2. Sintaks
Ang pag-aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap
o sentens ang tinatawag nag sintaks. Dalawang uri
ang pangungusap sa Filipino
1.Pagpapanaguri / predikeytib
2.Di-pagpapanaguri / non-predikeytib
3. Ang Pagpapanaguri
Tinatawag na pagpapanaguri ang pangungusap
na may simuno/sabjek/ tapik/ paksa at panaguri /
koment / predikeyt. Ang simuno ang pinag
uusapan. Ang panaguri ang nagsasaad ng tungkol
sa simuno.
4. Ang Simuno
Napag-aralan na sa dakong una ng aklat na ang
ay nagpapakilala sa simuno at ipinapakita na rin
ang mga panghalili sa mga iyon na mga panghalip
panao at pamatlig.
Maaaring pariralang nominal (pangngalan at
panghalip), pang-uri, pandiwa, pang-abay,
eksistensyal o pang-ukol ang simuno.
Pinangungunahan ito ng marker na ang. Parirala
ang tawag sa lipon ng mga salitang walang
simuno at panaguri.
5. a. Pariralang Nominal
• Nagkaisa ang mga taong-bayan.
• Nagkaisa sina Juan
• Nagkaisa sila
• Nagkaisa ang mga ito
6. b. Pariralang Panaguri
• Kailangan ang matalino
• Si Haring Solomon ang matalino
• Hinahangaan ang masisipag
7. c. Pariralang Pang-Ukol
• Awa ang nsa Diyos
• Gawa ang nasa tao.
• Paglilingkod ang para sa kanya.
• Hindi nakalabas ang nasa silid.
• Kinuha niya ang nasa mesa.
8. d. Pariralang Eksistensyal
• Mabuti rin ang may sasakyan.
• Mainam ang may sariling bahay.
• Malungkot ang walang kaibigan.
9. e. Pariralang Pandiwa
• Madali ang magsalita.
• Mahirap ang gumawa
• Nagtatalo ang mga naghuhukay
10. f. Pariralang Pang-abay
• Paghandaan natin ang bukas
• Pangako niya ang paluhod na paglakad
• Kalimutan na natin ang kahapon
11. Itinuring na ring parirala ang isang salita dahil sa
pag-babalangkas ng mga pangungusap makikita
ay pang-ilalim na istruktura noon sa hindi talagang
iisang salita iyon.)
13. a. Pariralang Di-Berbal
Tinatawag na pariralang di-berbal ang mga
pariralang pangngalan o panghalip, pang-uri,
pang-abay, pang-ukol at eksistensyal.
14. 1. Pariralang Pangngalan
• Anawnser si Rey Langit
• Komenteytor si Louie Beltran
• Presidente si Gng. Reyes
20. b. Pariralang Berbal
Sa pariralang berbal dapat talakaying muli ang tungkol
sa pokus at komplemento ng pandiwa. Naiiba ang pandiwa
dahil nababanghay ito, nababago ang anyo batay sa
aspekto, depende sa pokus ang nagiging panlapi nito. Kahit
na si Dr. Jose Rizal sa kanyang pag-aaral ng gramatika,
binanggit niyang pinakamahirap na bahagi ng pananalita
ang pandiwa at dapat pag-ukulan ito ng masusing pag-
aaral. Sa kasalukuyang panahon hindi na ang tungkol sa
ting na aktibo o pasibo ang binibigyan-diin kundi ang
tungkol sa pokus.
21. b. Pariralang Berbal
Sa Filipino lamang napakaraming maaaring gawaing pokus
sa pangungusap na hindi nagbabago ang diwang
ipinahahayag, ang binibigyaan-diin lamang ang nababago.
22. b. Pariralang Berbal
Tinatawag na pokus ang relasyong panggramatika ng
pandiwa at ng komplemento/kaganapan/komplement.
Kabilang sa komplemento ng pangungusap ang (1) actor na
siyang gumagawa ng kilos (2) gol na siyang tumatanggap
ng kilos (3) lokatib na siyang pook na pinangyayarihan (4)
direksyunal na siyang pinag-uukulan (5) benepaktib na
siyang pinaglalaanan (6) instrumental na siyang kagamitan
sa pagkilos (7) Kawsatib na siyang kadahilanan ng kilos at
(8) resiprokal.
