SlideShare a Scribd company logo
1 of 7
Download to read offline
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
Bilang	ng	Modyul 1
Pamagat ng	Modyul Ang	Kasaysayan	ng	Panitikan	sa	Pilipinas
Bilang	ng	Oras APAT	NA	ORAS
Linggo 1
Petsa Aug.	24-28, 2020
Paksa:
1. Ang	Panitikan
2. Ang	Anyo	ng	Panitikan
3. Ang	Kahalagahan	ng	Panitikan
Layunin:
1. Nalalaman	ang	katuturan	ng	panitikan	sa	iba`t	ibang	pananaw.
2. Nakapaghambing	sa	panitikan	noon	at	ngayon.
Introduksyon
Sa	pinakapayak	na	paglalarawan,	ang	panitikan	o	panulatan	ay	ang	pagsulat	ng	tuwiran	o	tuluyan	
at	patula	na	nag-uugnay	sa	isang	tao.	Subalit	upang	maipagkaiba	ito	mula	sa	ibang	mga	walang	saysay	na	
babasahin	o	patalastas	lamang,	ang	mga	panitikan	ay	ang	mainam	na	pagsulat	na	may	anyo,	pananaw,	at	
diwang	nakasasanhi	ng	matagal	na	pagkawili	at	gana.	Samakatuwid,	may	hugis,	may	punto	de	bista	at	
nakapagpapahaba	 ng	 interes	 ng	 mambabasa	 ang	 isang	 sulating	 pampanitikan.[1]	 Nagsasalaysay	 ng	
buhay,	pamumuhay,	lipunan,	pamahalaan,	pananampalataya	at	mga	karanasang	kaugnay	ng	iba't	ibang	
uri	 ng	 damdaming	 tulad	 ng	 pag-ibig,	 kaligayahan,	 kalungkutan,	 pag-asa,	 pagkapoot,	 paghihiganti,	
pagkasuklam,	sindak	 at	 pangamba.[2]	 Ito	ang	isang	 dahilan	kung	 bakit	 pinag-aaralan	 ang	larangan	 ng	
literatura	sa	mga	paaralan
TALAKAYAN
Panitikan
Ang	 salitang	 panitikan	 ay	 nanggaling	 sa	 salitang	 "pang-titik-an"	 na	 kung	
saan	ang	unlaping	"pang" ay	ginamit	at	hulaping	"an".	At	sa	salitang	"titik"	naman	
ay	nangunguhulugang	literatura	(literature),	na	ang	literatura	ay	galing	sa	Latin	na	
litterana	nangunguhulugang	titik.
Ang	 panitikan	 ay	 mga	 panulat	 na	 nagpapahayag	 ng	 mga	 karanasan,	
damdamin,	kaisipan,	o	kwento	ng	isang	tao.	Ito	ay	maaring	batay	sa	katotohanan	o	
gawa-gawa	lamang	para	sa	isang	layunin.
Ayon	ka	Hino,Azarias	sa	kanyang	aklat	na	Pilosopia	ng	Literatura,ang	Panitikan	ay	pagpapahayag	
ng	mga	damdamin	ng	tao	hinggil	sa	mga	bagay-bagay	sa	daigdig,sa	pamumuhay,sa	lipunan	at	pamahalaan	
at	sa	kaugnayan	ng	kaluluwa	sa	Bathalang	lumikha.Ang	paraan	ng	pagpapahayag	ay	inaayos	sa	iba`t	ibang	
niyang	 karanasan	 at	 lagay	 ng	 kalooban	 at	 kaluluwa,na	 nababalot	 ng	 pag-ibig	 o	 pagkapoot	 ,ligaya	 o	
lungkot,pag-asa	o	pangamba.
Maria	 Ramos- kasaysayan	 ng	 kaluluwa	 ng	 mga	 mamamayan.Nasasalamin	 ang	 mga	 layunin,	
damdamin,	panaginip,	pag-asa,	hinaing	at	guni-guni	ng	mga	mamamayan	na	nasusulat	o	binabanggit	sa	
maganda,	makulay,	makahulugan,	matalinghaga	at	masining	na	mga	pahayag.
- lumilinang	ng	nasyonalismo
- nag-iingat	ng	karanasan	,	tradisyon
- at	kagandahan	ng	kultura
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
Atienza,	 Ramos,	 Zalazar	 at	 Nozal	 na	 "Panitikang	 Pilipino"- ang	 tunay	 na	 panitikan	 ay	 walang	
kamatayan	 nagpapahayag	 ng	 damdamin	 ng	 tao	 blang	 ganti	 niya sa	 kanyang	 pang-araw-araw	 na	
pagsusumikap	upang	mabuhay	at	lumigaya	sa	kanyang	kapaligiran
Anyo	ng	Pantikan
Ang	dalawang	anyo	ng	panitikan	ay	tuluyan	at	patula.
Tuluyan	(prosa) - maluwag	na	pagsasama-sama	 ng	mga	salita	sa	loob	ng	pangungusap.	Ito	ay	
nasusulat	sa	karaniwang	takbo	ng	pangungusap	o	pagpapahayag.
Patula	- pagbubuo	ng	pangungusap	sa	pamamagitan	ng	salitang	binibilang	ng	pantig	sa	taludtod	
