KALABASA.pptx
AKASYA O KALABASA.pptx
 
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang PahayagFilipino 8 Matalinghagang Pahayag
Filipino 8 Matalinghagang Pahayag
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
TUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptxTUSONG KATIWALA.pptx
TUSONG KATIWALA.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
 
FILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptx
FILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptxFILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptx
FILIPINO 10 Q3 WEEK 5.pptx
 
kolokasyon.pptx
kolokasyon.pptxkolokasyon.pptx
kolokasyon.pptx
 
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysayAngkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
Angkop na pang ugnay sa pagsasalaysay
 
Ang Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibigAng Aking Pag-ibig
Ang Aking Pag-ibig
 
Filipino 7 2nd quarter
Filipino 7  2nd quarterFilipino 7  2nd quarter
Filipino 7 2nd quarter
 
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
Aralin 3. 5 - Ang Alaga ni Barbara C. Kimenye isinalin sa Filipino ni Prof. M...
 
panandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptxpanandang pandiskurso .pptx
panandang pandiskurso .pptx
 
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
 
analohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docxanalohiya lesson plan 2021.docx
analohiya lesson plan 2021.docx
 

Similar to FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf

Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.juffyMastelero1
 
anekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptxanekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptxmarypearldomingo
 
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptxanekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptxferdinandsanbuenaven
 
Diskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxDiskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxLovelynAntang1
 
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng AnekdotaAng Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng AnekdotaKaileReyes
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2paul edward
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6JodyMayDangculos1
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismodionesioable
 
Karunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptxKarunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptxrhea bejasa
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxEDNACONEJOS
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)gielmark
 

Similar to FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf (20)

Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
 
anekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptxanekdota-mullah.pptx
anekdota-mullah.pptx
 
anekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptxanekdota-180226120044.pptx
anekdota-180226120044.pptx
 
ANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptxANEKDOTA 10.pptx
ANEKDOTA 10.pptx
 
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptxanekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
 
anekdota10-.pptx
anekdota10-.pptxanekdota10-.pptx
anekdota10-.pptx
 
Diskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptxDiskursong-Pasalaysay.pptx
Diskursong-Pasalaysay.pptx
 
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng AnekdotaAng Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
 
Modyul 12
Modyul 12Modyul 12
Modyul 12
 
filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2
 
Ang Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptxAng Ama_g9.pptx
Ang Ama_g9.pptx
 
Akasya-O-Kalabasa.pptx
Akasya-O-Kalabasa.pptxAkasya-O-Kalabasa.pptx
Akasya-O-Kalabasa.pptx
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL5.pdf
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismoModyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
Modyul 7 pagsusuri ng akda batay sa teoryang feminismo
 
Karunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptxKarunungang Bayan.pptx
Karunungang Bayan.pptx
 
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptxG8_WK1 karunungang bayan final.pptx
G8_WK1 karunungang bayan final.pptx
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 

Recently uploaded

Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxAJAdvin1
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoChristineJaneWaquizM
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxMaestroSonnyTV
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...AnjillyAIbrahim
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxitsjewdye
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdfEdbrianMarkMApostol
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationkimdavidmerana03
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxRosemarieGaring
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 

Recently uploaded (20)

Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptxKATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
KATAPATAN-SA-SALITA-AT-GAWA-DEMO-ADVINCULA.pptx
 
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nitoPang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
Pang-abay kahulugahan at mga halimbawa nito
 
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptxEdukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
Edukasyon sa Pagpapakatao 6_4th_week3_melc.pptx
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
Konsepto sa Pananaliksik sa pagbasa at Pagsusuri Tungo sa tekstong pananaliks...
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptxMga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
Mga Sanhi at Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.pptx
 
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
6826637826NoliMeTangereKabanata10-11.pdf
 
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for educationNoli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
Noli Me Tangere,Kabanata 12.pptx for education
 
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptxpower point  ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
power point ARALING PANLIPUNAN IV S.pptx
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 

FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf

  • 1. Filipino Ikatlong Markahan – Modyul 2: Anekdota mula sa Iran (Panitikang African at Persian) AIRs - LM 10
  • 2. Filipino 10 (Panitikang African at Persian) Ikatlong Markahan – Modyul 2: Anekdota mula sa Iran Unang Edisyon, 2021 Karapatang sipi © 2021 La Union Schools Division Region I Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may-akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi nang walang pahintulot ay hindi pinapayagan. Bumuo sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Justin Carlos G. Villanueva Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II Tagapamahala: Atty. Donato D. Balderas, Jr. Schools Division Superintendent Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D Assistant Schools Division Superintendent German E. Flora, Ph. D, CID Chief Virgilio C. Boado, Ph. D, EPS in Charge of LRMS Luisito V. Libatique, Ph. D, EPS in Charge of Filipino Michael Jason D. Morales, PDO II Claire P. Toluyen, Librarian II
  • 3. Sapulin Binabati kita mahal kong mag-aaral sa iyong kahusayang ipinamalas sa nakaraang modyul! Ako ay labis mong napabilib sa iyong sipag at tiyaga upang matapos ang lahat ng mga gawain. Kung kaya naman batid kong ikaw ay handang- handa nang ipagpatuloy ang iyong paglalakbay sa pagtuklas sa mga panibagong kaalaman sa asignaturang Filipino! Napag-aralan mo sa Modyul 1 ang natatanging kultura ng bansang Kenya at ang kanilang mitolohiyang Liongo. Nahasa rin ang iyong kakayahan sa pagsasaling- wika at nalaman mo rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagsasaling-wika. Ang Modyul 2 ay patungkol sa isang uri ng panitikan na tinatawag na anekdota mula sa bansang Iran (Persia). Matutukoy mo rin kung ano ang kaibahan nito sa mga kahawig nitong mga akdang pampanitikan. Tampok din sa sumusunod na aralin, ang isang natatanging indibidwal na si Mullah Nassreddin na nagmula sa Persia. Ang Persia (Iran sa kasalukuyan), ay tinaguriang kauna-unahang pinaka- makapangyarihang imperyo sa kasaysayan. Ang Persia o Imperyong Achaemenid ay tumagal mula 559 B.C.E hanggang 331 B.C.E. Sa imperyong ito umusbong ang mga kilalang pinuno sa kasaysayan tulad ni Cyrus the Great at Darius the Great. Madalas na ang mga anekdota ng Persia ay kakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon, at pagpapaunlad sa isang indibidwal. Mayaman rin sila sa mundo ng pilosopiya at paniniwala na naiambag ng kanilang mga mahuhusay na mga manunulat. Malilinang rin sa modyul na ito ang iyong kakayahan sa pagsasalaysay gamit ang mga diskursong pasalaysay. Magagamit mo ang kakayahang ito sa paglikha ng sariling-gawang anekdota. Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang sumusunod: Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) 1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota. (F10PN-IIIb-77) 2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-IIIb-81) 3. Nabibigyang-kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. (F10PT-IIIb-77) 4. Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa YouTube. (F10PD-IIIb-75) 5. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota. (F10PU-IIIb-79) 6. Nagagamit ang kahusayang gramatikal, diskorsal at strategic sa pagsulat at pagsasalaysay ng orhinal na anekdota. (F10PU-IIIb-79) O ano kaibigan, handa ka na bang mag-aral? Kung gayon, maaari ka nang magsimula sa mga gawain at aralin.
  • 4. Aralin 2.1 Anekdota mula sa Iran Panitikan: Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin: Ang Tatlong Biyernes at Mula sa mga Anekdota ni Saadi Simulan Bago natin simulan ang malalimang talakayan, hinihikayat kitang gawin ang gawaing ito upang magkaroon ka ng idea patungkol sa anekdota. Gawain 1: Suriin Mo! Panuto: Basahin at unawain mo ang anekdotang “Akasya o Kalabasa”. Pagkatapos ay sagutin mo ang gawain sa iyong sagutang papel. Akasya o Kalabasa (ni Consolation P. Conde) Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayondin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod… Maagang bumangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag- ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punong-guro.” “Magandang umaga po sa kanila”, panabay na bating galang ng mag-ama. “Magandang umaga po naman”, tugon ng punong-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?” “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punong-guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin
  • 5. na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?” “Aba, opo”, maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.” Tila di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayondin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At… umuwi nang nag- iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis- tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.” Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba batay sa binasang anekdota. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Tauhan Pangyayari Tema Tagpuan Gawain 2: Know-What-Learn Ko Na! (KWL) Panuto: Batay sa binasang anekdota, sagutin ang mga katanungan sa loob ng graphic organizer. Gayahin ang pormat sa iyong sagutang papel. Mahusay ang ipinakita mo mahal kong mag-aaral! Binabati kita sapagkat nasagot mo ang mga gawain. Ngayon naman, dadagdagan pa natin ang iyong kaalaman patungkol sa anekdota. Handa ka na ba? Alam kong nananabik ka na kung kaya naman, unawain mo ito nang maiigi. Anekdota Ang alam ko patungkol sa anekdota ay? Ang gusto kong malaman patungkol sa anekdota ay? Ang natutunan ko patungkol sa anekdota ay?
  • 6. Lakbayin Alam mo bang… Si Mullah Nassreddin ay isang tanyag na dalubhasang pilosopo at tagapayo ng mga hari sa kanilang lugar. Kilala siya sa Iran (Persia) dahil sa kaniyang kahusayan sa pagkukuwento ng katatawanan? Dahil dito, siya ay tinaguriang alamat sa sining ng pagkukuwento dahil sa kaniyang kahusayan at kakaibang estilo sa pagsusulat ng kuwento. Madalas itong ikuwento sa mga bata dahil bukod sa nakaaaliw ang kaniyang mga kuwento, kapupulutan din ito ng mga mabubuting-asal. Sa katunayan, libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin na nagpasalin-salin sa mga taong naninirahan sa Iran (Persia) mula noon hanggang ngayon. Ang kaniyang mga kuwento at likha ay naging behikulo ng mga manunulat sa pagbuo ng mga kaisipan at paniniwala na di-makakasakit bagkus makapagbibigay ng sigla sa mambabasa. Handa ka na bang matunghayan ang isa sa mga kuwento ni Mullah Nassreddin? Alam kong oo, kung kaya naman, basahin at unawain mo ito mahal kong mag-aaral. Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin: Ang Tatlong Biyernes (Isinalin sa Filipino ni Justin Carlos G. Villanueva) Isang araw, abala si Mullah Nassreddin na nagbabasa ng mga libro sa kaniyang tahanan nang biglang may kumatok sa kaniyang pintuan. Nang ito’y kaniyang binuksan, bumungad sa kaniya ang mensahero ng hari. Iniimbitahan ng hari si Mullah magturo sa tao sa Mosque sa tuwing biyernes. Naisip ng hari na tawagin si Mullah dahil sa kaniyang talas ng isip at nakaaaliw na paraan ng pagtuturo. Buo ang tiwala nito kay Mullah na matuturuan niya ang mga tao patungkol sa kagandahang asal na mula sa banal na qu’ran. Bagama’t nagdadalawang isip si Mullah dahil alam niyang mahihirapan siya sa utos ng hari ay sinunod pa rin niya ito. Wala siyang idea kung papaano tuturuan kada linggo ang mga tao ng mga kabutihang-asal sa loob ng isang oras. Dumating ang unang biyernes at habang nasa daan si Mullah papunta sa mosque ay iniisip niyang maiigi kung ano ang kaniyang sasabihin sa mga tao. Wala siyang idea kung ano ang sasabihin kung kaya naman siya ay naglakad papasok ng mosque at sa loob ay sinalubong siya ng mga taong matiyagang naghihintay sa kaniyang sasabihin. Siya ay umupo sa harapan at tinanong ang mga tao. “Alam ba ninyo ang sasabihin ko?” Sumagot ang kaniyang mga tagapakinig. “Hindi po. Hindi po namin alam ang sasabihin ninyo.” Walang ano-ano’y tumayo si Mullah. Natulala ang mga tao at hinihintay ang sasabihin nito. “Mga ginoo, ipagpaumanihin ninyo ngunit wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin.” at siya ay umalis. Nagulat ang mga tao sa loob ng mosque at naguluhan sa nangyari. Dumating ang ikalawang biyernes at bumalik ulit si Mullah sa mosque at katulad nang nakaraang biyernes, hindi siya handa sa kaniyang sasabihin. Sa biyernes na ito, naghanda ang mga tao sa loob ng mosque. Ang ilan sa kanila ay bumuo ng mga grupo upang magbasa at mag-aral ng mga pahayag mula sa banal
  • 7. Naunawaan mo ba ang anekdota mahal kong mag-aaral? Kung hindi, huwag kang mag-alala, maaari mo ulit itong basahin. Kung ito ay naunawaan mo na, sagutin mo ang susunod na gawain. Alam kong kaya mo yan! Gawain 3: Pag-unawa sa Binasa Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan batay sa binasang anekdotang, Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin-Ang Tatlong Biyernes. Isulat ang iyong kasagutan sa sagutang papel. 1. Ilarawan si Mullah. Anong katangian niya ang iyong nagustuhan? Ipaliwanag. 2. Itala ang mga nakaaaliw na bahagi ng kuwento. Ang mga ito ba ay sumasalamin sa katangian ng isang anekdota? Patunayan. 3. Sumasang-ayon ka ba sa naging paraan ni Mullah sa pagtuturo sa mga tao? Ipaliwanag ang sagot. 4. Ano ang kabutihang-asal na nais iparating ng binasang anekdota? Patunayan. 5. Ilarawan ang tagpuan at mga pangyayari sa anekdota. Sumasalamin ba ang mga ito sa kultura ng mga Persian? Ipaliwanag ang sagot. Alam mo bang ang… Panlapi ay mga salitang idinudugtong sa salitang-ugat? Sa pamamagitan ng mga panlapi, nagkakaroon ng ibang layon o gamit ang mga salitang-ugat. Tatlong Uri ng Panlapi 1. Unlapi – Ito ay ginagamit sa unahan ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga unlapi ay ma-, mag-, na-, nag-, pag-, pala-, atbp. Halimbawa: • magtanim • mahusay • pagkabigat • nahulog • palabiro na qu’ran upang paghandaan ang araw na iyon dahil na rin sa nangyari noong nakaraang biyernes. Dumating na si Mullah at umupo sa harap. “Alam na ba ninyo ang aking sasabihin?” tanong ni Mullah sa mga tao. “Opo! Nagbasa po kami ng mga mahahalagang mga kasulatan mula sa qu’ran.” Tumayo si Mullah at sinabing, “Dahil alam na ninyo at nakapagbasa na kayo ng mga kasulatan mula sa qu’ran, hindi ko na sasayangin ang mga oras niyo.” At katulad noong nakaraang biyernes, umalis si Mullah at iniwan ang kaniyang mga tagapakinig. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa nangyari. Sumapit ang ikatlong biyernes. Nagtungo ulit si Mullah sa mosque at katulad ng mga nakaraang biyernes, hindi siya ulit handa sa kaniyang sasabihin. Tumayo siya sa harap ng mga taong naghihintay sa kaniya. Tinanong niya muli ang mga tao, “Alam na ba ninyo ang sasabihin ko?” Hati ang kanilang naging sagot. Ang kalahati ay nasabing oo, ang kalahati naman ay nagsabing hindi. Sagot naman ni Mullah, “Dahil ang kalahati sa inyo ay alam na ang aking sasabihin, ituro niyo na lamang ito sa inyong mga kasama na hindi alam ang aking sasabihin.” Nalito lalo ang mga tao. “Ito ang magandang asal na itinuturo ng qu’ran, kinakailangang matuto tayong ibahagi ang kung anong mayroon tayo. Huwag mong pagdamutan ang iyong kapuwa mapa-materyal na bagay man yan o karunungan mula sa qu’ran.” dagdag pa ni Mullah. Umalis si Mullah at iniwan ang mga taong natuwa at bumilib sa kaniya.
  • 8. 2. Gitlapi-Ito ay ginagamit sa gitna ng salitang ugat. Ang mga madalas ginagamit na mga gitlapi ay -um-, at -in-. Halimbawa: • pinasok • pinalitan • tumakbo • sumayaw 3. Hulapi-Ito ay nasa huli ng salitang ugat. Ang karaniwang ginagamit na hulapi ay -an, -han, -in, -hin. Halimbawa: • kaligayahan • palitan • basahin • sabihin Gawain 4: Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Kumpletuhin ang talahanayan sa ibaba. Dugtungan ng mga panlapi ang mga sumusunod na mga salitang-ugat. Tukuyin ang bagong kahulugan ng mga salitang-ugat na iyong nilapian. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. Salitang-ugat May Panlapi Bagong Kahulugan 1. lito 2. aral 3. dasal 4. punta 5. salita Galugarin Alam mo bang ang… Anekdota ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay ng mga nakatutuwa at nakawiwiling mga insidente sa buhay ng isang tao? Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan. Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa. Katangian ng Anekdota 1. May isang paksang tinatalakay ang isang anekdota. Lahat ng mga pangyayari at mga ideang ilalahad sa anekdota ay dapat na mabigyang kahulugan. 2. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Hindi dapat mag-iwan ng anomang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari. Naunawaan mo ba kung ano ang isang anekdota mahal kong mag-aaral? Ngayon naman, ay babasahin mo ang isa pang anekdota mula sa Iran. Alam kong nag-eenjoy ka sa iyong pag-aaral kaya naman, basahin mo na ito!
