Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.
Upcoming SlideShare
Ang mahiwagang tandang fil  7
Ang mahiwagang tandang fil 7
Loading in …3
×
1 of 13

Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X

12

Share

Download to read offline

Related Books

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

Related Audiobooks

Free with a 30 day trial from Scribd

See all

Kwentong bayan sa Rehiyon VIII, IX at X

  1. 1. Mga KwentongBayan sa Rehiyon VIII, IX, at X
  2. 2. Rehiyon VIII- Silangang Kabisayaan Ang Kataksilan ni Sinogo Maraming maraming taon sa nakaraan sa bayan ng Leyte, nuong si Maguayan pa ang panginuon sa dagat, at ang mapusok na Kaptan ang naghahagis ng kidlat mula sa kanyang kaharian sa langit, pulos mga halimaw ang lumalangoy sa tubig at lumilipad sa himpapawid. Malalaki ang ipin at matatalas ang kuko ng mga halimaw sa himpapawid. Subalit kahit ano ang bangis nila, sama-sama silang nabubuhay nang tahimik dahil takot sila sa galit at lupit ni Kaptan. Kaiba ang lagay sa dagat sapagkat dambuhala ang mga halimaw na lumalangoy at malakas ang luob nila sa kanilang laki at lakas. Pati si Maguayan ay sindak sa kanilang laki at dahas kaya hindi siya sinunod, ni hindi iginalang ng mga halimaw. Balisa araw-araw si Maguayan na baka siya ang balingan ng mga ito.
  3. 3. • Natakot at nawalan ng pag-asa si Maguayan na igalang siya ng mga halimaw sa karagatan kaya’t humingi siya ng tulong kay Kaptan, ang namumuno sa kalangitan • Tinipon ni Kaptan ang mga halimaw mula Luzon, Visayas hanggang sa Mindanao at inutos nitong igalang si Maguayan tulad ng paggalang nila sa Kaptan. Ang sinumang sumuway ay parurusahan at papatayin. • Nang pinauwi nya ang mga halimaw, nagpiging ang dalawang diwata, Inutusan ang kanyang tatlong tagahayag na sila Dalagan, ang pinaka-mabilis, si Gidala, ang pinaka- matapang, at si Sinogo, ang pinaka-makisig at pinaka-mahal ni Kaptan. • Binigyan ni Kaptan ng gintong kabibe si Maguayan upang kung mayroong talipandas na sumuway sa utos nito at kalabanin si Maguayan ay maari nyang isubo ang kabibe at magbagong anyo na mas malakas at mas malaking halimaw upang matalo nya ang kakalaban sa kanya. Nagpasalamat si Maguayan at nagpatuloy sa piging •Matagal bago namalayang wala si Sinogo, at ipinahanap siya ni Kaptan kay Dalagan. Kasing bilis ng lintik, bumalik si Dalagan at hinayag na wala na sa pulo si Sinogo. Nataon namang napansin niMaguayan na naglaho ang gintong kabibi kaya nahulaan ni Kaptan na ninakaw ito ni Sinogo at tumakas. Sumisigaw sa galit, inutos ni Kaptan kina Dalagan at Gidala na habulin at bihagin ang taksil
  4. 4. •Nang namataan nila sa isang daungan si Sinogo, susunggaban na sana nila ito subalit isinubo ni Sinogo ang kabibe at naging isang malaking buwaya at sumisid sa dagat. Hinabol nila ito at pinagta-taga subalit hindi umubra ang armas nila sa kapal ng balat nito. Bumalik si Dalagan sa Kaptan, iniwan nito si Gidala at ibinalita kung saan lumalangoy itong si sinogo. • Tinambangan ng Kaptan si sinogo at lumipad patungo sa tinatawag ngayon na Tanon Strait hawak ang isang malakas na kidlat. Habang tinataga ni Gidala si Sinogo, umalingawngaw ang malakas na kulog at tumama sa likuran ni Sinogo ang malakas na kidlat ni Kaptan. •Nakatuhog sa kidlat, hindi naka-alpas si Sinogo at sa pagpu-pumiglas niya, nailuwa niya ang gintong kabibi. Mahuhulog sana sa putik ang kabibi subalit sinalo ito ng isang isda, pagkatapos dinala kay Kaptan. Samantala, nanatiling buwaya si Sinogo at patuloy na palag nang palag sa ilalim ng dagat. •Ang walang tigil na palag ni Sinogo na dambuhalang buaya ang sanhi ng mga ipu-ipu sa bahaging iyon ng Pilipinas, bahaging laging iniiwasan ng mga namamangka, sa takot nila sa panganib.
  5. 5. Rehiyon IX- Tangway ng Kasambuwangaan (Zamboanga Peninsula) Si Manik Buangsi Noon ay may isang sultan na may pitong anak na dalaga. Ang bunso ang pinakamaganda sa lahat. Ang kanyang pangalan ay Tuan Putli. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa kanya. Ngunit hindi niya pinansin ang mga ito, sapagkat sa kanyang panaginip ay nakita na niya ang lalaki na kanyang iniibig. Siya ay si Manik Buangsi. Datapwat si Manik Buangsi ay hindi isang pangkaranwang tao. Siya ang nilalang na walang kamatayan at nakatira sa pook ng mga bathala. Sa panaginip lang niya dinadalaw si Tuan Putli. Dumating ang araw na hindi na matiis pa ni Manik Buangsi ang kanyang pag-ibig kay Tuan Putli. Kung kayat kinausap niya si Allah. Pumayag naman si Allah na bumaba isi Manik Buangsi sa lupa.
  6. 6. Si manik Buangsi ay nag-anyong isang ginuntuang bayabas. Napasakamay siya ng isang matandang babae na pulubi. Nag bigyan ni Tuan Putli ang pulubi ng limos ay ibinigay naman ng pulubi ang prutas sa kanya. “Itanim mo ito sa hardin,” ang bilin ng pulubi kay Tuan Putli.” “ Ang bungang nito ay siyang iyong kapalaran!”. Itinanim ni Tuan Putli ang bunga. Tumubo agad ito at nagbunga ng marami. Pinitas nito ang pinakamalaki at pinakamgandang bunga at iyo ay dinala niya sa loob ng kanyang silid. Sa loob ng bungang iyon ay naroon si Manik Buangsi. Sa gabi, nagmumula sa bungang iyon ang isang kakaibang liwanag. Pagkatapos, lalabas si Manik Buangsi at panonoorin ang mukha isang magandang dayang-dayang. Saka lamang siya bumabalik sa loob ng bunga kapag tumilaok na ang manok. Ngunit sa isang pagkakaton ay nakatulog si Manik Baungsi. Nang magising siya ay nakasikat na ang araw. Gayon na lamang ang pagtataka ng dalaga. “Kung gayon, isa kang katotohanan!” bulalas ni Tuan Putli.
  7. 7. Ngumiti si Manik Buangsi. “oo Wika niya. At narito ako upang pakasalan ka!. Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ni Tuan Putli at Manik Buangsi. Nanatili sina Manik Buangsi at Tuan Putli sa lupa. Sa kabilang dako, naninibugho ang mga kapatid ni Tuan Putli sa kanyang magandang kapalaran. Hanggang sa naisip ng tatlong dalaga na sirain ang magandang ugnayan ng dalawa. “Hindi ka dapat magtiwala sa asawa mo,” sabi ng isa kay Tuan Putli. “Maaring isa lamang siyang masamang espirito!” “Maganda siyang lalaki,” wika pa ng isa pa. “ sigurado mo bang ikaw lang ang babaeng minamahal niya?” “Sa tingin ko ay isa ka lamang sa mga babaeng dumaan sa buhay niya,” sabi sa kanya ng isa pa, “Paluluhain ka niya balang araw!”
  8. 8. Dahil sa patuloy sa paninira ng kanyang mga kapatid ay tuluyan nang nalason ang kanyang isipan. Naging selosa si Tuan Putli sa kalaunan. Palagi na niyang inaaway si Manik Buangsi. Hanggang sa dumating ang panahong napuno na si Manik Buangsi. Ipinasiya niyang bumalik na sa kanyang pinagmulan. Sa kapangyarihang taglay niya ay biglang isang lumabas ang isang mabikas na puting kabayo at isang kris. Nagsisi si Tuan Putli at nagmakaawang isama siya ni Manik Buangsi. Pumayag naman si Manik Buangsi. Sa kanilang paglalakbay ay biglang binalot sila ng makapal sa alikabok. Ang mga dahon ng mga damo sa paligid ay nagmistulang kris, ngunit buong tapang na sinagupa ni Manik Buangsi ang lahat. Hanggang sa dumating sila sa isang mahaba at makipot na tulay. Sa ilalim ng tulay ay isang ilog na kumukulo at mula roon ay maririnig ang daing ng mga nagdudurusa kaluluwa.