na	pinagtugma-tugma	at	nagpapahayag	din	ng	mga	salitang	binibilang	ang	mga	pantig	at	pagtutugma-
tugma	ng mga	dulo	ng	mga	taludtod	sa	isang	saknong.
Mga	akdang	tuluyan	
Alamat	 - isang	 uri	 ng	 panitikan	 na	 nagkukuwento	 tungkol	 sa	
mga	 pinagmulan	 ng	 mga	 bagay-bagay	 sa	 daigdig.	 Karaniwang	
nagsasalaysay	ang	mga	ito	ng	mga	pangyayari	hinggil	sa	tunay	na	mga	
tao	 at	 pook,	 at	 mayroong	 pinagbatayan	 sa	 kasaysayan.	 Kaugnay	 ang	
alamat	ng	mga	mito	at	kuwentong-bayan.
Anekdota	- isang	uri	ng	akdang	tuluyan	na	tumatalakay	sa	kakaiba	o	kakatwang	pangyayaring	
naganap	sa	buhay	ng	isang	kilala,	sikat	o	tanyag	na	tao.	Ito	ay may	dalawang	uri:	kata-kata	at	hango	sa	
totoong	buhay.	Ito	rin	ang	mga	ginagawa	ng	mga	pagpapaliwanag	sa	mga	ginagawa	ng	mga	tao.
Halimbawa
Ang	Munting	Gamu-Gamo--- Ina,	Anak,	Ilawan
Ang	Inang	gamu-gamo
Ang	mapagmahal	na	Inang	gamu-gamo Ang	lumang	ilawan
Hahabiin	ang	tama Ang	matanglang	na	lumang	ilawan
Pagmamahal	sa	kanyang	anak Kariktang	nagliliwanag
Ang	anak	na	gamu-gamo Kariktang	napakaini
Ang	masayahing	gamu-gamo
Hahanapin	ang	kalayaan
Gigisingin	ang	kamalayan
Nobela	 - o kathambuhay	 ay	 isang	 mahabang	
kuwentong	 piksyon	 na	 binubuo	 ng	 iba't	 ibang	
kabanata.	 Mayroon	 itong	 60,000-200,000	 salita	 o	
300-1,300	 pahina.	 Noong	 ika-18	 siglo,	 naging	 istilo	
nito	 ang	 lumang	 pag	 ibig	 at	 naging	 bahagi	 ng	 mga	
pangunahing	literary	genre.	Ngayon,	ito	ay	kadalasan	
may	 istilong	 artistiko	 at	 isang	 tiyak	 na	 istilo	 o	
maraming	 tiyak	 na	 istilo.	 Mahabang	 kathang	
pampanitikan	na	naglalahad	ng	mga	pangyayari	na	pinaghahabi	sa	isang	mahusay	na	pagbabalangkas	na	
ang	pinakapangunahing	sangkap	ay	ang	pagkakalabas	ng	hangarin	ng	bayani	sa	dako	at	ng	hangarin	ng
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
katunggali	 sa	 kabila	 -isang	 makasining	 na	 pagsasalaysay	 ng	 maraming	 pangyayaring	 magkasunod	 at	
magkakaugnay.	Ang	mga	pangyayaring	ito	ay	may	kanya-kanyang	tungkuling	ginagampanan	sa	pagbuo	
ng	isang	matibay	at	kawili-wiling	balangkas	na	siyang	pinakabuod	ng	nobela	-binubuo	ng	mga	kabanata	-
maraming	tauhan	at	pangyayari	-kinasasangkutan	ng	2	o	higit	pang	tauhan.
Pabula	- (Ingles:	fable,	Kastila:	fabula)	ay	isang	uri	ng	kathang-isip	na	panitikan	kung	saan mga	
hayop	 o	 kaya	 mga	 bagay	 na	 walang-buhay	 ang	
gumaganap	 na	 mga	 tauhan,	 katulad	 ng	 leon	 at	 daga,	
pagong	at	matsing,	at	lobo	at	kambing.	May	natatanging	
kaisipang	 mahahango	 mula	 sa	 mga	 pabula,	 sapagkat	
nagbibigay	 ng	mga	moral	na	 aral	para	 sa	mga	batang	
mambabasa.	 Tinatawag	 din	 itong	 kathang	 kuwentong	
nagbibigay-aral.
Parabula- o	talinghaga ay	isang	maikling	kuwentong	
may	aral	na	 kalimitang	 hinahango	 mula	sa	 Bibliya.	 Isa	itong	
maikling	salaysay	na	maaaring	nasa	anyong	patula	o	prosa	na	
malimit	nangangaral	o	nagpapayo	hinggil	sa	isang	pangyayari,	
na	kadalasang	isinasalarawan	ang	isang	moral	o	relihiyosong	
aral.	Taliwas	sa	pabula,	ang	parabula	ay	walang	inilalahok	na	
tauhang	 hayop,	 halaman,	 bagay,	 at	 puwersa	 sa	 kalikasan	 na	
pawang	kumikilos	at	nagsasalita	gaya	ng	tao.	Isang	katangian	
nito	 ang	 pagiging	 isang	 kuwentong	 naglalahad	 o	 nagpapakita	 ng	 kung	 paanong	
katulad	ng	 isang	 bagay	 ang	iba	 pang	 bagay.	 Karamihan	 sa	 mga	talinghagang	 nasa	
Bibliya	ay	mga	kuwentong	sinabi	ni	Hesus,	na	nagtuturo	ng	kung	ano	ang	katangian	
ng	Kaharian	ng	Diyos.
Maikling	kwento	- isang	maigsing	salaysay	hinggil	sa	isang	
mahalagang	pangyayaring	kinasasangkutan	ng	isa	o	ilang	tauhan	at	
may	iisang	 kakintalan	 o	impresyon	lamang.	 Isa	itong	masining	 na	
anyo	ng	panitikan.	Tulad	ng	nobela	at	dula,	isa	rin	itong	paggagad	
ng	 realidad,	 kung	 ginagagad	 ang	 isang	 momento	 lamang	 o	 iyong	
isang	 madulang	 pangyayaring	 naganap	 sa	 buhay	 ng	 pangunahing	
tauhan.	 Si	 Edgar	 Allan	 Poe	 ang	 tinuturing	 na	 "Ama	 ng	 Maikling	
Kuwento."
Dula	 - isang	 uri	 ng	 panitikan	 na itinatanghal	 sa	 mga	 teatro.	 Nahahati	 ito	 sa	 ilang	 yugto	 na	
maraming	tagpo.	Pinakalayunin	nitong	itanghal	ang	mga	tagpo	sa	isang	tanghalan	o	entablado.
Sanaysay- isang	maiksing	komposisyon	na	kailimitang	naglalaman	ng	personal	na	kuru-kuro	ng	
may-akda.
Talambuhay- isang	anyo	ng	panitikan	na	nagsasaad	ng	kasaysayan	ng	buhay	ng	isang	tao	hango	
sa	mga	tunay	na	tala,	pangyayari	o	impormasyon.
Mga	akdang	patula
Mga	 tulang	 pasalaysay - pinapaksa	 nito	 ang	 mahahalagang	 mga	 tagpo	 o	 pangyayari	 sa	 buhay,	 ang	
kagitingan	at	kabayanihan	ng	tauhan.
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
Awit	at	Korido	- Ang	awitin	ay	musika	na	magandang	pakinggan.	Kadalasang	itong	maganda	kung	gusto	
rin	ito	ng	makikinig.	Mayroon	itong	tono	at	sukat.	Naglalaman	ang	isang	awiting	ng	bahaging	pang-tinig	
na	ginagampanan,	inaawit	at	pangkalahatang	tinatanghal	ang	mga	salita	(liriko),	karaniwang	sinusundan	
ng	mga	intrumentong	pang-musika	(maliban	sa	mga	awiting	acapella	at	scat).	Kadalasang	nasa	anyong	
tula	 at	 tumutugma	 ang	 mga	 salita	 ng	 mga	 awitin,	 bagaman,	 may	 mga	 relihiyosong	 mga	 taludtod	 o	
malayang	prosa.	Ang	mga	salita	ay	ang	liriko.
Ang	korido ay	isang	uri	ng	panitikang	Pilipino,	isang	uri	ng	tulang	nakuha	natin	sa	impluwensya	ng	mga	
Espanyol.	Ito	ay	may	sukat	na	walong	pantig	bawat	linya	at	may	apat	na	linya	sa	isang	stanza.Ang	korido	
ay	binibigkas	sa	pamamagitan	ng	pakantang	pagpapahayag	ng	mga	tula.
Epiko- uri	 ng	 panitikan	 na	 tumatalakay	 sa	 mga	 kabayanihan	 at	
pakikipagtunggali	ng	isang	tao	o	mga	tao	laban	sa	mga	kaaway	na	
halos	 hindi	 mapaniwalaan	 dahil	 may	 mga	 tagpuang	
makababalaghan	 at	 di-kapani-paniwala.	 Kuwento	 ito	 ng	
kabayanihan	 na	 punung-puno	 ng	 mga	 kagila-gilalas	 na	 mga	
pangyayari.	 Bawat	 pangkatin	 ng	 mga	 Pilipino	 ay	 may	
maipagmamalaking	epiko.
Sa	mahigpit	na	kahulugang	pampanitikan,	ang	epiko	(may	titik	o	sa	
huli,	 isang	 pandiwa)	 ay	 isang	 paglalahad	 na	 makabayani	 o	
bumabayani,	samantalang	ang	epika	(may	titik	a	sa	huli,	isang	pangngalan)	ay	tulang-bayani,	paglalahad	
na	patula	hinggil	sa	bayani.
May	mga	epikong	binibigkas	at	mayroong	inaawit.
Balad	- Ang	balada	ay	isang	uri	o	tema	ng	isang	tugtugin.
Sawikain	- Ang	sawikain	ay	maaaring	tumukoy	sa:
1.	idioma, isang	pagpapahayag	na	ang	kahulugan	ay	hindi	komposisyunal.
2.	moto, parirala	na	nagpapahiwatig	ng	sentimiento	ng	isang	grupo	ng	mga	tao.
3.	salawikain, mga	kasabihan	o	kawikaan.
