6. Kabihasnang Mesoamerica
Anong Anyong lupa ang sinasabing
nagdurugtong sa Asya patungong Amerika?
Ano naman ang dalawang Bansang
magkabilaan sa pagitan ng Asya at
Amerika?
11. Ang Pinagmulan ng
Kabihasnang Mesoamerica
Matapos natin matalakay ang ebolusyon ng
tao at ang pagbuo ng mga kabihasnan sa
Asya Tatalakayin naman natin kung paano
nakarating ang ibang sibilisasyon at
kabihasnan sa kontinente ng Amerika.
12. Ang Pinagmulan ng
Kabihasnang Mesoamerica
Sinasabi ng mga siyentipiko na ang mga
nangangasong tao ng Asya ang napadpad
sa kontinente ng North America. Noong
isang tuyong lupain pa ang Bering Strait,
nagsilbi itong tulay sa dalawang kontinente
sa nakalipas na 30,000 taon at 12, 000 taon.
14. Mga unang ugnayan
ng Asya sa America
Sa panahon ng pinaka huling Ice Age , Natakpan ng mga
GLACIER ang malaking bahagi ng North America at
Europe.
Dahil sa malaking bahagi ng kabuuang tubig sa daigdig ay
namuo bilang GLACIER, , bumaba ang lebel ng tubig sa
mga karagatan. (sinasabing dahil dito lumitaw bilang
isang tuyong kalupaan ang Bering Strait sa pagitan ng
Asya at North America) ito ay tila nagsisilbing tulay sa
dalawang kontinente
17. Mga unang ugnayan
ng Asya sa America
Sa Pagkatunaw ng mga glacier at pagkawala ng mga tulay
na lupa sa Asya, Naputol ang ugnayan sa pagitan ng
mga tao sa America at sa iba pang mga kabihasnang
umusbong sa iba’t – ibang panig ng daigdig.
19. Mga unang ugnayan
ng Asya sa America
Ang pangyayaring ito ay nakapaliwanag sa pagkakaiba ng
mga teknolohiyang nalinang ng mga sinaunang tao sa
America kung ihahambing sa iba pang mga
kabihasnan.
Nagkaroon ng pagbabago sa klima ng North America
bunsod ng pagkatunaw ng mga glacier.
Samantala, naging mainit at tuyo nman ang ibang lugar na
nagbunga sa pagkamatay ng ilang uri ng mga hayop at
unti-unting pagkaubos ng mga pagkain
20. Mga unang ugnayan
ng Asya sa America
Natutuhan ng ilang mga dating mangangaso ang
pagtatanim ng mga butil at iba pang mga halamang
tumutubo sa kagubatan.
Nagsimulang manirahan ang mga taong ito sa mga
pamayanan at magtanim.
22. Ang Heograpiya ng Meso-america
Ang pangalang MESOAMERICA ay hango sa katagang
MESO na nangangahulugang GITNA (ito ang
lundyan/Centro ng mga sinaunang kabihasnan sa
America
23. Ang Mapa ng
Meso-america
Rehiyon sa pagitan ng
Sinaloa River Valley sa
Gitnang Mexico at Gulf
of Fensoca sa
katimugan ng El
Salvador at pinalilibutan
ng iba pang mga anyong
lupa’t tubig tulad ng Ilog
Panuco at Santiago,
Baybayin ng Honduras,
Gulod (Hilltop) ng
Nicaragua at tangway
(Peninsula) ng Nicoya
sa Costa Rica.
Sa kasalukuyan, saklaw ng Meso-america ang
malaking bahagi ng Mexico, Guatemela, Belize at El
Salvador. Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa
elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot
ng iba’t-ibang uri ng klima at ekolohiya. Pabago-bago
ang panahon sa rehiyong ito.
25. GULF OF FONSECA
Boundary ng meso-america sa EL
SALVADOR sa KATIMUGANG BAHAGI (
mula sa Baybayin ng HONDURAS
hanggang sa GULOD ng NICARAGUA
sa pacific at TANGWAY ng NICOYA sa
COSTA RICA
26. Ang
Heograpiya
ng
Meso-america
Isa rin ito sa mga lugar na unang pinag-usbungan ng
agrikultura,Tulad ng kanlurang asya at china.
