2. WIKA
Isang sistema ng kumunikasyon na
ginagamit ng mga tao. Ito ay koleksyon
ng iba’t-ibang simbolo at mga salita na
nagpapahayag ng kahulugan. Ito ay
nagsisilbing behikulo upang
maipahayag natin ang ating mga
kaisipan, mga saloobin at
nararamdaman.
4. Wikang Pormal
Ito ay itituturing na mas angkop at katanggap-
tangap na paggamit ng wika sa lipunan. Ito ay
karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral at
propesyonal. Masuri itong binubuo sa
pamamagitan ng paggamit ng pinakawastong
salita, at pagsunod sa mga panuntunan tulad ng
balarila o gramatika. Tinatawag ding impersonal
o siyentipiko sapagkat ito ay ginagamit upang
maghatid ng mahahalagang impormasyon.
5. Wikang Impormal
Ito ang karaniwang ginagamit natin sa
araw-araw para makipag-usap sa ating
kapwa. Ito ay mas personal kumpara sa
wikang pormal. Hindi ito
nangangailangan ng mataas na
kawastuhan sa gramatika kumpara sa
wikang pormal.
6. Iba’t-ibang Antas ng Wika
Pambansa – Ito ay karaniwang
ginagamit sa paaralan at
pamahalaan. Ito ay ginagamit na
panturo; ginagamit din ito sa
debate sa senado.
7. Pampanitikan (Panretorika) –
Ito naman ay karaniwang
ginagamit sa mga akdang
pampanitikan tulad ng libro, tula
at awit. Ang katangian ng antas
na ito ay masining, makulay, at
mayroong malalim na
pagpapakahulugan.
8. Panlalawigan – Ito ay ginagamit ng isang
partikular na pook o lalawigan. Nagkakaroon ng
wikang panlalawigan sapagkat may mga rehiyon
na gumagamit ng sarili nilang dialekto. Maaring
magkaroon ng pagkakaiba sa istilo ng paggamit
ng lengguwahe ang bawat lalawigan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling tono o
punto ng pagsasalita, at maging sa mga
panghaliling salita na kanilang ginagamit.
9. Salitang Balbal – Tinatawag na slang sa
wikang Ingles. Ito ay mga salitang bigla na
lamang sumusulpot sa kasalukuyang
panahon at karaniwang ginagamit ng
kabataan. Ang balbal o salitang kanto ay
inimbento ng pangkat ng mga tao na
gustong magkaroon ng sariling
pagkakakilanlan. Itinuturing itong
pinakadinamiko sapagkat napakabilis
nitong magbago; maaring ang salitang
balbal na uso ngayon ay laos na
kinabukasan.
10. Kolokyal – Ito ay hinango sa
mga pormal na salita at
karaniwang ginagamit sa
pang-araw-araw na
pakikipagtalastasan. Ang
pagpapaiki ng mga salita ay
kabilang sa antas na ito.