Salawikain	- Ang	mga	salawikain,	kawikaan	kasabihan,	wikain,	o	sawikain	ay	mga	
maiiksing	 pangungusap	 na	 lubhang	 makahulugan	 at	 naglalayong	 magbigay	
patnubay	 sa	 ating	 pang-araw-araw	 na	 pamumuhay.	 Naglalaman	 ito	 ng	 mga	
karunungan.
Bugtong	 - Ang	 bugtong,	 pahulaan,	 o	 patuuran	 ay	 isang	
pangungusap	 o	 tanong	 na	 may	 doble	 o	 nakatagong	
kahulugan	na	nilulutas	bilang	isang	palaisipan	(tinatawag	
ding	 palaisipan	 ang	 bugtong).	 May	 dalawang	 uri	 ang	
bugtong:	 mga	 talinghaga	 (o	 enigma,	 bagaman	 tinatawag	
ding	enigma	ang	bugtong),	mga	suliraning	ipinapahayag	sa	
isang	metapora	o	ma-alegoryang	wika	na	nangangailangan	
ng	 katalinuhan	 at	 maingat	 na	 pagninilay-nilay	 para	 sa	
kalutasan,	at	mga	palaisipan	(o	konumdrum),	mga	tanong	na	umaaasa	sa	dulot	ng	patudyong	gamit	sa	
tanong	o	sa	sagot.
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
Sa	 panitikang	 Pilipino,	 nilalarawan	 nito	 ang	 pag-uugali,	 kaisipan,	 pang-araw-araw	 na	 buhay	 at	
katutubong	paligid	ng	mga	Pilipino.	Bilang	isang	maikling	tula,	madalas	itong	naging	paisipan	sa	tuwing	
naglalaro	ang	mga	bata.
Kantahin	– (katulad	din	ng	awit)	mga	awitin	na	matatagpuan	sa	iba't	ibang	panig	ng	lugar	sa	bansa.
Tanaga- Ang	tanaga	ay	isang	maikling	katutubong	Pilipinong	tula	na	naglalaman	ng	pang-aral	at	payak	
na	pilosopiyang	ginagamit	ng	matatanda	sa	pagpapagunita sa	mga	kabataan.
May	estrukturang	itong	apat	(4)	na	taludtod	at	pitong	(7)	pantig	kada	taludtod.
Mga	Akdang	Pampanitikan	Na	Nagdala	Ng	Malaking	Impluwensiya	Sa	Buong	Daigdig
Kung	 ang	 klima,Gawain,kinatitirahan.lipunan	 at	 pulitiko,relihiyon	 at	 edukasyon	 ay	 may	
impluwensiya	sa	anyo,hangarin	at	laman	ng	panitikan,ang	panitikan	naman	ay	may	dalang	impluwensiya	
sa	buhay,kaisipan	at	ugaliin	ng	tao	sa	dalawang	kalgayan.
1. Bibliya	o	Banal	na	Kasulatan- naging	batayan	ng	pananampalataya	ng	mga	Kristiyano.
2. Qu'ran na	nagmula	sa	Arabya- banal	na	aklat	ng	mga	Muslim.
3. Uncle	Tom's	Cabin	ni	Harriet	Beecher	Stowe ng	Estados	Unidos- nagbukas	ng	kaisipan	ng	mga	
Amerikano	sa	kaapihan	ng	mga	lahing	itim	at	pinagsimulan	ng	pandaigdig	na	paglaganap	ng	
demokrasya.
4. Iliad	at	Odyssey	ni	Homer	ng	Gresya- kinatutuhan	ng	mga	alamat	at	mitolohiya.
5. Divina	Comedia	ni	Dante	ng	Italya- nagpapahayag	ng	pananampalataya,	moralidad	at	pag-uugali	
ng	mga	Italyano	sa	kapanahunang	yaon.
6. Canterbury	Tales	ni	Chaucer- naglalarawan	ng	mga	kaugalian	at pananampalataya	ng	mga	
Ingles.
7. Aklat	ng	mga	Araw	ni	Confucius- naging	batayan	ng	pananampalataya	at	kalinangang	Intsik.
8. Isang	Libo't	Isang	Gabi- naglalarawan	ng	pamumuhay	ng	mga	tao	sa	Arabya	at	Persya.
9. El	Cid	Compeador- tumatalakay	sa	kasaysayan	ng	Espanya	at	naglalarawan	ng	katangiang	
panlahi	ng	mga	Kastila.
10. Awit	ni	Rolando- nagsasalaysay	ng	panahong	ginto	ng	Kristiyanismo	sa	Pransya,	napapaloob	dito	
ang	Ronces	Valles	Doce	Pares	ng	Pransya.
11. Aklat	ng	mga	Patay- tumatalakay	sa	mitolohiya	at	teolohiya	ng	mga	mamamayan	ng	Ehipto.
12. Mahabharata- ipinalalagay	na	pinakamahabang	epiko	sa	buong	mundo	na	tumatalakay	sa	
pananampalataya	sa	India
Kahalagahan	ng	Panitikan
1. Nalalaman	ang	minanang	yaman	ng	kaisipan	at	katlinuhang	taglay	na	ating	pinagmulan.
