SlideShare a Scribd company logo
1 of 27
1
Kasaysayan at
Pag-unlad ng Wikang
Filipino
2
Panahon ng mga Katutubo
 Alibata o baybayin ang tawag sa
katutubong paraan ng pagsulat
 Binubuo ito ng labimpitong (17) titik:
tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na
katinig
3
Alibata
4
 Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang
tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o
bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog
na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa
itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/
ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok
sa ibaba nito ang inilalagay.
5
 Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang
anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig
sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng
panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas
ng huling tunog.
6
 Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa
hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng
pagtatapos nito.
7
Panahon ng mga Kastila
 Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito
ang sistema ng ating pagsulat.
 Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong
Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)
patinig at labinlimang (15) katinig.
 a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
8
 Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa
sa naging layunin ng pananakop ng mga
Kastila.
 Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa
komunikasyon.
 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga
paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa
mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga
prayle.
9
 Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-
aral ng mga wikang katutubo.
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang
rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa
kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng
katutubong wika.
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo
at aklat-panggramatika, katekismo at mga
kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila
ng katutubong wika
10
 Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong
gagamitin sa mga Pilipino.
 Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo
sa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi
naman ito nasunod.
 Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng
wikang Espanyol
 Carlos I at Felipe II – kailangang maging
bilinggwal ang mga Pilipino
 Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa
pamamagitan ng wikang Kastila
11
 Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring
Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng
wikang Kastila sa lahat ng katutubo
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusang
nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng
isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa
mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga hindi susunod dito.
 Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos
IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin
ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa
lahat ng mga pamayanan ng Indio.
12
Panahon ng Propaganda
 Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang
naging matindi ang damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga
karunungan.
 Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,
Marcelo H. del Pilar
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang
Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging
makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga
Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
13
Panahon ng mga Amerikano
 Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga
Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa
pamumuno ni Almirante Dewey
 Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na
sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na
demokratiko
 Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites
ang mga naging guro noon.
14
 William Cameron Forbes – naniniwala ang mga
kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap
agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang
madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at
Amerikano
 Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na
pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay
alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino
1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga
Pilipino
2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin
bilang wikang panturo ang Ingles
15
 Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng
sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles
ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong
lokal
 N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende
– kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo
sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging
wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may
kani-kaniyang wikang bernakular na
nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan
at sa iba pang pang-araw-araw na gawain
16
 Bise Gobernador Heneral George Butte –
naniniwalang epektibong gamitin ang mga
wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino
 Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting
wikang panturo ang mga wikang bernakular sa
mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na
wikang panturo at pantulong naman ang wikang
rehiyonal
17
Panahon ng Hapones
 Sa pagnanais na burahin ang anumang
impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit
nila ang katutubong wika partikular ang wikang
Tagalog sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan.
 Ito ang panahong namayagpag ang panitikang
Tagalog.
 Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-
uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at
wikang Hapon
18
Panahon nga Malasariling
Pamahalaan
 Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo
XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay
ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.”
 Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong
Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa na
ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang
mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang
pambansa.
19
Manuel Luis Molina Quezon
20
 Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth
Blg. 184 – opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang
Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936
 Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at
alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang
pambansa ng Pilipinas
 Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite
 Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang
tatawaging Wikang Pambansa
 Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog ang
batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang
pambansa
21
 Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang
wika :
1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng
Tagalog kumpara sa ibang wika
2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang
wikain sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay
siyang sulat
3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang
sentro ng kalakalan sa Pilipinas
4. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na basehan sapagkat
ito ang wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio
5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang
wikang Tagalog
22
 Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na
magkaroon tayo ng wikang pagkakakilanlan,
hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril
1940 – nagpapahintulot sa pagpapalimbag at
paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at
Balarila sa Wikang Pambansa.
 Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa
sa mga paaralan pampubliko at pampribado sa
buong bansa
23
 Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang
Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang
opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940
 Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon
Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na nagpapahayag ng
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay
magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng
Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni
Balagtas (Abril 2)
 Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186
noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng
petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng
Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni
Pang. Quezon (Agosto 19)
24
 Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio
Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang
Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang
Pambansang Awit sa mga paaralan
 Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na
nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang
Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin
 Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na
nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan
ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan
noong Oktubre 24, 1967
25
 Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim
Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na
nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na
komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan
 Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na
humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na
magdaos ng Linggo ng Wika
 Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 –
“Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang
tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng
pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang
batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang
opisyal ng Pilipinas”
26
 Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng
Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang
Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na
isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na
pandalubhasang antas
 Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab
ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at nahirang
na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino
 Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad
tungkol sa wika:
27
 Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino
 Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles
 Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa
Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol
 Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon
ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa,
mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili

More Related Content

What's hot

Panahon ng pagsasarili group 5
Panahon ng pagsasarili   group 5Panahon ng pagsasarili   group 5
Panahon ng pagsasarili group 5Pauline Michaella
 
Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11
Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11
Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11JosielynBoqueo1
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang PambansaKasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang PambansaJumel Abellera
 
Kasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wikaKasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wikajhon_kurt22
 
Ang wika at wikang filipinomp
Ang wika at wikang filipinompAng wika at wikang filipinomp
Ang wika at wikang filipinompsun999
 
Hand out kasaysayan ng wika
Hand out kasaysayan ng wikaHand out kasaysayan ng wika
Hand out kasaysayan ng wikajonalynopino
 
Mga batayang kaalaman sa wika
Mga batayang kaalaman sa wikaMga batayang kaalaman sa wika
Mga batayang kaalaman sa wikayencobrador
 
Doctrina cristiana e-01
Doctrina cristiana   e-01Doctrina cristiana   e-01
Doctrina cristiana e-01bowsandarrows
 
Kasaysayan ng wikang filipino
Kasaysayan ng wikang filipinoKasaysayan ng wikang filipino
Kasaysayan ng wikang filipinoReign Angela Genz
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoREGie3
 
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaFil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaUniversity of Santo Tomas
 
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga SalitaMga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga SalitaMckoi M
 
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoyhanjohn
 

What's hot (20)

Mga batas pangwika
Mga batas pangwikaMga batas pangwika
Mga batas pangwika
 
Panahon ng kastila
Panahon ng kastilaPanahon ng kastila
Panahon ng kastila
 
Panahon ng pagsasarili group 5
Panahon ng pagsasarili   group 5Panahon ng pagsasarili   group 5
Panahon ng pagsasarili group 5
 
Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11
Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11
Kasaysayan ng wikang_pambansa_g11
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang PambansaKasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Filipino at ang Ortograpiyang Pambansa
 
Fil
FilFil
Fil
 
Kasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wikaKasaysayan ng wika
Kasaysayan ng wika
 
Ang wika at wikang filipinomp
Ang wika at wikang filipinompAng wika at wikang filipinomp
Ang wika at wikang filipinomp
 
Hand out kasaysayan ng wika
Hand out kasaysayan ng wikaHand out kasaysayan ng wika
Hand out kasaysayan ng wika
 
Wika todo
Wika todoWika todo
Wika todo
 
Komunikasyon
KomunikasyonKomunikasyon
Komunikasyon
 
Mga batayang kaalaman sa wika
Mga batayang kaalaman sa wikaMga batayang kaalaman sa wika
Mga batayang kaalaman sa wika
 
Doctrina cristiana e-01
Doctrina cristiana   e-01Doctrina cristiana   e-01
Doctrina cristiana e-01
 
Kasaysayan ng wikang filipino
Kasaysayan ng wikang filipinoKasaysayan ng wikang filipino
Kasaysayan ng wikang filipino
 
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang PanturoWikang Opisyal at Wikang Panturo
Wikang Opisyal at Wikang Panturo
 
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wikaFil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
Fil1 aralin 1-katuturan at katangian ng wika
 
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga SalitaMga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
Mga Tuntunin sa Panghihiram ng mga Salita
 
Konsepto sa wika ng mga dalubhasa
Konsepto sa wika ng mga dalubhasaKonsepto sa wika ng mga dalubhasa
Konsepto sa wika ng mga dalubhasa
 
Unang wika
Unang wikaUnang wika
Unang wika
 
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipinoFil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
Fil12 1...ang kasaysayan ng wikang filipino
 

Similar to Kasaysayan ng wikang filipino

wikang Pambansa.ppt
wikang Pambansa.pptwikang Pambansa.ppt
wikang Pambansa.pptChelx Bonoan
 
kasaysayanngwikangpambansa g11.pptx
kasaysayanngwikangpambansa g11.pptxkasaysayanngwikangpambansa g11.pptx
kasaysayanngwikangpambansa g11.pptxferdinandsanbuenaven
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaRichelle Serano
 
Kasaysayan ng wikang pambansa
Kasaysayan ng wikang pambansaKasaysayan ng wikang pambansa
Kasaysayan ng wikang pambansaNeilfieOrit2
 
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfPRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfJosephRRafananGPC
 
_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx
_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx
_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docxVanessaMarasigan1
 
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdfTopic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdfssuser2d1201
 
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdfTopic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdfssuser2d1201
 
Kasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptx
Kasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptxKasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptx
Kasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptxMaryclaireGargavite
 
KomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
KomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptxKomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
KomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptxGreeiahJuneLipalim
 
