SlideShare a Scribd company logo
1 of 9
Lecture Reviewer in Araling Panlipunan 4
Unit 1
Aralin 1 – Ang Pilipinas ay Isang Bansa
1. Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan
kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
 4 na Elemento ng Bansa:
A. Tao –tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa.
B. Teritoryo – tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito
rin ang tinitiraha ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan.
C. Pamahalaan – isang samahan o organisayong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong
magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan.
D. Soberanya o ganap na kalayaan – tumutkoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kanyang
nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialman ng ibang
bansa.
 2 uri ng soberanya:
A. Panloob – pangangalaga ng sariling kalayaan
B. Panlabas – pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito
Aralin 2 – Kinalalagyan ng Pilipinas
Globo – representasyon o modelo ng mundo na may imaginary lines na nakatutulong sa paghanap ng lokasyon ng isang
lugar.
Guhit latitud – guhit na pahalang / pahiga sag lobo mula sa ekwador
Ekwador –guhit pahalang sa gitna ng globo na naghahati sa hilaga at timog na bahagi ng mundo
Guhit longhitud – guhit na patayo sag lobo mula sa International dateline
 7 kontinente o lupain sa mundo:
a. North Amerika o Hilagang Amerika – 16 %
b. South Amerika o Timog Amerika – 12 %
c. Antartika – 10 %
d. Europe o Europa – 7 %
e. Australia – 6 %
f. Aprika – 20 %
g. Asya – pianakamalaking kontinente sa mundo na may bahaging 31% ng lupain sa mundo
- Dito matatagpuan ang Pilipinasnapangalawa sa pinakamalaking bansa sa Asya, nangunguna dito ang
China.
Pilipinas –matatagpuan sa Timog – Silangang Asya sag awing itaas ng Ekwador. Tinagurian itong Pintuan ng Asya dahil
sa kinalalgyan ng nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya.
- Nasa pagitan ito ng 4 – 21 hilagang latitud at 116 – 127 silangang longhitud.
 Mga katabing bansa at karagatan nito gamit ang pangunahing direskyon:
Pangunahing Direksyon Anyong Lupa/Bansa Anyong Tubig
Hilaga Taiwan Bashi Channel
Silangan Karagatang Pasipiko
Timog Brunei, Indonesia Dagat Celebes
Kanluran Vietnam Dagat Kanluran
 Mga katabing bansa at karagatan gamit ang pangalawang direksyon:
Pangalawang Direksyon Anyong Lupa Anyong Tubig
Hilagang – Silangan Dagat Pilipinas
Timog – Silangan Isla ng Palau
Hilagang – Kanluran Isla ng Parcel
Timog – Kanluran Borneo
Aralin 3 – Teritoryo ng Pilipinas
Teritoryo – tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar kasama dito ang katubigan na nakapaloob at nakapaligid
sa kalupaan
Batay saArtikulo ng 1 ng Saligang Batasng 1987ang Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipnas.
Pilipinas – binubuo ng mahigit sa 7 100 mga pulo. Ang lawak nito ay uamaabot 300 000 kilometro kwadrado. May 1 851
km ang lawak mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa 1 107 km ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan.
 Gamit ang Mapa ang Pilipinas ay:
- bahagi ng kontinente ng Asya at nabibilang sa mga bansa sa rehiyong Timog – silangang Asya
- isang kapuluang napapalibutan ng mga anyong tubig
- bahagi ng karagatng Pasipiko
- malapit lamang sa malaking kalupaan ng bansang China
- malayo sa mga bansang nasa kontinente ng United States of America at Europe
Tandaan:
 Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog – silangang Asya. Napapaligiran ito ng Bashi Channel sa hilaga, Karagatang
Pasipiko sa silangan, Dagat Celebes sa Timog at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.
 Humigit kumulang sa 1000 kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapligiran
ito ng Taiwan, China at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand sa kanluran at Indonesia
sa timog.
 Ang lawak ng bansa ay umaabot sa 300 000 kilometro kwadrado. May 1851 kilometro ang haba nito mulasa
hilaga patimog, at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak mula a kanluran pasilangan.
Aralin 4 – Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal
Klima – tumutukoy sa pangkalahatang kalgayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera - hanging
nakapligid sa mundo, tempearatura - ang sukat ng init o lamig sa paligid, at iba pang nakakaapekto sa pamumuhay ng
mga nilalang dito.
 Mga bagay na may kinalaman o nakakaapekto sa klima ng isang lugar:
- lokasyon
- topograpiya – paglalarawan ng katangian ng isang lugar
- hangin
- katubigan
 Nagkakaiba – iba ang klima sa iba’t-ibang lugar dahil sa pag ikot ng daigdig sa isang araw at pag- inog sa
sariling aksis. May mga baagi ng mundo na direktang nasisinagan ng araw at may maga bahagi rin na hindi
direktang nasisinagan ng araw.
Panahon – tumutkoy sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa tag – init at tag – lamig
 Mga linyang latitude na nakakaapekto rin sa uri ng klima:
- Tropiko ng kanser at Tropiko ng Kaprikorn – tinatawag na Mababang Latitud o Rehiyong Tropikal
- Nakakaranas ang mga naninirahan dito ng higit na init ng at sikat ng araw.
- Ang klimang tropical ay maari ding mahalumigmig,basa at tuyo.
- Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate – bahaging nasa pagitan ng Kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser
at pagitan ng Kabilugang Antarktiko at Tropiko ng Kaprikorn.
- Nararansan sa bahaging ito ang panahon ng tag – sibol, taglagas at taglamig dahil sa pahilis na sikat ng
araw dito.
- Polong Hilaga at Polong Timog – hindi direktang nasisikatan ng araw
- tinatawag itong Rehiyong Polar dahil napapligiran ng makakapal na yelo na hindi natutunaw dahil
kaunting sikat ng araw lamang ang nakakarating dito. Nararamdaman ang lamig sa buong taon.
 Amg Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitude kaya’t tropikal ang klimang mararanasan dito.
Direktang nakakatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito. Ganun pa man
nakakaramdam din ng malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat Kanlurang Pilipinas at
Karagatang Pasipiko.
Aralin 5 – Mga Salik na May Kinalaman sa Klima ng Bansa
 Salik na may kinalaman sa klima ng bansa:
A. Temperatura – tumutukoy sa nararanasang init o lamig ng isang lugar
- May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat nararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at lamig.
Karaniwang umaabot sa 31̊ C ang pinakamataas na temperature at hindi bumababa sa 23 ̊ C ang
pinakamababang temperature. Ngunit dahil sa climate change ,nalalagpasan ang pinakamataas na
temperature mula 37 ̊ C hanggang 40 ̊ C kung panahon ng tag – araw sa bansa. Naitala ito saTuguegarao.
Ang pinakamababang nagging temperature ay umabot ng 6.8 ̊ C hanggang 7.5̊ C na naranasan ng mga taga
Atok, Benguet sa buwan ng taglamig sa ng bansa.
Climate change – hindi pangkaraniwang pangyayare sa kalikasan. Ito ay pinaniniwalaang sanhi ng mga gawain ng tao na
maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera.
 Nagkakaiba ang tindi ng init at lamig sa bansa dahil sa lokasyon o altitud ng mga lugar dito.Kapag mataas ang
altitud ng isang lugar ay mas malamig dito at kapag mas mababa naman ang altitude ay mas mainit dito.
Enero – nakakaranas ng laig sa Pilipinas dahil sa hanging nagmumula sa hilagang – silangan ng Siberia na panahon na
natutunaw ang niyebe sa lugar.
Hanging Monsoon – direksyon ng ihip ng hangin mula sa mainit papunta sa malamig na lugar o mula sa malamig
papunta sa mainit na lugar
 2 uri ng hanging monsoon:
a. hanging amihan – malamig na hangin mula sa hilagang – silangan
b. hanging habagat – mainit na hangin buhat sa timog - kanluran
B. Dami ng Ulan
- Nakabatay sa dami ng ulan na tinatanggap ng isang bansa / lugar ang klima dito
 4 na uri ng Klima sa bansa:
a. Unang Uri – mula Hunyo hanggang Nobyembre ay tag – ulan at mula Disyembre hanggang Mayo ay tag – araw.
- Kabilang sa mga lugar na nakakaranas ng ganitong uri ay Negros,Aklan, Antique, Ilo-ilo at Capiz sa
kabisayaan.
b. Ikalawang Uri – Mula Disyembre hanggang Pebrero nakakaranas ng pinakamalakas na pag-ulan
- Kabilang sa mga lugar na nakakaranas nito ay ang nasa silangang bahagi ng Luzon – Albay, Camarines
Norte at Camarines Sur, Catanduanes at Quezon; malaking bahagi ng Silangang Leyte at Samar sa
kabisayaan, at mga lalawigan sag awing silangan ng Mindanao. Malapit ang mga ito sa baybayin.
c. Ikatlong Uri –Nakakaranas ng maulan at maikling panahon ng tag – araw ang mga lalawigang kabilang dito.
- Nararanasan ang ganitong uri ng klima sa Romblon, Masbate,Silangang bahagi ng mga Lalawigang
Bulubundukin, Katimugang Quezon, Kanlurang bahagi ng Cagayan at Silangang Palawan. Mga
lalawigan ng Panay,Cebu at Negros Oriental sa kabisayaan at mga lalawigan sa hilaga ng Mindanao.
d. Ikaapat na Uri – pantay pantay na dami ng pagkakabahagi ng ulan sa buong taon
- Nakakaranas ng ganitong uri ng panahon sa mga lalawigang nasa hilagang – silangang Luzon, timog
kanlurang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Mindoro, Tangway ng Bontoc, Albay,
Marinduque at Batanes,Bohol, kanlurang Leyte at hilagang Cebu sa kabisayaan at mga lalawigan nasa
Silangan at Katimugang Mindanao.
 Mga Babala ng Bagyo:
PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
- Gumagamit ito ng mga babala upang ipaabot sa mga mamamayan kung gaano kalakas o kahina ang
datig ng hanging dulot nito.
-
A. Babala Bilang 1 – ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras
B. Babala Bilang 2 –ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras
C. Babala Bilang 3 – ang builis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras
D. Babala Bilang 4 – ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras
Aralin 6 – Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa Pilipinas
Palay – pangunahing pananim sa bansa
- tumutubo sa mga lupang di gaanong malagkit at maputik at nakakatulong pa sa paglaki nito ang maulan at
mainit na klima sa bansa
 Mainam naman sa pagtatanim ng niyog ang klimang hindi bababa sa 21̊ C at hindi tataas sa 32 ̊ C. Makikita ang
mga niyogan sa Bicol, Laguna, at Quezon. Sa Mindanao nasaZamboanga del Sur at Davao ang pinakamalaking
niyugan.
 Hindi dapat bababa sa 30 ̊ C ang temperature upang matiyak naman ang paglaki ng ng tubo. Angkop ito sa
Negros Occidental at Lambak ng Koronadal ganun din sa Pampanga at Tarlac.
 Makikita ang masaganang taniman at ani ng maissa Davao,Coatabato at Cebu.
 Katamtamang tubig at kailangang matabang lupa naman ang kailangan ng abaka at nakakubli dapat sa hangin
dahil mababaw lamang ang ugat nito. Karamihan sa pananim na ito ay matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa mga
lalawigan ng Sorsogon, Catanduanes,Albay, Camarines Norte at Camarines Sur. Sa kabisayaan naman ay sa
Leyte at Samar. Sa Mindanao naman ay sa Davao,Coatabato, Bukidnon at Surigao.
Mga Punong Kahoy – mamasa masa at makapalna lupa ang kailangan upang mabuhay ang mga ito sa bansa
- Makikita ang mga malalaking kakahuyan sa bansa sa Palawan,Quezon at lalawigang Bulubundukin sa
Luzon at sa Lanao, Agusan, at Bukidnon sa Mindanao.
- Mayapis, yakal, apitong at lauan ang bumubuo ng 75 bahagdan ng puno sa makakapal na gubat sa
bansa. Umaabot sa 200 talampakan ang laki ng mga nasabing puno.
- Molave – makikita rin sa kagubatan
- Pawid, baging at bakawan – karaniwang nabubuhay sa latian at bunganga ng ilog
- Palmera,agoho at talisay – karaniwang makikitang tumutubo sa mga baybay – dagat
3