2. Ipinapakilala	 ang	mga	ibat-ibang	 tradisyon	na	nagsisilbing	gabay	mula	sa	mga	impluwensya	ng	
ibang	kabihasnan	na	nagnggaling	 sa	mga	karatig	bansa.
3. Upang	mabatid	natin	ang	mga	kaisipan	sa	ating	panitikan	at	makapagsanay	upang	maiwasto	ang	
mga	ito.	
4. Upang	higit	na	mapaunlad	ang	mga	kasanayan	sa	pagsulat	at	ipagpatuloy	hanggang	sa	susunod	na	
lahi.
5. Ipakilala	sa	mga	kapwa	Pilipino	ang	pagmamahal	at	pagmamalasakit	sa	sariling	kultura,	wika	at	
panitikan.
Mga	bahagi	ng	panitikang	Pilipino
Bilang	patnubay	sa	pag-aaral,ang	Panitikang	Filipino	ay	inihahayag	sa	aklat	na	ito	sa	pamamagitan	
ng	pagbabahaging	kaugnay	ng	mga	pagbabagong	pampulitika`t	pangkabuhayan	sa	ting	bayan.
Katutubong	panitikan
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
1. Katutubong	Panitikan-mula	sa	kamula-mulang	panahon	hanggang	sa	pananakop	na	ginawa	ni	
Legaspi	noong	1565.
2. Panitikan	sa	ilalim	ng	krus	at	espada mula	noong	1565	hanggang	sa	pag-aalsa	sa	Kabite	noong	
1872,nang	bitayin	ang	tatlong	paring	Pilipino	na	sina	Burgos,Gomez	at	Zamora.
3. Panitikan	sa	pagkagising	ng	damdaming	makabayan-mula	noong	1872	hanggang	1896.
4. Panitikan	ng	paghihimagsik	at	at	patuloy	na	pakikipaglaban mula	noong	1896	hanggang	sa	
pananakop	ng	Amerika.
5. Panitikan	sa	ilalim	ng	amerika	at	malasariling	pamahalaan mula	1910	hanggang	1941.
6. Panitikan	sa	panahon	ng	mabilis	na	pagbabago pananakop	ng	mga	Hapon	(1941-1945)	
pagkakatatag	ng	Republika(1945)	hanggang	sa	kasalukuyan	(1987)
Mga	Gawain
Pagtiyak	sa	Kaalaman
Bumuo	ng	mga	salitang	maglalarawan	o	magpapaliwanag	sa	salitang	PANITIKAN.Angkupan	ang	bawat	
titik	ng	pangungusap	na	tutugon	sa	hinihingi	ng	gawain.
P
A
N
I
T
I
K
A
N
Pagsusuri
Nakapagbigay ng opinyon	 gamit	 ang isang	 graphic	 organizer	 at	 itala	 sa	 kahon	 ang	 mga	
mahahalagang	kaalaman	ukol	dito.
Akdang	
Tuluyan
Epiko
Pabula
Alamat Kuwento
DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE
Mangagoy, Bislig City
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
ELMER A.TARIPE
Instructor
Pagpapahalaga
Paano	ninyo	napapahalagahan	ang	naging	impluwensiya	ng	panitikan	sa	buhay,kaisipan	at	ugaliin	
ng	tao?
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________.	
Rubrik	sa	pagtatasa	ng	isinulat	na mga pahayag
Mayaman	sa	nasaliksik	na	impormasyon				 20%
Malinaw	ang	pagtatalakay	at	paghahanay	ng	mga	kaisipan	 15%
Tama	ang	gamit	ng	bantas,baybay	at	kapitalisasyon 10%
Nakawiwiling	basahin 5%
________________________
Kabuuan 50	%
41-50-Lubhang	kasi-siya	ang	husay	sa	pagsulat
31-40-Kasi-siya	ang	husay	sa	pagsulat
16-30-Katamtaman	ang	husay	sa	pagsulat
0-15-Kailangan	pang	pagbutihin
Mga	Sanggunian
Sauco,	Consolacion	P.,	Nenita	P.	Papa,	at	Jeriny	R.	Geronimo.	Panitikan	ng	Pilipinas.
The	New	Book	of	Knowledge	(Ang	Bagong	Aklat	ng	Kaalaman),	nasa	wikang	Ingles,	Grolier	Incorporated,	
1977,	ISBN	0-7172-
Rivera,Crisanto,Panitikang	Pambata,Rex	Book	Store
http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935
http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-na-sanaysay
Websayt	 ng	 PANITIKAN.com.ph	 – sityo	 ng	 National	 Commission	 on	 Culture	 and	 the	 Arts,	 Likhaan	
Foundation,	Inc.,	at	LIKHAAN:	The	UP	Institute	of	Creative	Writing.

