1. AP 4-Week 2
Natutukoy ang relatibong
lokasyon (relative location) ng
Pilipinas batay sa mga nakapaligid
dito gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon. AP4AAB-Ic- 4
2. Balik-aral
Tukuyin ang nilalarawan na mga sumusunod na
pangungusap.
1. Ito ay isang lugar na may naninirahang grupo ng
tao na may magkakatulad na kultura.
2. Tawag sa ganap na Kalayaan ay tumutukoy sa
kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa
kanyang nasasakupan
3. 3.Ito ay isang samahan o organisasyong politikal.
4. Ito ay tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng
teritoryo.
5. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan
4. Suriin
1. Tingnan Mabuti ang mapa ng mundo nasaan ang
bansang Pilipinas?
2. Saan kontinente makikita ang Pilipinas?
5. 3. Ano ang nakapalibot sa ating bansang
Pilipinas?
4. Ano mga bansa ang nakapalibot sa ating
bansa?
6. Ang Pilipinas ay
matatagpuan sa rehiyong
Timog-Silangang Asya sa
gawing itaas ng ekwador.
Tinagurian ang Pilipinas
bilang “Pintuan ng Asya” dahil
sa kinalalagyan nito sa
Pasipiko at bilang bahagi ng
kontinente at lupalop ng
Asya. Nasa pagitan ito ng 40-
210 Hilagang Latitud at 1160-
1270 Silangang Longhitud.
7. Maaaring matukoy ang
kinalalagyan ng Pilipinas batay
sa relatibong lokasyon nito.
Ano ang relatibong lokasyon?
Relatibong Lokasyon- Ito ang
lokasyon ng isang
lugar ayon sa kinalalagyan ng
mga katabi o kalapit
nitong lugar
8. Bisinal ang tawag sa pagtukoy ng
lokasyon gamit ang mga bansang
nakapaligid dito.
Insular o Maritima ang tawag sa pagtukoy
ng lokasyon sa pamamagitan ng pag-alam
ng mga anyong tubig na nakapaligid dito.
9. Ano ang mga karatig bansa
napakalibot sa Pilipinas?
10. Ano ang mga anyo tubig ang
napakalibot sa Pilipinas?
13. Isagawa !
Sagutin ang mga sumusunod
na tanong at gamitin ang
mapa.
1. Ano bansa ang nasa
hilaga ng Pilipinas?
2. Ano anyong tubig ang
nasa kanluran ng
Pilipinas?
3. Ano bansa ang nasa timog
kanluran ng Pilipinas?
4. Ano karagatan ang nasa
Silangan ng Pilipinas?
5. Ano bansa ang nasa
kanluran ng Pilipinas?
14. Isagawa
Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
salitang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI
naman kung hindi wasto.
1. Ang Hilaga at Timog ay mga pangunahing
direksyon.
2. Ang Taiwan ay nasa hilaga ng Pilipinas.
3. Ang Amerika ay karatig bansa ng Pilipinas.
4. Bisinal ang tawag sa pagtukoy ng lokasyon gamit
ang mga bansang nakapaligid dito.
5. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa rehiyong Timog-
Silangang Asya