Iba Pang Mga Halaman – makikita sa mga kagubatan ng Mindanao ang pinakmagaganda at pinakamalaking orkidyas –
angwaling- waling. Ang sanggumay, Vanda inginis at dendrobium ay laganap sa buong bansa.
- Ang gumamela, morning glory, santan, lantana, chichirica, rosal, sampagita, sunflower, bougainvillae,
lily at daisy ay mga halamang hindi kalat. Namimili sila ng lugar at klima.
Mga Hayop sa Bansa:
Tamaraw – sa Mindoro lamang makikita. Mas maikli ang sungay nito kaysa sa kalabaw. May kalakihan ang itaas ng
mukha nito at may kalakihan ang kanyang tainga.
Pilandok 0 Mouse Deer – matatagpuan ito sa isla ng Balabac sa Palawan. Katulad ng daga ang mukha nito at baboy ang
mga paa nito.
Mamag o Tarsier – ipnagmamalaki ng ga taga Bohol. Makikita lamang samadidilim na kagubatan. Malaki at bilugan ang
mga mata nito na ginagamit nila sa tuwing gumagala sa kadiliman ng gabi. Maliliit a hayop sa kagubatan ang kanilang
kinakain. Namamalagi sila sa mga butas ng punong kahoy bilang kanilang tirahan.
Mga Natatanging Ibon – natatangi ang mga ibon sa bansa dahil sa tropical na klima nito.
- Umaabot sa 325 ang bilang ng ibong namumugad sa bansa
3 Pinakatatanging ibon sa Pilipinas:
a. Pigeon Luzon Heart - halaw ang pangalan nito sa kulay pulang balahibo sa gitnang – gitnang dibdib nito bilang
piankamagandang bahagi. Ito ay may mahabang binti at ang buntot nito ay maiksi. Kaunti lamang ang laki nito sa
pangaraniwang kalapati. Matatagpuan ito sa Polilio Island sag awing hilaga ng Quezon.
b. Kalaw – makikita sa lalawigan ng Marinduque, Basilan, Leyte at Samar. Mula 36 – 38 sentimetro ang laki nito
at may pulang tuka. Mahilig kumain ng pili ang kalaw.
c. Philippine Eagle – tinaguriang hari ng mga ibon sa bnsa. Kilala ito sa tawag na Haribon. Ito ay may malaking
tuka, pinagsamang kulay abo at tsokolate ang katawan at kulay asul na mga mata. May kalakihan ang agila na umaabot ng
tatlong talampakan hanggang isang metro. Ang leeg at tiyan nito ay mamuti- muti. Makikita ito sa kagubatan sa
Mindanao at kabundukan ng Sierra Madre. Unggoy ang karaniwang pagkain ng agila. Kumakain din ito ng musang –
mabangis na uri ng pusa; tapilac – isang uri ng squirrel na lumilipad at caguang – kapamilya ng unggoy na lumilipad.
Iba pang mga hayop:
Cobra – pinakamakamandag na ahas
Isda–mahigit kumulang sa 2000 uri ang makikita sa Pilipinas
- Pandaka pygmaea o tabios – pinakamliit na isada sa buong mundo
- Sagana ang bansa sa bangus , tilapia, lapu – lapu, tanigue, talakitok at maya – maya. Mayroon ding
butanding at dugong sa karagatn ng Pilipinas.
Estaurine- sinasabing pinakamapanganib at pinakamalaki sa hanay ng mga buwaya sa bansa.
Aralin 7 – Ang Pilipinas Bilang isang Bansang Insular
Maritime o Insular - tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa
Napapaligiran ang Pilipinas ng mga karagatan at katubigan.
Y’ami – ang pinakadulong pulo ng bansa sag awing hilaga
Saluag – pinakadulong pulo sag awing timog ng bansa
 Kapakinabangan ng pagiging insular ng bansa:
- akmang – akma ang mga baybaying – dagat sa pagpapatayo ng Tanggulang Pambansa
- Nakapagpapatayo ng maraming daungan na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat na nagdadala ng
mga pasahero at mga kalakal mula sa loob at labas ng bansa
- Nakakakuha ng yamang dagat na nakakatulong sa pamumuhay ng mamamayan.
Aralin 8 – Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa
 Mga Pangunahing Anyong Lupa
Kapatagan - malawak na lupain na patag at mababa
- angkop dito ang pagtatanim ng gulay, mais, at palay
- maraming tao ang nainirahan dito
- kilalang kaptagan ang Gitnang Kapatagan ng Luzon
Bundok–pinakamataas na anyong lupa
- Pinakmataas na bundok sa Pilipinas ang Bundok Apo na matatagpuan sa Ilomavis, Lungsod ng Kidapawan sa
Hilagang Cotabato
- Ang pinakamhabang hanay ng bundok ay ang Sierra Madre na matatagpuan sa Gitnang Luzon na umaabot sa
Timog Luzon. Nasasakop nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela,Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino,
Aurora at Quezon. Ang pinakamtataas na tuktok na nararating dito ay may taas na 2000 mula sa pantay dagat.
- Matatagpuna din sa Gitnang Luzon ang Bundok Arayat sa Pampanga,Bundok Caraballo at Bundok Cordillera.
- May mga bundok din sa katimugang bahagi ng Bataan kabilang ang Bundok Samat, Bundok Mariveles at
Bundok Natib.
4
- Matatagpuan naman sa Nueva Vizcaya ang Bundok Pulag na pinakamataas sa Luzon at pangalawa sa
pinakamataas sa buong bansa.
- Sa Negros makikita ang Bundok Silay at Bundok Mandalangan. Sa Mindanao naman naroon ang Bundok
Diwata.
Burol – isang mataas na anyong lupa ngunit mas mababa sa bundok. Pabilog ang hugis ng itaas nito.Madaling
makapagpalago ng damo dito kaya mainam mag – alaga ng hayop.
- Pinakatanyag na burol sa bansa ay ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Carmen Bohol.
- Mayroon ding mga burol sa Rizal, Batangas,Samar,Leyte at sa Gitnang Luzon.
Talampas – mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw.
- Ang pinakatanyag na talampas sa bansa ay ang Lungsod ng Baguio sa Benguet na matatagpuan sag awing hilaga
ng Luzon.
- Mayroon ding talampas sa Lanao at Bukidnon sa Mindanao.
Bulkan – ito ay katulad ng bundok ngunit sa tuktok ay may bungaga ito
- Ang Bulkang Mayon ang pinakatanyag na bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa sa Albay sa Rehiyon ng Bicol.
Ito ay halos may perpektong kono.
- Sa Zambales naman matatagpuan ang Bulkang Pinatubo na may taas na 1790 metro. Itinuring na patay na
bulkan ngunit nagging aktibo at pumutok noong 1991.
- Sa Batngas matatagpuan ang Bulkang Taalna napapaligiran ng lawa at pinakamaliit na bulkna sa Pilipinas.
Lambak – patag na lupa sa pagitan ng bundok
- ang halimbawa nito ay ang Lambak ng Cagayan sa Hilagang Luzon na binubuo ng lalawigan ng Cagayan,
Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino.
- Ito ay nasa pagitan ng Bundok Siera Madre sa baybay ng KAragatang Pasipiko at Bundok Cordillera sa
kanluran.
- Ang Lambak ng Cotabato ang tinaguriang Palabigasan ng Mindanao.
- Ang Lambak ng La Trinidad naman sa Benguet ang tanyag na taniman ng gulay.
- Ang Lambak ng Koronadal naman ang mainam sa pagtatanim ng tubo at bulak dahil sa magaspang na pasigan
Ang lupa rito.
 Mga Pangunahing Anyong Tubig
Karagatn – pinakamalalim, pinakmalawak at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig
- maalat ang tubig dito
- Ang Karagatang Pasipiko ang daanan ng malalaking barko
Dagat – bahagi ng karagatan , maalat din ang tubig dito
- Ang Dagat Sulu ay makikita sa pagitan ng Palawan at Mindoro at pinakamalaking dagat sa loob ng kapuluan.
Look – isang bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin
- Ang look ng Maynila ang itinuturing na pinakamahusay na daungan sa Dulong Silangan. Dito dumadaong ang
mga barkong pampasahero at pangkargamento o mga produkto na galing sa iba’t ibang bansa.
Golpo - tulad ng look na halos naliligiran din ng lupa
- bahagi rin ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng Dagat
- Ang Golpo ng Lingayen sa Pangasinan, Golpo ng Albay at Golpo ng Ragay sa pagitan ng Quezon at Camarines
Sur ang mga halimbawa ng Golpo sa Luzon; Sa Silangang Bisaya naman ang Golpo ng Leyte at sa Davao
makikita ang Golpo n Sibuneg
Tsanel – nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig na kalimitang dinaraanan ng barko. Ito rin ay malalim na
anyong tubig na bahgai ng isang kanal o ilog. Isang halimbawa nito ay ang Bashi Channel sa HIlaga
Kipot – isang makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang malalaking anyong tubig ng bansa
- Ang tulay ng San Juanico o San Juanico Bridge ay nasa ibabaw ng Kipot ng San Juanico na nasa pagitan ng
Samar at Leyte ang itinuturing na pinakmahabang tulay sa buong Asya.
- Ang mga Kipot na matatagpuan sa Pilipinas ay ay Kipot ng San Bernardo sa pagitan ng Sorsogon at Hilagang
Samar; Kipot ng Iloilo sa pagitan ng Pulo ng Guimaras; Kipot ng Biliran sa pagitan ng Pulo ng Biliran at Leyte;
Kipot ng Basilan sa pagitan ng Zamboanga at Pulo ng Basilan at Kipot ng Sarangganina nasa pagitan ng dulong
katimugan ng Davao del Sur at mga Pulo ng Saranggani
Ilog – mahaba at paliko – likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat
- May 132 na ilog sa bansa,ang pinakamahaba ay ang Ilog Cagayanat ang pinakamalaki ay ang Rio Grande de
Mindanao.
- Ang Ilog Pasig ang itinuturing ng pinakamakasaysayan sapagkat ito ang ginamit na daanan noon ng mga
negosyante mula sa mga katabing bansa sa Asya upang magdala ng mga kargamento sa loob at labas ng Maynila.
- Ginagamit ang tubig sa ilog na gamit sa bahay at inumin
- Ginagamit ang ilog sa paghahatid ng mga tao at kalakal sa mga karatig pulo ng bansa
- Ginagamit din ito sa pakikipagkalakalan at pakikipag – ugnayan
Lawa – anyong tubig na halos napapaligiran ng lupa
- may hunigit kumulang sa 59 na lawa sa ating bansa
- Ang anim na pinakmalalaking lawa sa bansa ay ang Laguna de Bay sa Laguna; Lawa ng Lanao sa Lanao Del
Sur; Lawa ng Taal sa Batangas ;Lawa ng Mainit sa Surigao Del Norte; Lawa ng Naujan sa Oriental Mindoro at
Lawa ng Biliran sa Sultan Kudarat.
Talon – tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok.
- Pinakatanyag sa Pilipinas ang Talon ng Pagsanjansa Laguna
5
- Ipinagmamalakai rin ang Talon ng Maria Cristinasa Lungsod ng Iligandahil sa narito ang hydroelektriko na
nagtutustos ng lakas elektrisidad sa maraming Industriya sa Lungsod.
Bukal – anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang tubig na nagmumula dito ay mainit at mayaman sa mineral
- Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna
- Sa Albay natuklasan ang mainit na singaw na naggagaling sa hot spring at maaaring pagkunan ng lakas
geothermal na makatustos ng elektrisisdad sa Bicol.
Aralin 9 – Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa
 Yamang Lupa
- Mula sa lupa nakakapagtanim at nakakapag – ani ng mga gulay at prutas
- Nagsisilbi itong tirahan ng mga hayop at at ang mga kagubatan ang nagsisilbing tirahan ng ibang mababangis na
hayop
- Pangalawa ang Pilipinas sa pagluluwas ng Pinya na ang malalaking taniman ay nasa Cotabato at Minadanao
 Yamang Mineral
- mahalgang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya.
- nakukuha ang mga ito sa ilalim ng lupa
- Halimbawa ng mga mineral na metal ay ginto, bakal at tanso. Ang halimbawa naman ng mga mineral na di –
metal ay marmot, langis, petrolyo at geothermal na pinagkukunan ng eletrisidad.
- Ang Pilipinas ay panglima sa may pinakamayamang deposito ng nickel sa buong daigdig.
 Yamang Tubig
- Ginagawang pangisdaan, pinagkukunan ng inumin, paliguan, daan ngmga sasakyang pantubig, planta sa
pagpoproseso ng ilang industriya at pinagkukunan ng enerhiya.
Aralin 10 – Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan Bilang Yamang Likas ng Bansa
 Nangunguna ang Puerto Princesa Subterranean River National Park na makikita sa Palawan
- Ang Subterranean River o Underground River ay isang mahabang ilog sa ilalim ng Yungib na may mga batong
mineral.
Bernard Weber – pangulo ng Seven Wonders of Nature ay namangha ng Makita niya ang underground river sa kauna –
unahang pagkakataon.
 Mga Pook Pasyalan sa Mindanao:
Talon ng Maria Cristina – matatagpuan sa Lungsod ng Iligansa Lanao Del Norte na isa sa pinakmataas na talon sa bansa
- Mula sa IlogAgus ang talon na ito ay may taas na 320 talampakan. Ang lakas nito ang nagtutustos ng kuryente
sa malakaing bahagi ng lungsod.
Vinta – isang tradisyonal na Bangka na matatagpuan sa baybayin ng Zamboanga
- Makukuay ang banderitas nito na sumusimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga
naninirahan dito
Bundok Apo – pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng lalawigan ng Davao at Hilagang
Cotabato Ito ang tahanan ng ibong agila o Philippine monkey – eating – eagle. Tinatawag din itong haribon
- ito ay may taas na 2 926.82 kilometro
- Itinatag ng pamahalaan ang Philippine Eagle National Center sa Malagos, Davao upang dito kupkopin at
paramihin ang mga agila.
Rizal Shrine – dating tirahan ng bayaning si Jose Rizal sa Lungsod ng Dapitan, Zamboanga Del Norte. Makikita rito ang
mga punong itinanim ni Rizal noong naninirahan siya rito.
 Mga Pook Pasyalan sa Kabisayaan:
Boracay Beach – matatagpuan sa lalawigan ng Aklan ay tinatayang may habang pitong kilometro at hugis buto ng aso
ang kaanyuan. Pinong – pino at mapuputi ang buhangin dito kaya maraming Pilipino at dayuhang turista ang nagpupunta
anu mang buwan ng taon.
Chocolate Hills – tumpok – timpok na mga burol na matatagpuan sa Carmen, Bohol. Kapag tag – ulan, kulay luntian ang
halaman sa mga burol at kapag panahon ng tag araw,kulay tsokolate ang mga ito.
Tarsier – pinakamaliit na unggoy na matatagpuan din sa Bohol
San Juanico Bridge – pinakmahabang tulay na nagdurugtong sa Samar at Leyte. Mabilis ang paglalakbay ng mga tao at
pagdadala ng mga produkto sa pamamagitan nito.
Cebu- dito matatagpuan ang Krus ni Magellan at iba pang pananda ng kasaysayan
- Narito din ang Sto. Nino Shrine na dinarayo di lamang ng mga turista kundi maging ng mga relihiyoso tuwing
kapisathan kapag Enero.
 Mga Pook Pasyalan sa Luzon:
Hagdan – hagdan Palayan – matatagpuan sa Banaue, Ifugao
- Itinanghal ito ng UNESCO bilang World Heritage Site dahil sa kamangha manghang pagkakagawa nito na
hinubog ng mga Ifugao. Isa itong patunay ng sipag at tyaga ng mga Pilipino.
Vigan – kabilang din samga natatanging pook o World Heritage Site na iginawad ng UNESCO. 6
Bangui Windmills – kauna – unahang wind mills sa Pilipinas na matatagpuan sa Bnagui, Ilocos Norte
- Nakaharap sa dagat ang malalaking elisi nito na pinagkukunan ng lakas enerhiya mula sa hangin.
Hundred Islands – matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan
- Ito ay tumpok tumpok na mga pulo na nagkalat sa Golpo Lingayen. Tatlo sa mga pulo ang ginawang atraksyon
sa mga turista – Governor’s Island, Quezon Island at Children’s Island.
Bulkang Mayon – pinakamagandang bulkan dahil sa halos perpekto nitong kono
- Pinakaaktibo itong bulkan na matatagpuan saAlbay rehiyon ng Bicol. Hinano ang pangalan nito sa isang alamat
ng Bicol na Daragang Magayon na ibig sabihin ay “magandang dalaga”.
Bulkang Taal – nasa gitna ng Lawa ng Taalsa Batangas
Aralin 11 – Ang Topograpiya ng Iba’t – ibang Rehiyon sa Bansa
 Ang Pilipinas ay may bako – bakong lupa at paliko likong baybayin. Napakahaba ng baybayin kaya naman
maraming lugar na naaangkop pangisdaan.
Topograpiya –tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang lugar
Rehiyon – isang subdibisyong pampangasiwaan sa bansa
- Hinati sa rehiyon ang bansa bilang pagsunod sa Atas ng Pangulo Blg 773
- Ang paghahati ay batay sa pagkakatulad ng pisikal na kapaligirano yaong magkakalapit ang kinaroroonan;
pagkakaisa ng kultura, o pagkakapareho ng wika, pagkain, paniniwala at tradisyon at sa pinagkukunang – yaman
at kabuhayan o pagkakaugnay ng mga produkto p hanapbuhay.
- Nahahatisa 17 rehiyon ang ating bansa.
 Mga Rehiyon sa Luzon
Rehiyon I – (Ilocos) – nasa hilagang – kanluran ng Luzon, baybayin ng Dagat Kanlurang Pilipinas at Kanluran ng
Bulubundukin ng Cordillera
- Ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union ay sagana sa maraming bundok ngunit makitid ang
mga kapatagan. Tanging pangasinan ang may malawak na kapatagan.
- Ang Golpo ng Lingayen na tanyag na anyong tubig sa rehiyon ay may maliliit na pulo kabilang dito ang
Hundred Islands
Rehiyon II – ( Lambak ng Cagayan) – nasa Hilagang Silangang Luzon na napaplibutan ng mga bulubundukin ng Sierra
madre sa Silangan, Bulubundukin ng Coedillera sa kanluran at Bulubundukin ng Caraballo sa Timog.
- Ang rehiyon at binubuo ng lambak, burol, bundok at baybayin
- Binabagtas ng Ilog Cagayan - ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong
kipot ng Luzon sa hilaga
- Ang lambak ay isang mahaba at mababang anyong lupa na nasa pagitan ng bundok o burol.
- Ang Lambak ng Cagayan ang pinakamalaking lambak sa bansa.
Rehiyon III–isang malawak na kapatagan at itinuturing na pinakamalawak na kapatagan sa bansa
Rehiyon IV – A – (CALABARZON) at
Rehiyon IV – B – (MIMAROPA) – nasa Katimugang Luzon sa gawing kanluran ng Karagatang Pasipiko at silangan ng
Dagat Kanlurang Pilipinas
- binubuo ang dalawang rehiyon ng kapatagan, bundok, burol at bulkan samantala mapulo ang rehiyon IV – B
Rehiyon V – (Bicol) – tinatawag na tangway na halos napapalibutan ng tubig
- Ang tangway ay anyo ng lupa na nakausli nang pahaba at napapalibutan ng tubig
- may mga lambak, bundok, bulkan at maliliit na pulo sa rehiyong ito
NCR – (National Capital Region) – isang malawak na kapatagan na sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon, at
industriya
- Pinaliligiran ito ng lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa Silangan, Cavite at Laguna sa timog at Look ng Maynila sa
kanluran
CAR – (Cordillera Administrative Region) – mabundok ang lugar na ito
 Mga Rehiyon sa Kabisayaan
Rehiyon VI – (Kanlurang Visayas) – nasa pagitan ng Dagat Visayas at Dagat Sulu
- malawak ang kapatagan nito na may mga burol at bundok
- sa mga lalawigan nito ay may nadaang mga ilog
Rehiyon VII – ( Gitnang Visayas) – nasa pagitan ng Silangang Visayas at Kanlurang Visayas mabundok at maburol
ngunit may mga bahaging lambak at kapatagan
Rehiyon VIII – (Silangang Visayas) –nakaharap ito sa Karagatang Pasipiko
- maburol ang lalawigan ng Samar samantalang ang pulo ng Leyte aymay bahaging mabundok at may bahagi ring
kapatagan.
 Mga Rehiyon sa Mindanao
Rehiyon IX – (Tangway ng Zamboanga) – nasa timog – anlurang bahagi g Pilipinas
- isang malaking tangway ito at may malawak na kabundukan at kagubatan
Rehiyon X – (Hilagang Mindanao)– iba – iba ang anyo ng lupa dito
- may malawak na kapatagan,talampas, makikitid at malalalim na lambak at mga pulo ito
- Ang talampas ay mataas na anyong lupa ngunit patag ang ibabaw nito
Rehiyon XI- ( Rehiyong Davao) – may bahaging mabundok, may kapatagan at may bulkan 7
Rehiyon XII – (Gitnang Mindanao / SOCCSKSARGEN) –itinuturing na “Kamalig ng Palay” sa Mindanao
- may mga bahaging mabundok, may kapatagan, at may bulkan ang rehiyong ito
CARAGA – matataas angmga lugar dito ngunit may mga lambak at kapatagan ding matatagpuan dito
ARMM – (Autonomous Region in Muslim Mindanao) – may lalawigang pulo at may bahaging mabundok
Aralin 12 – Ang populasyon ng Bawat Rehiyon
Populasyon – ayon sa sosyolohiya ay katipunan ng mga tao
- tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon
Rehiyon Populasyon ( 2010, Milyon)
Luzon
I – Rehiyon ng Ilocos 4.74
II – Lambak ng Cagayan 3. 23
III – Gitnang Luzon 10.14
IV – A - CALABARZON 12.61
IV – B - MIMAROPA 2.73
V – Rehiyong Bicol 5.41
Cordillera Administrative Region 1.52
National Capital Region 11.86
Visayas
VI – Kanlurang Visayas 7. 09
VII – Gitnang Visayas 6. 78
VIII – Silangang Visayas 4.09
Mindanao
IX – Tangway ng Zamboanga 3.40
X – Hilagang Mindanao 4. 28
XI – Rehiyon ng Davao 4.45
XII - SOCCSKSARGEN 4.10
XIII - CARAGA 2.42
Administrative Region in Muslim Mindanao 3.25
 Ang rehiyon ng CALABARZON o Rehiyon IV – A na may sukat na 16 386 kilometro kwadrado ay ang may
painakamalaking bilang ng taong naninirahan. Pangalawa ang National Capital Region na may sukat na 638.55
kilometro kwadrado. Angmay piankamaliit na bilang ng taong naninirahan ay ang CAR na ay sukat na 18 294
kilometro kwadrado at ang pangalawa sa may pinakamaliit at ang CARAGA na may sukat na 21 478 kilometro
kwadrado.
 Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa paglaki ng populasyon ng isang lugar ay ang oportunidad sa
hanapbuhay at edukasyon katulad ng NCR kung saan natagpuan dito ang sentro ng komersiyo ng bansa.
Aralin 13 – Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring Fire
Pacific Ring of Fire – isang lugar o rehiyon kung saa nakalatag ang maraming aktibong bulkan at kung saan nagaganap
ang madalas na paglindol
PHIVOLCS – (Philippine Institute ofVolcanology and Seismology) – ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga
pagkilos ng mga bulkan sa bansa
- ayon dito may humigit kumulang 22 aktibong bulkan sa Pilipinas
MGA IMPLIKASYON NG PAGIGING BAHAGI NG RING FIRE
Positibo Negatibo
Tao o Mamamayan
 Pagiging resilient o mtatatag
Likas na Yaman
 Naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa
agrikultura
Teritoryo
 Nagtataglay ng likas o natural na harang
Tao o Mamamayan
 Banta sa buhay at ari – arian
Likas na Yaman
 Pagkawasak o pagkasira ng kalikasan
Teritoryo
 Kailangang ilikas ang mga taong nakatira malapit
sa bukan tuwing magbabadya ito ng pagsabog.
DRRMC – (Disaster Risk Reduction and Management Council) - nagsaagawa ng mga earthquake drill
 Mga dapat tandaan at gawin sa oras ng lindol:
a. Kung nasa loob ng paaralan o gusali
- Duck, cover and hold
- Manatili rito hanggang matapos ang pagyanig
- Pagkatapos lumabas at pumunta sa ligtas na lugar. Maging kalmado at huwag mag panic.
8
b. Labas ng paaralan o gusali
- Lumayo sa mga puno, linya ng kuryente, poste, o iba pang konkretong estruktura
- Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maaapektuhan ng landslide o pagguho ng lupa
c. Malapit sa tabing dagat
- Lumikas sa mataas na lugar dahil maaaring magkaroon ng tsunami
Tsunami – epekto ng nagaganap na paglindol kun saan madalas na pagtaas ng tubig sa normal na lebel
Tsunami Alert Level Banta sa Pilipinas Rekomendang Gawin
0 May namumuong malakas na
paglindol
1 walang tsunami
2 may tsunami ngunit hindi
makakaabot sa Pilipinas
Hindi kailngang lumikas
1 – Maghanda ( Ready) Malaki ang posibilidad ng banta sa
Pilipinas
Ang mga komunidadmalapit sa tabing
dagat ay kailnagang maging alerto sa
posibleng paglikas
2 – Magmanman (watch/observe) Maaaring maranasan ang bahagyang
unos ng dagat
Maging alerto sa kakaibang taas ng
tubig o alon, Lumayo sa dagat.
3 – Umalis (Go) Mapaminsala ang namumuong
tsunami na makakaapekto sa bansa
Kinakailangan ang madaliang paglikas
Storm Surge–hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo
Sa ganitong pagkakataon kailangang:
- Gumawa ng plano ng paglikas
- Lumikas sa mataas na lugar
- Lumayo sa mga lugar malapit sa tabing dagat
- Tumutok sa radio at telebisyon upang alamin ang mga babala ng bagyo
Aralin 14 – Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag – unlad ng Bansa
Arkipelago – isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo
 Kapakinabangan sa pagiging archipelago ng bansa:
- may malawak na kapatagan kung saan doon matatagpuan ang malalaking taniman ng palay at iba pang produkto
katulad ng tubo at mais; mahahabang bulubundukin na nagsisilbing panangga sa mga bagyong dumrating;
nakabibighaning mga bulubundukin at bulkan na bagaman may panganib ay nagsisilbing pasyalan;
napakagagandang dalampasigan na nagbibigay saya lalo na sa panahon ng tag – init; nakahihikayat na mga ilog,
lawa at talon at malalaki at maliliit nag a pulo
 Kapakinabangan sa pamahalaan dulot ng archipelago:
Turismo – pagbisita ng mga dayuhan sa bansa upang pumasyal at makipagkalakalan
9