More Related Content

What's hot

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7Wimabelle Banawa
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawCool Kid
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanJenita Guinoo
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanKedamien Riley
 
106302360 uri-ng-tulang-patnigan
106302360 uri-ng-tulang-patnigan106302360 uri-ng-tulang-patnigan
106302360 uri-ng-tulang-patniganByng Sumague
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayanJocelle
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikanSCPS
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoeijrem
 
Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7
Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7
Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7Mary Elieza Bentuzal
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoMckoi M
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogEumar Jane Yapac
 

What's hot (20)

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PABULA Baitang 7
 
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklawPagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
Pagmamalabis, Pagpapalit-tawag, Pagpapalit-saklaw
 
Mga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalanMga dulang pantanghalan
Mga dulang pantanghalan
 
Ang maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikanAng maikling kwento panitikan
Ang maikling kwento panitikan
 
Maikling Kwento
Maikling KwentoMaikling Kwento
Maikling Kwento
 
106302360 uri-ng-tulang-patnigan
106302360 uri-ng-tulang-patnigan106302360 uri-ng-tulang-patnigan
106302360 uri-ng-tulang-patnigan
 
Parabula
ParabulaParabula
Parabula
 
Kwentong bayan
Kwentong bayanKwentong bayan
Kwentong bayan
 
Uri ng panitikan
Uri ng panitikanUri ng panitikan
Uri ng panitikan
 
Epiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nitoEpiko at ang mga elemento nito
Epiko at ang mga elemento nito
 
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang PangtanghalanUri Ng Dulang Pangtanghalan
Uri Ng Dulang Pangtanghalan
 
Pabula.pptx
Pabula.pptxPabula.pptx
Pabula.pptx
 
Panitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyanPanitikan sa kasalukuyan
Panitikan sa kasalukuyan
 
Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7
Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7
Mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad grade 7
 
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang FilipinoAng Sampung Natatanging Nobelang Filipino
Ang Sampung Natatanging Nobelang Filipino
 
Uri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalogUri ng tula o tulang tagalog
Uri ng tula o tulang tagalog
 
WEEK 4 SUNDIATA.pptx
WEEK 4 SUNDIATA.pptxWEEK 4 SUNDIATA.pptx
WEEK 4 SUNDIATA.pptx
 
Awit
AwitAwit
Awit
 
Karagatan
KaragatanKaragatan
Karagatan
 
Mga sinaunang dula
Mga sinaunang dulaMga sinaunang dula
Mga sinaunang dula
 

Similar to Pp1

Panitikan.pptx
Panitikan.pptxPanitikan.pptx
Panitikan.pptxUnoZalatar
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAmarianolouella
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMariecrisBarayugaDul
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxArielAsa
 
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxDannicaGraceBanilad1
 
Teoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdfTeoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdfRomielyn Beran
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayBonJovi13
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOSamar State university
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxMaryJaneCabides
 
Aralin 1.1 elemento ng kuwento.pptx
Aralin 1.1 elemento ng kuwento.pptxAralin 1.1 elemento ng kuwento.pptx
Aralin 1.1 elemento ng kuwento.pptxRhanielaCelebran
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9ConchitinaAbdula2
 
pdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.ppt
pdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.pptpdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.ppt
pdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.pptEinneMiyuki
 
filipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterfilipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterpacnisjezreel
 

Similar to Pp1 (20)

Filipino 10
Filipino 10Filipino 10
Filipino 10
 
PANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptxPANITIKAN.pptx
PANITIKAN.pptx
 
Panitikan.pptx
Panitikan.pptxPanitikan.pptx
Panitikan.pptx
 
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWAPANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
PANITIKAN - KAHULUGAN, MGA URI AT MGA HALIMBAWA
 
Sanaysay
SanaysaySanaysay
Sanaysay
 
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptxMaikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
Maikling Kwento at Nobelang Filipino.pptx
 
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptxFIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
FIL-2-Pagtalakay-sa-Panitikan.pptx
 
Ang
AngAng
Ang
 
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptxSp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
Sp. Cont 110 Pagtuturo ng Panitikan sa Elem.pptx
 
Teoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdfTeoryang Pormalistikopdf.pdf
Teoryang Pormalistikopdf.pdf
 
Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)Modyul 1 (powerpoint)
Modyul 1 (powerpoint)
 
Panitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling PagtalakayPanitikan: Muling Pagtalakay
Panitikan: Muling Pagtalakay
 
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINOYUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
YUNIT 1 : YAMAN NG KULTURA AT PANITIKANG PILIPINO
 
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptxFILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
FILIPINO MODULE-1 ARCHITECTURE FIVE.pptx
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Aralin 1.1 elemento ng kuwento.pptx
Aralin 1.1 elemento ng kuwento.pptxAralin 1.1 elemento ng kuwento.pptx
Aralin 1.1 elemento ng kuwento.pptx
 
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
NOBELA at Debate, Aralin para sa Baitang 9
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
pdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.ppt
pdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.pptpdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.ppt
pdfslide.tips_ppt-mga-teoryang-pampanitikan.ppt
 
filipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarterfilipino 10 modules compilation third quarter
filipino 10 modules compilation third quarter
 

More from ElmerTaripe

Chapter 1..Life of Jose Rizal
Chapter 1..Life of Jose RizalChapter 1..Life of Jose Rizal
Chapter 1..Life of Jose RizalElmerTaripe
 
Hudyat ng sanhi at bunga
Hudyat ng sanhi at bungaHudyat ng sanhi at bunga
Hudyat ng sanhi at bungaElmerTaripe
 
1.karunungang bayan
1.karunungang bayan1.karunungang bayan
1.karunungang bayanElmerTaripe
 
Pelikulang hinggil sa Modernisasyon
Pelikulang hinggil sa ModernisasyonPelikulang hinggil sa Modernisasyon
Pelikulang hinggil sa ModernisasyonElmerTaripe
 