23. b. Pariralang Berbal
Sa ingles, actor pokus lang at gol pokus. Higit na marami
ang pokus sa Filipino na talagang mahirap isalin sa Ingles,
sapagkat sa pagsasalin sa Ingles, ang actor pokus pa rin
ang lumalabas.
24. 1. Aktor Pokus
Ang simuno ang gumaganap ng kilos. Napapaloob dito ang
mga panlaping um-, mag-, mang-, ma-, maka-, makapag-,
makipag-.
25. 1. Aktor Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Gol Benepaktib
-um Kumukuha ang mananahi ng sinulid para sa kasama
mag- Naglalaba ang labandera ng barong para sa asawa
mang- Namitas ang hardinero ng bulaklak para sa guro
maka- Makagagawa ang eskultor ng mural
para sa
munisipyo
ma- Naliligo siya
makapag- Nakapagdala si Denise ng hikaw Para kay Ging
makipag- Makikipagkita siya kay Mirasol (direksyonal)
26. 2. Gol Pokus
ang gol ang siyang simuno ng pangungusap,
napapaloob dito ang mga panlaping in, an, at ma.
27. 2. Gol Pokus
Panlapi Pandiwa Aktor Simuno Benepaktib
-in Kinuha ng mananahi ang sinulid para sa kasama
-an Nilabhan ng labandera ang barong para sa asawa
ma- Napitas ng hardinero ang bulaklak para sa guro
28. 3. Lokatib Pokus
ang pook ang siyang simuno ng pangungusap.
Napapaloob ang mga panlaping in, an t pag – an.
29. 3. Lokatib Pokus
Pokus Pandiwa Aktor Gol Simuno
-an Kinunan ng mananahi ng sinulid ang makina
-in Linangin mo ang bukid
pag-an Pinaglutuan ko ng adobo ang kawali
30. 4. Direksyunal Pokus
ang pinag- uukulan ang siyang simuno ng
pangungusap. Napapaloob dito ang mga panlaping an
at in.
31. 4. Direksyunal Pokus
Pokus Pandiwa Aktor Simuno
-an Tinawagan ng binata ang kapatid
-in Dinalaw ng doktor ang pasyente
32. 5. Benepaktib Pokus
Ang pinaglalaanan ang siyang simuno ng
pangungusap. Napapaloob dito ang mga panlaping i,
ipag.
33. 5. Benepaktib Pokus
Pokus Pandiwa Aktor Gol Simuno
i Ikinuha ng mananahi ng sinulid ang kasama
ipag- Ipinaglaba ng labandera ng barong ang asawa
34. 6. Instrumental Pokus
Ang kagamitan ang siyang naging simuno ng
pangungusap.
Napapaloob dito ang mga panlaping ipang,
maipang.
35. 6. Instrumental Pokus
Pokus Pandiwa Aktor Gol Simuno
ipang Ipinamingwit niya ng isda ang kawayan
maipang Naipanguha ko ng bulaklak ang gunting
36. 7. Kawsatib Pokus
ang kadahilanan ang siyang nagging simuno
ng pangungusap. Napapaloob dito ang
panlaping ika.
39. Ang Aspekto
Sa makabagong linggwistika, hindi na tinatalakay ang
panahunan. Aspekto na anag binibigyang diin.
Nagpapahayag ito kung nasimulan na, ginaganap at
patuloy na ginaganap o gaganapin pa lang ang kilos.
Tinatawag itong (1) naganap (2) ginaganap, at (3)
gaganapin. Katulad din ito sa Ingles ng pangnagdaan,
pangkasalukuyan at panghinaharap.
40. Ang Aspekto
Kaya lang sa Filipino ay maaaring magamit ang parehong
istruktura kahit na gamitin ang kahapon, ngayon at bukas
di tulad sa Ingles na makikita kaagad ang pagkakaiba.
(Hindi magagamit ang isang istruktura sa lahat ng
panahunan tulad ng to eat, ate, eating.)