Development at Pag-unlad ng Wikang Filipino
Development at Pag-unlad ng Wikang FilipinoDevelopment at Pag-unlad ng Wikang Filipino
Development at Pag-unlad ng Wikang FilipinoSamirraLimbona
 
Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptx
Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptxKasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptx
Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptxRubiBuyao
 
Aralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdfAralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdfEvelynRoblezPaguigan
 
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docx
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docxSIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docx
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docxBelleVillasin
 
Probisyong Pangwika sa Konstitusyon
Probisyong Pangwika sa KonstitusyonProbisyong Pangwika sa Konstitusyon
Probisyong Pangwika sa KonstitusyonJAM122494
 
Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2
Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2
Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2analoupilapil
 
THE REPORTING OF GROUP 1.pptx
THE REPORTING OF GROUP 1.pptxTHE REPORTING OF GROUP 1.pptx
THE REPORTING OF GROUP 1.pptxWarrenDula1
 

Similar to Kasaysayan ng wikang filipino (20)

wikang Pambansa.ppt
wikang Pambansa.pptwikang Pambansa.ppt
wikang Pambansa.ppt
 
kasaysayanngwikangpambansa g11.pptx
kasaysayanngwikangpambansa g11.pptxkasaysayanngwikangpambansa g11.pptx
kasaysayanngwikangpambansa g11.pptx
 
Kasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang FilipinoKasaysayan ng Wikang Filipino
Kasaysayan ng Wikang Filipino
 
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang PambansaKasaysayan ng Wikang Pambansa
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
 
Kasaysayan ng wikang pambansa
Kasaysayan ng wikang pambansaKasaysayan ng wikang pambansa
Kasaysayan ng wikang pambansa
 
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdfPRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
PRELIM --FIL 206 ESTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO.pdf
 
_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx
_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx
_vnr3osfij_FIL 101- Module 5.docx
 
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdfTopic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
 
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdfTopic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
Topic___2_Kasaysayan_ng_Wika.pptx.pdf
 
Huwag Basahin
Huwag BasahinHuwag Basahin
Huwag Basahin
 
Kasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptx
Kasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptxKasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptx
Kasaysayan-at-Pagkakabuo-ng-Wikang-Pambasa.pptx
 
KomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
KomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptxKomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
KomPan Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pptx
 
Development at Pag-unlad ng Wikang Filipino
Development at Pag-unlad ng Wikang FilipinoDevelopment at Pag-unlad ng Wikang Filipino
Development at Pag-unlad ng Wikang Filipino
 
Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptx
Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptxKasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptx
Kasaysayan at Pagkakabuo ng Wikang Pambansa.pptx
 
Aralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdfAralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdf
Aralin 6 Kasaysayan ng Wikang Pambansa.pdf
 
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docx
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docxSIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docx
SIPI-ng-mga-Batas-Pangwika.docx
 
Probisyong Pangwika sa Konstitusyon
Probisyong Pangwika sa KonstitusyonProbisyong Pangwika sa Konstitusyon
Probisyong Pangwika sa Konstitusyon
 
Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2
Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2
Kasaysayan ng wikang filipino edited kuno2
 
THE REPORTING OF GROUP 1.pptx
THE REPORTING OF GROUP 1.pptxTHE REPORTING OF GROUP 1.pptx
THE REPORTING OF GROUP 1.pptx
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 