More Related Content

What's hot

YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...
YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...
YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...EDITHA HONRADEZ
 
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...EDITHA HONRADEZ
 
Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01
Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01
Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01jenmic
 
Mga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzonMga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzonNeilfieOrit1
 
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12EDITHA HONRADEZ
 
Cot dlp araling panlipunan 6 q2
Cot dlp araling panlipunan 6 q2Cot dlp araling panlipunan 6 q2
Cot dlp araling panlipunan 6 q2IzzaTeric
 
A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2
A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2
A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2Mavict De Leon
 
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4Dumangas Mix Club Dj's
 
Mga Gawaing Pangkabuhayan sa Pilipinas
Mga Gawaing Pangkabuhayan sa PilipinasMga Gawaing Pangkabuhayan sa Pilipinas
Mga Gawaing Pangkabuhayan sa PilipinasRitchenMadura
 
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundoAralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundoLorelynSantonia
 
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: BarangayAng Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangayjetsetter22
 
Yunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan ng gawaing pansibiko
Yunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan   ng gawaing pansibikoYunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan   ng gawaing pansibiko
Yunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan ng gawaing pansibikoEDITHA HONRADEZ
 
Katangiang heograpikal ng pilipinas
Katangiang heograpikal ng pilipinasKatangiang heograpikal ng pilipinas
Katangiang heograpikal ng pilipinasLeonisaRamos1
 
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihanPagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihanaugust delos santos
 
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoKagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoRuth Cabuhan
 

What's hot (20)

YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...
YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...
YUNIT II ARALIN 16 UGNAYAN NG HEOGRAPIYA KULTURA AT KABUHAYAN SA PAGKAKAKILAN...
 
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo  ng Pagkakakil...
ARALING PANLIPUNAN YUNIT II Aralin 15: Ang Kultura at Pagbubuo ng Pagkakakil...
 
Kultura.ap x
Kultura.ap xKultura.ap x
Kultura.ap x
 
Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01
Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01
Aralingpanlipunan 140708120302-phpapp01
 
Mga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzonMga rehiyon sa luzon
Mga rehiyon sa luzon
 
Aralin 4 timog silangang asya
Aralin 4 timog silangang asyaAralin 4 timog silangang asya
Aralin 4 timog silangang asya
 
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12Araling panlipunan yunit ii aralin 12
Araling panlipunan yunit ii aralin 12
 
Cot dlp araling panlipunan 6 q2
Cot dlp araling panlipunan 6 q2Cot dlp araling panlipunan 6 q2
Cot dlp araling panlipunan 6 q2
 
A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2
A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2
A.P 5 Lesson Plan - Aralin 1 & 2
 
Teritoryo
TeritoryoTeritoryo
Teritoryo
 
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4
MGA DISENYO SA KULTURAL NA PAMAYANAN - K-12 Art 4
 
Mga Gawaing Pangkabuhayan sa Pilipinas
Mga Gawaing Pangkabuhayan sa PilipinasMga Gawaing Pangkabuhayan sa Pilipinas
Mga Gawaing Pangkabuhayan sa Pilipinas
 
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundoAralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
Aralin 1 ang kinalalagyan ng pilipinas sa mundo
 
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: BarangayAng Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
Ang Pamahalaan ng Sinaunang Lipunang Pilipino: Barangay
 
Yunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan ng gawaing pansibiko
Yunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan   ng gawaing pansibikoYunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan   ng gawaing pansibiko
Yunit iv aralin 5 kahulugan at kahalagahan ng gawaing pansibiko
 
Katangiang heograpikal ng pilipinas
Katangiang heograpikal ng pilipinasKatangiang heograpikal ng pilipinas
Katangiang heograpikal ng pilipinas
 
Mga anyong lupa
Mga anyong lupaMga anyong lupa
Mga anyong lupa
 
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihanPagbabago sa katayuan ng kababaihan
Pagbabago sa katayuan ng kababaihan
 
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipinoKagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
Kagawiang panlipunan ng sinaunang pilipino
 
Pagkakaroon ng Pangarap
Pagkakaroon ng PangarapPagkakaroon ng Pangarap
Pagkakaroon ng Pangarap
 

Viewers also liked

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Unit Plan II - Grade Six
Unit Plan II - Grade Six Unit Plan II - Grade Six
Unit Plan II - Grade Six Mavict De Leon
 
Teorya ng pinagmulan ng pilipinas
Teorya ng pinagmulan ng pilipinasTeorya ng pinagmulan ng pilipinas
Teorya ng pinagmulan ng pilipinasJared Ram Juezan
 
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng KulturaSagisag ng Kultura
Sagisag ng KulturaKermit Agbas
 
Grade 4 mtap reviewer
Grade 4 mtap reviewerGrade 4 mtap reviewer
Grade 4 mtap reviewerEclud Sugar
 
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITLiGhT ArOhL
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
 
K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)LiGhT ArOhL
 

Viewers also liked (13)

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN (Q1-Q4)
 
Unit 2 hekasi
Unit 2 hekasiUnit 2 hekasi
Unit 2 hekasi
 
Unit Plan II - Grade Six
Unit Plan II - Grade Six Unit Plan II - Grade Six
Unit Plan II - Grade Six
 
Teorya ng pinagmulan ng pilipinas
Teorya ng pinagmulan ng pilipinasTeorya ng pinagmulan ng pilipinas
Teorya ng pinagmulan ng pilipinas
 
Sagisag ng Kultura
Sagisag ng KulturaSagisag ng Kultura
Sagisag ng Kultura
 
Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1Gr.3 science tagalog q1
Gr.3 science tagalog q1
 
Grade 4 mtap reviewer
Grade 4 mtap reviewerGrade 4 mtap reviewer
Grade 4 mtap reviewer
 
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITK TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
K TO 12 GRADE 4 UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
 
Q3 epp agri v2
Q3 epp agri v2Q3 epp agri v2
Q3 epp agri v2
 
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 3 LEARNER’S MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
 
Grade 4 science quiz bee
Grade 4 science quiz beeGrade 4 science quiz bee
Grade 4 science quiz bee
 
K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)
K to 12 Grade 3 DLL MOTHER TONGUE BASED (Q1 – Q4)
 
Ekonomiks
EkonomiksEkonomiks
Ekonomiks
 

Similar to Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14

Pilipinas bilang bansang tropikal
Pilipinas bilang bansang tropikalPilipinas bilang bansang tropikal
Pilipinas bilang bansang tropikalBilly Rey Rillon
 
L2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptx
L2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptxL2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptx
L2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptxCHRISCONFORTE
 
Ang sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinasAng sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinasAlice Bernardo
 
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahiModyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi南 睿
 
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptxAP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptxErvinCalma
 
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptxAP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptxTonyAnneb
 
ARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENT
ARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENTARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENT
ARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENTavigail guevarra
 
Hangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinas
Hangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinasHangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinas
Hangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinasAlice Bernardo
 
aralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdf
aralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdfaralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdf
aralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdfDebbie Rizza Daroy
 
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng PilipinasAng Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng PilipinasMavict De Leon
 
ARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptx
ARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptxARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptx
ARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptxAngelaSantiago22
 
AP-Q1-DAY-1.pptx
AP-Q1-DAY-1.pptxAP-Q1-DAY-1.pptx
AP-Q1-DAY-1.pptxivanabando1
 

Similar to Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14 (20)

Pilipinas bilang bansang tropikal
Pilipinas bilang bansang tropikalPilipinas bilang bansang tropikal
Pilipinas bilang bansang tropikal
 
L2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptx
L2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptxL2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptx
L2 S1 Pilipinas, Isang Bansang Tropikal.pptx
 
Ang sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinasAng sukat ng pilipinas
Ang sukat ng pilipinas
 
AP. 5 Aralin 2.pptx
AP. 5 Aralin 2.pptxAP. 5 Aralin 2.pptx
AP. 5 Aralin 2.pptx
 
Course 1
Course 1Course 1
Course 1
 
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahiModyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
Modyul 2 pilipinas lupain ng ating lahi
 
Heograpiya ng daigdig
Heograpiya ng daigdigHeograpiya ng daigdig
Heograpiya ng daigdig
 
AP 4 Week 4.pptx
AP 4 Week 4.pptxAP 4 Week 4.pptx
AP 4 Week 4.pptx
 
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptxAP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
 
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptxAP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
AP Q1 W1 Day1 ANG KINALALAGYAN NG AKING BANSA.pptx
 
Aralin panlipunan i
Aralin panlipunan iAralin panlipunan i
Aralin panlipunan i
 
Q1W3.pptx
Q1W3.pptxQ1W3.pptx
Q1W3.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENT
ARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENTARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENT
ARALING PANLIPUNAN 5 FIRST QUARTER CONTENT
 
Hangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinas
Hangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinasHangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinas
Hangganan at lawak ng teritoryo ng pilipinas
 
aralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdf
aralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdfaralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdf
aralin5-anghanggananatlawakngteritoryongpilipinas-150625041804-lva1-app6892.pdf
 
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng PilipinasAng Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
Ang Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas
 
ARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptx
ARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptxARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptx
ARALIN 2 - KLIMA NG PILIPINAS - WEEK 2-3.pptx
 
AP-Q1-DAY-1.pptx
AP-Q1-DAY-1.pptxAP-Q1-DAY-1.pptx
AP-Q1-DAY-1.pptx
 
AP6 -IM-Modyul1.pptx
AP6 -IM-Modyul1.pptxAP6 -IM-Modyul1.pptx
AP6 -IM-Modyul1.pptx
 
AP7- week 3 Unang Markahan
AP7- week 3 Unang MarkahanAP7- week 3 Unang Markahan
AP7- week 3 Unang Markahan
 

Lecture reviewer in ap4 aralin 1 -14

  • 1. Lecture Reviewer in Araling Panlipunan 4 Unit 1 Aralin 1 – Ang Pilipinas ay Isang Bansa 1. Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.  4 na Elemento ng Bansa: A. Tao –tumutukoy sa grupong naninirahan sa loob ng isang teritoryo na bumubuo ng populasyon ng bansa. B. Teritoryo – tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitiraha ng tao at pinamumunuan ng pamahalaan. C. Pamahalaan – isang samahan o organisayong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong lipunan. D. Soberanya o ganap na kalayaan – tumutkoy sa kapangyarihan ng pamahalaang mamahala sa kanyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga programa nang hindi pinakikialman ng ibang bansa.  2 uri ng soberanya: A. Panloob – pangangalaga ng sariling kalayaan B. Panlabas – pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito Aralin 2 – Kinalalagyan ng Pilipinas Globo – representasyon o modelo ng mundo na may imaginary lines na nakatutulong sa paghanap ng lokasyon ng isang lugar. Guhit latitud – guhit na pahalang / pahiga sag lobo mula sa ekwador Ekwador –guhit pahalang sa gitna ng globo na naghahati sa hilaga at timog na bahagi ng mundo Guhit longhitud – guhit na patayo sag lobo mula sa International dateline  7 kontinente o lupain sa mundo: a. North Amerika o Hilagang Amerika – 16 % b. South Amerika o Timog Amerika – 12 % c. Antartika – 10 % d. Europe o Europa – 7 % e. Australia – 6 % f. Aprika – 20 % g. Asya – pianakamalaking kontinente sa mundo na may bahaging 31% ng lupain sa mundo - Dito matatagpuan ang Pilipinasnapangalawa sa pinakamalaking bansa sa Asya, nangunguna dito ang China. Pilipinas –matatagpuan sa Timog – Silangang Asya sag awing itaas ng Ekwador. Tinagurian itong Pintuan ng Asya dahil sa kinalalgyan ng nito sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya. - Nasa pagitan ito ng 4 – 21 hilagang latitud at 116 – 127 silangang longhitud.  Mga katabing bansa at karagatan nito gamit ang pangunahing direskyon: Pangunahing Direksyon Anyong Lupa/Bansa Anyong Tubig Hilaga Taiwan Bashi Channel Silangan Karagatang Pasipiko Timog Brunei, Indonesia Dagat Celebes Kanluran Vietnam Dagat Kanluran  Mga katabing bansa at karagatan gamit ang pangalawang direksyon: Pangalawang Direksyon Anyong Lupa Anyong Tubig Hilagang – Silangan Dagat Pilipinas Timog – Silangan Isla ng Palau Hilagang – Kanluran Isla ng Parcel Timog – Kanluran Borneo Aralin 3 – Teritoryo ng Pilipinas Teritoryo – tumutukoy sa sukat ng lupaing sakop ng isang lugar kasama dito ang katubigan na nakapaloob at nakapaligid sa kalupaan Batay saArtikulo ng 1 ng Saligang Batasng 1987ang Pilipinas ay binubuo ng kapuluan ng Pilipnas. Pilipinas – binubuo ng mahigit sa 7 100 mga pulo. Ang lawak nito ay uamaabot 300 000 kilometro kwadrado. May 1 851 km ang lawak mula sa hilaga patimog at umaabot naman sa 1 107 km ang lawak nito mula sa kanluran pasilangan.  Gamit ang Mapa ang Pilipinas ay:
  • 2. - bahagi ng kontinente ng Asya at nabibilang sa mga bansa sa rehiyong Timog – silangang Asya - isang kapuluang napapalibutan ng mga anyong tubig - bahagi ng karagatng Pasipiko - malapit lamang sa malaking kalupaan ng bansang China - malayo sa mga bansang nasa kontinente ng United States of America at Europe Tandaan:  Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog – silangang Asya. Napapaligiran ito ng Bashi Channel sa hilaga, Karagatang Pasipiko sa silangan, Dagat Celebes sa Timog at Dagat Kanlurang Pilipinas sa kanluran.  Humigit kumulang sa 1000 kilometro ang layo ng Pilipinas mula sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapligiran ito ng Taiwan, China at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos, Cambodia at Thailand sa kanluran at Indonesia sa timog.  Ang lawak ng bansa ay umaabot sa 300 000 kilometro kwadrado. May 1851 kilometro ang haba nito mulasa hilaga patimog, at umaabot naman sa 1107 kilometro ang lawak mula a kanluran pasilangan. Aralin 4 – Ang Pilipinas ay Bansang Tropikal Klima – tumutukoy sa pangkalahatang kalgayan ng panahon sa isang lugar na may kinalaman sa atmospera - hanging nakapligid sa mundo, tempearatura - ang sukat ng init o lamig sa paligid, at iba pang nakakaapekto sa pamumuhay ng mga nilalang dito.  Mga bagay na may kinalaman o nakakaapekto sa klima ng isang lugar: - lokasyon - topograpiya – paglalarawan ng katangian ng isang lugar - hangin - katubigan  Nagkakaiba – iba ang klima sa iba’t-ibang lugar dahil sa pag ikot ng daigdig sa isang araw at pag- inog sa sariling aksis. May mga baagi ng mundo na direktang nasisinagan ng araw at may maga bahagi rin na hindi direktang nasisinagan ng araw. Panahon – tumutkoy sa kalagayan ng kapaligiran, halimbawa tag – init at tag – lamig  Mga linyang latitude na nakakaapekto rin sa uri ng klima: - Tropiko ng kanser at Tropiko ng Kaprikorn – tinatawag na Mababang Latitud o Rehiyong Tropikal - Nakakaranas ang mga naninirahan dito ng higit na init ng at sikat ng araw. - Ang klimang tropical ay maari ding mahalumigmig,basa at tuyo. - Gitnang Latitud o Rehiyong Temperate – bahaging nasa pagitan ng Kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser at pagitan ng Kabilugang Antarktiko at Tropiko ng Kaprikorn. - Nararansan sa bahaging ito ang panahon ng tag – sibol, taglagas at taglamig dahil sa pahilis na sikat ng araw dito. - Polong Hilaga at Polong Timog – hindi direktang nasisikatan ng araw - tinatawag itong Rehiyong Polar dahil napapligiran ng makakapal na yelo na hindi natutunaw dahil kaunting sikat ng araw lamang ang nakakarating dito. Nararamdaman ang lamig sa buong taon.  Amg Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitude kaya’t tropikal ang klimang mararanasan dito. Direktang nakakatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at maalinsangan ang klima rito. Ganun pa man nakakaramdam din ng malamig na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat Kanlurang Pilipinas at Karagatang Pasipiko. Aralin 5 – Mga Salik na May Kinalaman sa Klima ng Bansa  Salik na may kinalaman sa klima ng bansa: A. Temperatura – tumutukoy sa nararanasang init o lamig ng isang lugar - May katamtamang klima ang Pilipinas sapagkat nararanasan sa bansa ang hindi gaanong init at lamig. Karaniwang umaabot sa 31̊ C ang pinakamataas na temperature at hindi bumababa sa 23 ̊ C ang pinakamababang temperature. Ngunit dahil sa climate change ,nalalagpasan ang pinakamataas na temperature mula 37 ̊ C hanggang 40 ̊ C kung panahon ng tag – araw sa bansa. Naitala ito saTuguegarao. Ang pinakamababang nagging temperature ay umabot ng 6.8 ̊ C hanggang 7.5̊ C na naranasan ng mga taga Atok, Benguet sa buwan ng taglamig sa ng bansa. Climate change – hindi pangkaraniwang pangyayare sa kalikasan. Ito ay pinaniniwalaang sanhi ng mga gawain ng tao na maaaring makapagpabago sa komposisyon ng atmospera.  Nagkakaiba ang tindi ng init at lamig sa bansa dahil sa lokasyon o altitud ng mga lugar dito.Kapag mataas ang altitud ng isang lugar ay mas malamig dito at kapag mas mababa naman ang altitude ay mas mainit dito. Enero – nakakaranas ng laig sa Pilipinas dahil sa hanging nagmumula sa hilagang – silangan ng Siberia na panahon na natutunaw ang niyebe sa lugar.
  • 3. Hanging Monsoon – direksyon ng ihip ng hangin mula sa mainit papunta sa malamig na lugar o mula sa malamig papunta sa mainit na lugar  2 uri ng hanging monsoon: a. hanging amihan – malamig na hangin mula sa hilagang – silangan b. hanging habagat – mainit na hangin buhat sa timog - kanluran B. Dami ng Ulan - Nakabatay sa dami ng ulan na tinatanggap ng isang bansa / lugar ang klima dito  4 na uri ng Klima sa bansa: a. Unang Uri – mula Hunyo hanggang Nobyembre ay tag – ulan at mula Disyembre hanggang Mayo ay tag – araw. - Kabilang sa mga lugar na nakakaranas ng ganitong uri ay Negros,Aklan, Antique, Ilo-ilo at Capiz sa kabisayaan. b. Ikalawang Uri – Mula Disyembre hanggang Pebrero nakakaranas ng pinakamalakas na pag-ulan - Kabilang sa mga lugar na nakakaranas nito ay ang nasa silangang bahagi ng Luzon – Albay, Camarines Norte at Camarines Sur, Catanduanes at Quezon; malaking bahagi ng Silangang Leyte at Samar sa kabisayaan, at mga lalawigan sag awing silangan ng Mindanao. Malapit ang mga ito sa baybayin. c. Ikatlong Uri –Nakakaranas ng maulan at maikling panahon ng tag – araw ang mga lalawigang kabilang dito. - Nararanasan ang ganitong uri ng klima sa Romblon, Masbate,Silangang bahagi ng mga Lalawigang Bulubundukin, Katimugang Quezon, Kanlurang bahagi ng Cagayan at Silangang Palawan. Mga lalawigan ng Panay,Cebu at Negros Oriental sa kabisayaan at mga lalawigan sa hilaga ng Mindanao. d. Ikaapat na Uri – pantay pantay na dami ng pagkakabahagi ng ulan sa buong taon - Nakakaranas ng ganitong uri ng panahon sa mga lalawigang nasa hilagang – silangang Luzon, timog kanlurang bahagi ng Camarines Sur, silangang bahagi ng Mindoro, Tangway ng Bontoc, Albay, Marinduque at Batanes,Bohol, kanlurang Leyte at hilagang Cebu sa kabisayaan at mga lalawigan nasa Silangan at Katimugang Mindanao.  Mga Babala ng Bagyo: PAGASA – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration - Gumagamit ito ng mga babala upang ipaabot sa mga mamamayan kung gaano kalakas o kahina ang datig ng hanging dulot nito. - A. Babala Bilang 1 – ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa loob ng 36 na oras B. Babala Bilang 2 –ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa loob ng 24 oras C. Babala Bilang 3 – ang builis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras D. Babala Bilang 4 – ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bawat oras sa loob ng 12 oras Aralin 6 – Ang Kinalaman ng Klima sa mga Uri ng Pananim at Hayop sa Pilipinas Palay – pangunahing pananim sa bansa - tumutubo sa mga lupang di gaanong malagkit at maputik at nakakatulong pa sa paglaki nito ang maulan at mainit na klima sa bansa  Mainam naman sa pagtatanim ng niyog ang klimang hindi bababa sa 21̊ C at hindi tataas sa 32 ̊ C. Makikita ang mga niyogan sa Bicol, Laguna, at Quezon. Sa Mindanao nasaZamboanga del Sur at Davao ang pinakamalaking niyugan.  Hindi dapat bababa sa 30 ̊ C ang temperature upang matiyak naman ang paglaki ng ng tubo. Angkop ito sa Negros Occidental at Lambak ng Koronadal ganun din sa Pampanga at Tarlac.  Makikita ang masaganang taniman at ani ng maissa Davao,Coatabato at Cebu.  Katamtamang tubig at kailangang matabang lupa naman ang kailangan ng abaka at nakakubli dapat sa hangin dahil mababaw lamang ang ugat nito. Karamihan sa pananim na ito ay matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa mga lalawigan ng Sorsogon, Catanduanes,Albay, Camarines Norte at Camarines Sur. Sa kabisayaan naman ay sa Leyte at Samar. Sa Mindanao naman ay sa Davao,Coatabato, Bukidnon at Surigao. Mga Punong Kahoy – mamasa masa at makapalna lupa ang kailangan upang mabuhay ang mga ito sa bansa - Makikita ang mga malalaking kakahuyan sa bansa sa Palawan,Quezon at lalawigang Bulubundukin sa Luzon at sa Lanao, Agusan, at Bukidnon sa Mindanao. - Mayapis, yakal, apitong at lauan ang bumubuo ng 75 bahagdan ng puno sa makakapal na gubat sa bansa. Umaabot sa 200 talampakan ang laki ng mga nasabing puno. - Molave – makikita rin sa kagubatan - Pawid, baging at bakawan – karaniwang nabubuhay sa latian at bunganga ng ilog - Palmera,agoho at talisay – karaniwang makikitang tumutubo sa mga baybay – dagat 3