41. Ang Aspekto
Kaya lang sa Filipino ay maaaring magamit ang parehong
istruktura kahit na gamitin ang kahapon, ngayon at bukas
di tulad sa Ingles na makikita kaagad ang pagkakaiba.
(Hindi magagamit ang isang istruktura sa lahat ng
panahunan tulad ng to eat, ate, eating.)
Halimbawa
Kumain siya kahapon ng lugaw
Kumain ka bukas
Kumain ka ba ngayon?
42. Ang Komplemento
Ang iba pang pariralang pangngalang may
kaugnayan sa panaguring pandiwa ay ang tinatawag na
komplemento. Ito ang tinatawag ng mga komplementong
actor, gol, benepaktib, direktib, lokatib, instrumental at
kawsatib. Pinangungunahan ito ng mga marker na siyang
nagpapakilala kung anong komplemento ang mga iyon.
43. Ang Komplemento
Ang iba pang pariralang pangngalang may
kaugnayan sa panaguring pandiwa ay ang tinatawag na
komplemento. Ito ang tinatawag ng mga komplementong
actor, gol, benepaktib, direktib, lokatib, instrumental at
kawsatib. Pinangungunahan ito ng mga marker na siyang
nagpapakilala kung anong komplemento ang mga iyon.
44. 1. Komplementong actor
nagpapakilala ng gumaganap ng kilos, pinangungunahan
ng ng / ni.
Gol Pokus Pandiwa
Komplimentong
Aktor
Simuno
-in- Binili niya ang kotse
45. 2. Komplementong Gol
nagpapakilala ng tagatanggap ng kilos, pinangungunahan
ito ng ng.
Aktor Pokus Pandiwa
Komplimentong
Gol
Simuno
um Bumili ng bahay ang asendero
46. 3. Komplementong Benepaktib
nagpapakilala ng pinag lalaanan, pinangungunahan ng
para sa / kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol
Komplementong
Benepaktib
um Bumili siya ng laruan para sa anak
47. 4. Komplementong Lokatib
nagpapakilala ng pook na pinangyarihan,
pinangugnunahan ng sa
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol
Komplementong
lokatib
um Bumili siya ng laruan sa Rustan’s
48. 5. Komplementong Direksyunal
nagpapakilala ng direksyon o taong tatanggap ng kilos,
pinangungunahan ng sa / kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol
Komplementong
Direksyunal
um Dumalaw ang binate kay Vilma
49. 6. Komplementong Instrumental
nagpapakilala ng kagamitang gagamitin sa pagkilos ,
pinangungunahan ng sa pamamagitan ng.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol
Komplementong
Instrumental
mang Namitas siya ng bulaklak
sa pamamagitan
ng gunting
50. 7. Komplementong Kawsatib
nagpapakilala ng kadahilanan ng kilos, pinangungunahan
ng dahil sa / kay.
Aktor Pokus Pandiwa Simuno Gol
Komplementong
Kawsatib
um Sumakit ang tiyan niya dahil sa santol
52. Mga Uri ng Pangungusap
Nauuri ang pangungusap sa paturol, pautos, patanong at
padamdam.
53. Mga Uri ng Pangungusap
1. Paturol ang nagpapahayag ng impormasyon at nilalagyan
ng bantas na tuldok (.)
• Noong ika-2 ng Pebrero, 1993 pumutok ang bulking
Mayon.
• Si Presidente Fidel V. Ramos ang pumalit kay Presidente
Corazon Aquino.
• Si Supremo Soledad Suarez ang namumuno sa Iglesia
Mistika.
54. Mga Uri ng Pangungusap
2. Pautos o Pakiusap ang nagpapahayag ng pag-uutos o
pakikiusap na karaniwang nilalagyan ng kuwit (,) kapag
may tinatawag at nagtatapos sa tuldok (.) . Karaniwang
nilalagyan ng panlaping maki at paki ang mga salitang ugat
na pandiwa upang magpahayag ng pakiusap at paggalang.
• Jose, pakikuha mo naman ang baso.
• Makiraan nga.
• Mely, pakidala naman ito roon.
• TUmakbo ka na.
• Ilarawan mo ito.
