2. Simulan:
Bawat tao ay may kahilingan o pangarap na nais abutin sa buhay.
Kung bibigyan kayo ng pagkakataong humiling ng isang bagay para
sa inyong buhay, ano ang hihilingin mo?
3. Ang dulang iyong mababasa ay isang kuwentong mahika ng
mga Meranao na isinulat ni Arthur P. Casanova. Siya ay isang
kilalang guro, director, tagadisenyo ng produksiyon, at director
para sa tanghalan, telebisyon, at pelikula. Bagama’t tubong San
Jose, Antique ay lumaki siya at nakapagtapos ng pag-aaral sa
Mindanao State University (MSU) sa Islamic City of Marawi, Lanao
Del Sur kung saan siya nagturo sa hayskul at kolehiyo ng sampung
taon.
Ipinagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral sa Philippine
Normal University kung saan nakapagtapos siya ng apat na
kursong panggradwado kabilang ang kaniyang PhD with
specialization in Filipino Linguistics and Literature.
4. Nakapagsulat na siya ng mahigit sa apatnapung aklat para
sa mataas na paaralan at sa unibersidad at naging director ng
mahigit sa limampung dulang pantanghalan sa mga wikang Ingles
at Filipino. Nakamit niya ang iba’t ibang gawad at parangal
katulad ng Metrobank Foundation Award for Continuing Excellence
(ACES, 2009) Patnubay ng Kalinangan at Sining para sa Teatro
mula sa pamahalaang Lungsod ng Maynila (2009); Ramon
Magsaysay High School Outstanding Alumnus in the Field of Arts,
Culture, and Literature (2009), National Book Award-Best
Anthology para sa Mga Piling Dulang Mindanao- Unang Aklat
mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board
(2008). Aliw Award for Best Musical Play Director (2007); National
Book –Award- Best Book on Cultural Studies para sa kasaysayan
5. at pag-unlad ng Dulaang Pambata sa Pilipinas mula sa
Manila Critics Circle at National Book Development Board (2007) at
marami pang iba.
6. Mga Elemento ng dula
1. Iskrip- pinakakaluluwa ng isang dula
- lahat ng bagay na isinaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip
- walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o actor- ang mga actor o gumaganap ay ang
nagsasabuhay sa mga tauahang nasa iskrip
- sila ang bumibigkas ng diyalogo
- sila ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin
- sila ang pinanonood na tauhan sa dula
3. Tanghalan- anumang pook na pagdausan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan
7. Mga Elemento ng dula
4. Direktor- siya ang namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip
ng dula
- siya ang nagbibigay buhay sa iskrip mula sa pagpasiya sa kaayusan
ng tagpuan, ng kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga tauhan
5. Manonood- sa kanila inilalaan ang isang dula
- sila ang sumasaksi sa pagtatanghal ng mga aktor
8. Suriin kung ang dalawang salitang may salungguhit sa pangungusap
ay magkasingkahulugan o magkasalungat. Isulat sa patlang ang MK kung
magkasingkahulugan at MS kung magkasalungat.
1. Karaniwan sa kanilang mag-alaga ng inahing manok ngunit hindi ng
isang mahiwagang manok.
2. Mahirap man ang kanilang buhay ay naging maunlad naman ito nang
dahil sa kaniyang pagsisikap.
3. Ang kaniyang pagal na katawan ay nangangailangan ng pahinga upang
mapawi ang nadaramang pagod.
4. Nang yumao ang kaniyang ama ay hindi siya nawalan ng pag-asa sa
halip ito ang nagbigay-buhay sa kanya upang patuloy na bumangon.
5. Ang magagarang damit ng hari ay naiisip niya sa tuwing makikita niya
ang gula-gulanit na kasuotan.
9. Salitang hiram- ay mga salitang maaaring katutubo o banyaga. Ito ay
mga salitang hindi maaaring direktang isalin sapagkat ito ay may kultural
na kahulugan at kahalagahan sa rehiyon, kultura, o bansang pinagmulan
nito.
Gamitin sa pangungusap:
1. bulad- isdang pinatuyo
2. Brass- isang uri ng metal na nagmula sa pinaghalong tanso at zinc
3. Ai-dao- ekspresyong maaaring nangangahulugan ng matinding
pagkalungkot o pagmamahal
4. Dama- tawag sa mga alalay ng sultan o reyna
5. pukpok alimpako-isang tradisyunal na awiting pambayan ng Meranao
6. Torongan-tawag sa bahay ng mayayaman o kilalang tao o pinuno sa
Meranao
7. Kalilang-nangangahulugang pagdiriwang o pag-alaala
10. Ang dulang ang “Mahiwagang Tandang” ay unang itinanghal sa kanyang
klase sa International Baccalaureate Filipino sa silid-aralan sa Brent
International School Manila. Pagkaraan nito’y ginamit ito bilang iskrip ng
dulang anino ng mga mag-aaral naman niya sa International Baccalaureate
Theatre Arts kasama ng iba pang dulang pambata ni Casanova, isinadula rin
ito bilang dulang panradyo sa programang Radyo Balintataw ng DZRH na ang
host ay si Cecile Guidote-Alvarez.
Unang nalathala ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang” bilang bahagi
ng kalipunan ng aklat ng mga dulang pambatang pinamagatang Bata Batuta.
Dulang Pambata na inilathala ng Ust Publishing House noong 2004. Tulad sa
Bidasari, ang Prinsesa ng Kembajat,” ginamit ni Casanova ang estilong
Kambayoka sa pagsulat ng dula. Sadyang ang ganitong estilo ng pagsulat ng
iskrip ang mga ginamit niya sa mga dulang isinama sa kalipunang ito dahil
pangunahing layunin ni Casanova at ni Frank Rivera ang palaganapin ang
estilong
11. estilong kambayuka hindi lamang sa pagsulat ng iskrip kundi maging ng
anyo o paraan ng pagtatanghal ng mga dula. Ang kabisaan ng estilong
Kambayoka ay nasubok na nina Casanova at Rivera sa mga dulang napasama
sa iba’t ibang aklat nila ng Kalipunan ng mga dula.
Dulang pambata ang iskrip na “Ang Mahiwagang Tandang”. Maaari itong
itanghal bilang dulang mascara o dulang anino na nasubukan na ring gawin ni
Casanova sa kaniyang klase. Masusubok din ang pagkamalikhain ng mga mag-
aaral o mga manggagawa sa teatro kung lilikha sila ng mga eksperimental na
produksyon nito. Sa mga guro ng wika sa silid-aralan, maaari rin itong gawing
lundayan sa pagtatamo ng kakayahan at kasanayan sa wikang pambansa.
13. Sagutin natin:
1. Sino si Bagoamama? Ilarawan ang kanyang kalagayan at ang kanyang
pamilya sa simula.
2. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Lokus a Babae nang
magkasakit si Lokus A Mama? Paano ipinakita sa bahaging ito ang kaniyang
pananampalataya?
3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Lokus A Babae na ang kahirapan ng kanilang
mag-anak ay kagustuhan ni Allah? Pangatwiranan ang iyong sagot.
4. Ano naman ang masasabi mo sa tinuran ni Bagoamama sa kaniyang ina na
“Talaga bang kailangang hintayin ang ibibigay ni Allah? Wala ba tayong
magagawang paraan upang tayo’y yumaman? Ipaliwanag ang iyong sagot.
5. Ano ang naisip na paraan ni Bagoamama upang makatulong sa kanyang
magulang? Maganda ba ang kaniyang naisip na ito? Bakit oo o hindi ang
iyong sagot?
14. 6. Isalaysay kung paano nabago ang buhay ni Bagoamama sa kanyang naisip
na paraan.
7. Sa iyong palagay, aksidente nga kayang nahuli sa patibong ni Bagoamama
ang mahiwagang Tandang kasama ang iba pang manok? Pangatwiranan ang
iyong sagot.
8. Bakit kaya pinili ng tandang na manatili kay Bagoamama gayong puwede
naman siyang umalis na kaagad nang maibigay niya ang pangangailangan nito?
9. Bakit kaya ninais ng Tandang na ipakasal si Bagoamama sa anak ng sultan
gayong mas mayaman na si Bagoamama kaysa sa sultan?
10. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bagoamama susundin mo bang lahat ng
sinabi ng mahiwagang tandang? Ipaliwanag ang iyong sagot.
11. Isalaysay ang naging wakas ng dula. Nagustuhan mo ba ito?
12. Paano ipinakita sa kabuoan ng dula na ang pananalig sa Diyos na may
kalakip na paggawa ay mahalaga sa buhay?
15. Pagsulat ng Dyornal
Isulat sa iyong dyornal notbuk ang sagot sa tanong na ito.
Bakit hindi dapat mawalan ng pag-asa sa kabila ng kahirapan at
mga pagsubok sa buhay? Paano nakatutulong ang pananalig sa Diyos
na may kalakip na gawa upang maging matagumpay ang buhay?
16. Pagsusuri sa Sanhi at Bunga
Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Tuluyang nagpaalam at
masayang lumipad ang
mahiwagang tandang sa
himpapawid.
2. Hindi natutong mag-araro sa
bukid si Lokus A Mama.
3. Hindi gumaling sa gamut na
ibinigay ng albularyo si Lokus A
Mama.
