1. Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
LOPEZ EAST DISTRICT
Lopez, Quezon
LESSON
EXEMPLAR
School Magallanes Elementary School Grade Level Grade Four
Teacher Marzel Myke Victor G. Delima Learning Area Araling Panlipunan
Teaching Date February 11, 2021 Quarter First Quarter
Teaching Time 9:00-10:00 am No. of Days 1
I. OBJECTIVES
A. Content Standard Nailalarawan ang mga pangunahing anyong lupa sa bansa
B. Performance Standard Naiisa-isa ang mga pangunahing anyong lupa sa bansa
C. Most Essential Learning
Competencies (MELC)
Ang katangiang Pisikal ng aking Bansa
D. Enabling Competencies
II. CONTENT Mga Pangunahing Anyong Lupa sa Bansa
III. LEARNING RESOURCES
A. References
a. Teacher’s Guide
Pages
b. Learners Materials
Pages
Learner’s Material pp. 53-66
K-12 – AP4aab-Ig-h-10
c. Textbook Pages
Learning Area Araling Panlipunan 4
Learning Delivery Modality
2. d. Additional Materials
from Learning
Resources
mapang pisikal ng Pilipinas, larawan ng anyong lupa ng bansa. Flashcards na may pananda sng mga
mga nayog lupa sa bansa, laptop, projector.
IV. PROCEDURE
A. Introduction (Panimula)
1. Balik-aral sa nakaraang aralin/ o pagsisimula sa bagong aralin
a. Pagganyak:
Bilang pagbabalik aral, muling pag-usapan ang ibat ibang anyong tubig na makikita sa
komunidad at sa bansa. Magdaos ng ilang minutong pagbabalitaan hinggil sa mga huling
kaganapan sa bansa.
Pagpapakita ng ibat-ibang larawan ng mga anyong lupa. Tanungin sa mga bata kung
nakikilala, narating na nila, at kung may katulad itong matatapugpuan sa pamayanan.
2. Paghahabi sa layunin ng aralin
Sa aralin natin ngayon, ating alamin ang mga pangunahing anyong lupa sa ating bansa. Handa
na ba kayong tuklasin ang mga bagong kaalamang inyong matututunan?
Para sa pangkatang Gawain, hatiin ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ay may meta cards
na naglalaman ng larawan ng anyong lupa at mga titik na bubuoin upang matukoy ang pangalan
ng larawan.
3. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ipakilala sa mga bata ang mapang pisikal ng Pilipinas upang lubusan nilang malaman ang
kinalalagyan ng ng mga pangunahing anyong lupa sa bansa.
3. B. Development
(Pagpapaunlad)
1. Pagtatalakay
Talakayin at pag-usapan. Bigyang-diin ang paghahambing o pagkakaiba ng bawat anyong
lupa sa isa’t-isa
Tukuyin ang ngalan ng bawat larawan ng anyong lupa
Tanong: 1. Paano naiiba ang burol sa bundok, at bundok sa bulkan?
2. Paano naman naiiba ang kapatagan sa lambak? Lambak sa talampas?
3. Paano naman naiiba ang pulo o isla sa iba pang anyong lupa?
Paglalahat
Ano-ano ang mga anyong lupa na matatagpuan sa Pilipinas?
Ano-ano naman ang mga anyong lupa na matatagpuan dito sa ating pamayanan?
Paano naiiba ang burol sa bundok, at bundok sa bulkan?
Paano naman naiiba ang kapatagan sa lambak? Lambak sa talampas?
Paano naman naiiba ang pulo o isla sa iba pang anyong lupa?
Saan-saan naman matatagpuan dito sa Pilipinas ang mga sikat na anyong lupa dito sa
bansa?
C. Engagement
(Pakikipagpalihan)
Pangkatin ang mga mag-aaral.
Isagawa ang larong “Tukuyin mo sa Pinas”
Ipaskil ang blangkong mapa ng Pilpinas sa pisara. Ipamahagi sa mga bata ang mga larawan na may
pangalan na ginawa nila sa pangkatang gawain. Magbigay ng halimbawang pangalan ng mga anyong
lupa. Itanong kung saan ito matatagpuan. Tuamawag ng bata na magdidikit nito. Ipagpatuloy ang mga
Gawain hanggang sa makabuo ng mapang pisikal.
4. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)
Itanong:Tukuyin ang anyong lupa na inilalarawan sa bawat pangngusap.
1. Ito ay isang mataas na anyong lupa na nagbubuga ng nagbabagang putik?
2. Ito ay mataas na anyong lupa ngunit mas mababa sa bundok?
3. Ito ay anyong lupa na naiiba sa iba pang anyong sapagkat napaliligiran ito ng tubig?
4. Ito ay anyong lupa na mabuhangin at tuyo at wala halos matatagpuang halaman at hayop?
5. Saan natin matatagpuan Bulkang Taal?
D. Assimilation (Paglalapat)
1. Paglalalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Paano natin mapapangalagaan ang natural o likas na anyong lupa dito sa ating lugar at sa
iba pang lugar?
2. Pagtataya ng aralin
Isulat ang Tama sa unahan ng bilang kung ang isinasaad ng bawat pangungusap ay totoo at Mali
naman kung hindi.
1.Ang Chocolate Hills ay matatagpuan sa Zambales.
2.Ang disyerto ay isang anyong lupa na tuyo at walang nabubuhay na halaman.
3.Ang burol ay higit na mataas kaysa sa bundok at bulkan.
4.Ang talampas ay isang kapatagan sa ibabaw ng mataas na lupa.
5.Ang bundok, talampas, tsanel, kipot,at pulo ay pawAng mga anyong lupa.
3. Karagdagang Gawain
Gumuhit ng tatlo alinman sa mga napag-aralang anyong lupa sa ating bansa.
Kulayan ang inyong drowing.
5. V. REFLECTION A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya______
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation_____
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin______
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa remediation____
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?____
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking punongguro at
superbisor?_______
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko
guro?____
Prepared by: Checked by:
MARZEL MYKE VICTOR G. DELIMA MATILDA E. ADUL
Teacher I Master Teacher I
Noted by:
MARGARITA B. SEGUI
Principal I
: