1. AP 4 Week 4
Nasusuri ang ugnayan ng lokasyon
Pilipinas sa heograpiya nito
2. Balikan
Isulat ang salitang TAMA kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay naglalahad ng tamang impormasyon
tungkol sa teritoryo ng Pilipinas at MALI kung hindi.
1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7 641 mga pulo.
2. Ang Pilipinas ay bahagi ng kontinente ng Asya at
nabibilang sa mga bansa sa rehiyong Timog-Silangang
Asya;
3. Batay sa Artikulo 1 ng Saligang Batas ng 2021 ay
binubuo ng kapuluan ng Pilipinas.
4. Ang Pilipinas ay bahagi ng karagatang Pasipiko.
5. Malapit sa lupain ng Europa ang bansang Pilipinas.
3. Tuklasin!
Ibigay ang salita nilalarawan o kaugnay na mga sumusunod na
pangungusap.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
1. Mainit na temperatura
2. Bulkan
3. Karagatan
4. Hilagang Silangan
5. 1,850 kilometro mga katubigan
Anyong Lupa Anyong Tubig Lawak
Lokasyon Klima
4. Ang mga katangiang
pisikal ng lugar tulad ng
lokasyon, hugis, sukat, lawak,
klima, anyong lupa, anyong
tubig at iba pang
pinagkukunang yaman ay
pinag-aaralan sa tinatawag na
heograpiya. Ang kaugnayan
ng mga ito sa pamumuhay ng
tao ay kasama rin sa pinag-
aaralan.
5. Ang katangiang pang heograpiya o katangiang pisikal
ng bansa ay may malaking epekto sa atin. Ang pagiging
arkipelago kung saan binubuo tayo ng maliliit at
malalaking pulong hiwa-hiwalay, ay may maganda, at di
magandang naidudulot ito sa ating bansa.
Ang kapuluan ng Pilipinas ay nahahati sa tatlong mga
pangkat ng pulo: ang Luzon, Kabisayaan, at Mindanao.
Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang Luzon na may
lawak na 105,000 km2. Ang sunod na pinakamalaking
pulo ay ang Mindanao na may sukat na 95,000 km2.
6. Mabuting Epekto ng Heograpiyang
Pisikal ng Bansa
Mayaman ang
bansa sa
katubigan at
yamang dagat
Marami
tayong
magaganda
tanawin at
dalampasigan
Marami
tayong mga
daungan.
Maraming
bundok at
bulkan sa bansa
napagkukunan
ng enerhiya.
7. Di-Mabuting Epekto ng Heograpiyang Pisikal ng Bansa
Dahil tayo ay
maraming
kapuluan at
daungan madali
makapasok ang
mga illgel na
produkto sa bansa
Lagi tayo
dinadaanan ng
bagyo dahil
malapit sa
karagatang
Pasipiko.
Dahil sa
hiwahiwalay ang
mga lugar at pulo
nagkakaroon ng
hadlang sa
pakikipag-ugnayan
sa ibang bansa o
lugar.
Mayroong iba’t
ibang wika na
minsan ay nagiging
balakid sa
pagkakaunawaan.
8. Pagyamanin.
Isulat ang salitang MABUTI kung ang pahayag sa
magandang epekto katangian heograpiya ng Pilipinas at
DI MABUTI kung hindi.
1. Mayroong iba’t ibang wika na minsan ay nagiging
balakid sa pagkakaunawaan.
2. Mayaman ang bansa sa katubigan at yamang dagat.
3. Marami tayong mga daungan
4. Dahil maraming kapuluan at daungan madali
makapasok ang mga illegal na produkto sa bansa.
5. Maraming bundok at bulkan sa bansa napagkukunan
ng enerhiya.