Teknolohiya at-modernisasyon
Teknolohiya at-modernisasyonTeknolohiya at-modernisasyon
Teknolohiya at-modernisasyonElmerTaripe
 
Isyu ng Kasarian at Lipunan
Isyu ng Kasarian at LipunanIsyu ng Kasarian at Lipunan
Isyu ng Kasarian at LipunanElmerTaripe
 
Klase ng pelikula
Klase ng pelikulaKlase ng pelikula
Klase ng pelikulaElmerTaripe
 
pelikulang panlipunan
pelikulang panlipunanpelikulang panlipunan
pelikulang panlipunanElmerTaripe
 
Debelopment ng wika
Debelopment ng wikaDebelopment ng wika
Debelopment ng wikaElmerTaripe
 
subject and content
subject and contentsubject and content
subject and contentElmerTaripe
 
art appreciation
art appreciationart appreciation
art appreciationElmerTaripe
 

More from ElmerTaripe (17)

Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
Chapter 1..Life of Jose Rizal
Chapter 1..Life of Jose RizalChapter 1..Life of Jose Rizal
Chapter 1..Life of Jose Rizal
 
Hudyat ng sanhi at bunga
Hudyat ng sanhi at bungaHudyat ng sanhi at bunga
Hudyat ng sanhi at bunga
 
Alamat g-8
Alamat g-8Alamat g-8
Alamat g-8
 
1.karunungang bayan
1.karunungang bayan1.karunungang bayan
1.karunungang bayan
 
Pelikulang hinggil sa Modernisasyon
Pelikulang hinggil sa ModernisasyonPelikulang hinggil sa Modernisasyon
Pelikulang hinggil sa Modernisasyon
 
Art1-
Art1-Art1-
Art1-
 
sining
siningsining
sining
 
Teknolohiya at-modernisasyon
Teknolohiya at-modernisasyonTeknolohiya at-modernisasyon
Teknolohiya at-modernisasyon
 
Isyu ng Kasarian at Lipunan
Isyu ng Kasarian at LipunanIsyu ng Kasarian at Lipunan
Isyu ng Kasarian at Lipunan
 
Klase ng pelikula
Klase ng pelikulaKlase ng pelikula
Klase ng pelikula
 
pelikulang panlipunan
pelikulang panlipunanpelikulang panlipunan
pelikulang panlipunan
 
Uri ng pagbasa
Uri ng pagbasaUri ng pagbasa
Uri ng pagbasa
 
Debelopment ng wika
Debelopment ng wikaDebelopment ng wika
Debelopment ng wika
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
subject and content
subject and contentsubject and content
subject and content
 
art appreciation
art appreciationart appreciation
art appreciation
 

Recently uploaded

Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikanJohairaAcot
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxdhanjurrannsibayan2
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...john mark calimpusan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipinodandemetrio26
 

Recently uploaded (20)

Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikanPagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa  panitikan
Pagsusuri-sa-awit-Presentasyon.pptx Mga teorya sa panitikan
 
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptxBook Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
Book Review Scrapbook · SlidesMania (2).pptx
 
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in FilipinoFILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
FILIPINO 5 WEEK 8 DAY 1.pptx- powerpoint in Filipino
 