55. Mga Uri ng Pangungusap
3. Patanong ang nag-uusisa o nagtatanong, nilalagyan ng bas
a loob ng pangungusap o nilalagyan ng tinatawag na
panghuling tanong pagkatapos ng pangungusap at
nagtatapos sa pananong (?). Ang ba ang kataga o marker ng
patanong.
• Anong oras na ba?
• Kailan ba matatapos ang mga brown out?
• Matatapos din iyon, di ba?
• Nanalo ako ng kotse, totoo ba?
• Dadalhin na rito, tunay ba?
56. Mga Uri ng Pangungusap
4. Padamdam ang nagpapahayag ng masidhing damdamin
na nagtatapos sa padamdam (!)
• Salamat po, Diyos ko!
• Nanalo ako !
• Naku po!
• Talagang mahiwaga!
• Wow! Ang ganda ng kotse!
58. 1. Payak
Payak ang pangungusap kapag nagpapahayag ng isang
diwa, maaaring tambalan ang simuno at panaguri na pinag-
uugnay ng at.
• Mega star si Sharon
• International star si Lea.
• Mang-aawit si Sharon at si Lea.
• Artista at mang-aawit si Lea.
• Artista at mang-aawit sina Lea at Sharon.
59. 2. Tambalan
Tambalan ang pangungusap kapag nagpapahag ng
dalawang diwa na pinag-uugnay ng at, ngunit, datapwat,
subalit.
• Mega star si Sharon at international star si Lea.
• Naghimala ang Birhen sa Agoo at naghimala rin ang Birhen
ng Lipa.
• May kapansanan siya subalit naglabananan niyang lahat
ang pagsubok sa buhay.
• Matanda na siya datapwat malakas pa ang tuhod niya.
60. 3. Hugnayan
Hugnayan ang pangungusap na binubuo ng Malaya at di
malayang sugnay na pinangungunahan ng kung, kapag,
samantala, habang, sapagkat, upang, nang, pagkat, dahil sa.
May simuno at panaguri ang sugnay tulad ng pangungusap
ngunit bahagi lamang ito ng pangungusap.
61. 3. Hugnayan
• Kung may pananalig ka sa sarili, magtatagumpay ka.
• Habang nasa kabundukan pa ng Bundok Pinatubo ang
lahar malaking panganib ang darating.
• Nararapat puntahan ang mga makasaysayang pook
upang maisadiwa ang mga nagawang kabayanihan ng
ating kalahi.
• Kilalanin natin ang katangian ng ating bansa nang
maipagmalaki natin ito.
• Samantalang nasa isip mo iyon walang mangyayari sa
buhay mo.
62. Di Mapanaguring Pangungusap
May mga pangungusap na walang simuno ngunit may
ipinapahayag ng buong diwa, samakatuwid walang ang
marker na matatagpuan ditto. May mga pangungusap
naming walang panaguri ngunit may diwa rin. (Sa Ingles may
simuno ang mga pangungusap na ito maliban sa padamdam
at amenidad).
63. 1. Penomenal
na nagsasaad ng kalagayan ng panahong dulot ng
kalikasan. Nababanghay ang nasa unang hanay dahil mga
pandiwa ang mga ito.
Umuulan
Umaaraw
Lumilindol
Bumabagyo
Bumabaha
Kumikidlat
Kumukulog
Mainit
Maginaw
Maliwanag
Maulan
Maulap
64. 2. Temporal
na nagsasaad ng kalagayang panandalian o panahunan
lamang
Bukas na
Taglagas na
Tag-ulan na
Tagtuyot na
Tag-ani na
Tagsibol doon
Mayo na
Pasko na
Semana Santa na
Todos los Santos
na
Linggo na
65. 3. May modal na
nangangahulugan ng gusto,
nais, ibig.
Gusto niya ng kapangyarihan
Nais ko ng Kotse
Ibig mo ng katanyagan, di ba?
69. 7.Paghanga
Napakaganda naman ni Gemma!
ginagamitan ito ng panlapi para
sa kaantasang pasukdol na
napaka-, ng kay at ng ang na
sinusundan ng salitang-ugat.