1. Page 1 of 6
FIL 101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO
College of Liberal Arts, Sciences and Education
Prepared by: NAME
C
MODULE 5
WIKANG FILIPINO SA AKADEMIKONG LARANGAN
Pagbasa: Kasaysayan ng Wikang Pambansa/ Mga Batas Pangwika (Lagom na Babasahin mula sa Komunikasyon
sa Akademikong Filipino, De Vera, Melvin et.al.
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kasaysayan ng Wikang Pambansa.
I. Ano ang Wika
A. Ang wika ang puwersang nabibigkas sa mamamayan ng ibang bansa. Hindi lamang ito
nagsisilbing paraan upang magkaunawaan ang mga tao sa isang bansa, magkaiba man sila ng
lahi, kasarian, gulang, relihiyon, edukasyon, o propesyon, nagsisilbi rin itong pangkalahatang
pagkakakilanlan ng mamamayan dahil sa wika nga ang impukan-hanguan at daluyan ng kultura.
(Salazar, 1996)
II. Panahon ng Kastila
A. Espanyol- ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
III. Panahon ng Amerikano
A. Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon INGLES at ESPANYOL. Sa kalaunan,
napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang opisyal na wika.
B. Dumami na ang natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging
wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
C. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na.
(Boras-Vega 2010)
D. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga katipunero ang
wikang Tagalog sa mga opisyal na kautusan sa Konstitusyong Probisyonal ng Biak-na-Bato
noong 1897, itinadhanang Tagalog ang opisyal na wika.
E. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni pangulang Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang
batas TydingsMcduffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang
sampung taong pag-iral ng pamahalaang Komonwelt.
IV. Kasaysayan ng wikang pambansa
A. Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935
“…ang kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.” (Pebrero 8,
1935)
- Katutubong wika/ pangunahing wika sa Pilipinas
a. Cebuano
b. Hiligaynon
Gawaing Pang-mag-aaral
1. Research Work- Magsaliksik sa internet ng iba pang halimbawa ng multi language education na
isinasagawa sa kasalukuyan. Ihambing ito sa module na nabasa o mula sa ppt presentation sa
pamamagitan ng isang essay writing.
2. Identification. Sagutan ang uploaded na tanong sa SILID LMS.
3. Sanaysay: Sagutan ang mga gabay na tanong na naka-upload sa SILID LMS.
2. Page 2 of 6
FIL 101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO
College of Liberal Arts, Sciences and Education
Prepared by: NAME
C
c. Samar Leyte
d. Bikol
e. Ilokano
f. Pangasinan
g. Kapampangan
h. Tagalog
B. Oktubre 27, 1936
Itinagubilin ng pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-
aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, salayuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.
C. Nobyembre 13, 1936
Pinagtibay ng batasang-pambansa ang batas komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang
Surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Tungkulin ng SWP (Surian ng Wikang Pambansa)
- Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong
Pilipino man lamang.
- Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing
dayalekto.
- Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Filipino
- Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na
dapat umaayon sa
a. Ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan
b. Ang wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino.
D. Enero 12, 1937
Hinirang ng pangulong Manuel Louis M. Quezon ang mga kagawad na bumubuo ng
Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwelt Blg.
184, sa pagkakasusog ng batas Komnwelt Blg. 333.
Mga nahirang na kagawad
- Jaime C. Veyra (Visayang Samar)- Tagapangulo
- Cecilio Lopez (Tagalog)- Kalihim at Punong Tagapagpaganap
a. Mga kagawad
i. Santiago A. Fonacier (Ilokano)
ii. Filemon Sotto (Visayang Cebu)
iii. Felix S. Rodriguez ( Visayang Hiligaynon)
iv. Casamiro F. Perfecto (Bikol)
v. Hadji Butu ( Muslim)
vi. Lope K. Santos (Tagalog)
vii. Jose I. Zulueta (Pangasinan)
viii. Zoilo Hilario ( Kapampangan)
ix. Isidro Abad (Visayang Cebu)
E. Nobyembre 9, 1937
Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184,
ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resulusyon na roo’y ipinahayag
na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutugon sa mg ahinihingi ng Batas
Komonwelt Blg. 184” kaya’t itinagubilin ito sa Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin
bilang saligan ng wikang pambansa.
3. Page 3 of 6
FIL 101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO
College of Liberal Arts, Sciences and Education
Prepared by: NAME
C
F. Disyembre 30, 1937
Inilabas ng pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing
ang wikang pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog.
Tagalog ang ginawang saligan ng wikang pambansa sa dahilang ito’y nahahawig sa
maramig wikain sa bansa. Sa madaling salita ay hindi magiging mahirap ang Tagalog sa
mga ditagalog dahil kahawig ito ng lahat ng wika ng Pilipino sa ganitong ayos:
- 59.6% sa Kapampangan
- 48.2% sa Cebuano
- 46.6% sa Hiligaynon
- 49.5 % sa Bikol
- 31.3 % sa Ilokano
- 9 hanggang 10 libong salitang magkakatulad at magkakahawig sa bigkas, baybay
at kahulugan sa pangunahing wika nati.
G. Noong Abril 1, 1940
Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 at ipinagutos nito ang:
- Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika
na pinamagatang Ang Balarila ng Wikang Pambansa
- Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga paaralang
pampubliko at pribado sa buong kapuluan.
V. Panahon ng pananakop ng mga hapon
A. Ito ay itinuring na gintong panahon ng Tagalog/Panitikan. Nang lumunsad sa dalampasigan ng
Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang
mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi nabatayan lamang.
Malaking tulong ang nagawa ng pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit.
B. Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes
Ang pangasiwaang Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at
gawing Tagalog ang Pambansang Wika.
Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anomang kaisipang pang-
Amerikano at mawala ang impluwensya ng mga ito, Tagalog ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na wika
Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming
manunulat sa wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling
kwento at iba pa.
VI. Panahon ng pagsasarili
A. Hunyo 7, 1940
Pinagtibay ang Batas Komonwelt Blg. 570, na nagtatakdang wikang opisyal na ang
pambansang wika (Tagalog) simula Hulyo 4, 1940
Nang matapos ang digmaan, ialng taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang
pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si
Ramon Magsaysay.
B. Marso 26, 1954
Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklama blg. 12 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taon-
taon, sang-ayon sa tagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa. Napapaloob sa panahong
saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2)
C. Setyembre 23, 1955
4. Page 4 of 6
FIL 101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO
College of Liberal Arts, Sciences and Education
Prepared by: NAME
C
Nilagdaan ng pangulong Ramon Magsaysay ang proklama Blg. 186 nagsususog sa
proklama blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon simula Agosto 13 hanggang 19. (
bilang paggunita sa kaarawan ni Manuel Quezon (Agosto 19) na kinikilalang “Ama ng
Wikang Pambansa”
D. Agosto 13, 1959
Inilabas ni kalihim Jose F. Romero ng kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na “kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa ang
salitang Pilipino ay siyang gagamitin.”
E. Oktubre 24, 1967
Isang Kautusang Tagapagpaganap blg. 96 na nagtatadhanang ang lahat ng gusali,
edipisyon, at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan sa Pilipino.
F. Marso 27, 1968
Inilabas ni kalihim tagapagpagananp Rafael M. salas ang Memorandum Sirkular blg. 172
na nag-aatas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan, kagawaran at sangay nag
pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
Iniutos din ng sirkular na pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at
empleyado ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin.
G. Hulyo 21, 1978
Nilagdaan ng ministro ng Edukasyon at Kultura Juan L. Manuel ang Kautusang
Pangministru blg.22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang Antas/Kolehiyo. Magkakaroon ng anim na yunit ng Pilipino sa lahat ng
kurso, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha ng labinsalawang (12)
yunit
VII. Kasalukuyang panahon
A. Pebrero 2, 1987
Pinagtibay ang bagong konstitusyon ng Pilipinas. Sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 nasasaad
ang mga sumusunod:
- SEKSYON 6 Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang,
ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at
sa iba pang mga wika
- SEKSYON 7 Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinadhana ang batas, Ingles.
B. 1987
Pinalabas ng kalihim Lourdes R. Quisumbing ng Departamento ng Edukasyon, Kultura at
Palakasan ang kautusan blg. 52 na naguutos sa paggamit ng Filipino bilang wikang
panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa
patakarang edukasyon bilinggwal.
C. 1996
Pinalabas ng Commision on Higher Education ang CHED Memmorandum blg. 59 na
nagtatadhana ng siyam (9) na yunit na pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman sa Filipino sa pangkalahatang
edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at nilalaman ng mg akurso sa Filipino 1 ( Sining
ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at
Filipino 3 (Retorika).
D. Hulyo, 1997
5. Page 5 of 6
FIL 101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO
College of Liberal Arts, Sciences and Education
Prepared by: NAME
C
Nilagdaan at ipinalabas ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama blg. 1041 na
nagtatakda na ang buwan ng Agosto taon-taon ay magiging Buwan ng Wikang Filipino at
nagtatagubilin sa iba’t ibang sangay/ tanggapan ng pamahalaan at sa mga paaralan na
magsasagawa ng mga gawain kaugnay sa taunang pagdiriwang.