  • 4. Iba Pang Mga Halaman – makikita sa mga kagubatan ng Mindanao ang pinakmagaganda at pinakamalaking orkidyas – angwaling- waling. Ang sanggumay, Vanda inginis at dendrobium ay laganap sa buong bansa. - Ang gumamela, morning glory, santan, lantana, chichirica, rosal, sampagita, sunflower, bougainvillae, lily at daisy ay mga halamang hindi kalat. Namimili sila ng lugar at klima. Mga Hayop sa Bansa: Tamaraw – sa Mindoro lamang makikita. Mas maikli ang sungay nito kaysa sa kalabaw. May kalakihan ang itaas ng mukha nito at may kalakihan ang kanyang tainga. Pilandok 0 Mouse Deer – matatagpuan ito sa isla ng Balabac sa Palawan. Katulad ng daga ang mukha nito at baboy ang mga paa nito. Mamag o Tarsier – ipnagmamalaki ng ga taga Bohol. Makikita lamang samadidilim na kagubatan. Malaki at bilugan ang mga mata nito na ginagamit nila sa tuwing gumagala sa kadiliman ng gabi. Maliliit a hayop sa kagubatan ang kanilang kinakain. Namamalagi sila sa mga butas ng punong kahoy bilang kanilang tirahan. Mga Natatanging Ibon – natatangi ang mga ibon sa bansa dahil sa tropical na klima nito. - Umaabot sa 325 ang bilang ng ibong namumugad sa bansa 3 Pinakatatanging ibon sa Pilipinas: a. Pigeon Luzon Heart - halaw ang pangalan nito sa kulay pulang balahibo sa gitnang – gitnang dibdib nito bilang piankamagandang bahagi. Ito ay may mahabang binti at ang buntot nito ay maiksi. Kaunti lamang ang laki nito sa pangaraniwang kalapati. Matatagpuan ito sa Polilio Island sag awing hilaga ng Quezon. b. Kalaw – makikita sa lalawigan ng Marinduque, Basilan, Leyte at Samar. Mula 36 – 38 sentimetro ang laki nito at may pulang tuka. Mahilig kumain ng pili ang kalaw. c. Philippine Eagle – tinaguriang hari ng mga ibon sa bnsa. Kilala ito sa tawag na Haribon. Ito ay may malaking tuka, pinagsamang kulay abo at tsokolate ang katawan at kulay asul na mga mata. May kalakihan ang agila na umaabot ng tatlong talampakan hanggang isang metro. Ang leeg at tiyan nito ay mamuti- muti. Makikita ito sa kagubatan sa Mindanao at kabundukan ng Sierra Madre. Unggoy ang karaniwang pagkain ng agila. Kumakain din ito ng musang – mabangis na uri ng pusa; tapilac – isang uri ng squirrel na lumilipad at caguang – kapamilya ng unggoy na lumilipad. Iba pang mga hayop: Cobra – pinakamakamandag na ahas Isda–mahigit kumulang sa 2000 uri ang makikita sa Pilipinas - Pandaka pygmaea o tabios – pinakamliit na isada sa buong mundo - Sagana ang bansa sa bangus , tilapia, lapu – lapu, tanigue, talakitok at maya – maya. Mayroon ding butanding at dugong sa karagatn ng Pilipinas. Estaurine- sinasabing pinakamapanganib at pinakamalaki sa hanay ng mga buwaya sa bansa. Aralin 7 – Ang Pilipinas Bilang isang Bansang Insular Maritime o Insular - tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa Napapaligiran ang Pilipinas ng mga karagatan at katubigan. Y’ami – ang pinakadulong pulo ng bansa sag awing hilaga Saluag – pinakadulong pulo sag awing timog ng bansa  Kapakinabangan ng pagiging insular ng bansa: - akmang – akma ang mga baybaying – dagat sa pagpapatayo ng Tanggulang Pambansa - Nakapagpapatayo ng maraming daungan na nagsisilbing daanan ng mga sasakyang pandagat na nagdadala ng mga pasahero at mga kalakal mula sa loob at labas ng bansa - Nakakakuha ng yamang dagat na nakakatulong sa pamumuhay ng mamamayan. Aralin 8 – Mga Pangunahing Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Bansa  Mga Pangunahing Anyong Lupa Kapatagan - malawak na lupain na patag at mababa - angkop dito ang pagtatanim ng gulay, mais, at palay - maraming tao ang nainirahan dito - kilalang kaptagan ang Gitnang Kapatagan ng Luzon Bundok–pinakamataas na anyong lupa - Pinakmataas na bundok sa Pilipinas ang Bundok Apo na matatagpuan sa Ilomavis, Lungsod ng Kidapawan sa Hilagang Cotabato - Ang pinakamhabang hanay ng bundok ay ang Sierra Madre na matatagpuan sa Gitnang Luzon na umaabot sa Timog Luzon. Nasasakop nito ang mga lalawigan ng Cagayan, Isabela,Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at Quezon. Ang pinakamtataas na tuktok na nararating dito ay may taas na 2000 mula sa pantay dagat. - Matatagpuna din sa Gitnang Luzon ang Bundok Arayat sa Pampanga,Bundok Caraballo at Bundok Cordillera. - May mga bundok din sa katimugang bahagi ng Bataan kabilang ang Bundok Samat, Bundok Mariveles at Bundok Natib. 4
  • 5. - Matatagpuan naman sa Nueva Vizcaya ang Bundok Pulag na pinakamataas sa Luzon at pangalawa sa pinakamataas sa buong bansa. - Sa Negros makikita ang Bundok Silay at Bundok Mandalangan. Sa Mindanao naman naroon ang Bundok Diwata. Burol – isang mataas na anyong lupa ngunit mas mababa sa bundok. Pabilog ang hugis ng itaas nito.Madaling makapagpalago ng damo dito kaya mainam mag – alaga ng hayop. - Pinakatanyag na burol sa bansa ay ang Chocolate Hills na matatagpuan sa Carmen Bohol. - Mayroon ding mga burol sa Rizal, Batangas,Samar,Leyte at sa Gitnang Luzon. Talampas – mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw. - Ang pinakatanyag na talampas sa bansa ay ang Lungsod ng Baguio sa Benguet na matatagpuan sag awing hilaga ng Luzon. - Mayroon ding talampas sa Lanao at Bukidnon sa Mindanao. Bulkan – ito ay katulad ng bundok ngunit sa tuktok ay may bungaga ito - Ang Bulkang Mayon ang pinakatanyag na bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa sa Albay sa Rehiyon ng Bicol. Ito ay halos may perpektong kono. - Sa Zambales naman matatagpuan ang Bulkang Pinatubo na may taas na 1790 metro. Itinuring na patay na bulkan ngunit nagging aktibo at pumutok noong 1991. - Sa Batngas matatagpuan ang Bulkang Taalna napapaligiran ng lawa at pinakamaliit na bulkna sa Pilipinas. Lambak – patag na lupa sa pagitan ng bundok - ang halimbawa nito ay ang Lambak ng Cagayan sa Hilagang Luzon na binubuo ng lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino. - Ito ay nasa pagitan ng Bundok Siera Madre sa baybay ng KAragatang Pasipiko at Bundok Cordillera sa kanluran. - Ang Lambak ng Cotabato ang tinaguriang Palabigasan ng Mindanao. - Ang Lambak ng La Trinidad naman sa Benguet ang tanyag na taniman ng gulay. - Ang Lambak ng Koronadal naman ang mainam sa pagtatanim ng tubo at bulak dahil sa magaspang na pasigan Ang lupa rito.  Mga Pangunahing Anyong Tubig Karagatn – pinakamalalim, pinakmalawak at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig - maalat ang tubig dito - Ang Karagatang Pasipiko ang daanan ng malalaking barko Dagat – bahagi ng karagatan , maalat din ang tubig dito - Ang Dagat Sulu ay makikita sa pagitan ng Palawan at Mindoro at pinakamalaking dagat sa loob ng kapuluan. Look – isang bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin - Ang look ng Maynila ang itinuturing na pinakamahusay na daungan sa Dulong Silangan. Dito dumadaong ang mga barkong pampasahero at pangkargamento o mga produkto na galing sa iba’t ibang bansa. Golpo - tulad ng look na halos naliligiran din ng lupa - bahagi rin ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng Dagat - Ang Golpo ng Lingayen sa Pangasinan, Golpo ng Albay at Golpo ng Ragay sa pagitan ng Quezon at Camarines Sur ang mga halimbawa ng Golpo sa Luzon; Sa Silangang Bisaya naman ang Golpo ng Leyte at sa Davao makikita ang Golpo n Sibuneg Tsanel – nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig na kalimitang dinaraanan ng barko. Ito rin ay malalim na anyong tubig na bahgai ng isang kanal o ilog. Isang halimbawa nito ay ang Bashi Channel sa HIlaga Kipot – isang makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang malalaking anyong tubig ng bansa - Ang tulay ng San Juanico o San Juanico Bridge ay nasa ibabaw ng Kipot ng San Juanico na nasa pagitan ng Samar at Leyte ang itinuturing na pinakmahabang tulay sa buong Asya. - Ang mga Kipot na matatagpuan sa Pilipinas ay ay Kipot ng San Bernardo sa pagitan ng Sorsogon at Hilagang Samar; Kipot ng Iloilo sa pagitan ng Pulo ng Guimaras; Kipot ng Biliran sa pagitan ng Pulo ng Biliran at Leyte; Kipot ng Basilan sa pagitan ng Zamboanga at Pulo ng Basilan at Kipot ng Sarangganina nasa pagitan ng dulong katimugan ng Davao del Sur at mga Pulo ng Saranggani Ilog – mahaba at paliko – likong anyong tubig na tumutuloy sa dagat - May 132 na ilog sa bansa,ang pinakamahaba ay ang Ilog Cagayanat ang pinakamalaki ay ang Rio Grande de Mindanao. - Ang Ilog Pasig ang itinuturing ng pinakamakasaysayan sapagkat ito ang ginamit na daanan noon ng mga negosyante mula sa mga katabing bansa sa Asya upang magdala ng mga kargamento sa loob at labas ng Maynila. - Ginagamit ang tubig sa ilog na gamit sa bahay at inumin - Ginagamit ang ilog sa paghahatid ng mga tao at kalakal sa mga karatig pulo ng bansa - Ginagamit din ito sa pakikipagkalakalan at pakikipag – ugnayan Lawa – anyong tubig na halos napapaligiran ng lupa - may hunigit kumulang sa 59 na lawa sa ating bansa - Ang anim na pinakmalalaking lawa sa bansa ay ang Laguna de Bay sa Laguna; Lawa ng Lanao sa Lanao Del Sur; Lawa ng Taal sa Batangas ;Lawa ng Mainit sa Surigao Del Norte; Lawa ng Naujan sa Oriental Mindoro at Lawa ng Biliran sa Sultan Kudarat. Talon – tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok. - Pinakatanyag sa Pilipinas ang Talon ng Pagsanjansa Laguna 5
  • 6. - Ipinagmamalakai rin ang Talon ng Maria Cristinasa Lungsod ng Iligandahil sa narito ang hydroelektriko na nagtutustos ng lakas elektrisidad sa maraming Industriya sa Lungsod. Bukal – anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang tubig na nagmumula dito ay mainit at mayaman sa mineral - Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog na bukal sa Laguna - Sa Albay natuklasan ang mainit na singaw na naggagaling sa hot spring at maaaring pagkunan ng lakas geothermal na makatustos ng elektrisisdad sa Bicol. Aralin 9 – Mga Pangunahing Likas na Yaman ng Bansa  Yamang Lupa - Mula sa lupa nakakapagtanim at nakakapag – ani ng mga gulay at prutas - Nagsisilbi itong tirahan ng mga hayop at at ang mga kagubatan ang nagsisilbing tirahan ng ibang mababangis na hayop - Pangalawa ang Pilipinas sa pagluluwas ng Pinya na ang malalaking taniman ay nasa Cotabato at Minadanao  Yamang Mineral - mahalgang sangkap sa paggawa na kailangan ng mga pabrika at industriya. - nakukuha ang mga ito sa ilalim ng lupa - Halimbawa ng mga mineral na metal ay ginto, bakal at tanso. Ang halimbawa naman ng mga mineral na di – metal ay marmot, langis, petrolyo at geothermal na pinagkukunan ng eletrisidad. - Ang Pilipinas ay panglima sa may pinakamayamang deposito ng nickel sa buong daigdig.  Yamang Tubig - Ginagawang pangisdaan, pinagkukunan ng inumin, paliguan, daan ngmga sasakyang pantubig, planta sa pagpoproseso ng ilang industriya at pinagkukunan ng enerhiya. Aralin 10 – Magagandang Tanawin at Pook Pasyalan Bilang Yamang Likas ng Bansa  Nangunguna ang Puerto Princesa Subterranean River National Park na makikita sa Palawan - Ang Subterranean River o Underground River ay isang mahabang ilog sa ilalim ng Yungib na may mga batong mineral. Bernard Weber – pangulo ng Seven Wonders of Nature ay namangha ng Makita niya ang underground river sa kauna – unahang pagkakataon.  Mga Pook Pasyalan sa Mindanao: Talon ng Maria Cristina – matatagpuan sa Lungsod ng Iligansa Lanao Del Norte na isa sa pinakmataas na talon sa bansa - Mula sa IlogAgus ang talon na ito ay may taas na 320 talampakan. Ang lakas nito ang nagtutustos ng kuryente sa malakaing bahagi ng lungsod. Vinta – isang tradisyonal na Bangka na matatagpuan sa baybayin ng Zamboanga - Makukuay ang banderitas nito na sumusimbolo sa makulay at mayamang kultura at kasaysayan ng mga naninirahan dito Bundok Apo – pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng lalawigan ng Davao at Hilagang Cotabato Ito ang tahanan ng ibong agila o Philippine monkey – eating – eagle. Tinatawag din itong haribon - ito ay may taas na 2 926.82 kilometro - Itinatag ng pamahalaan ang Philippine Eagle National Center sa Malagos, Davao upang dito kupkopin at paramihin ang mga agila. Rizal Shrine – dating tirahan ng bayaning si Jose Rizal sa Lungsod ng Dapitan, Zamboanga Del Norte. Makikita rito ang mga punong itinanim ni Rizal noong naninirahan siya rito.  Mga Pook Pasyalan sa Kabisayaan: Boracay Beach – matatagpuan sa lalawigan ng Aklan ay tinatayang may habang pitong kilometro at hugis buto ng aso ang kaanyuan. Pinong – pino at mapuputi ang buhangin dito kaya maraming Pilipino at dayuhang turista ang nagpupunta anu mang buwan ng taon. Chocolate Hills – tumpok – timpok na mga burol na matatagpuan sa Carmen, Bohol. Kapag tag – ulan, kulay luntian ang halaman sa mga burol at kapag panahon ng tag araw,kulay tsokolate ang mga ito. Tarsier – pinakamaliit na unggoy na matatagpuan din sa Bohol San Juanico Bridge – pinakmahabang tulay na nagdurugtong sa Samar at Leyte. Mabilis ang paglalakbay ng mga tao at pagdadala ng mga produkto sa pamamagitan nito. Cebu- dito matatagpuan ang Krus ni Magellan at iba pang pananda ng kasaysayan - Narito din ang Sto. Nino Shrine na dinarayo di lamang ng mga turista kundi maging ng mga relihiyoso tuwing kapisathan kapag Enero.  Mga Pook Pasyalan sa Luzon: Hagdan – hagdan Palayan – matatagpuan sa Banaue, Ifugao - Itinanghal ito ng UNESCO bilang World Heritage Site dahil sa kamangha manghang pagkakagawa nito na hinubog ng mga Ifugao. Isa itong patunay ng sipag at tyaga ng mga Pilipino. Vigan – kabilang din samga natatanging pook o World Heritage Site na iginawad ng UNESCO. 6
  • 7. Bangui Windmills – kauna – unahang wind mills sa Pilipinas na matatagpuan sa Bnagui, Ilocos Norte - Nakaharap sa dagat ang malalaking elisi nito na pinagkukunan ng lakas enerhiya mula sa hangin. Hundred Islands – matatagpuan sa Alaminos, Pangasinan - Ito ay tumpok tumpok na mga pulo na nagkalat sa Golpo Lingayen. Tatlo sa mga pulo ang ginawang atraksyon sa mga turista – Governor’s Island, Quezon Island at Children’s Island. Bulkang Mayon – pinakamagandang bulkan dahil sa halos perpekto nitong kono - Pinakaaktibo itong bulkan na matatagpuan saAlbay rehiyon ng Bicol. Hinano ang pangalan nito sa isang alamat ng Bicol na Daragang Magayon na ibig sabihin ay “magandang dalaga”. Bulkang Taal – nasa gitna ng Lawa ng Taalsa Batangas Aralin 11 – Ang Topograpiya ng Iba’t – ibang Rehiyon sa Bansa  Ang Pilipinas ay may bako – bakong lupa at paliko likong baybayin. Napakahaba ng baybayin kaya naman maraming lugar na naaangkop pangisdaan. Topograpiya –tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang lugar Rehiyon – isang subdibisyong pampangasiwaan sa bansa - Hinati sa rehiyon ang bansa bilang pagsunod sa Atas ng Pangulo Blg 773 - Ang paghahati ay batay sa pagkakatulad ng pisikal na kapaligirano yaong magkakalapit ang kinaroroonan; pagkakaisa ng kultura, o pagkakapareho ng wika, pagkain, paniniwala at tradisyon at sa pinagkukunang – yaman at kabuhayan o pagkakaugnay ng mga produkto p hanapbuhay. - Nahahatisa 17 rehiyon ang ating bansa.  Mga Rehiyon sa Luzon Rehiyon I – (Ilocos) – nasa hilagang – kanluran ng Luzon, baybayin ng Dagat Kanlurang Pilipinas at Kanluran ng Bulubundukin ng Cordillera - Ang mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur at La Union ay sagana sa maraming bundok ngunit makitid ang mga kapatagan. Tanging pangasinan ang may malawak na kapatagan. - Ang Golpo ng Lingayen na tanyag na anyong tubig sa rehiyon ay may maliliit na pulo kabilang dito ang Hundred Islands Rehiyon II – ( Lambak ng Cagayan) – nasa Hilagang Silangang Luzon na napaplibutan ng mga bulubundukin ng Sierra madre sa Silangan, Bulubundukin ng Coedillera sa kanluran at Bulubundukin ng Caraballo sa Timog. - Ang rehiyon at binubuo ng lambak, burol, bundok at baybayin - Binabagtas ng Ilog Cagayan - ang pinakamahabang ilog sa bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong kipot ng Luzon sa hilaga - Ang lambak ay isang mahaba at mababang anyong lupa na nasa pagitan ng bundok o burol. - Ang Lambak ng Cagayan ang pinakamalaking lambak sa bansa. Rehiyon III–isang malawak na kapatagan at itinuturing na pinakamalawak na kapatagan sa bansa Rehiyon IV – A – (CALABARZON) at Rehiyon IV – B – (MIMAROPA) – nasa Katimugang Luzon sa gawing kanluran ng Karagatang Pasipiko at silangan ng Dagat Kanlurang Pilipinas - binubuo ang dalawang rehiyon ng kapatagan, bundok, burol at bulkan samantala mapulo ang rehiyon IV – B Rehiyon V – (Bicol) – tinatawag na tangway na halos napapalibutan ng tubig - Ang tangway ay anyo ng lupa na nakausli nang pahaba at napapalibutan ng tubig - may mga lambak, bundok, bulkan at maliliit na pulo sa rehiyong ito NCR – (National Capital Region) – isang malawak na kapatagan na sentro ng pamahalaan, edukasyon, relihiyon, at industriya - Pinaliligiran ito ng lalawigan ng Bulacan sa hilaga, Rizal sa Silangan, Cavite at Laguna sa timog at Look ng Maynila sa kanluran CAR – (Cordillera Administrative Region) – mabundok ang lugar na ito  Mga Rehiyon sa Kabisayaan Rehiyon VI – (Kanlurang Visayas) – nasa pagitan ng Dagat Visayas at Dagat Sulu - malawak ang kapatagan nito na may mga burol at bundok - sa mga lalawigan nito ay may nadaang mga ilog Rehiyon VII – ( Gitnang Visayas) – nasa pagitan ng Silangang Visayas at Kanlurang Visayas mabundok at maburol ngunit may mga bahaging lambak at kapatagan Rehiyon VIII – (Silangang Visayas) –nakaharap ito sa Karagatang Pasipiko - maburol ang lalawigan ng Samar samantalang ang pulo ng Leyte aymay bahaging mabundok at may bahagi ring kapatagan.  Mga Rehiyon sa Mindanao Rehiyon IX – (Tangway ng Zamboanga) – nasa timog – anlurang bahagi g Pilipinas - isang malaking tangway ito at may malawak na kabundukan at kagubatan Rehiyon X – (Hilagang Mindanao)– iba – iba ang anyo ng lupa dito - may malawak na kapatagan,talampas, makikitid at malalalim na lambak at mga pulo ito - Ang talampas ay mataas na anyong lupa ngunit patag ang ibabaw nito Rehiyon XI- ( Rehiyong Davao) – may bahaging mabundok, may kapatagan at may bulkan 7
  • 8. Rehiyon XII – (Gitnang Mindanao / SOCCSKSARGEN) –itinuturing na “Kamalig ng Palay” sa Mindanao - may mga bahaging mabundok, may kapatagan, at may bulkan ang rehiyong ito CARAGA – matataas angmga lugar dito ngunit may mga lambak at kapatagan ding matatagpuan dito ARMM – (Autonomous Region in Muslim Mindanao) – may lalawigang pulo at may bahaging mabundok Aralin 12 – Ang populasyon ng Bawat Rehiyon Populasyon – ayon sa sosyolohiya ay katipunan ng mga tao - tumutukoy ito sa bilang ng mga tao na naninirahan sa isang tiyak na lugar o rehiyon Rehiyon Populasyon ( 2010, Milyon) Luzon I – Rehiyon ng Ilocos 4.74 II – Lambak ng Cagayan 3. 23 III – Gitnang Luzon 10.14 IV – A - CALABARZON 12.61 IV – B - MIMAROPA 2.73 V – Rehiyong Bicol 5.41 Cordillera Administrative Region 1.52 National Capital Region 11.86 Visayas VI – Kanlurang Visayas 7. 09 VII – Gitnang Visayas 6. 78 VIII – Silangang Visayas 4.09 Mindanao IX – Tangway ng Zamboanga 3.40 X – Hilagang Mindanao 4. 28 XI – Rehiyon ng Davao 4.45 XII - SOCCSKSARGEN 4.10 XIII - CARAGA 2.42 Administrative Region in Muslim Mindanao 3.25  Ang rehiyon ng CALABARZON o Rehiyon IV – A na may sukat na 16 386 kilometro kwadrado ay ang may painakamalaking bilang ng taong naninirahan. Pangalawa ang National Capital Region na may sukat na 638.55 kilometro kwadrado. Angmay piankamaliit na bilang ng taong naninirahan ay ang CAR na ay sukat na 18 294 kilometro kwadrado at ang pangalawa sa may pinakamaliit at ang CARAGA na may sukat na 21 478 kilometro kwadrado.  Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa paglaki ng populasyon ng isang lugar ay ang oportunidad sa hanapbuhay at edukasyon katulad ng NCR kung saan natagpuan dito ang sentro ng komersiyo ng bansa. Aralin 13 – Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring Fire Pacific Ring of Fire – isang lugar o rehiyon kung saa nakalatag ang maraming aktibong bulkan at kung saan nagaganap ang madalas na paglindol PHIVOLCS – (Philippine Institute ofVolcanology and Seismology) – ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga pagkilos ng mga bulkan sa bansa - ayon dito may humigit kumulang 22 aktibong bulkan sa Pilipinas MGA IMPLIKASYON NG PAGIGING BAHAGI NG RING FIRE Positibo Negatibo Tao o Mamamayan  Pagiging resilient o mtatatag Likas na Yaman  Naghahatid ng mayamang lupa na mainam sa agrikultura Teritoryo  Nagtataglay ng likas o natural na harang Tao o Mamamayan  Banta sa buhay at ari – arian Likas na Yaman  Pagkawasak o pagkasira ng kalikasan Teritoryo  Kailangang ilikas ang mga taong nakatira malapit sa bukan tuwing magbabadya ito ng pagsabog. DRRMC – (Disaster Risk Reduction and Management Council) - nagsaagawa ng mga earthquake drill  Mga dapat tandaan at gawin sa oras ng lindol: a. Kung nasa loob ng paaralan o gusali - Duck, cover and hold - Manatili rito hanggang matapos ang pagyanig - Pagkatapos lumabas at pumunta sa ligtas na lugar. Maging kalmado at huwag mag panic. 8
  • 9. b. Labas ng paaralan o gusali - Lumayo sa mga puno, linya ng kuryente, poste, o iba pang konkretong estruktura - Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maaapektuhan ng landslide o pagguho ng lupa c. Malapit sa tabing dagat - Lumikas sa mataas na lugar dahil maaaring magkaroon ng tsunami Tsunami – epekto ng nagaganap na paglindol kun saan madalas na pagtaas ng tubig sa normal na lebel Tsunami Alert Level Banta sa Pilipinas Rekomendang Gawin 0 May namumuong malakas na paglindol 1 walang tsunami 2 may tsunami ngunit hindi makakaabot sa Pilipinas Hindi kailngang lumikas 1 – Maghanda ( Ready) Malaki ang posibilidad ng banta sa Pilipinas Ang mga komunidadmalapit sa tabing dagat ay kailnagang maging alerto sa posibleng paglikas 2 – Magmanman (watch/observe) Maaaring maranasan ang bahagyang unos ng dagat Maging alerto sa kakaibang taas ng tubig o alon, Lumayo sa dagat. 3 – Umalis (Go) Mapaminsala ang namumuong tsunami na makakaapekto sa bansa Kinakailangan ang madaliang paglikas Storm Surge–hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dagat o karagatan dulot ng lakas ng hanging dala ng bagyo Sa ganitong pagkakataon kailangang: - Gumawa ng plano ng paglikas - Lumikas sa mataas na lugar - Lumayo sa mga lugar malapit sa tabing dagat - Tumutok sa radio at telebisyon upang alamin ang mga babala ng bagyo Aralin 14 – Kahalagahan ng Katangiang Pisikal sa Pag – unlad ng Bansa Arkipelago – isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at maliliit na mga pulo  Kapakinabangan sa pagiging archipelago ng bansa: - may malawak na kapatagan kung saan doon matatagpuan ang malalaking taniman ng palay at iba pang produkto katulad ng tubo at mais; mahahabang bulubundukin na nagsisilbing panangga sa mga bagyong dumrating; nakabibighaning mga bulubundukin at bulkan na bagaman may panganib ay nagsisilbing pasyalan; napakagagandang dalampasigan na nagbibigay saya lalo na sa panahon ng tag – init; nakahihikayat na mga ilog, lawa at talon at malalaki at maliliit nag a pulo  Kapakinabangan sa pamahalaan dulot ng archipelago: Turismo – pagbisita ng mga dayuhan sa bansa upang pumasyal at makipagkalakalan 9