1. PAG-USBONG NG PAGGAMIT NG MGA SALITANG BALBAL
BILANG MODERNONG WIKA NG KABATAAN
I. PAKSA:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang pag-usbong ng paggamit ng mga salitang
balbal bilang modernong wika ng kabataan. Ang mga salitang balbal ay mga salitang hindi opisyal
na bahagi ng wika ngunit karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na komunikasyon ng mga
kabataan. Sa paglipas ng panahon, maraming salitang balbal ang naging bahagi ng pangunahing
paraan ng pakikipag-usap.
II. RASYUNAL/LAYUNIN
Mahalaga ang paksang ito sapagkat layunin ng pag-aaral na mailarawan ang karanasan ng mga
respondente sa paggamit ng balbal na pananalita sa kanilang pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan at masuri ang mga sumusunod:
1. Alamin ang kasaysayan ng mga salitang balbal at kung paano ito naging bahagi ng modernong
wika ng kabataan.
2. Tukuyin ang mga pangunahing salitang balbal na popular sa kasalukuyang panahon.
3. Surin ang implikasyon ng paggamit ng mga salitang balbal sa komunikasyon at kultura ng
kabataan.
4. Tuklasin ang mga dahilan kung bakit umaunlad ang mga salitang balbal at kung paano ito
nagiging bahagi ng kanilang wika.
III. PAMAMARAAN
2. IV. PANIMULA
Ang "salitang balbal" ay tumutukoy sa mga salitang karaniwang ginagamit ng ilang mga
tao o grupo, ngunit hindi ito kinikilala o tinatanggap sa pormal na komunikasyon o sa wikang
opisyal. Madalas, ang mga salitang balbal ay mga slang o jargon na may espesyal na kahulugan sa
loob ng isang partikular na komunidad. Ang paggamit ng mga salitang balbal bilang modernong
wika ng kabataan ay nagpapakita ng pagbabago at pag-unlad ng wika sa loob ng isang kultura. Sa
mga nakaraang dekada, napansin ang pag-usbong ng mga bagong salita at ekspresyon na hindi
bahagi ng tradisyunal na wika ng isang lugar. Ito ay isang patunay na ang wika ay patuloy na
umuusbong sa pagsasalin ng panahon at pag-aangkop nito sa pangangailangan ng mga gumagamit
nito, partikular na ang kabataan.
V. PAGTATALAKAY
Ayon kay Ocampo (2013), ang salitang balbal ay naging bahagi na ng bokabularyong
Filipino na tumutugon sa kinakailangan ng lipunan. Masasabing ang wikang ito ay pampersonal
na pakikipagkomunikasyon at tinatawag ding “salitang kalye” (halaw sa Estanislao et al., 2018).
Binanggit naman nina Kazuhiro et al. (2009) halaw sa Quia et al., (2018), ang balbal na salita ay
ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan.
Isang lipunan na lalong nanghimok sa kabataan na makasanayang bigkasing madalas ang mga
salitang ito gaya ng lipunang mabubuo sa social media, isang lipunang dihital na nabibigyan ang
sinoman ng pagkakataong makilahok o di kaya ay makibahagi sa anomang paksa o usaping pinag-
uusapan.
Ayon kay Morong (2009), ang mga kabataan ang siyang lumikha ng ganitong anyo ng
wika, sa kanilang antas ito laganap. Bunga ito ng impluwensya ng pangkapaligiran katulad ng
3. palengke, sinehan, telebisyon at iba pa. Ang mga salita ay dumadaan sa iba`t ibang proseso bago
ito matawag na salitang balbal. Ilan sa mga prosesong ito ay ang mga sumusunod: una ay ang
paghango sa wikang katutubo, pangalawa ay ang paghiram ng wikang banyaga at marami pang
iba