Pp1

  • 1. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor Bilang ng Modyul 1 Pamagat ng Modyul Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas Bilang ng Oras APAT NA ORAS Linggo 1 Petsa Aug. 24-28, 2020 Paksa: 1. Ang Panitikan 2. Ang Anyo ng Panitikan 3. Ang Kahalagahan ng Panitikan Layunin: 1. Nalalaman ang katuturan ng panitikan sa iba`t ibang pananaw. 2. Nakapaghambing sa panitikan noon at ngayon. Introduksyon Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan TALAKAYAN Panitikan Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin na litterana nangunguhulugang titik. Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa-gawa lamang para sa isang layunin. Ayon ka Hino,Azarias sa kanyang aklat na Pilosopia ng Literatura,ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha.Ang paraan ng pagpapahayag ay inaayos sa iba`t ibang niyang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa,na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot ,ligaya o lungkot,pag-asa o pangamba. Maria Ramos- kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga pahayag. - lumilinang ng nasyonalismo - nag-iingat ng karanasan , tradisyon - at kagandahan ng kultura
  • 2. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor Atienza, Ramos, Zalazar at Nozal na "Panitikang Pilipino"- ang tunay na panitikan ay walang kamatayan nagpapahayag ng damdamin ng tao blang ganti niya sa kanyang pang-araw-araw na pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang kapaligiran Anyo ng Pantikan Ang dalawang anyo ng panitikan ay tuluyan at patula. Tuluyan (prosa) - maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. Patula - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang ng pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma- tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong. Mga akdang tuluyan Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao. Halimbawa Ang Munting Gamu-Gamo--- Ina, Anak, Ilawan Ang Inang gamu-gamo Ang mapagmahal na Inang gamu-gamo Ang lumang ilawan Hahabiin ang tama Ang matanglang na lumang ilawan Pagmamahal sa kanyang anak Kariktang nagliliwanag Ang anak na gamu-gamo Kariktang napakaini Ang masayahing gamu-gamo Hahanapin ang kalayaan Gigisingin ang kamalayan Nobela - o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
  • 3. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata - maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan. Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Parabula- o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos. Maikling kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento." Dula - isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Sanaysay- isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda. Talambuhay- isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon. Mga akdang patula Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
  • 4. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor Awit at Korido - Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bahaging pang-tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumutugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko. Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag ng mga tula. Epiko- uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko. Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandiwa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani. May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit. Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin. Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa: 1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. 2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. 3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan. Salawikain - Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan. Bugtong - Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
  • 5. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata. Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng lugar sa bansa. Tanaga- Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod. Mga Akdang Pampanitikan Na Nagdala Ng Malaking Impluwensiya Sa Buong Daigdig Kung ang klima,Gawain,kinatitirahan.lipunan at pulitiko,relihiyon at edukasyon ay may impluwensiya sa anyo,hangarin at laman ng panitikan,ang panitikan naman ay may dalang impluwensiya sa buhay,kaisipan at ugaliin ng tao sa dalawang kalgayan. 1. Bibliya o Banal na Kasulatan- naging batayan ng pananampalataya ng mga Kristiyano. 2. Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal na aklat ng mga Muslim. 3. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos- nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na paglaganap ng demokrasya. 4. Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya- kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya. 5. Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon. 6. Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles. 7. Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at kalinangang Intsik. 8. Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at Persya. 9. El Cid Compeador- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila. 10. Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya, napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya. 11. Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan ng Ehipto. 12. Mahabharata- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na tumatalakay sa pananampalataya sa India Kahalagahan ng Panitikan 1. Nalalaman ang minanang yaman ng kaisipan at katlinuhang taglay na ating pinagmulan. 2. Ipinapakilala ang mga ibat-ibang tradisyon na nagsisilbing gabay mula sa mga impluwensya ng ibang kabihasnan na nagnggaling sa mga karatig bansa. 3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto ang mga ito. 4. Upang higit na mapaunlad ang mga kasanayan sa pagsulat at ipagpatuloy hanggang sa susunod na lahi. 5. Ipakilala sa mga kapwa Pilipino ang pagmamahal at pagmamalasakit sa sariling kultura, wika at panitikan. Mga bahagi ng panitikang Pilipino Bilang patnubay sa pag-aaral,ang Panitikang Filipino ay inihahayag sa aklat na ito sa pamamagitan ng pagbabahaging kaugnay ng mga pagbabagong pampulitika`t pangkabuhayan sa ting bayan. Katutubong panitikan
  • 6. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor 1. Katutubong Panitikan-mula sa kamula-mulang panahon hanggang sa pananakop na ginawa ni Legaspi noong 1565. 2. Panitikan sa ilalim ng krus at espada mula noong 1565 hanggang sa pag-aalsa sa Kabite noong 1872,nang bitayin ang tatlong paring Pilipino na sina Burgos,Gomez at Zamora. 3. Panitikan sa pagkagising ng damdaming makabayan-mula noong 1872 hanggang 1896. 4. Panitikan ng paghihimagsik at at patuloy na pakikipaglaban mula noong 1896 hanggang sa pananakop ng Amerika. 5. Panitikan sa ilalim ng amerika at malasariling pamahalaan mula 1910 hanggang 1941. 6. Panitikan sa panahon ng mabilis na pagbabago pananakop ng mga Hapon (1941-1945) pagkakatatag ng Republika(1945) hanggang sa kasalukuyan (1987) Mga Gawain Pagtiyak sa Kaalaman Bumuo ng mga salitang maglalarawan o magpapaliwanag sa salitang PANITIKAN.Angkupan ang bawat titik ng pangungusap na tutugon sa hinihingi ng gawain. P A N I T I K A N Pagsusuri Nakapagbigay ng opinyon gamit ang isang graphic organizer at itala sa kahon ang mga mahahalagang kaalaman ukol dito. Akdang Tuluyan Epiko Pabula Alamat Kuwento
  • 7. DE LA SALLE JOHN BOSCO COLLEGE Mangagoy, Bislig City COLLEGE OF TEACHER EDUCATION ELMER A.TARIPE Instructor Pagpapahalaga Paano ninyo napapahalagahan ang naging impluwensiya ng panitikan sa buhay,kaisipan at ugaliin ng tao? _________________________________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________. Rubrik sa pagtatasa ng isinulat na mga pahayag Mayaman sa nasaliksik na impormasyon 20% Malinaw ang pagtatalakay at paghahanay ng mga kaisipan 15% Tama ang gamit ng bantas,baybay at kapitalisasyon 10% Nakawiwiling basahin 5% ________________________ Kabuuan 50 % 41-50-Lubhang kasi-siya ang husay sa pagsulat 31-40-Kasi-siya ang husay sa pagsulat 16-30-Katamtaman ang husay sa pagsulat 0-15-Kailangan pang pagbutihin Mga Sanggunian Sauco, Consolacion P., Nenita P. Papa, at Jeriny R. Geronimo. Panitikan ng Pilipinas. The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172- Rivera,Crisanto,Panitikang Pambata,Rex Book Store http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935 http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-na-sanaysay Websayt ng PANITIKAN.com.ph – sityo ng National Commission on Culture and the Arts, Likhaan Foundation, Inc., at LIKHAAN: The UP Institute of Creative Writing.