4. Isinagawa ni Bagoamama ang
a. Bagaman lumuluha ay masayang
kumaway ang mag-ina at
nagpasalamat sa tandang nula
sa kaibuturan ng kanilang
puso.
b. Hindi na ito gumaling at
tuluyang namatay pagkalipas
ng ilang araw
c. Ito ay nagbigay-daan sa kanya
upang Makita ang
mahiwagang tandang na
nagpabago sa kanilang buhay
17. Pagsusuri sa Sanhi at Bunga
5. Nang mamatay ang ama ay
walang perang panggastos para sa
kanyang maayos na libing ang
kaniyang mga naulila
d. Labag man sa kalooban ay
walang nagawa sina Bagoamama
at Lokus a Babae kundi ilibing
nang hindi nabasbasan ang
yumaong ama
e. Nasayang ang malawak na
lupaing ipinamana ng magulang
ni Lokus A Babae sa kanila
18. C. Pagsusuri sa pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay
sa sariling karanasan. Magbigay ng mga patunay nito.
1. Si Lokus A Mama ang naghahanap ng makakain ng mag-anak
habang nasa bahay na naglalaba at nagluluto si Lokus a Babae.
2. Ang gamut mula sa albularyo ay hindi nakatulong upang bumuti ang
kalagayan ni Lokus A Mama.
3. Pinangarap ni Bagoamama na baling-araw ay makatira rin siya sa
palasyo ng sultan.
4. Nakahuli ng mahiwagang tandang na nagbibigay ng magarang damit
at ginto si Bagoamama na nagpabago sa kanilang buhay.
5. Ang simpleng mamamayan na katulad ni Lokus a Babae ay mabilis
na binigyan ng tulong ng sultan nang pumunta ito sa kanyang
palasyo.
19. Ang Dula at ang dulang Panlansangan
Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa
tanghalan. Ayon nga kay Arrogante (1991) ang dula ay isang pampanitikang
pangagaya sa buhay na ipinamalas sa tanghalan. Sinasabing ito ay
paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito ang lahat ng
katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin o
mga pagsubok na kaniyang pinagtatagumpayan o kinasawian. Gaya ng ibang
katha, ang dula ay lumilibang, nagbibigay-aral, pumupukaw ng damdamin, at
humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang dula kaysa ibang akda
sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang kilos at galaw sa
tanghalan.
20. Nakatutulong nang Malaki sa pagiging kapani-paniwala ng isang dula
ang pananalita ng mga tao. Nagagawa ng dula ang ganito sa pagbabagay ng
pananalita sa kalagayan ng tauhan at sa pagkakataon.
Masasabing higit na kawili-wili ang dula kaysa sa maikling kuwento
sapagkat sa dula ay higit na nadarama ang mga tunggalian ng mga tauhan at
ang kanilang mga suliranin. Sa maikling kuwento, may mga pangyayaring
iniuulat na lang ng may-akda ngunit sa dula ang mga ito ay hayagang nakikita
sa mga ikinikilos ng mga tauahan bukod sa naririnig pa rin sa kanilang mga
sinasabi.
Di pa man dumarating ang mga espanyol sa Pilipinas ay pinaniniwalaan
nang kilala na ang dula sa ating bansa. Nag-ugat ito sa mga ritwal at
seremonyang isinasagawa noon ng ating mga ninuno tulad ng ca ao ng mga
Igorot, ang bayak o embayoka ng mga Muslim (na kagaya ng iyong binasang
dula), ang Tatarin ng mga Tagalog, at iba pa.
21. Lalong naging mayabong ang dulaan sa bansa nang dumating ang mga
Espanyol. Naipakilala nila sa atin ang iba pang uri ng dula particular ang mga
dulang panlansangan at pantanghalan. Ilan sa mga nakilalang dulang
panlansangan sa bansa na laganap pa rin sa kasalukuyan ay ang sumusunod:
1. Tibag- Ito ay isinagawa tuwing buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni
Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Ang mga tauhan o kasali sa
pagtatanghal ay kahalo-halo ng taong-bayan.
2. Senakulo- inilalarawan dito ang simula ng lahat-ang paglalang kay Eba at
Adan, ang pagsilang kay Jesus, ang Kanyang Kamatayan, at muling
pagkabuhay. Itinatanghal ito bilang serye, mula Lunes Santo hanggang de
Gloria
3. Panunuluyan- Ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, Disyembre 24
ng gabi bago magmisa de Gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng
bahay na masisilungan at mapagsisilangan kay Hesus
22. 4.Moriones- Dulang panrelihiyong ginaganap sa mga lansangan sa lalawigan
ng Mindoro at Marinduque tuwing mahal na araw. Ang mga karakter na
gumaganap ay nakasuot o naglalagay ng mga maskarang may iaba’t ibang
kulay at iba pang palamuti o guhit sa kanilang katawan.
5. Santakrusan- Dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang
marangyang parade ng mga sagala at konsorte ang nagaganap. Sila ay
lumilibot sa mga kalye hanggang sa makarating sa simbahan upang maihatid
ang krus.
Nang dumating ang panahon ng 1960 hanggang 1980, ang mga dulang
lumaganap sa bansa ay may layuning magbigay ng kabatiran, kamalayan, at
panghihikayat. Ayon sa Panitikan sa Pilipinas 2001 ni Ruben et al, ang mga
tema ng dula sa panahong ito ay may usaping panlipunan at itinatanghal na
mga protesta, simposya, welga, demonstrasyon ng mga taong nagsama-sama
23. At nagtipon-tipoin upang ipadama ang mga karaingan. Ang mga dulang ito ay
karaniwang patungkol sa karapatan ng mga tao, pang-aabuso at pang-aaping
nararanasan ng tao lalo na noong panahong nauso ang mga “ismo” tulad ng
imperyalismo, kapitalismo, feudalism, at iba pa; at mga katiwaliang nagaganap
sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan. Gayundin, ang mga dulang
panlansangan ay may layuning magbigay ng kasiyahan, manghikayat,
magpakilos ng mga tao upang magkaroon ng kalutasan ang suliranin ng
pamayanan at ng buong bansa. Itinatanghal ang mga ito sa lansangan,
liwasang-bayan, sa loob at labas ng paktorya at mga simbahan, sa mga
palengke, sa ibabaw ng malalaking trak at maging sa harapan ng Cultural
Center of the Philippines.
24. Ang dulang-panlansangan ay walang masasabing oras. Ito ay maaaring
ganapin sa umaga, tanghali, gabi o depende sa pangangailangan. Ilan sa mga
grupo ng mandudulang sumibnol sa mga panahong ito ay ang Panday-Sining
Tanghalang Bayan, Gintong Silahis, Kamanyang Players, at Kalinangang Anak-
Pawis. Ang mga nakilalang dulang naisulat sa panahong ito ang Selda,
Tunggalian, Huwelga, at Barikada.
25. Bigyang-pansin ang mga pahayag na may kaugnayan sa binasang talata.
• Casanova!
• Oras na.
• May kapatid!
• Hoy!
• Gusto mong manood?
• May mga mag-aaral sa labas ng bahay.
Suriin ang mga pahayag na binigyang-pansin. Matatawag mo bang
pangungusap ang mga ito?
26. Pangungusap na walang paksa
1. Eksistensiyal- ang mga pangungusap na eksistensiyal ay nagpapahayag ng
pagkamayroon o ng kawalan.
Halimbawa: a. May mga magsisipanood na sa kalye.
b. Wala pang nanonood.
2. Modal- nangangahulugan ito ng gusto, nais, ibig, puwede, maaari, dapat, o
kailangan.
Halimbawa: a. Puwedeng sumali?
b. Maaari ba?
3. Padamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
a. Bilis! C. Kay ganda ng buhay!
b. Laban! D. Ang bait!
27. 4. Maikling sambitla- Ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o
dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Naku! C. Aray!
b. Grabe! D. Ay!
5. Panawag- Matatawag ding vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing
salita o panawag na pangkamag-anak.
Halimbawa:
a. Arthur! C. Hoy!
b. Ginoo! D. Kuya!
6.Pamanahon- nagsasaad ng oras o uri ng panahon.
28. May dalawang uri nito.
a. Penomenal-pangungusap na tumutukoy sa mga kalagayan o
pangyayaring pangkalikasan o pangkapaligiran.
Halimbawa: 1. Maalinsangan ngayon.
2. Lumilindol!
b. Temporal- nagsasaad ng mga kalagayan o panahong panandalian
Halimbawa: 1. Alas dose na.
2. Sabado ngayon.
3. Pasukan na.
7. Pormularyong Panlipunan- Mga pagbati, pagbibigay-galang at iba pa na
nakagawian na sa lipunang Pilipino.
Halimbawa:
a. Mabuhay! C. Magandang araw.
b. Makikiraan. D. Salamat.
29. Lagyan ng tsek () ang mga pangungusap na walang paksa at ng ekis
(X) ang hindi.
1. Ang galing niyang umarte. 12. Maganda ang palabas sa plasa.
2. Ay! 13. Wala pang pera.
3. Asus! 14. Halika rito, ale!
4. Pasko na. 15. Tisoy!
5. Lunes na bukas. 16. Pumayag ka na sa usapang ito.
6. Ibig ko itong mapanood. 17. Puwedeng makatawad?
7. Kainis! 18. Tao po.
8. Bumabagyo! 19. Walang anuman.
9. Makulimlim kahapon. 20. Ate
10.Pasensiya na!
11.Hoy!
30. Uriin kung anong uri ng pangungusap na walang paksa ang nilagyan mo ng
tsek . Isulat ang buong pangungusap sa tamang kahon.
Pamanahon