Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Ang Proseso sa Paghahanda ng Papel na Pananaliksik.ppt
1. Mga Kasanayan sa
Pananaliksik
Pakikinig Pagbubuod
Pagbabasa Paglutas ng suliranin
Pag-oorganisa Pagsusuri
Pag-iimbestiga Sintesis
Pagbeberipika Obserbasyon
Pagsasalita Pagkaklasipika
Pakikipanayam
2. Uri ng Pananaliksik
1. Emperikal o mala-siyentipiko/basic
research – Nangangailangan ng malalim na
pagsusuri ng mga ebidensya at paktuwal
na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat,
naihahambing at natutuos upang makita
ang relasyon ng hypothesis sa panukalang
tesis na isang trabahong siyentipiko.
3. 2. action research - ginagamit para makahanap
ng solusyon sa mga espisipikong problema o
masagot ang espisipikong mga tanong.
4. 3. Applied Research – Gumagamit ng
sopistikasyon(komplikado), sapagkat ito’y
kalkulasyon at estadistika. Karaniwang ito’y
bunga ng madaliang pagsasagawa ayon sa
hinihingi ng panahon. Ang isang magaling
na halimbawa nito’y sa panahon ng
eleksiyon. Gumagamit ito ng prediksyon na
nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta
ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang
mabisang resulta nito ay depende sa
sarbey at sa napiling sampling.
5. Mga Paraan ng Pananaliksik
A. Palarawan (Descriptive Method) – Ito’y
idinisenyo para sa mananaliksik tungkol sa
isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag
ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik
ay isang imbestigasyon na naglalarawan at
nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay
o paksa.
6. Ito’y may kinalaman sa mga kondisyon ng
mga ugnayang nagaganap, mga gawaing
umiiral, mga paniniwala at prosesong
nagaganap, mga epektong nararamdaman
o mga kalakarang nilinang.
Uri ng Palarawang Paraan
1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang
paraang ito’y detalyadong pag-aaral
tungkolsa isang tao o yunit sa loob ng sapat
na panahon.
7. 2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-
aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral
na pangyayari nang hindi nagtatanong kung
bakit ganoon o ganito ang isang bagay,
paksa o pangyayari.
Lawak ng Sarbey
2.1. Sensus – isang sarbey na
sumasaklaw sa buong target na
populasyon
2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng
populasyon.
8. 3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa
paraang debelopmental, nagtatakda at
kumukuha ng mapanghahawakang
impormasyon tungkol sa pangkat ng mga
tao sa loob ng mahabang panahon
9. Dalawalang Teknik na Ginagamit sa
Pagsasagawa ng Pananaliksik na
Debelopmental
3.1. Longitudinal o Mahabang Panahong
Paraan – Sa paraang ito, pinag-aaralan ang
parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng
mahabang panahon.
3.2. Kros-Seksyunal na Paraan – (Cross-
Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral
ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at
iba pang mga katangian sa parehong panahon.
10. 4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up
Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig
namasubaybayan ang isang payak na
kondisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay
kailangan kung ibig tiyakin ang maaaring
bunga ng isang pag-aaral
Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung
ang Pre-School Education ay nakabubuti sa
mga bata sa mga asignaturang tulad ng wika,
agham at matematika.
11. 5.Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary
Analysis) Nangangailangan ng pagkalap ng
imporrmasyon sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga
nasusulat na rekord at mga dokumento upang
malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan
ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng
nilalaman. (content analysis)
6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay
isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na
tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit
na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong
umiiral sa kasalukuyan.
12. 7.Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational
Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na
idinisenyo para alamin ang iba’t ibang baryabol
na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa
sa target na populasyon.
B.Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay
(1976) na ito lamang ang paraan ng
pananaliksik na tunay na makasusubok sa
palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang
sanhi at bunga.
13. Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang
eksperimento ay kadalasang itinuturing na
pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para
subukin ang mga palagay o hypothesis. Ibinigay ni
Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:
1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.
2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba
malayang baryabol ay walang pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang
baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan
o pinag-aaralan at sinusulat.
14. Ang Proseso sa
Paghahanda ng Papel na
Pananaliksik
Lydia B. Liwanag, Ph. D.
Pamantasang Normal ng Pilipinas
15. Ano ang wika?
Sa pakahulugang teknikal, ang wika ay
isang set ng sistema ng mga tunog at
simbulo na arbitraryo o/at kunbensyunal
na kasangkapan sa komunikasyon.
• Makakuha ng mga kinakailangang impormasyon
o datos na makatutulong sa epektibong
pagkatuto ng mga estudyante at sa pagtuturo ng
mga propesor.
16. • Makita ang kahihinatnan ng ginagawa
ng mga estudyante at propesor o
administrator sa silid-aralan tulad ng
istilo ng pag-aaral ng mga estudyante,
mga ginagamait na istratehiya o
pamaraan ng mga propesor, programa
o kurikulum sa mga kolehiyo, mga
kagamitang panturo.
17. • Mabigyang solusyon ang mga
kinakaharap na problema sa pagkatuto
at pagtuturo tulad ng:
o angkop na mga kagamitang panturo;
o kawalang interes ng mag-aaral o kahinaan sa
mga kasanayan;
o kahandaan ng mga propesor/guro sa
nilalaman ng kursong ituturo; at
o pammahala sa mga programa.
18. • Mataya ang mga bagong programa,
silabus at kagamitan.
• Mapatunayan o mapasubalian ang
mga estabilisado nang simulain, teorya
o mga kalakasan sa pagkatuto at
pagtuturo..
19. Mga Tanong na Tataya sa
Kahalagahan ng Paksa ng
Pananaliksik
Bago magsimula sa pananaliksik sa naiiisip na
paksa, mabuting itanong muna ang mga
sumusunod na tanong:
• Makapagdaragdag ba ito ng kaalaman o
impormasyon sa disiplina?
• Mapauunlad o mapagbabago ba nito ang dating
mga ginagawa o sinusunod na mga pamaraan,
mga kagamitan, istilo ng pag-aaral atb?
• Mapauunlad ba nito ang kalagayang pantao o
panlipunan?
29. Uri ng Pananaliksik
1. Emperikal o mala-siyentipiko/basic
research – Nangangailangan ng malalim na
pagsusuri ng mga ebidensya at paktuwal
na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat,
naihahambing at natutuos upang makita
ang relasyon ng hypothesis sa panukalang
tesis na isang trabahong siyentipiko.
30. 2. action research - ginagamit para makahanap
ng solusyon sa mga espisipikong problema o
masagot ang espisipikong mga tanong.
31. 3. Applied Research – Gumagamit ng
sopistikasyon(komplikado), sapagkat ito’y
kalkulasyon at estadistika. Karaniwang ito’y
bunga ng madaliang pagsasagawa ayon sa
hinihingi ng panahon. Ang isang magaling
na halimbawa nito’y sa panahon ng
eleksiyon. Gumagamit ito ng prediksyon na
nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta
ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang
mabisang resulta nito ay depende sa
sarbey at sa napiling sampling.
33. Pagpili ng Paksa/Problema ng
Pananaliksik
• Ang paksa ng pananaliksik ay isang problema
na nais saliksikin. Ang paksa o problema ay
dapat na nagtaglay ng sumusunod na
katangian:
1. Napapanahon at nauugnay sa mga isyu sa kasalukuyan
2. Maisasagawa at may kahihinatnan
3. Mahalaga sa mga taong pokus ng pananaliksik
4. Nababago at orihinal
5. Natatapos sa takdang panahon
34. Pagbabasa at Pagsusuri ng
mga Kaugnay na Literatura
Mahalaga ang bahaging ito na magbibigay ng mga
kaalaman sa gagawing pananaliksik. Anu-ano ang
dapat basahin bago isagawa ang pananaliksik?
• Magbasa at magsuri ng mga ginawa nang pananaliksik sa
paksa o kaugnay nito.
• Magbasa ng mga aklat na nauukol sa mga teorya o simulain
ng gagawing pananaliksik.
• Mag-analisa ng mga datos na mapagbabatayan ng
pananaliksik.
35. Pagpili ng Istratehiya sa
Pananaliksik at Pagdebelop ng
Instrumento
• Ang paksa o problema ang magdidikta sa
istratehiya o metodolohiya na gagamitin.
• Ang piniling metodo ang magiging batayan ng
mga detalye o disenyo ng gagawing pag-aaral
• Ang mananaliksik ang siyang magdedesisyon
kung anong metodo ang gagamitin, kwantitibo o
kwalitatibo.
36. • Ang pagpili ng instrumento ay naaayon sa
problema at metodo.
• Ang mga instrumento ay maaaring gawin
o ihanda tulad ng talatanungan, iskala ng
atityud, mga pagsusulit, patnubay sa
interbyu, atb. May mga instrumento na
ginamit na sa naunang pananaliksik na
maaari ring gamitin.
37. Ang mga instrumento ay dapat magkaroon
ng mga aytem na sasagot sa mga
problema o tanong sa pag-aaral. Ipataya
rin ang mga intrumento o itry-out para
maging balido at mapananaligan.
38. Pangangalap at Pagsusuri ng
Datos
• Pangangalap ng Datos – ito ay binubuo
ng pagbibigay ng mga instrumento,
pangongolekta at interbyu. Dito rin
ginagawa ang pagtatala o pagrerekord.
39. • Analisis ng Datos – dito ginagamit ang
statistics na ayon sa problema ng pananaliksik.
Halimbawa:
Deskriptibong pananaliksik – mean,
percentage
Inferential na pananaliksik – t-test,
pearson,
product moment correlation,
ANOVA
May mga statistical packages na maaaring gamitin na
ngayon tulad ng SPSS, Stat pack atb.
40. • Ang mga resulta ng analisis ng mga datos
ay dapat na maayos na mailahad nang
walang bias o pagkiling sa parte ng
mananaliksik. Ito ay dapat ginagabayan ng
mga simulain o teorya mula sa mga
binasang literatura at ang mga
napatunayan ng mananaliksik sa
pananaliksik
41. Pag-uulat ng Resulta
• Iuulat ang mga hakbang na isinagawa,
mga kinalabasan ng pag-aaral,
konklusyon at rekomendasyon sa malinaw
na paraan na maiintindihan ng mga
babasa.
43. Narito ang mga bahagi na
mahalaga sa pagsulat ng
pananaliksik:
44. Kabanata 1: Ang Problema at ang
Kaligiran Nito
1.1 Introduksyon – Ito ay dapat na may
kasamang paglalarawan o
pagpapaliwanag sa kaligiran o
background ng problema (anu-anong
mga salik o factors ang naging
dahilan upang ito ay maging
problema) at ng rasyunal o
pagpapatibay na kailangan nga nito
ang pag-aaral.
45. 1.2 Konseptwal na Balangkas – mga
konspeto o teorya na pinagbatayan ng
pag-aaral.
1.3 Paglalahad ng Problema – ang mga
suliranin ng pag-aaral ay karaniwang
ibinibigay nang patanong o kaya ay sa
pahayag na paraan. Dapat malinaw na
ipakita ang isang panlahatang problema
at mga tatlong tiyak na problema
46. 1.4 Kahalagahan ng Pag-aaral
Para kanino makatutulong ang
pag-aaral?
1.5 Lawak at Delimitasyon ng Pag-
aaral – Ano ang sakop nito?
1.6 Mga Kahulugan ng Termino –
Lahat ng mahalagang termino na
nasa suliranin ay dapat bigyang
kahulugan.
47. Tatlo ang paraan ng pagbibigay-kahulugan
o paliwanag sa termino.
1. Kahulugan na galing sa diksyunaryo
(Constitutive Definition o Dictionary
Approach)
2. Pagbibigay ng halimbawa upang malinaw
na maipaliwanag ang salita (by example)
3. Pagbibigay ng mga paliwanag ayon sa
ginawa sa pananaliksik o ayon sa mga
operasyon o proseso na nagbigay-
kahulugan sa termino. (operational
definition)
48. Kabanata 2 – Mga Kaugnay na
Literatura at Pag-aaral
2.1. Pagbabasa ng mga Kaugnay na Literatura – ang
mga pag-aaral na kaugnay ng problema ng pnanaliksik
ay dapat mabasa at mailahad ang resulta, gayundin
ang pagkakatulad at pagkakaiba sa ginagawang pag-
aaral. Ang mga binasang literatura ang siya namang
magbibigay liwanag sa mga bagay na alam na tungkol
sa problema at siyang magpapakita kung bakit ang
pag-aaral ay pagpapalawak o extension ng dating
kaalaman. Ito rin ang pagbabatayan ng konseptwal na
balangkas ng pag-aaral.
2.2 Pagbabasa ng mga Kaugnay na Pag-aaral
49. Kabanata 3 – Pamamaraan o Metodolohiya
3.1 Kasali o Sabjek ng Pag-aaral – Ang mga
sabjek na gagamitin sa pag-aaral ay dapat
tiyakin at ang pangkat o populasyon na
kinabibilangan ng mga ito. Ang paraan ng
pagpili ay dapat ding ilahad o ilarawan.
3.2 Intrumento ng Pananaliksik – Lahat ng
instrumento na gagamitin sa pagkuha ng
datos mula sa mga sabjek ay ipaliwanag nang
detalyado at ibigay ang rasyunal sa paggamit
ng mga ito
50. 3.3 Pamaraan o Pagsasagawa ng Pag-aaral –
Ang aktwal na mga hakbang na gagawin sa
pag-aaral (ano, kailan, saan, paano, at para
kanino) mula sa simula hanggang sa huli ay
dapat na ilahad nang detalyado. Ang mga
materyales na gagamitin ay ilalahad din. Ang
metodolohiya o desenyo (survey, experiment)
na gagamitin ay ilahad rin. Karagdagan nito,
ang mga posibleng pagkakaroon ng bias o
pagkiling sa ilang baryabol ay dapat ng tukuyin
at ipaliwanag kung paano ang mga ito
maiiwasan o makokontrol. Dito rin ipaliwanag
ang statistics na gagamitin.
51. 3.4 Pag-aanalisa ng Datos - Dito
ipinaliliwanag o inilalahad kung paano
sinuri o inanalisa ang mga datos, at ang
mga teknik na ginamit
52. Kabanata 4 – Paglalahad
ng Resulta ng
Pananaliksik
Ilalahad ang mga kinalabasan o resulta
ayon sa mga tanong na inilahad sa suliranin.
Ipakita rito ang mga grap, tsart o resulta ng
interbyu.
53. Kabanata 5 – Lagom,
Konklusyon at Rekomendasyon
5.1 Lagom ng mga hakbang na ginawa sa pag-
aaral
5.2 Konklusyon – ayon sa kinalabasan ng pag-
aaral
5.3 Rekomendasyon – Mga mungkahi batay sa
resulta ng pag-aaral
55. • Paksa na Ayon sa Disiplina
– Mga Mag-aaral sa Edukasyon
Mga Istratehiya sa Pagtuturo ng Guro na Epektibo
May Atityud at Saloobin ng mga Mag-aaral sa
Pagkuha ng Edukasyon
Anu-ano ang mga katangian ng isang epektibong
guro?
Anu-ano ang mga paraan o istilo sa pag-aaral ng
mga mag-aaral?
Ano ang profayl ng mga mag-aaral na kumukuha
ng edukasyon?
Uri ng Pananaliksik: Survey
Research
56. • Ano ang lebel ng literasi o kaalaman ng
mga mag-aaral sa larangan ng bisnes?
(financial literacy)
• Anu-ano ang mga karaniwang
hanapbuhay ng mga tao sa lugar at
bakit?
• Paano nagtatagumpay ang mga tao sa
isang hanapbuhay?
Mga Mag-aaral sa Business
Administration
57. • Ano ang larangan sa inhinyerya ang
pinipili ng mga mag-aaral at bakit?
• Ano ang larangan sa inihinyerya ang
angkop sa pangangailangan ng bansa o
pamayanan?
• Patunayan ang isang teorya na pinag-
aralan.
Mga Mag-aaral sa
Engineering
58. • Sarbey sa saloobin ng mga magsasaka sa
paggamit ng makabagong teknolohiya sa
pagsasaka.
• Kahalagahan ng agrikultura sa bansa
• Mga Isyu o Problema ng mga magsasaka sa
bansa
• Paghahambing ng mga paraan ng pagsasaka
at pangingisda
Agrikultura
59. • Lebel ng kasanayan sa komunikasyon
ng mga mag-aaral
• Glosaryo ng mga Termino sa HRM ayon
sa paksa Hal. Mga Kagamitan, Mga
Menu o Pagkain
• Handbook sa mga proseso,
pagsasagawa ng mga gawain sa HRM
HRM
60. • Mga Istilo sa Pag-aaral ng mga mag-
aaral
• Mga Kasanayan sa Kritikal na Pagbasa
• Pagtataya sa Kasanayan sa Pagsulat
• Sarbey sa Pagpili ng Kurso/Disiplina
• Profile ng mga mag-aaral sa bawat kurso
Mga Paksa para sa
Lahat ng Disiplina
61. Sa isang maayos at may sistemang
pananaliksik mahalaga na ang
mananaliksik ay malawak ang kaalaman
sa paksa ng pananaliksik. Kung ilalarawan
ito sa isang tiyak na dimensiyon,
sinisimbolo ito ng isang baligtad na
pyramid.
62. Teorya, simulain, pananaw ng mga
naunang nagsaliksik, awtor
Mga karanasan ng iba at sarili
Tiyak na paksa o problema
63. Nasa malaking bahagi ang kabuuang
kaalaman at mga pundasyon na kailangan
munang maunawaan ng mananaliksik
tungo sa tiyak na paksa o problema. Dito
rin nabubuo ang batayang-konseptwal
(conceptual / theoretical framework) ng
pag-aaral. Kung walang mga pagbabasa
na gagawin tungkol sa paksa at mga
kaugnay na literatura nito, walang matibay
na batayan ang pag-aaral.
64. Sanggunian:
• Fraenkel, Jack R. and Wallen, Norman E.
1993. How to Design and Evaluate
Research in Education. McGraw-Hill Inc.
New York, USA.
• Liwanag, Lydia B. 2002. Ang Proseso ng
Pananaliksik at Pagsulat ng Tesis. PNU
• Nava, Lolita H. 2007. Understanding the
Research Process: A Guide in Research
Paper Preparation. Lecture. PNU