Sa kasalukuyang panahon ito rin ay may malaking
populasyon.
Ang Mesoamerica
ay isa rin sa mga
pinag-usbungan at
nagtatag ng mga
paninirahan ng mga
tao.
28. Ang mga
Pamayanang
nagsasaka sa
Meso-america
Ang mga sinaunang tao dito ay nagtanim ng MAIS at
iba pang prodikto sa matabang lupain ng YUCATAN
PENINSULA at sa kasalukuyang VERACRUZ.
Maraming siglo muna ang
lumipas sa pagitan ng
pagsisimula ng mga
pamumuhay sa mga
pamayanan at
pagkakaroon ng mga
lipunang binuo ng estado
sa Mesoamerica
30. Ang mga
Pamayanang
nagsasaka sa
Meso-america
Maraming rehiyon ang malliit subalit
makapangyarihang pamayanan na nagkaroon ng
mga pinuno. Nagkaroon din ng mga akngkang
pinangingibabawan ng aspektong pang ekonomiya,
politika at panrehiyon. Ang pinaka kilala sa mga
bagong tatag na lipunan ay ang mga OLMEC
Likas ang pagkakaroon
ng politikal at
panlipunang kaayusan
sa Mesoamerica sa
panahon ng 2000 BCE
32. ANG MGA PAMAYANANG NAGSASAKA (2000 – 1500 B.C.E.)
Nagtanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain
ng Yucatan Peninsula at kasalukuyang Veracruz noong 3500 BCE.
Noong 1500 BCE nagsimula silang manirahan bilang mga
pamayanan.
Naidagdag rin sa kanilang karaniwang kinakain ang isda at karne
ng hayop.
Nagkaroon ng politikal at panlipunang kaayusan noong 2000-900
BCE
Nagkaroon ang maliliit ngunit makapangyarihang pamayanan ng
mga pinuno.
Nagkaroon ng ilang angkang nangingibabaw sa aspektong
ekonomiya, pampolitika at panrehiyo.
Pinakakilala sa mga bagong tatag na lipunan ng mga pamayanang
magsasaka.
Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America at
maaaring maging sa buong America.
34. KABIHASNANG MAYA (100 – 900 CE)
Sa larangan ng ekonomiya, kabilang sa mga produktong pangkalakal ay
mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng hayop.
Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin.
Ang pangunahing pananim nila ay mais, patani, kalabasa, abokado, sili,
pinya, papaya at cacao.
Pagkatapos ng ikawalong siglo (800 CE) ang ilang mga lungsod ay nilisan ,
ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estruktura ay tuluyang
bumagsak.
Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sento ng maya ay
inabandona at iniwan.
Nanatili pa ng ilang siglo ang mga lunsod ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna at
Copan. Ngunit ang lunsod lamang ng Mayapan ang namayani hanggang sa
magganap ang isang pagaalsa noong 1450.
Hindi parin lubusang maipaliwanag ang pagbagsak ng kabihasnang ito.
35. The Role of Agriculture in the Mayan’s Livelihood
36. Paglisan ng mga
Mayan na sinasabing
dahilan ng pagkasira
ng kalikasan,
pagbasak ng
produksiyon ng
pagkain o paglaki ng
populasyon,
37. Umusbong sa Central Mexico at ang pangunahing lungsod ay
ang Tula.
Pinaniniwalaang nagmula sa kulturang Teotihuacan.
Ang wika ng Toltec ay Nahuatl na ginamit din ng Aztec at kasalukuyang isa sa
official language ng Mexico.
Lumawak ang imperyo sa pamamagitan ng paggamit ng pwersang militar at
sinaklaw ang mga bahagi ng Mexico at Guatamela.
Ang kauna-unahang hari at tagapagtatag ng Tula ay si Chalchiuh Tlatonac.
Sinalakay sila ng mga Aztecs upang kuhanin ang kanilang materyales galing sa
kanilang kabisera.
Ang mga kaalaman ukol sa mga Toltec ay mula sa mga alamat na hango sa mga
sumunod na kabihasnan at batay sa mga panulat ng mga Aztecs.