  • 9. Gawain 5: Opinyon Ko Ay Mahalaga! Panuto: Panoorin ang binasang anekdota ni Saadi sa youtube link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=fBOqh66B_bk at ibigay ang iyong opinyon patungkol sa sumusunod na katanungan. 1. Magmungkahi ng isang matalinong desisyon batay sa pangyayari sa pinanood na anekdota. 2. Sa iyong palagay, epektibo ba ang pagbabasa ng anekdota upang makapagturo ng mabuting-asal? Patunayan. Magaling! Nagtagumpay kang muli sa pag-aaral sa nakaraang paksa at pagsagot sa mga gawain nang buong husay. Ngayon, mas linangin mo pa ang iyong kasanayang pampagkatuto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng inaasahang awtput sa araling ito. Palalimin Gawain 6: Paggawa ng Komiks Panuto: Mamili sa tatlong anekdotang iyong binasa at gumawa ng comic strip mula sa isang piling pangyayari sa kuwento na pinakatumatak sa iyo. Gawin ito sa isang bond paper. Rubrik sa Pagtataya ng Awtput Mula sa mga Anekdota ni Saadi: Mongheng Mohametano sa Kaniyang Pag-iisa (ni Idries Shah) (Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles) Isang araw, may isang mongheng Mohametano na nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang mongheng Mohametano habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.” Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.” Kalinisan ng pagkakagawa…………………………………………………15 puntos Pagkamalikhain……………………………………………………………….15 puntos Wastong pagkakalahad ng pangyayari…………………………………..10 puntos Kabuoan……………………………..…………………..……………………40 puntos
  • 10. Aralin 2.2 Wika at Gramatika: Diskursong Pasalaysay Simulan Mahusay mahal kong mag-aaral. Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa mga gawain sa nakaraang bahagi ng learning material na ito. Ngayon, ikaw ay magpapatuloy sa iyong aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang gawain. Gawain 1: Isalaysay Mo! Panuto: Balikan ang anekdota ni Mullah Nassreddin mula sa nakaraang aralin. Sa iyong sariling paraan, isalaysay mo ang kuwento. Sikaping isalaysay ito nang mas maikli. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Mahusay! Humahanga ako sa matagumpay mong pagsagot sa gawain. Ipagpatuloy mo lang ang iyong pag-aaral upang mas malinang ang pa ang iyong kakayahan. Lakbayin Pagsasalaysay Alam mo bang ang… Pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay? ➢ Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. ➢ Itinuturing itong pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. ➢ Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko at mga kuwentong bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. ➢ Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa. Ang Tatlong Biyernes
  • 11. Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa 1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan. 2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari. 3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan, hilig at layunin ng manunulat. 4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay. 5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa. Ang mga Mapagkukunan ng Paksa 1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay. 2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat. 3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa. 4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang salaysay. 5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay. 6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na nauunawaan ang mga pangyayari. Mga Uri ng Pagsasalaysay 1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. 2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong. 3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat upang itanghal. 4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari. 5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayaring nakawiwili. 6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid. 7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula sa kaniyang wakas. 8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. 9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
  • 12. Galugarin Gawain 2: I-check Mo Yan! Panuto: Gayahin ang pormat ng talahanayan sa ibaba. Suriin mo ang mga katangiang dapat taglayin ng mga anekdotang iyong binasa. Lagyan ng tsek ang hanay na sumasang-ayon sa iyong pagsusuri at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong sagot. 1. Mga Kuwento ni Mullah Nassreddin: Ang Tatlong Biyernes Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag Makatawag pansin ang mga katangian ng tauhan. Payak at maikli ang pagpapahayag. Nakakalibang habang binabasa. Nakatulong ito upang lalong makilala si Mullah. 2. Mula sa Anekdota ni Saadi Katangian Oo Katamtaman Hindi Paliwanag Makatawag pansin ang mga katangian ng tauhan. Payak at maikli ang pagpapahayag. Nakakalibang habang binabasa. Nakatulong ito upang lalong makilala si Mullah. Palalimin Gawain 3: Paggawa ng Sariling Anekdota Panuto: Sumulat ng iyong sariling-gawang anekdota. Sundin mo ang mga gabay na ito sa iyong paggawa ng anekdota. 1. Mag-isip ng isang nakatutuwang pangyayari sa iyong buhay noong nagsimula kang mag-aral. 2. Mula sa iyong karanasan, ano ang iyong natutuhan? 3. Ano ang nais mong matutunan ng iba sa iyong karanasan? 4. Maging malikhain sa pagsasalaysay.
