2. Panuto: Piliin ang wastong gamit ng salita sa bawat bilang.
Paunang Pagtataya: Sagutin
Mo na Ako!
1. Nakaharang sa (pinto, pintuan) ang hinubad niyang sapatos.
2. (Iiwan, iiwanan) na kita kung mananatili kang ganyan.
3. Ang bukol sa kanyang leeg ay (ooperahan, ooperahin)
4. Bukas na tayo magkita-kita (kina, kila) Joyce.
5. Ibig (kong, kung) sumama sa inyong lumabas.
3. Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng sinalangguhitang salita.
Pre-Test: Sagutin
Mo na Ako!
6. “Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, dagiti’t dumagit saan
man sumuot…” – Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pangarap c. problema o suliranin
b. isang laruan d. pagsubok sa buhay
4. Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng sinalangguhitang salita.
Pre-Test: Sagutin
Mo na Ako!
7. “Walang nakaalam kung gaano katanda ang gilingang bato.
Ito’y nagisnan na naming magkakapatid. – Edgardo M. Reyes,
Ang Gilingang Bato
a. kabuhayan c. pamana
b. katandaan d. panahon
5. Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng sinalangguhitang salita.
Pre-Test: Sagutin
Mo na Ako!
8. Lumuha ka aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang
kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa – Amado V.
Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha, Aking Bayan
a. damdamin c. pagliligtas sa bayan
b. Pag-ibig sa bayan d. pagdurusa ng bayan
6. Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng sinalangguhitang salita.
Pre-Test: Sagutin
Mo na Ako!
9. Hindi ko ibig na maging halaman na namumulakak na may
bango’t kulay. At sa halip nito’y ibig ko lamang maging lupa ako’t
magsilbing taniman
a. buhay c. pag-ibig sa bayan
b. kabataan d. tahanan
7. Panuto: Tukuyin ang sinisimbolo ng sinalangguhitang salita.
Pre-Test: Sagutin
Mo na Ako!
10. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap – David
T. Mamaril, Lupa at Halaman
a. kahirapan c. pamilya
b. kayamanan d. tahanan
8. Ang iskrip ang pinakakaluluwa ng isang dulang itatanghal sapagkat lahat
ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay nagmumula rito. Sa iskrip
matatagpuan ang galaw ng aktor, ang mga tagpo, ang mga eksena.
Ang diyalogo ang sinusundan ng aktor. Ito ang nagbibigay ng mensahe sa
isang dula. Diyalogo ang tawag sa anumang usapan sa pagitan ng dalawa at ilan
pang mga tauhan sa loob ng isang dula.
9. Pre-writing Writing Re-writing
Ito ang bahagi ng
pagiisip at
pagpaplano.
Dito binubuo ang
konsepto ng istorya,
sino ang mga tauhang
gaganap kabilang ang
bida at kontrabida,
saang lugar o tagpuan
gagawin, at anong
banghay ang
gagamitin.
Sa simula ng pagsulat
ng iskrip ay
makabubuting sumulat
muna ng sentence
outline.
Ang sentence outine
ay isang de-numerong
pagkasunod-sunod ng
mga pangyayari sa
istirya
Kung napino na ang
iskrip, isulat itong muli
upang maging
malinaw at madaling
maitanghal
Tatlong Bahagi ng Pagsulat ng Iskrip
10. Halimbawa ng Sentence Outline
1. Nasa nayon si Maria Blanca at nalaman niya sa pamamagitan ng kanyang
mahiwagang singsing ang nalalapit na pag-iisang dibdib nia Don Juan at Donya
Leonora.
2. Humiling si Donya Maria sa kanyang mahiwagang singsing ng isang magandang
karosa at kasuotang mang-emperatriz.
3. Umalis si Donya Maria kasabay ang kanyang mahiwagang karuwahe.
11. Halimbawa ng Iskrip:
Tauhan:
Donya Mariya – makapangyarihan, matalino, at magandang prinsesa
Panahon:
Umaga, maliwanag ngunit maulap
Tagpuan: sa nayon kung saan iniwan ni Don Juan si Donya Maria.
Tagapagsalaysay: Pagkahawi ng tabing ay makikita ng madla si Donya Maria suot ang magandang
damit habang malungkot na nakatingin sa kanyang singsing. Maraming mga puno sa kanyang paligid
at ipinakita ang isang munting tahanang yari sa bao sa kanyang likuran.
Donya Maria: Don Juan, ako’y talagang iyo nang nalimot. Paano na ang iyong mahal na prinsesa
kung ikaw ay magpapakasal kang Donya Leonora?
Tagapagsalaysay: Mamasdang ang singsing at hiniling sa kanyang singsing na tila naiyak pa.
Donya Maria: Mahiwagang singsing, ako ay bigyan mo ng magandang karosa.
Tagapagsalaysay: Lalabas ang karosa. May labindalawang kabayp at labindalawang
lalakingmaganda ang tindig na nakatayo sa tabi ng karosa.
12. Paggamit ng Angkop na mga Salita at Simbolo sa Pagsulat ng Iskrip
Ang simbolo ay mga salita na kapag binanggit sa isang akdang pampanitikan
tulad halimbawa sa isang tula ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapkahulugan sa
mambabasa. Ngunit ang pagpapakahuluagn ng mambabasa ay kailangang hindi
malayo sa tunay na intensiyon ng makata.
13. Simbolo Kahulugan
Puti Kalinisan o kadalisayan
Itim Kamatayan o kasamaan
Kalapati Kapayapaan o pakikiisa
Puso Pag-ibig o pagmamahal
Sisa Wala sa tamang pag-iisip
Bubuyog Manliligaw
Ligaw na tupa Napariwara ng landas
Alibughang anak Anak na nagbibigay ng hinanakit sa
magulang
Puno Katatagan
Bundok Pagsuboko problema
Halimbawa:
14. Suriin natin!
Panuto: Piliin ang mga simbolong tumutukoy sa kahulugan ng bawat pahayag.
Saknong mula sa “Ibong Adarna” Kahulugan Simbolo
1. Sa palasyo’y anong saya lahat doon ay masigla,
tiwala ang Ahri’t Reynang ang ulap ay naparam na. Problemang nabigyang solusyon
2. Hindi niya nababatid na sa nayo’y may ligalig
ito’y apoy na sasapit sa palasyong nagtatalik. Nagbabadyang kaguluhan
3. Ang tubig sa kanyang prasko’y ibinuhos sa
palasyo, bumaha sa buong reyno’t nasindak ang
mga ito.
Trahedya
4. Bulaklak ka ng pag-ibig pabango sa aking dibdib,
tuwing ako’y mahahapis lunas na ang iyong titig. Iniirog o kasintahan
5. Sumisikat sa bituin sa bughaw na panginurin
nakangiti at magiliw sa pagsabog niyong ningning! Paghanga sa kagandahan
15. Iskrip Mo, Aayusin Ko!
Panuto: Ayusin ang ang pagkakasunod-sunod ng mga diyalogo gayon din kung sino ang nagsabi nito.
Hari Maria Reyna
__ ___: Emperatris, ipakita ang palabas, Ako’y sadyang nasisiyahan nang dahil sa iyong bigay na regalo.
__ ___: Emperatris na marilag, hindi pa huli ang iyong hangad sapagkat ang kasal ay itinigil para ikaw ay
matanaw. Tradisyon na ng kaharian parangalan muna ang bisita bago ang sarili.
__ ___: Ganoon po ba? Kung gayon ay mayroon akong regalo sa inyong mga taga-Palasyo. Isang palabas
na bagay sa kasalang magaganap.
__ ___: Itigil muna ang kasalan. May dumarating na emperatris.
__ ___: Naakit po akong tumigil at dumalo sa kasalan. Ngunit, parang ako ay nahuli na ng dating.
16. Proyekto sa Filipino 7
Sumulat ng isang iskrip ng bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng pagpapahalagang
Pilipino katulad ng:
pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Diyos
mataas na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya
paggalang ng mga anak sa magulang
paggalang sa nakatatanda
pagtulong sa kapwa
pagtanaw ng utang na loob
mataas na pagpaphalaga sa puri at dangal ng mga kababaihan
pagkakaroon ng tibay at lakas ng loob sa pagharap ng mga hamon sa buhay
Dapat ito ay isang yugto lamang na maitatanghal sa loob ng sampung minuto. Isulat ito sa
isang short bond paper at ilagay sa folder.
17. Pamantayan sa Pagsulat ng Iskrip
Mga Pamantayan
Nakalaang
Puntos
Ang Aking
Puntos
Angkop at naiugnay ang paksa. 5
Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolo sa
pagsulat ng iskrip.
5
Nagagamit ang mga salita at pangungusap nang may
kaisahan at pagkakaugnay-ugnay
5
Malinaw ang balarila/gramatika 5
5-Napakahusay
4-Mahusay
3-Katamtaman
2-Di-Mahusay