  9. 9. Mahigpit ang yakap ni Tuan Putli sa baywang ng asawa. “ hindi ako magdidilat ng mata,” pangako niya. “ pipikit ako!.” Nagsimula silang tumawid sa makipot sa tulay, sakay ng kabayo. Ngunit hindi kaginsa-ginsa’y, biglang nakarinig ng tinig si Tuan Putli. Siya ang tinatawag nito. “Tuan Putli! Tuan Putli! Tuan Putli!” daing ng tinig. Ang tinig na iyon at tulad ng kanyang yumaong ina! Bigla nitong iminulat ang mga mata at tumingin sa ibaba. Dahil sa takot sa nakita ay nakabitaw ito at nahulog sa kailaliman. Mula noon mag-isa na lang si Manik Buangsi na nakarating sa kaharian, ngunit malungkot ito sa pagkamatay ng asawang hindi nakinig sa kanya.
  10. 10. Rehiyon X- Hilagang Kamindanawan (Northern Mindanao) Pinagmulan ng Guimad (mula sa Siyudad ng Ozamiz, Misamis Occidental) Sa unang panahon, si Gu-i-mad usa ka timo-ay sa mga subanen sa usa ka lugar. Siya ang tawo na matinabangon, manggihatagon ug adunay maayong paglantaw sa iyang mga sakop. Usa ka tawo na adunay poy nasayran sa pag-ayo sa ginagmay'ng sakit. Dali siyang duolon sa mga tawo, dili siya hakog sa mga tawo nga nanginahanglan sa iyang tabang. Tinahod siya sa mga katawhan ug sa uban pang mga kadagkuan sa uban pang mga tribo. Adunay usa ka panahon nga kinahanglan siya moduaw sa ilang silingang lugar para sa himoong sabot-sabot. Nagsakay siya sa kabayo para adtoon ang lugar sa iyang usa ka higala. Sa panahon sa iyang pagpa-uli sa maong lugar, kusog kaayo ang ulan ug hangin. Sa wala damha, pagtabok niya sa usa ka sapa kauban sa iyang kabayo,kalit ni hapak ang kusog na baha sa maong sapa. Ug sa kadautang palad, naanod si Gu-i-mad kauban sa iyang kabayo ug wala na siya nakita. Sa pagsubang sa adlaw, nakit-an na lamang siya sa daplin nga wala nay kinabuhi ug adunay daghang lagom. Sa pipila ka mga adlaw ang milabay, paghuman sa maong nahitabo, nasabotan sa mga katawhan nga isip paghinomdom sa kalag ni Gu-i-mad, nganlan nila ang maong lugar ug GUIMAD ug usabon lang kini sa pagbasa hangtod nga sa pagrehistro sa pipila ka mga tuig nga milabay, ang lugar nga walay ngalan nga gipuy-an sa mga subanen nahimong Guimad ug hangtod karon mao na kini ang ngalan sa maong barangay.
  11. 11. SALIN: Noong unang panahon, si Gu-i-mad, isang pangulo ng mga subanon sa isang kilalang lugar. Siya ay matulungunin, mapagbigay, at mayroong maayos na pananaw sa kanyang mga nasasakupan. Isa siya sa mga taong mayroon ding nalalaman sa pagpapagaling sa mga hindi kalalakihang sakit. Madali siya lapitan ng mga tao, hindi siya maramot sa mga taong nangangailangan sa kanyang tulong. Ginagalang siya sa lahat ng mga tao pati na rin sa mga malalaking tao sa ibang tribo. May isang araw na kinailangan niyang pumunta sa isang lugar para sa gawing usapan. Sinakyan niya ang kanyang kabayo para puntahan ang lugar sa isa niyang kaibigan. Sa panahon na siya'y papauwi na, malakas na malakas ang ulan at hangin. Sa hindi inaakalang pangyayari, biglang humampas ang malakas na baha. Sa kasawiang palad, natangay siya ng baha pati na rin ang kanyang kabayo at hindi na siya nakita. Sa pasikat ng araw, nakita ng mga tao si Gu-i- mad sa gilid ng sapa na wala ng buhay at may maraming mga pasa sa katawan.
  12. 12. Ilang araw ang nakalipas matapos ang pangyayaring ito, napagdisisyunan ng mga tao na Guimad ang ipapangalan nila sa kanilang lugar, dahil na rin sa pagpapaalala sa kabutihang nagawa ni Gu-i-mad. Napagkasunduan din nila na ibahin ang nakarehistro. Naging Guimad ang nasabing lugar na hango kay Gu-i-mad na pangulo ng mga subano noon. Hanggang ngayon, ito na ang pangalan ng lugar na ito.
  13. 13. Salamat sa pakikinig Iniulat ni: Denise Adrienne C. Espiritu III-14 BSE Filipino

×