  • 13. Rubrik sa Pagtataya ng Awtput Krayterya Napakahusay (10) Papaunlad (5) Nangangailangan ng gabay (2) Nilalaman Natumbok nang buong husay ang paksa maging ang pangkalahatang tema ng Anekdota. Nakasulat ng ilang pahayag na tumumbok sa paksa maging ang pangkalahatang tema ng Anekdota. Hindi natumbok ang paksa maging ang pangkalahatang tema ng Anekdota. Gramatika Mahusay na nailapat ang wastong gramatika sa kabuoan ng Anekdota Nailapat ang wastong gramatika sa kabuoan ng Anekdota nang may kakaunting kamalian. Hindi nailapat ang wastong gramatika sa Anekdota. Kahusayan sa pagsasalaysay. Mahusay na naisalaysay ang mga pangyayari sa ginawang anekdota. Naisalaysay ang mga pangyayari sa ginawang anekdota ngunit hindi gaanong maayos. Hindi naisalaysay ng maayos ang mga pangyayari sa ginawang anekdota. Sukatin Mahusay! Binabati kita dahil nakaabot ka sa parteng ito. Tiyak marami kang natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa modyul na ito. Ngayon, tatayahin mo ang iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin. PANGWAKAS NA PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot. _____ 1. Si Mullah Nassreddin ay kilala sa Persia sa larangan ng ______________. A. Pagkanta C. Pagbabalita B. Pagpapatawa D. Pagsayaw _____ 2. Alin sa sumusunod ang TOTOO tungkol sa Anekdota? A. Ito ay mahabang salaysay patungkol sa nakaaaliw na pangyayari sa buhay ng isang tao. B. Isinasalaysay ng anekdota ang buhay ng isang tao mula kapanganakan hanggang sa kasalukuyang buhay nito. C. Ang anekdota ay isang maikling pagsasalaysay ng isang nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. D. Ito ay isang akdang pasalaysay na itinatanghal sa entablado upang magbigay aliw sa mga manonood dahil sa nakakatawang tema nito. _____ 3. Ilang biyernes ang inilagi ni Mullah sa mosque upang magturo? A. Isa C. Tatlo B. Dalawa D. Apat _____ 4. Ito ay isang uri ng pagsasalaysay na nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan. A. Anekdota C. Nobela B. Maikling kuwento D. Alamat
  • 14. Napakahusay mo mahal kong mag-aaral! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa paglalakbay at pagtalakay natin sa Anekdota mula sa Iran (Persia). Batid kong nakapapagod maglakbay pero sulit naman dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman. Ihanda mo ngayon ang iyong sarili sa kasunod na modyul – Modyul 3: Talumpati mula sa South Africa, _____ 5. Isang uri ng pagsasalaysay na nagkukuwento ng mga pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula kapanganakan hanggang wakas. A. Talambuhay C. Alamat B. Anekdota D. Tala ng Paglalakbay _____ 6. Ito ay isang uri ng salaysay na nagkukuwento sa pinagmulan ng isang bagay o kahit anoman sa paligid. A. Talambuhay C. Alamat B. Anekdota D. Tala ng Paglalakbay _____ 7. Ito ay isang uri ng pagsasalaysay na nahahati sa mga kabanata. A. Nobela C. Alamat B. Maikling Kuwento D. Tala ng Paglalakbay _____ 8. Ito ay isang uri ng pagsasalaysay patungkol sa mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook o bansa. A. Talambuhay C. Alamat B. Kasaysayan D. Nobela _____ 9. Pagsasalaysay ito ng isang pakikipagsapalaran o paglalakbay sa ibang lugar. A. Kasaysayan C. Anekdota B. Talambuhay D. Travelogue _____ 10. Alin sa sumusunod ang angkop na maaaring mapagkukunan ng paksa sa pagsasalaysay? A. Panaginip C. Tsismis B. Nabasa D. Parehong A at B
  • 16. Sanggunian Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most Essential Learning Competencies. p. 251 Ambat, Vilma C. et.al (2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group, Inc. Mullah Nasruddin Stories - The Three Fridays. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=A_nO7QV5YNs&feature=youtu.be Persian Empire. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa https://www.nationalgeographic.org/encyclopedia/persian-empire/ Ancient Persia. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa https://www.ancient.eu/Persia/ Mula sa Anekdota ni Saadi. Nahango noong Enero 8, 2021 mula sa https://www.youtube.com/watch?v=fBOqh66B_bk