Ang mga Maya, Aztec, at Inca ay may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng kabihasnang klasikal sa Amerika. Ang mga Maya ay nagpasimula ng agrikultura at kilalang-kilala sa kanilang sopistikadong kalendaryo at larangan ng matematika, samantalang ang mga Aztec naman ay dumating sa Mexico at nagtayo ng malaking imperyo batay sa chinampas at alyansa sa iba pang lungsod. Ang mga Inca, sa kanilang imperyo sa Andean region, ay nagtatag ng mga kumplikadong sistema ng irigasyon at nakilala sa kanilang lipunan na nakabatay sa extended family groups o ayllu.