Ang mga pinuno ay bumuo ng isang kaisipan na sila ay Diyos.
Sinamba ng mga Toltec ang kanilang mga pinuno at ito naman ay ng namana ng
mga Aztec.
Ang imperyo ay winasak ng mga Chitimerc atbp pangkat. Sa pagbagsak ng
imperyo, nalugmok ang Gitnang Mexico sa kaguluhan at digmaan.
Ang mga Toltec (1000 – 13000 CE)
38. STATUES OF THE MIGHTY TOLTEC WARRIORS “CHALCIUH” A TOLTEC LEADER
39. KABIHASNANG AZTEC (1325 – 1521 CE)
Mga nomadikong tribo, ngunit hindi matukoy ang pinagmulan. Unti-unti silang tumutungo sa
Lambak ng Mexico sa pagsapit ng 1ka-12 na siglo.
Ang salitang Aztec ay nangangahulugang “Isang nagmula sa Aztlan”. Isa itong mitikong lugar sa
Hilagang Mexico.
Noong 1325, itinatag nila ang pamayanan ng Tenochtitlan, isang maliit na isla sa gitna ng lawa ng
Texcoco. Ang lawang ito ay matatagpuan sa Lambak ng Mexico.
Nasakop nila ang ibang tribo sa Gitnang Mexico kaya naman naging mahalagang Sentrong
pangkalakalan ang Tenochtitlan.
Nakabatay sa pagtatanim ang ekonomiya ng Aztec. Ang lupa sa paligid ng mga lawa ay mataba
subalit hindi lubos na malawak para sa buong populasyon.
Upang madagdagan ang lupang tinataniman, tinabunan ng lupa ng mga Aztec ang mga sapa at
lumikha ng mga “chinampas”, mga artipisyal na pulo na kung tawagin ay mga floating garden sa
gitna ng lawa.
Mais ang kanila pangunahing tanim. Ang iba pa ay patani, kalabasa, abokado, sili at kamatis.
Nagaalaga rin sila ng mga pabo, aso, pabo at gansa.
Umaasa sila sa mga diyos at sa puwersa ng kalikasan. Isa rito ay si Huitzilopochtli, ang diyos ng
araw at kay Tlaloc, ang diyos ng ulan.
Naniniwala sila na dapat bigyan ng alay ang mga diyos na ito. Nag-aalay sila ng mga tao na
kadalasan ay sarili nilang bihag.
Pagsapit ng 1500 CE nagsimula ang malawakang kampanyang militar at ekonomiko ng mga
Aztec. Ang nagbigay daan nito ay si Tlacaelel , isang tagapayo at heneral.
40. KABIHASNANG AZTEC (1325 – 1521 CE)
Ang paninindak at dahas ay isa sa mga naging kaparaanan upang makontrol at
pasunod ang iba pang mga karatig lugar nito.
Ang mga nasakop na lungsod ay kinailangan ding bigyang ng tributo o buwis.
Dahil rito, naging sentrong pangkabuhayan at politikal sa Mesoamerica mula sa
Pacific Ocean hanggang sa Gulf of Mexico.
Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhenyero, nakagawa rin sila ng mga kanal,
aqueduct, mga dam, gayundin ng sistema ng irigasyon, liwasan at mga pamilihan.
Sa pagsapit ng ika-15 siglo, tinatayang 300,000 katao na ang populasyon ng
Tenochtitlan.
Sa pagdating ni Hernando Cortes, na nanumo sa eskspedisyong Espanol natigil ang
pamamayani ng mga Aztecs.
Inakala ni Montezuma II na ang pagdating ng ga Espanol ang sinasabing pagbalik ng
kanilang diyos na si Quetzalcotl dahil sa mapuputing kaanyuan ng mga ito.
Noong 1521, tuluyang bumagsak ang Tenochtitlan. Dahil ito sa pang-aalipin, digmaan,
labis na paggawa, pagsasamantala at sa small pox na dala ng mga Espanyol.
Nabawas sa kabuuang katutubong populasyon ng Mesoamerica ng 85%-95% sa loob
ng 160 taon.