Kasaysayan ng wikang filipino

  • 2. 2 Panahon ng mga Katutubo  Alibata o baybayin ang tawag sa katutubong paraan ng pagsulat  Binubuo ito ng labimpitong (17) titik: tatlong (3) patinig at labing-apat (14) na katinig
  • 4. 4  Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/, nilalagyan ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala, kung ang tunog ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig, tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
  • 5. 5  Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang anumang tunog ng patinig na kasama ng katinig sa hulihan ng isang salita, ginagamitan ito ng panandang kruz (+) bilang hudyat sa pagkakaltas ng huling tunog.
  • 6. 6  Gumagamit ng dalawang pahilis na guhit // sa hulihan ng pangungusap bilang hudyat ng pagtatapos nito.
  • 7. 7 Panahon ng mga Kastila  Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang sistema ng ating pagsulat.  Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.  a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y
  • 8. 8  Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isa sa naging layunin ng pananakop ng mga Kastila.  Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon.  Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
  • 9. 9  Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag- aral ng mga wikang katutubo. 1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol. 2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong wika.  Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo at mga kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika
  • 10. 10  Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong gagamitin sa mga Pilipino.  Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi naman ito nasunod.  Gobernador Tello – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol  Carlos I at Felipe II – kailangang maging bilinggwal ang mga Pilipino  Carlo I – ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng wikang Kastila
  • 11. 11  Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo  Hindi naging matagumpay ang mga kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ng parusa para sa mga hindi susunod dito.  Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitin ang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag sa lahat ng mga pamayanan ng Indio.
  • 12. 12 Panahon ng Propaganda  Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.  Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Marcelo H. del Pilar  Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging makabayan, masisidhing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
  • 13. 13 Panahon ng mga Amerikano  Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey  Ginamit nilang instrumento ang edukasyon na sistema ng publikong paaralan at pamumuhay na demokratiko  Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guro noon.
  • 14. 14  William Cameron Forbes – naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang Ingles upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano  Nagtatag ng lupon si Mc Kinley na pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino 1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mga Pilipino 2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin bilang wikang panturo ang Ingles
  • 15. 15  Jorge Bocobo – naniniwalang ang lahat ng sabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Ingles ay dapat ituro sa pamamagitan ng diyalektong lokal  N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende – kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturo sa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang mga Pilipino ay may kani-kaniyang wikang bernakular na nananatiling ginagamit sa kanilang mga tahanan at sa iba pang pang-araw-araw na gawain
  • 16. 16  Bise Gobernador Heneral George Butte – naniniwalang epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino  Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang bernakular sa mga paaralan ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong naman ang wikang rehiyonal
  • 17. 17 Panahon ng Hapones  Sa pagnanais na burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamit nila ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.  Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.  Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag- uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon
  • 18. 18 Panahon nga Malasariling Pamahalaan  Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, Artikulo XIV – “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”  Dahil sa probisyong ito, itinatag ni Pangulong Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Sentro ng Wikang Filipino upang mamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikang pambansa.
  • 20. 20  Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelth Blg. 184 – opisyal na paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre 1936  Ang tungkulin nito ay magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas  Si Jaime C. de Veyra ang naging tagapangulo ng komite  Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa  Ipinalabas noong 1937 ng Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 – nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa
  • 21. 21  Ilang dahilan kung bakit Tagalog ang napiling batayang wika : 1. Mas marami ang nakapagsasalita at nakauunuwa ng Tagalog kumpara sa ibang wika 2. Mas madaling matutuhan ang Tagalog kumpara sa ibang wikain sapagkat sa wikang ito, kung ano ang bigkas ay siyang sulat 3. Tagalog ang ginagamit sa Maynila at ang Maynila ang sentro ng kalakalan sa Pilipinas 4. Ang wikang Tagalo ay may hostorikal na basehan sapagkat ito ang wikang ginamit sa himagsikan na pinamunuan ni Andres Bonifacio 5. May mga aklat na panggramatika at diksyunaryo ang wikang Tagalog
  • 22. 22  Dahil sa pagsusumikap ni Pang. Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakakilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa”  Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noong Abril 1940 – nagpapahintulot sa pagpapalimbag at paglalathala ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.  Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralan pampubliko at pampribado sa buong bansa
  • 23. 23  Pinagtibay ng Batas Komonwelth Blg. 570 na ang Pambansang Wika ay magiging isa na sa mga wikang opisyal ng Pilipinas simula sa Hulyo 4, 1940  Nilagdaan ni Pang. Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay magaganap mula sa ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril bilang pagbibigay-kahalagahan sa kaarawan ni Balagtas (Abril 2)  Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 186 noong Setyembre 23, 1955 na nag-uutos sa paglilipat ng petsa ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan sa kaarawan ni Pang. Quezon (Agosto 19)
  • 24. 24  Noong Pebrero, 1956, nilagdaan ni Gregorio Hernandez, Direktor ng Paaralang Bayan ang Sirkular 21 na nag-uutos na ituro at awitin ang Pambansang Awit sa mga paaralan  Nagpalabas si Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 noong Agosto 13, 1959 na nagsasaad na kailanma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang Pilipino ang gagamitin  Nilagdaan ni Pang. Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nagtatadhana ng pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan noong Oktubre 24, 1967
  • 25. 25  Marso 27, 1968, nilagdaan ni Rafael Salas, Kalihim Tagapagpaganap, ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas ng paggamit ng wikang Pilipino sa mga opisyal na komunikasyon sa mga transaksyonng pamahalaan  Memorandum Sirkular Blg. 488 noong Hulyo 29, 1972 na humihiling sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan na magdaos ng Linggo ng Wika  Saligang Batas ng 1973, Artikulo XV, Seksyon 2 at 3 – “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino at hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas”
  • 26. 26  Hunyo 21, 1978, nilagdaan ng Ministro ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum na pandalubhasang antas  Nabagong muli ag Konstitusyon nang sumiklab ang Edsa I noong Pebrero 25, 1986 at nahirang na pangulo ng bansa si Gng. Corazon c. Aquino  Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, nasasaad tungkol sa wika:
  • 27. 27  Sek.6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino  Sek.7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles  Sek.8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Espanyol  Sek.9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili