2. ALAMAT
• Isang uri ng panitikan na naglalaman ng
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay
ito ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga
tao at pook. Tumatalakay din ito sa mga
katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran. Ito
ay kadalasang mga kathang-isip na nagpasalin-
salin buhat sa ating mga ninuno.
8. Saglit na kasiglahan
•Ito ay naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang
masasangkot sa suliranin.
9. Tunggalian
•Ito naman ang bahaging nagsasaad sa
pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan laban sa mga
suliraning kakaharapin na minsan ay sa
sarili, sa kapwa, o sa kalikasan.
10. Kasukdulan
•Ito ang pinakamadulang bahagi
kung saan maaaring makamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
11. Kakalasan
•Ito ang bahaging nagpapakita ng
unti-unting pagbaba ng takbo ng
kwento mula sa maigting na
pangyayari sa kasukdulan
12. Katapusan
•Ito ang bahaging maglalahad ng
magiging resolusyon ng kwento.
Maaaring masaya o malungkot,
pagkatalo o pagkapanalo.
13. Tema
•Ito ay ang nilalaman ng kwento o kung
saan tungkol o hango ang kwento. Ito din
ang pangkalahatang kaisipan na nais
palutangin ng may-akda ng kwento upang
mas maintindihan ng manunuod o
mambabasa. Dito din nabubuo ang
kaisipan ng manonood.