- Tagalog- katutubong Wikang pinagtibayan ng pambansang wika ng Pilipinas
(1935)
- Pilipino - Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas
- Filipino - Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas lingua franca ng
mga pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ng Ingles (1987)
VIII. Multilingual na Edukasyon
A. Kailangan ang MLE. Matagal na itong sinabi ni Najib Saleeby noong 1924 nang suportahan niya
ang ulat ng Monroe Commission nabigo ang paggamit ng monolinggual na edukasyon sa Ingles.
Higit na mabilis na matuto ang batang Filipino kung wika nila ang gagamitin sa pag-aaral. Ito rin
ang batayan ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal sa pagpili ng isang wika batay sa isang
katutubong wika bilang wikang pambansa sa halip na Ingles.
B. Hulyo 14, 2009, inilabas ang DepEd Order No. 74 na may pamagat na “Institutionalizing Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MLE).”
C. Ang pagkilala sa Mother Tongue-Based Multilingual Education bilang “fundamental educational
policy and program” ng Kagawaran sa buong panahon ng edukasyong pormal kasama ang pre-
school at ang Alternative Learning System (ALS)
D. Iniaatas sa unang tatlong taon ang implementasyon ng tinatawag na “MLE Bridging Plan,” isang
plano para sa pagbuo at produksyon ng mga kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng
paaralan, dibisyon, at relihiyon, lalo na sa panimulang pagbabasa at panitikang pambata, at ang
paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-
school hanggang Grade 3.
E. Iniaatas sa unang tatlong taon ang implementasyon ng tinatawag na “MLE Bridging Plan,” isang
plano para sa pagbuo at produksyon ng mga kagamitang panturo sa mga itinakdang wika ng
paaralan, dibisyon, at relihiyon, lalo na sa panimulang pagbabasa at panitikang pambata, at ang
paggamit ng unang wika ng mga mag-aaral bilang pangunahing wikang panturo (MOI) mula pre-
school hanggang Grade 3.
F. Sa plano, ang Filipino, Ingles, at iba pang dagdag na wika ay ipinakikilala bilang bukod na sabjek
sa isang maingat at sistematikong paraan at hindi dapat mangyari ito bago mag grade 2. Kung
handa na ang mag-aaral, unti-unting gagamitin bilang wikang panturo ang Filipino at Ingles
mula Grade 3. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang wikang pantulong sa pagtuturo.
G. Sa antas sekundarya, bumalik sa patakarang bilingguwal dahil Filipino at Ingles ang magiging
pangunahing wikang panturo. Patuloy na gagamitin ang unang wika bilang auxiliary medium of
instruction.
H. Resulta sa eksperimento ng DepEd, ng SIL, at ni Dr Nolasco
I. Ipinakita ng eksperimento na higit na mabilis natuto ang mga bata ginamit ang kanilang unang
wika sa pagtuturo.
J. May mahigit 150 wika’t wikain sa buong Pilipinas. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at upang
ganap na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin ang 150 wika’t wikaing ito sa mga
paaralan ng bansa.
K. Ipinakita ng eksperimento na higit na mabilis natuto ang mga bata ginamit ang kanilang unang
wika sa pagtuturo.
L. May mahigit 150 wika’t wikain sa buong Pilipinas. Sa ilalim ng simulaing unang wika, at upang
ganap na maging epektibo ang MLE, kailangang gamitin ang 150 wika’t wikaing ito sa mga
paaralan ng bansa.
6. Page 6 of 6
FIL 101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
FILIPINO
College of Liberal Arts, Sciences and Education
Prepared by: NAME
C
M. Kailangang maghanda ng mga kasangkapan panturo sa 150 wika’t wikain. Kailangang
magdeploy ng mga guro sa buong bansa na may kahandaan ang bawat isa sa 150 wika’t wikain.
N. Ngunit imposible. Ngayon nga at sa ilalim ng patakarang bilingguwal ay hindi nasusunod ang
produksiyon ng isang aklat bawat mag-aaral sa Grades 1-3. Bukod pa, maraming puna sa kalidad
ng kasalukuyang mga teksuk. Hindi nakapagdedeploy ng higit 90% gurong mahusay at totoong
may kahandaan sa paggamit ng Filipino o Ingles
Mga Sangguniang Aklat:
Arrogante, Jose A. Pagpapahalagang Sining sa Filipino, National Bookstore, Manila 2007
Siazon, Carmelita L. Sining ng Pakikipagtalastasan sa Kolehiyo, National Bookstore, Manila, 2007
De Vera, Melvin B. et,al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino, Books Atbp. Publishing
Corp.,Mandaluyong City, 2010
Tumangan, Alcomtiser P. Sr. et al. Komunikasyon sa Filipino I, Grand Books Publishing Inc. Manila,
2014.
Electronic na Sanngunian:
Komunikasyon sa Filipino I http://www.scribd.com/
Sining ng Komunikasyon http://www.funflip.com/word/
Komunikasyon sa Filipino I http://polotics.alleba.com/